logo text

AFTER EVERYTHING

Cypher's POV
I smiled with the sight of Denise and Sumi smiling to each other. Nabalitaan ko mula kay Amethyst na maayos na ang lagay ni Sumi, and I'll be thanking God for that, dahil hindi niya ito pinabayaan. I maybe a sinner, but my friends aren't. They deserve the world more than I deserve it.
Mula sa maliit na bubog ng pintuan kung saan ako nagtatago upang hindi ako makita ni Denise ay bahagya kong natanaw ang pigura ni Amethyst na nakaupo sa isang plastic chair katabi ng higaan ni Sumi, habang si Denise naman ay nasa kabilang bahagi ng higaan.
Nagkatinginan kami ni Amethyst nang bahagya siyang napalingon sa aking direksyon. Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo. Bahagya niyang kinausap si Denise na hindi ko naman narinig. Gumilid na ako sa pintuan nang nakita kong binuksan niya ito.
“Why don't you come in?” I smiled bitterly.
“Makikita ako ni Denise.”
“Ayaw mong makita ka niya?” Umiling ako sa kaniyang tanong.
“It's better this way.” Napabuntong-hininga ako pagkatapos, bahagya namang naglakad ng ilang hakbang si Amethyst kaya sumunod ako sa kaniya.
“She's worried. She wants to see you, Cypher.” Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa may hagdanan. We stopped there for a bit.
“Tell her I'm fine. Hindi na niya ako ka-kailanganin pa. Hindi ka naman na siguro aalis pa sa tabi niya, hindi ba?” She remained silent with my question, nakikita ko sa mga mata niya ang paghahanap ng sagot.
“Delikado ako para sa kaniya, Cypher,” wika niya, nababakas ko ang hirap sa kaniyang boses nang sabihin niya iyon.
“And so am I.” She looked at me with full of worried in her eyes. Napalingon ako sa malaking glass window sa aking gilid, kung saan kitang-kita ko ang mga nagtataasang mga establishemento. “But you can protect her more than I can. You're always telling me that you chose this life in order to protect her, pero kayang-kaya mo pang mabuhay nang normal, Amethyst.”
“Cypher, that's not how it wor—”
“That's not how it works kung buhay ko ang pag-uusapan.” Ang pag-aalala na nakaguhit sa kaniyang mukha ay napalitan ng pagtataka.
“What do you mean? Hindi kita maintindihan.”
“Puwede kang magbagong buhay para sa kaniya.” And there I said it, pero mas lalo lang yatang nadagdagan ang pagtataka sa kaniyang sistema.
“And you're telling me these because you can't live a normal life? We're just the same, Cy—”
“Hindi.” Bumaling ako sa kaniyang direksyon. Napansin ko ang bahagya niyang pagkahinto nang nasalubong niya ang malalamig kong mga tingin. “We're not the same. Magkaibang- magkaiba tayo, Amethyst. Very different in all aspects.”
Batid kong hindi niya maiintindihan ang gusto kong ipahiwatig sa kaniya, and I don't want her to think more about it. It's not that important, ang mahalaga maging maayos sila, makapamuhay nang normal gaya ng dati.... Noong mga panahon na wala pa ako sa buhay nila.
Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang humakbang pababa ng hagdanan, pero napahinto rin nang bigla siyang nagsalita, “That's it? You're going to leave without saying goodbye?” Dahil sa kaniyang sinabi ay umikot ako para tingnan siya, pero hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari.
“A-aalis ka?” Amethyst's eyes widened when she heard Denise's voice on her back. I remained my cold expression.
“I am.” Biglang lumambot ang puso ko nang mapansin ko ang mga luha na unti-unting namumuo sa mata ni Denise.
“P-pero bakit? A-ano’ng dahilan? Cypher, nag-alala ako sa 'yo kasi akala ko kung napaano ka na! D-did I do something wrong? K-kaya ka ba aalis?” And there she goes, tears started falling from her eyes.
Hindi nakatakas sa akin ang bahagyang pagyuko ni Amethyst. She's hurting, she's hurting dahil nakikita niya ngayon si Denise na nasasaktan, and that's because of me.
“N-no.” Fuck! Bakit kailangan ko pang mautal sa harapan niya? “Hindi iyon.”
“Then why?” Pumiyok na labis na nagparamdam sa akin ng sakit.
“Amethyst will take care of you.” Napaangat ng tingin sa akin si Amethyst, na parang hindi makapaniwala na iyon ang aking sinabi. I think I know why. Hindi pa niya sinasabi kay Denise ang totoo.
“A-ano?” nagtatakang tanong sa akin ni Denise.
“Remie Amethyst Villa Fuerte. Your sister, Denise.” Her eyes widened in shock, tila hindi makapaniwala sa aking sinabi.
Dahan-dahan siyang napalingon kay Amethyst na ngayon ay bahagyang din nagulat sa aking sinabi.
“Y-you're kidding, right?” Hindi niya makapaniwalang tanong.
“I maybe lied to you sometimes, but I don't do jokes, Denise.”
“Pero matagal nang patay ang kapatid ko!”
