logo text

GONE FOR GOOD

Cypher's POV
Escaping is the first thing on the list that I would do after everything, at hindi lang ako ang may listahan na 'yon ang unang gagawin.
I'm afraid, maybe. We're afraid to face the reality, because reality only brings us to death, pain and sorrow. Napakalungkot naman ng buhay kung ni hindi man lamang namin mararanasan ang mabuhay nang normal; ang buhay kung saan matagal kong pinangarap, matagal naming pinangarap.
And now that our time is over, the consequences are purely hard to accept, hard to do, hard to face. Dahil ngayong realidad na mismo ang naghahanap sa amin ay wala na akong magagawa pa kung hindi ang harapin ito. Reality sucks, really. Dahil minsan kahit gaano pa ka-perpekto ang buhay, hindi maiiwasan na sana hindi ka na lang nagising sa isang napakagandang panaginip.
You wanted to live there in order for you escape the reality. And this is how I escape my own reality; pretending to be normal, pretending to live a normal life; pretending that I'm just like those normal people living their own lives, and now that I'm awake, I'm no longer in that dream; I'm no longer like them; I am now in reality, where humans treat us like animals; like we do not deserve the beauty in life; na ang mundo ay punong-puno ng pasakit at kasamaan.
Pinanood ko si Farris na isakay sa isang stretcher kasabay ng unti-unting pagmulat ng kaniyang mga mata. Her head is bleeding, dahil ang sasakyan na sinakyan namin kanina ay bumunggo sa isang malaking puno, gladly na hindi na kami hinabol ng kung sino man.
The way I looked at her state makes me wanna kill myself. Alam ko na sa tingin niyang iyon ay may gusto siyang sabihin. I can see the anger, pain and pleading in her eyes.
Farris had never been bad to me, even if I treated her like I didn't care—dahil ayoko na mas madamay pa siya sa mundo na mayroon ako—I still care. I treated her as my friend, sila ni Denise at Sumi. Kung may mga magagandang alaala man akong dadalhin sa pag-alis ko, it would probably my good and bad memories with them. Dahil isa sila sa magandang nangyari sa buhay ko.
Narinig ko na nabaril si Sumi, and that is enough reason for me to distance myself from them. Gulo at pasakit lang ang dala ko sa kanila.
Hindi nakatakas sa akin ang luha na naglandas sa mata ni Farris, na labis na dumurog sa aking puso. Letting them go is much better, dahil iyon ang ikabubuti nila.
Kasabay ng pagpasok niya sa loob ng ER ay ang pagkawala ng dalawang salita sa aking bibig, “I'm sorry.” After almost two years, I cried again because I'm going to lose another friend, because of me.
“Are you really sure with your decision?” Dinama ko ang malakas na ihip ng hangin habang tinatanaw ang araw na papasikat pa lamang.
Nandito kaming dalawa sa rooftop ni Amethyst; naisip kong manatili muna rito matapos ang mga nangyari. Nalaman kong dito rin sa hospital na ito dinala si Sumi kasama si Denise.
“There's no turning back,” sagot ko sa kaniyang tanong. Narinig ko ang malalim na paghugot niya ng hangin.
“Mukhang hindi na nga kita mapipigilan.” Silence filled the whole area. Mukhang magiging maganda ang panahon ngayon.
“Take care of your sister.” Napansin ko ang ngiti na naglandas sa kaniyang labi.
“I will, but how about him?” Bahagya akong napabaling sa kaniya nang nakuha niya ang aking atensyon. Sa tuno palang ng pananalita niya ay alam ko na kung sino ang tinutukoy niya.
Truth is, hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya. Thinking about leaving him makes want to stay. Matagal ko nang naamin sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko sa kaniya, pero hindi ko naman inakala na ganito pala kalalim. Parang ang hirap nang umahon pa.
“You want to see him?” I gaped my mouth for a bit, searching for words that, pero hindi ko mahanap. “Avery and the others investigated what happened last night. I know where he is, Cypher.”
“Is that the reason kung bakit sigurado ka kagabi na hindi siya mapapahamak?” Parang bala na bigla na lamang lumabas ang tanong na iyon sa aking bibig. Nagkibit-balikat siya sa akin. “Where is he then?” I asked.
“Try to look down,” wika niya na ikinakunot ng aking noo. Dala na rin ng pagtataka ay naisipan ko nalang na dumungaw sa ibaba mula rito sa rooftop ng hospital building.
Isang itim na sports car ang nakita kong nakaparada malapit sa isang puno, hindi kalayuan sa may parking lot. Napamura na lamang ako nang napansin ko ang isang pamilyar na pigura ng lalaki na nakasandal doon habang napahalukipkip.
Mabilis akong tumakbo sa pintuan upang makababa. Narinig ko pa ang sigaw ni Amethyst sa akin na mag-ingat ako sa pagbaba ng hagdanan, pero hindi ko na iyon pinansin pa.
Nang tuluyan akong nakababa ng ground floor at nakalabas ng hospital ay nagtungo kaagad ako sa parking lot kung saan ko nakita ang aking hinahanap.
