Cypher's POV Hinila ko si Amethyst sa lugar kung saan ako madalas na dumaraan. Maraming pulis sa may entrance gate ng university pati na rin sa loob kaya naman hindi kami maaaring lumabas doon. I don't know we're we heading after this, pero bago ko isipin ang kapakanan ko ay kailangan ko munang hanapin kung nasaan si Farris. Damn! I almost forgot about her! Hindi ko na nakita pa Ms. Selena matapos naming maghiwalay ng landas na dalawa, pero malakas ang kutob ko na ligtas siya; isa pa may mga pulis naman kaya posibleng nakita siya ng isa sa mga ito, and because she's just a victim and the owner of this university ay hindi siya papabayaan ng mga pulis, pero kahit na ganoon ay hindi ako masyadong makampante. Mafia reapers aren't just men with guns, they are all trained well. Alam ko dahil naging isa na rin ako sa kanila. I want to find Zero, but I trust Amethyst instincts. Isa pa, Zero is part of the Fortune Famiglia, ayon na rin kay Keira. And I know he can protect his self. Though I don't know the whole story why he's part of that organization, but I know that he has reasons. Minsan na niyang sinabi sa akin noon, na ang mga bagay na ginagawa niya ay may rason. Hindi ko alam kung ano, pero gusto kong marinig iyon. Hindi man ngayon, pero siguro sa susunod naming pagkikita. Kung...magkikita pa kami pagkatapos ng gabing ito. Nang tuluyan kaming makababa sa inakyatan naming pader ay isang tahimik na kalsada ang bumungad sa amin, ngunit maririnig pa rin ang iilang mga putok ng baril mula sa loob ng university. "Kailangan nating magtago." Amethyst was about to run pero mabilis kong nahablot ang kaniyang braso upang pigilan siya. "You can go. May kailangan pa akong hanapin." Inalis ko ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso. "Cypher! Alam mong delikado! Denise's told me to-" "I need to find Farris. Hindi ko siya puwedeng pabayaan, Amethyst, at kung hindi mo ako kayang tulungan, then I'll find her by myself." Mabilis akong tumalikod sa kaniya at naglakad papalayo. Hindi ko kayang makampante habang nagtatago gayong alam kong nasa bingit ng panganib ang buhay ni Farris. This is all my fault, kung sana pala ay hindi ko na nilapit pa ang loob ko sa kanila simula noon, e di sana hindi na aabot pa sa ganito ang lahat. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Farris. "Alam mo ba kung saan mo siya hahanapin?" Napahinto ako sa aking paglalakad nang narinig ko ang boses ni Amethyst. I took a deep sigh because I know that she's right. Hindi ko alam kung paano at saan ko hahanapin si Farris. I don't have any plans, all I want is to find her; kahit saang lupalop pa yan. Bahala na kung ano'ng mangyari sa akin, basta mahanap ko siya. "See? Hindi mo alam." Lumingon ako kay Amethyst at pagod siyang tiningnan. "Will you help me or not?" Napaikot siya ng mata sa tanong ko. "May sinabi ba akong hindi ako tutulong?" dumaan ang ilang segundong katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya nagsimulang maglakad papunta sa direksyon ko. "So tell me, how did you know that she's in danger?" tanong niya nang nagsimula na kaming maglakad para maghanap. "Someone called me; bihag nila si Farris," wika ko sa kaniya habang inaalala ang numerong tumawag sa akin kanina bago ako nawalan ng malay. "She's been kidnapped. Ano sa tingin mo ang rason?" "They will use Farris as their bait in order for me to come for them so they won't chase me anymore," mabilis kong sagot dahil alam ko na iyon lamang ang dahilan kung bakit nila kinuha si Farris. Alam nila na mahirap akong hulihin, kaya gagawa sila ng pain nang sa gayon ay ako na mismo ang lalapit sa kanila. Napahinto ako sa paglalakad nang huminto si Amethyst. She looked at me with pure confusion in her eyes, tila hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa aking bibig; hindi niya inaasahan na iyon ang isasagot ko. "Someone's chasing you? Part of our business?" nagtataka niyang tanong. Mabilis akong umiling sa tanong niya. Alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Iniisip niya na baka isa ang mga taong iyon sa mga pinatumba namin, pero tiyak kong hindi. Malakas ang kutob ko na hindi. Isang tao lang ang alam kong gagawin ang lahat para lang makuha ako, kami. "Then who?" Mabilis akong napaiwas ng tingin sa kaniya. Muntik ko nang makalimutan na walang alam si Amethyst sa kung saan ako nanggaling noon; she never asked me about it, at wala rin akong balak na i-kuwento pa sa kaniya ang lahat. "Don't mind it. Basta kailangan kong mahanap si Farris." Nauna akong maglakad sa kaniya, sumunod naman siya sa akin. "Kung gusto kang makuha ng taong iyon kaya nila dinukot si Farris...posibleng nandito lang sila sa paligid, right? Isa pa bakit pa sila lalayo kung nandito ang target nila, hindi ba?" Bahagya akong napaisip sa sinabi ni Amethyst dahil may punto siya. If her conclusions are right, then hindi ko na kakailanganin pang maghanap sa kung saan, dahil maaaring nasa paligid lang ang taong dumukot sa kaniya; hinihintay na ako mismo ang lumapit. "So what are we waiting for? Let's find her." sa sinabi niyang iyon ay wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod na lamang. Hindi matatapos ang gabi na ito na hindi ko nakikita si Farris. I need to find her, at magbabayad ang kung sino man ang may pakana nito. Third Person's POV "We're doomed," wika ni Serpentina matapos masilayan ang iilang mga sasakyan ng mga pulis sa tapat ng isang university. Siya kasi ngayon ang nakaupo sa driver seat ng van na kanilang sinasakyan, kaya't kitang-kita niya ngayon ang labas, habang katabi niya ay si Seike. "We need to find, Cypher," nanghihinang wika ni Cyrus at nagbalak na lumabas ng sasakyan, pero mabilis itong napigilan ni Athena. "Don't! Don't do anything stupid, Cyrus," banta ng dalaga rito na labis ikinasama ng timpla ng reaksyon ng binata. "But-" "Gusto mong maging wanted?" Natahimik ang binata dahil sa tinuran ni Athena rito. "Ang dami na ngang gustong kumuha sa inyo, idadagdag mo pa 'yang mga pulis," muli pang wika ni Athena na mas lalo pang nagpatahimik kay Cyrus. Gusto nitong magprotesta at sabihin na buhay ng kapatid niya ang pinag-uusapan dito, ngunit alam niyang may punto Si Athena. Baka kasi sa gagawin niyang paglabas ay mas lalo lang silang mapahamak. "She's right. Isa pa, tiwala akong hindi mapapahamak si Cypher," wika naman ni Spencer na animo'y siguradong-sigurado sa sinabi nito. "What do you want me to do then? Stay here and wait for her to find us? That's crazy," naiiling na wika ni Cyrus. May tiwala rin naman siya sa kaniyang kakambal, ngunit hindi rin niya kayang manatili na lamang sa isang tabi at hintayin ang mga susunod pang mangyayari. Bahagya silang natahimik, hinihintay na may bumasag ng katahimikan hanggang sa napabuntong hininga na lamang si Seike at ito na rin ang bumasag ng nakakabinging katahimikan. "Tara sa likod," wika niya. "What?" "Hindi lalabas si Cypher sa gate dahil maraming mga pulis. Sigurado akong sa likod siya daraan," wika ni Seike matapos siyang tapunan ng nagtatakang tanong mula kay Serpentina. "How are you freaking so sure?" tanong ni Athena na ikinangisi naman ng bahagya ng binata. "I've known Cypher for too long. Ako nga ang naatasan niyo na magbantay sa kaniya hindi ba? That means, alam ko kung paano siya mag-isip," sa sinabing iyon ni Seike ay muling tumahimik ang paligid, tila naghihintay ng sunod na mangyayari. "Let's go." Binuksan ni Serpentina ang makina ng sasakyan at iniatras ito. "Hindi ko alam ang daan, kaya ituro mo sa akin." Wala nang nagtangka pang umimik matapos niyon, maliban na lamang kay Seike na bahagyang tinuturo ang daan patungo sa likod ng paaralan, pero hindi inaasahang sa patuloy na pag-andar ng sasakyan ay may kung ano'ng pigura na biglang huminto na lamang sa gitna ng kalsada. "Shit! Ihinto mo!" Kinabig ni Seike ang manibela pakaliwa at inapakan naman ni Serpentina ang break ng sasakyan upang hindi nila mabunggo ang pigura ng isang babae. "Fuck! Nabunggo ba natin?!" Dali-daling lumabas si Spencer ng sasakyan at tumungo sa pigura ng isang babae na bigla na lamang bumagsak sa sementadong kalsada. Bumungad sa kaniya ang isang babaeng puro galos ang katawan at walang malay. Bahagya namang napamura si Seike nang nasilayan niya kung sino ito. "Dammit! Papatayin tayo ni Cypher nito! Dalhin muna natin siya sa hospital!" "What?! Sino ba 'yan?" inis na turan ni Serpentina. Balak na sanang buhatin ni Seike ang babaeng walang malay nang nakarinig sila ng iilang mga putok ng baril. "You can't hide from me! Kahit saang lupalop pa kayo magtago, mahahanap at mahahanap ko kayo!" isang sigaw ng lalaki ang umalingawngaw sa kanilang paligid. Nagpantig ang tainga ni Cyrus nang muli niyang narinig ang boses na iyon. Tila pamilyar sa kaniyang pandinig. "No. This can't be," naiiling niyang wika sa sarili. "Go to hell! You freaking son of a bitch!" isa pang sigaw muli ang umalingawngaw sa paligid, ngunit ngayon ay kilala na nila ang boses na iyon. Kaniya-kaniya silang napamura sa kanilang mga sarili nang bigla na lamang sumulpot ang dalawang babae sa may madilim na bahagi ng kalsada, isa na roon si Cypher na ikinaagaw ng kanilang atensyon. "Ano pang tinu-tunganga niyo riyan?! Isakay niyo na 'yan!" sigaw ni Cyrus at nagmadaling lumingon muli sa kung nasaan niya nakita ang kakambal. "Cy!" sigaw niya na ikinalingon ng dalaga sa kanilang direksyon. Hindi na nagulat pa ang dalaga, ngunit ang babae na kasama ni Cypher na si Amethyst ay punong-puno ng pagtataka ang itsura. "Get in!" Mabilis silang sumakay sa van nang naaninag nila ang iilang mga kalalakihan na humahabol sa kanilang direksyon. "Where's Farris?" tanong ni Cypher. Nang ituro ni Seike ang backseat ay doon na napiling pumasok nina Cypher at Amethyst. "Okay. I'm not new with this kind of business, pero wala man lang bang magpapaliwanag kung ano'ng nangyayari?" punong-puno ng pagtataka na tanong ni Amethyst. "No time for explanation, sweetie," wika ni Serpentina at mabilis na pinaandar ang sasakyan. Halos napamura nalang sila nang may mga bala ng baril ang biglang dumaplis sa bintana ng kanilang sasakyan. "You okay?" tanong ni Cyrus kay Cypher sa kalagitnaan ng mabilis na pagpapatakbo ni Serpentina ng sasakyan. "I've never been. Give me a gun." Mula sa unahan ay mabilis na hinagis ni Seike ang isang baril na mabilis namang nasalo ni Cypher. Muntik pang mapamura si Amethyst dahil muntik na siyang matamaan nito. "Habulin talaga kayo ng gulo," wika ni Spencer na nakakuha ng atensyon ni Cypher. "Not just trouble, Spencer, but death."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang galing mo Naman magsulat ng story 😍
02/09/2025
0nice work
27/09/2024
0good
11/07/2024
0Tingnan Lahat