“Hindi ako namatay, Denise.” Marahas na tumingin si Denise kay Amethyst. I don't want to see this, they need time to talk to each other.
“P-pero—”
“I’ll leave you for now. Listen to whatever she’s going to say, Denise,” wika ko saka ko sila tinalikuran at naglakad na pababa ng hagdanan.
I took a deep sigh. Sana maintindihan ni Denise ang dahilan ni Amethyst sakaling masabi niya na rito ang totoo. Mas mapapanatag ang loob ko kapag naging maayos silang dalawa sa oras na umalis ako.
I've been here for almost a week at hindi pa rin nagigising si Farris, pero ayon sa doctor ay stable na raw si Farris at baka mga ilang araw pa ay magising na ito. Sadly, hindi ko na makikita ang araw na iyon.
Binilinan ko naman si Amethyst na bantayan muna ang sitwasyon ni Farris and also nandito naman si Denise para bantayan din si Farris.
With the help of my twin, nag-hire kami ng mga taong puwedeng magbantay kina Farris, though Amethyst and the others are still here pero hindi ko naman puwedeng iasa sa kanila ang magiging kalagayan nina Sumi.
“Are we really gonna end this?” tanong ni Athena habang inaayos ang kaniyang mga bagahe.
We're in Seike's unit at halos lahat sila ay mga naka-empake na, ako nalang ang hindi. Hindi pa kasi ako nakakauwi ng apartment dahil dito ako nag-stay ng mga ilang araw; malapit lang kasi ang building na ito sa mismong hospital building kung saan naka-confine sina Farris at Sumi.
This would be our last day here, dahil bukas na madaling araw na ang aming alis. Hindi ko alam kung ano pa ba ang puwede kong maramdaman, gayong dito na magtatapos ang lahat.
This might be the end, but surely after everything that happened, I'm not going to think twice to start a new beginning.
“Nakipag-usap ako sa kaniya.” Lahat ng aming atensyon ay napabaling sa aking kakambal ng bahagya itong nagsalita. “He would stop hurting people, kung tayo mismo ang lalapit sa kaniya,” bahagya kaming natahimik sa kaniyang sinabi.
About what he said, hindi iyon ang plano namin paglapag namin ng Japan, pero kung buhay ng ibang tao ang nakasalalay ay wala kaming magagawa kung hindi ang gawin ang gusto ng taong iyon.
“What?! Are you crazy? So gusto mong maging alipin na naman tayo ng lintik na organisasyon na iyon?” may bahid pa ng galit sa boses ni Serpentina.
Somehow I understand her reason, natatakot siya na baka maulit muli ang nakaraan, at kahit ako ay ayaw ko na rin iyong maranasan pa.
“You have a point, pero sa tingin ko naman hindi tayo makakapayag doon,” wika ni Seike.
“Talagang hindi!”
“Kailangan nating gumawa ng magandang plano kung ganoon.” Napabuntong-hininga kami sa sinabi ni Spencer.
Good plans, hindi puwede na kaming anim ang lumapit sa mga iyon dahil labas sina Athena at Spencer sa gulo namin laban sa organisasyon.
Back ups. We need back ups.
“Let's just talk about it when we get there. Babalik muna ako sa apartment. Mag-iimpake,” wika ko bago ako umalis.
--
I roamed my eyes in my apartment, tinatandaan ang bawat sulok nito. Ito ang nag-silbing tahanan ko sa loob ng dalawang taon; nasanay sa buhay na kung ano'ng mayroon ako ngayon, saksi sa mga naging problema ko sa buhay, at ang lugar kung saan nabuo ang pagkakaibigan namin ni Denise.
I smiled remembering those days kung bakit ako napadpad dito. I should be thankful to Amethyst, dahil kung hindi niya ako inatasan na bantayan ang kapatid niya ay hindi ako mapapadpad sa lugar na ito.
What if I never met her? Saang lugar kaya kami pupulutin ni Seike?
Nang natapos ako sa pag-iimpake ay naglinis ako ng buong apartment. Ayaw kong umalis na hindi ko ito nalilinis, dahil gusto ko itong makita sa dating ayos kung saan ko ito unang tinirahan.
Napahinto ako sa paglilinis nang biglang tumunog ang aking cellphone. I've lost my phone noong party kaya bumili ako ng bago. Kinuha ko ito sa study table kung saan ito nakapatong. I opened the inbox to find out who messaged me.
Unknown,
Can we meet? Pinakamalapit na cafe sa Adamson University. 5p.m.
- Selena
Napabuntong hininga ako nang nabasa ko iyon. Hindi na ako magtataka kung nalaman niya ang aking number. She has connections, but why does she wants me to meet her? May dapat ba kaming pag-usapan?
Nang dumating ang ala-singko ng hapon ay nagbihis na ako. Just wearing a plane white shirt and a black fitted jeans. Hindi ko alam ang rason ni Ms. Selena kung bakit niya gustong makipagkita, pero may iilang bagay din kasi ako na gustong itanong sa kaniya, kaya ayos na rin.
Ang pinakamalapit na cafe na alam ko ay ang cafe na katapat lamang ng university, kaya doon ako pumunta. Dahil sa nangyari ay nabalitaan ko na suspendido ang mga klase sa Adamson University, kung sana pala ay hindi na lamang ako pumunta roon. Gulo lang tuloy ang nangyari.