“Zero!” Nakuha ko ang kaniyang atensyon kaya mabilis siyang napatingin sa aking direksyon.
Balak ko sanang tumakbo sa kaniyang direksyon, pero nauna na siyang tumakbo papalapit sa akin. Namalayan ko nalang ang sarili ko na yakap-yakap niya nang mahigpit.
“Fuck! Don't do that again,” pinaghalong galit at pag-aalala ang boses niya, naramdaman ko rin ang bahagyang paghalik niya sa aking noo. That made my knees felt weak.
“Don't do what?” inosente kong tanong sa kaniya nang tuluyan akong makakalas sa kaniyang yakap.
He's still holding my waist kaya naman halos magkadikit na ang mukha naming dalawa.
“Leaving me behind.” Madilim ang kaniyang ekspresyon na parang napakalaki ng kasalanang nagawa ko sa kaniya.
“I didn't,” sa sinabi kong iyon ay mas lalo pang sumama ang timpla ng kaniyang itsura.
“Liar.”
“I'm not. I've been captured last night and—”
“You're what?!” Bahagya akong natahimik nang na-realize ko kung ano ang aking sinabi. “Who took you?” Bahagya akong nag-angat sa kaniya ng tingin, tinitimbang ang magiging reaksyon niya sa oras na sabihin ko ang aking nalaman. What if I tell him what I know? Itatanggi kaya niya? Would he lie to me? “Tell me, baby. Who?” Sinalubong ko ang tingin niyang punong-puno ng katanungan at pagtataka.
“You're part of the Fortune Famiglia, am I right?” Sa mga katagang sinabi ko ay bahagya siyang nanigas sa kaniyang kinatatayuan. And the way his expression became like this, alam kong hindi nga ako nagkamali.
“Who told you that?” Hindi nakatakas sa akin ang kaniyang pagtiim bagang na parang hindi niya inaasahan na lalabas ang mga katagang iyon sa aking bibig.
“Answer me, Zero.” His hand around my waist tightened like he never wanted to let me go.
“I am. ” Tila may kung ano ang tumusok sa aking dibdib matapos niyon.
Inaasahan ko na ito ang magiging sagot niya, pero hindi ko inaasahan na magiging ganito ang impact nito sa akin. I feel betrayed by him, though I've known before that he has his own reason, pero wala akong mahanap sa butas kung bakit nagawa niya iyong itago sa loob nang mahabang panahon na magkasama kami.
Ilang beses ko nang na-encounter ang Fortune Famiglia, I even asked Raze's help to get their information. Kaya ba naging bato nalang din ang reaksyon ni Raze noon nang itanong ko kung ano ang nalalaman niya sa Fortune Famiglia, because he knew that his brother is part of that organization?
Bigla ko tuloy naalala noong time na pumayag ako sa dinner date namin ni Raze para lamang makuha ko ang impormasyon na aking gusto, pero hindi iyon natuloy dahil sa pag-aakalang napahamak siya at si Denise. And I cut the dinner date just to know what happened, but it turns out na isa lang pala iyong pakulo para i-surprise ako sa aking birthday na matagal ko nang ibinaon sa limot.
Bahagya akong napahinto nang bigla akong may napagtanto.
“You...you've planned the birthday surprise para hindi tuluyang masabi ni Raze sa akin ang mga nalalaman niya?”
“Cy—”
“That's why you've told me na ang mga bagay na ginagawa mo ay may rason. Was that your reason?”
“I want your safety.” I looked at him with disbelief. He wants me to be safe? Pero bakit parang kabaliktaran ang mga nangyayari?
“And what happened?” Bahagya siyang napa-iwas ng tingin sa akin. Though I'm not throwing the blame on him, dahil nasa akin ang problema.
“I'm sorry. Tell me what do you want me do, Cy. Babawi ako.”
“I'm not mad.”
Parang unti-unting ko nang napagtatagpi ang lahat. He's part of the Fortune Famiglia that's why Keira doesn't want me to be with him, dahil si Zero ang mapapahamak kapag nagkataon. I would only bring him to hell if that happens.
“What are you thinking?” Maybe this reason would be enough para mas madali akong makaiwas sa kaniya.
“We shouldn't see each other anymore.”
“Ano?” Mabilis akong lumayo sa kaniya, pero mabilis din naman niyang nahawakan ang aking kamay.
“Don't say that.” Pagod akong lumingon sa kaniya.
“Zero, pareho tayong mapapahamak sa ginagawa mo.”
“Then I'll fight for us! Hindi iyong ganito.” He immediately pulled me into a tight hug. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya pabalik dahil nahihirapan akong makita siyang ganito.
“Zero—”
“Is it because of Keira? Did she hurt you?”
“Zero, hindi—”
“Then don't go! I'm sorry if I didn't tell you. Babawi ako! Huwag lang ganito. Please, baby.” Hindi ko na alam kung ano pang dahilan ang maaari kong sabihin sa kaniya para lang pakawalan ako.
The way he pled makes me wanna stay with him, pero alam kong hindi puwede. Kahit ipilit ko, hindi puwede. Being with him will just break us, pareho kaming mapupunta sa empyerno kung susundin ko ang gusto niya, ang gusto kong nanatili.
“They will kill me, Zero.” Isang malutong na mura ang naglandas sa aking tenga matapos kong sabihin iyon.
“Then I will protect you—”

“Zero hindi iyon ganoon kadali! Ikaw ang mapapahamak kapag ginawa mo iyon!”
“That's why you're leaving me? That's it?” Bahagya akong natahimik sa kaniyang sinabi. Lumayo sa akin. Mas okay na sigurong ito ang rason na makikita niya, dahil ayaw ko nang idamay pa siya sa kung ano'ng mayroon ang mundo ko.
I wouldn't be mad at him if he chose to hid those things from me, kahit pa parte siya ng Fortune Famiglia ay hindi ko kayang magalit sa kaniya, dahil sa aming dalawa...ako ang maraming tinatago. At ang sekretong iyon ay ikapapahamak lamang naming dalawa kapag hindi niya ako hinayaan na umalis.
“Fuck it!” Bigla siyang tumalikod sa akin at padabog na naglakad.
Gusto kong tumakbo papunta sa kaniya, pero kapag ginawa ko iyon ay baka mas piliin ko nalang na manatili sa tabi niya, at iyon ang hindi maaari.
Pinanood kong lumayo ang kaniyang sasakyan hanggang sa unti-unti itong maglaho sa aking paningin.
Siguro ito na ang huli naming pagkikita. He will be gone for good, and I will be gone too....
For good.

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    RegachoRocelyn

    ang galing mo Naman magsulat ng story 😍

    02/09/2025

      0
  • avatar
    MageLylia

    nice work

    27/09/2024

      0
  • avatar
    SakirAlwahid

    good

    11/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata