Third Person's POV Everyone are in deep panicks when unknown people entered the University. Halos magka-bungguan na ang iba dahil sa takot lalo na nang muli silang nakarinig ng mga putok ng baril. May iba na hindi sinasadyang natamaan ng mga bala na naliligaw kaya naman halos mapuno ng sigawan ang buong paligid. Isang babaeng nakasuot ng sombrero ang nagtangkang pumasok sa mataas na gate ng university. Gulat ang rumihestro sa kaniyang mukha nang nakita ang dalawang security guard na nakabulagta na sa semento at pawang mga wala ng buhay, may mga tama rin ang mga ito ng baril dahilan ng pagkalat ng dugo sa sahig. Napahigpit ang hawak niya sa kaniyang baril at nagpalinga-linga sa paligid, nagbabakasali na makita niya ang kaniyang hinahanap. "Ramon! Ramon gumising ka!" Kaagad na naagaw ang kaniyang atensyon sa boses ng isang babae. There, she saw a woman wearing a long dress, ilang metro ang layo sa kaniyang kinatatayuan. Nakaupo ito sa semento at pilit na ginigising ang wala ng buhay na lalaki. Balak niya sana iyong lapitan, pero bahagya siyang napahinto nang nagsimulang maglabasan ang mga estudyante sa isang building, malapit lang sa kung nasaan ang babaeng nakaupo sa semento. Nagsisigawan ang mga ito, ang iba naman ay umiiyak habang tumatakbo, animo'y mga nakawala sa isang hawla dahil sa sobrang takot na nakabalandra sa mga mukha nito. Mga nakasuot ito ng mga formal na kasuotan kaya naman hindi na siya nag-atubili pa na maglakad, salungat sa raan na tinatahak ng mga ito. May ilang bumabangga sa kaniya, pero hindi siya napapansin ng mga ito dahil sa sobrang takot. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa nakarating siya sa mismong tapat ng party hall. Nakita niya ang mga gulo-gulong tables doon, pati na rin ang ilang mga dekorasyon. She entered the hall hoping that she will find what she's searching for, pero napamura na lamang siya nang kahit isang tao roon ay wala. "Where is she?" Lumabas siya ng hall at bumungad sa kaniya ang tigka-bilang madilim na hallway. Balak na niya sanang umalis doon pero bigla siyang may narinig. "S-sumi! S-sumi gumising ka! Sumi!" Napalingon siya sa kaniyang kaliwang bahagi, kahit na madilim ang hallway na iyon ay may naaninag pa rin siyang pigura sa hindi kalayuan. "Tulong! Tulungan niyo kami!" pamilyar ang boses na iyon sa kaniya, at hindi siya puwedeng magkamali. Mabilis siyang tumakbo sa direksyon ng nasabing pigura, at doon niya nakita ang isang dalaga na walang humpay sa pag-iyak habang nakapatong sa kandungan nito ang isang babaeng duguan. "What happened?" she asked. Gulat naman ang rumihestro sa mukha ng dalaga matapos siya nitong makita. Marahil ay dahil sa hawak niyang baril, kaya kaagad niya itong inilapag sa semento. "I'm not gonna hurt you. I'm here to help," malamig niyang wika saka niya kinuha ang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang jogging pants na suot at ipinantanglaw sa babaeng walang malay. "N-nabaril. N-nabaril ang kaibigan ko. Tulungan mo ako please." " May tama siya sa balikat. She's not dead, nawalan lang ng malay, pero delikado kung mauubusan siya ng dugo," wika niya matapos itong suriin. "D-dalhin na natin siya hospital. B-baka kung ano pa ang mangyari sa kaniya," sa bawat salita at paghikbi na kaniyang naririnig mula rito ay para siyang sinasaksak, at ito ang labis niyang kinakatakot. "I'll take care of her. Tumawag ka ng ambulansya." Mabilis niyang binuhat ang babae na walang kahirap-hirap. Mabilis namang kinuha ng dalaga ang cell phone nito at tumawag ng ambulansya. "Follow me," saad niya rito at nagsimula nang maglakad papalabas ng building, pero bago pa sila tuluyang makalabas ay muli siyang bumaling rito. "Dumikit ka lang sa akin," muli niyang sabi at wala namang nagawa ang dalaga kung hindi ang mapatango-tango na lamang. Nakakabinging katahimikan ang bumungad sa kanila nang tuluyan silang nakalabas ng building. Wala ng mga estudyante sa nagkalat sa paligid, animo ay walang nangyaring gulo kanina lamang. "S-sandali lang. Mukhang kailangan niya ng tulong," ani ng dalaga. Huli na nang napansin niyang tumakbo ito papunta sa isang lalaking nakahilata sa semento. Nanlaki ang mata niya nang napagtantong ito ang lalaking ginigising ng babae kanina. "Denise, don't!" sigaw niya. Balak niya sana itong pigilan, pero huli na nang narinig niya ang malakas na pagsigaw nito. Kahit na may karga-karga ay mabilis siyang lumapit dito at inilayo sa bangkay ng isang lalaki. "A-ano'ng- b-bakit m-may—" Napamura siya sa kaniyang isipan ng nakita ang gimbal sa mukha ng dalaga. "Let's get out of here." Mabilis niyang hinigit ang braso ng dalaga papalayo roon, hanggang sa tumulong na rin ito sa pag-akay kay Sumi. “Kapag may nakita kang hindi mo kayang makita, huwag mo nalang tingnan," saad niya dito, hanggang sa nakalabas na sila ng tuluyan sa university. Eksakto naman niyon ang malakas na alingawngaw ng ambulansya sa paligid, pero napamura na lamang siya nang hindi lang pala ang ambulansya ang dumarating. "Oh shit." "Iyong guard...t-they're dead...." Napaatras siya nang nagsilabasan ang laman ng ambulansya. Mabilis kinuha ng mga ito sa kanila si Sumi at isinakay sa stretcher. "Go with her." Napalingon sa kaniya ang dalaga na may bahid ng pagtataka at takot sa mga mata nito. "P-paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong nito sa kaniya. Bahagya siyang napasulyap sa mga sasakyan ng pulis na ilang metro na lang ang layo. Muli siyang bumaling sa dalaga. "Hindi na importante iyon. Sumakay ka na." Itinulak niya nang bahagya ang dalaga upang maisakay ito sa loob. "P-pero...si Cypher, at Farris. I-iyong mga kaibigan ko—" "Ako na ang bahala sa mga kaibigan mo. Go," Sa huli niyang sinabi ay wala nang nagawa pa ang dalaga kung hindi ang sumama sa ambulansya hanggang sa tuluyan na nga itong umalis at mawala. Her grip to her gun tightened more until she heard a gun shot. Hindi na siya nagdalawang isip pa at bumalik na lamang sa loob ng university. Hanggang sa magsunod-sunod na nga ito. Napamura na lamang siya nang muntik na siyang matamaan ng isang lumilipad na punyal mula sa kung saan. Napalingon siya sa itaas dahil doon nanggaling ang patalim. Doon niya nakita ang iilang pigura ng mga assassins. "Hell. Kailan pa ako nadawit sa gulo na dala ng mga assassins?" tanong niya at mabilis na napaatras nang bigla na lamang nagsitalunan ang mga assassins. Mabilis niyang kinasa ang hawak na baril at pinaputukan ang tatlong assassins bago pa ito tuluyang makalapag sa lupa. Natamaan ang tatlo, at eksaktong pagbagsak ng mga ito sa lupa ay siya namang pagpasok ng mga pulis sa loob ng gate. "Libutin ang buong eskwelahan!" Napamura siya at mabilis na napatakbo sa loob ng building. "Damn. Nasaan na ba ang babaeng iyon?" inis niyang wika sa sarili, hindi alam kung saan tatakbo, dahil kaliwa't kanang hallway ang kaniyang nadaraanan. Sa laki ba naman ng eskwelahan ay talagang maliligaw ang kung sino man na hindi pamilyar dito. -- Walang humpay sa pagtakbo sina Cypher at Ms. Selena sa kahabaan ng hagdanan. Ang stock room kasi na kanilang pinanggalingan ay huling floor pa ng Engineering building, at kung minamalas ka nga naman, hindi pa gumagana ang elevator na dapat sanang sasakyan nila, kaya mula sa 10th floor ay tumakbo sila pababa ng hagdanan. "I knew it. You're not really an ordinary student," wika sa kaniya ni Ms. Selena habang tinatahak nila ang hagdanan pababa. "Is that a compliment?" "Not really." "Hanapin niyo! Kahit saang sulok pa 'yan!" Napahinto sila nang nakarinig sila ng mga mabibigat na yabag, tila may kung ano'ng hinahanap. "Fuck! Why in my university?! Masisira ang reputasyon nito sa publiko!" pabulong na giit ni Ms. Selena. "I am very sorry to hear that," naiiling na wika ni Cypher habang pinapanood ang iilang mga pigura ng lalaki na kung saan-saang direksyon tumatakbo. Walang nagtatangka na pumunta sa hagdanan kung nasaan sila dahil sa madilim ang kanilang kinaroonan. "Let's go," saad niya nang nakitang nakalayo na ang mga ito. Mabilis niyang hinila si Ms. Selena sa kasalungat na direksyon na pinuntahan ng mga lalaking kaniyang nakita at saka sila patakbong naglakad. Pawang mga nakayapak ang dalawa dahil mas makakabuti iyon upang walang makarinig sa bawat hakbang nila, isa pa, sagabal ang heels sa kanilang mga paa. "This is what I'm talking about. Kaya ayaw ko na pumasok si Zero sa—" Nabunggo si Cypher sa isang pigura, matigas iyon at dahil sa lakas na pagkakabunggo nito sa kaniya ay muntik na niya itong ikawalan ng balanse, pero bago pa mangyari iyon ay mabilis na nahigit ng kung sino man ang kaniyang braso. "Nakita rin kitang babae ka!" Bago pa siya kaladkarin nito ay sinuntok na niya ito sa mukha gamit ang kanan niyang kamao. "Run!" sigaw ni Cypher kay Ms. Selena. Napaatras at napamura ang lalaki lalo na nang nakita nito ang duguan nitong nguso. Walang baril na hawak ni Cypher dahil naubos na ang bala niya kanina dahil sa mga assassins na bigla na lamang sumulpot, mukhang isa sa mga tauhan ng Fortune Famiglia. "Walang hi—" bago pa tuluyang maiputok ng lalaki ang baril na hawak ay mabilis iyong nasipa ni Cypher sa ere at siya mismo ang sumalo niyon saka diretsong ipinutok sa noo ng estranghero. "Nandito siya!" Mabilis niyang itinutok ang baril sa kaniyang likuran at ipinutok iyon. Narinig niya ang pagbagsak ng isang pigura sa makinis na sahig ng hallway. Napangisi na lamang siya. "You're numerous, but I'm faster," saad niya, at bago pa siya tuluyang makita ng ilan pang mga mafia reapers ay mabilis na siyang tumakbo hanggang sa nakarating siya sa mismong ground floor ng engineering building. Hindi pa siya tuluyang nakakaliko sa hallway nang may katawan na biglang bumunggo sa kaniya, dahil sa galing ito sa pagtakbo ay nadala siya sa pagtumba nito. "God! I'm sor—Cypher?!" Naningkit ang mata ni Cypher at mabilis na tinulak ang babaeng nakadagan sa kaniya. Napangiwi siya dahil tumama ang dulo ng sombrero nito sa kaliwa niyang mata. "I'm gonna kill you, Amethyst." Napahawak si Cypher sa matang natamaan. "Thanks God, you're here. Kung hindi lang sinabi ni Denise, hindi na kita hahanapin pa. " Mabilis na naagaw ang atensyon niya dahil sa sinabi nito. "N-nagkita kayo?" "Obviously." Bakas ang pagtataka sa mukha ni Cypher, ngunit hindi na lamang ito pinansin pa ni Amethyst. Lalo na nang nagsimula silang makarinig ng mga putukan at sigawan. "Habulin niyo! Habulin niyo!" "What was that?" tanong ni Cypher. Napaikot naman ang mata ni Amethyst dahil dun. "Mga pulis, at hindi nila tayo puwedeng makita rito." Balak na sanang hilahin ni Amethyst si Cypher papaalis, ngunit hindi umalis si Cypher sa kaniyang kinatatayuan. Nagtatakang lumingon sa kaniya ang dalaga. "Si Zero." "Don't worry about him. I'm pretty sure he's safe," kahit na sinabi iyon ni Amethyst ay hindi pa rin niya naiwasang makaramdam ng pag-aalala. "How are you so sure?" tanong niya na ikina-ngisi ng dalaga. Animo'y may alam ito na hindi niya alam. "I'm just sure. He wouldn't be a Zero Tyler Adamson for nothing."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang galing mo Naman magsulat ng story 😍
02/09/2025
0nice work
27/09/2024
0good
11/07/2024
0Tingnan Lahat