Pumasok ako sa nasabing cafe at nilibot ang paningin sa loob. Nang napansin ko ang isang kamay na kumakaway sa akin malapit sa isang glass window ay doon ko na natagpuan si Ms. Selena.
Tipid ang kaniyang ngiti nang lumapit ako sa kaniya, habang nanatili namang seryoso ang aking ekspresyon.
“I've heard na aalis ka,” panimula niya nang tuluyan na akong nakaupo sa bangko na katapat.
“I'm sorry for what happened.” I really do am sorry. Baka nang dahil pa sa akin ay mag-sarado pa ang eskwelahan.
“It's not your fault, and please don't blame yourself. We're all victims here, Cypher,” natahimik ako sa kaniyang sinabi.
Maybe she's right, we're all victims, pero isa ako sa mga nagdala sa kanila para maging biktima. Her words can't chang what my system feels, dahil kahit na itanggi ko na wala akong kasalanan, hindi mawawala sa aking sistema na dahil sa akin ay nagkagulo ang lahat.
“Zero's entered the Fortune Famiglia because of our parents. Our mother cheated on us, on my father. And yes, Raze is our step brother, on my mother side. Maagang namahala si Raze ng kanilang organisasyon dahil maagap rin na namatay ang kaniyang ama. Zero couldn't accept the fact that he have a brother, lalo na't noong ipinanganak si Zeniel— our little brother— ay doon lang namin nalaman na nagloko pala si mommy noon,” kuwento niya.
“Zeniel?”
“Yes. Zeno Niel.” I nodded to her as I remembered the kid that I've save before, at nalaman noon na kapatid pala ito ni Zero.
“Zero hates our parents, my dad wants him to managed our company but he doesn't want to. Matagal ng alam ni Dad ang tungkol sa pangalawang lalaki ni mom, my dad couldn't accept it, so he planned to kill Raze's father.” Nanlaki ang mata ko sa mga binitawan niyang salita.
So the reason why Raze's father died was because Zero's father killed him? Wala akong alam sa pamilya ni Zero, kaya nakakagulat ang mga salitang narinig ko mula sa kapatid niya.
“Mr. Fortune wants Zero to be part of his organization para bantayan si Keira, Zero accepted the offer dahil kay Dad. Maraming mga tao ang nagtangka sa buhay namin dahil sa kagagawan ni Dad, and in order to protect us, Zero entered the Fortune Famiglia. Kapalit ng seguridad namin ang pagbabantay niya sa nag-iisang anak ni Mr. Fortune. That's when he met Trace and Xaver. They're all part of it.” Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi.
“Keira?” She nodded. “But how about Macy?” Ang alam ko kasi ay magkapatid si Keira at Macy. How come that Keira was the only daughter?
“She's an adopted,” wika niya na nagpawala ng aking pagtataka.
“Why are you telling me these then?” Wala akong mahanap na rason para sabihin niya sa akin ang bagay na ito, na ito ang kaniyang pakay kaya gusto niya akong makausap.
What for? I'm going to leave this place tomorrow, kaya para saan pa?
“Tungkol sa pabor ko na bantayan mo si Zero, it's because I want you to distance his self from Keira. Noon pa lang hindi na ako sang-ayon sa desisyon niya na pasukin ang Fortune Famiglia, it would put him into danger, Cypher. Ayaw kong makulong siya nang dahil sa gusto ni Keira na manatili siya. You see, Keira doesn't love him. She's just obssesed with Zero, Cypher,” mahabang wika niya na nagpalubog sa akin sa malalim na pag-iisip.
So she's expecting me that I can get Zero out of that organization kaya niya iyon ginawa? But I didn't know.
“Why it has to be me?” Nagsalubong ang mata naming dalawa.
“Kasi mahal ka niya, Cypher. Kayang-kaya mong baguhin ang isip niya. Cypher we don't need protection. I can protect our family, he can protect our family without the help of Fortune Famiglia.” Hindi ko alam kung paano ko iisipin ang lahat ng sinabi niya. Kung paaalisin ko si Zero sa organisasyon, maaaring siya ang mapahamak. Keira is crazy, at nakita ko na ang mga bagay na kaya niyang gawin.
She could kill, para lang hindi mawala sa kaniya si Zero.
“Zero, is being trapped with that organization, Cypher and he doesn't want it. So please, I'm begging you. Ikaw nalang ang alam kong makakatulong sa kaniya.” I looked at her as I found the entreaty in her eyes.
Thinking Zero being trapped in that organization...it fucking hurts like hell.
“Where is he?”

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    RegachoRocelyn

    ang galing mo Naman magsulat ng story 😍

    02/09/2025

      0
  • avatar
    MageLylia

    nice work

    27/09/2024

      0
  • avatar
    SakirAlwahid

    good

    11/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata