Denise's POV Wala akong ideya sa mga nangyayari kung bakit parang nagkakagulo ang paligid, pero isa lang ang nasisiguro ko, may nakatanim na bomba sa isang speaker nitong party hall. Hindi ko na sana iyon mapapansin kung hindi lang napuno ng usap-usapan ang buong party hall. Hindi pa rin bumabalik ang kuryente hanggang ngayon, though imposibleng mawalan dito ng kuryente dahil mayroon namang generator ang university, kaya nakakapagtaka lang kung bakit wala pa ring kuryente hanggang ngayon. “Gosh! Kinakabahan na ako! Hindi nila mabuksan ang pinto palabas!” Bigla akong napalingon kay Sumi na nasa gilid ko lang at nakakapit sa aking braso, medyo gumilid kami nang kaunti upang hindi kami mabunggo sa gitna. “Ha? Bakit? Ano'ng problema?” “I don't know! Kung hindi talaga nila mapapatigil 'yang bomba na 'yan tiyak na patay tayo ritong lahat!” wika niya kaya naman hindi na napigilan pa ang paggapang ng kaba sa aking sistema. We're going to die. Gosh! Bakit ba kasi nagkabomba rito?! At sino ang may kagagawan nito? That's crazy. Someone's wants us dead, hindi ko alam kung may nagawa bang masama ang mga staff nitong university sa ibang mga tao dahilan para gawin ng kung sino man ang bagay na ito! And they're going to kill us?! Gosh! Ayaw ko pang mamatay! “Ligtas na tayo! Napahinto na ang bomba!” rinig naming sigaw ng isang babae dahilan para mapalingon kami sa gawi na iyon, nang marinig iyon ay bahagyang nabawasan ang kaba ko. But we're trapped here! Paano tayo makakalabas?!” sigaw ng isang lalaki, hanggang sa nagsunod-sunod na ang mga ingay sa paligid. Mga nagre-reklamo kung paano makakalabas sa party hall na ito. May iba pa na naiirita dahil sa kapalpakan ng party, ang iba naman ay hindi mapigilan na ilabas ang takot at nag-hysteral na lamang. “What the hell is wrong with this night?! May gustong pumatay sa atin?!” sigaw ng isang babae, hindi namin ito makita ni Sumi dahil sa dilim ng paligid, tanging mga ilaw lang ng kani-kanilang cell phone ang gamit upang magbigay liwanag. “Everyone, calm down! Papunta na ang mga tauhan namin para ilabas tayo rito!” Kahit hindi ko makita kung sino ang nagsalita ay nasisiguro kong si Xaver iyon dahil sa pamilyar na boses nito. Bahagyang kumalma ang iba dahil doon, pero may iba rin naman na nagreklamo pa. Hindi na lamang kami sumali pa ni Sumi sa pag-iingay dahil wala iyong maidudulot na maganda. Mabilis kong kinapa ang laman ng pouch na dala ko at kaagad kinuha ang aking cellphone. Should I call Kuya Badong to tell him about this? Pero nag-aalala ako na baka mag-hysteral iyon kapag sinabi ko sa kaniya, isa pa baka mamaya kung sino pa ang nasa labas na kasabwat ng kung sino man ang gumawa nito sa amin, kaya baka mapahamak siya. I can't risk him, sigurado rin naman ako na makakalabas kami sa party hall na ito at pagkatapos ay makakauwi nang maayos. Napahinto nila ang bomba, kaya nasisiguro ko na ang paglabas ay hindi ganoon kahirap. “What are you doing?” I asked nang napansin kong may kung ano'ng kinukuha si Sumi sa kaniyang pouch. “I'm gonna call my dad! Magpapasundo ako sa kaniya!” Gusto ko sana siyang pigilan dahil hindi namin sigurado kung ligtas ba sa labas, pero bigla ko ring naisip na mayaman ang papa ni Sumi, sigurado akong may mga bodyguards iyong kasama upang sunduin si Sumi rito sa university. “Where's Cypher?” Napapitlag ako sa aking kinatatayuan nang bigla nalang sumulpot sa aking harapan si Zero. “H-hindi ko alam. Hindi ba ikaw ang kasama siya?” nagtataka kong tanong.
Bakit niya hinahanap si Cypher? Magkasama silang dalawa noong huli ko silang nakita kanina ah. Wait, don't tell me nawawala si Cypher!? Kahit na madilim ay hindi nakatakas sa akin ang pag-tiim bagang ni Zero. “Sinabi niyang hahanapin ka niya,” ani niya na ikinalaki ng dalawa kong mata. “What?! So you mean she's looking for Ate Denise and now she's gone?! Oh my God!” “I'll search for her. Xaver, stay here, guard them,” wika ni Zero nang biglang sumulpot sa kaniyang gilid si Xaver. “What?! But I want an adverture!” si Xaver pero tuluyan nang nakaalis si Zero upang hanapin si Cypher. Paanong nawawala si Cypher kung sarado ang pintuan nitong party hall? Kung hinahanap niya ako, madali niya akong mahahanap dahil nasa gitna lang kami ng dance floor ni Sumi kanina! Pero hindi ko rin sigurado kung ganoon kadali ang paghahanap dahil madilim at mahirap makakita. But then where did she go? Ang kalmado kong sistema kanina ay biglang nahaluan ng kaba at takot nang bigla kong maalala si Farris. Si Farris! Nasaan si Farris?! Kanina ko pa siya hindi nakikita! Alam kong um-attend siya dahil na-kuwento niya iyon sa amin ni Sumi! And one more thing, she texted me before she got here. Kaya nasaan siya ngayon?! “Urgh! Hindi sinasagot ni Ate Cypher ang phone! Oh God, sana naman hindi siya mapahamak!” Wika ni Sumi matapos subukang tawagan ang numero ni Cypher. Sinubukan ko rin pero nagri-ring lang ang kaniyang cell phone at walang kahit sino ang nagtatangkang sumagot. “Xaver, nakita mo ba si Fa—” I was about to asked Xaver pero nang nag-angat ako tingin ay wala na siya sa aming harapan. I looked in other directions, pero wala rin. Damn! Saan siya nagpunta?! “Let's go, Sumi. Hanapin natin si Cypher at Farris,” saad ko at hinila na si Sumi patungo sa kumpulan ng mga estudyante. “What?! Pati si Ate Farris nawawala?!” “I don't know! Kayanga hahanapin natin!” “Pero hindi tayo makakalabas!” “Then we will find our way out!” Hindi ako makapapayag na mananatili lang ako rito at walang gagawin para hanapin sina Cypher at Farris. Pakiramdam ko nasa bingit sila ng kapahamakan, at kahit kailan ay hindi pa nagkamali ang aking pakiramdam para sa isang bagay. Cypher and Farris are both important to me, at hindi ako makapapayag na mapahamak sila. Kahit sobrang kaba ang aking nararamdaman ay kailangan ko itong labanan, kailangan kong maging matatag ngayon. “Yes! Bukas na ang pinto! Puwede na tayong makalabas!” kasabay ng wika ng isang lalaki ay ang pagkabuhay ng mga ilaw, pero kasabay din niyon ay ang isang malakas na putok ng baril dahilan para magsigawan kaming lahat na naririto. Third Person's POV “Fuck! Habulin ka talaga Serpentina ng gulo!” sigaw ni Spencer kay Serpentina na napapayuko na lamang habang patuloy sa pagda-drive ng kanilang sasakyan na ngayon ay halos pa-gewang gewang na dahil sa mga reapers na humahabol sa kanila.
“Don't point out your tongue on me young man! Nandyan pa sina Cyrus at Seike!” sigaw ni Serpentina habang patuloy sa pagbaril sa SUV na humahabol sa kanila. Sinipat niya ang glass window nito sa unahan at walang pasubali na binaril dahilan ng pagkabasag ng salamin. Mabilis niyang naipasok ang ulo sa loob ng bintana nang nagtangkang bumaril ang kanilang kalaban. “Puwede bang 'wag na kayo magtalo?!” sigaw ni Seike na nakalabas ang ulo sa bintana at patuloy sa pagbaril sa gulong ng SUV na nasa kanilang likuran.
“Oh shut up you three! Kung ayaw niyong kayo ang pasabugin ko!” sigaw ni Athena na nakadungaw naman sa may ibabaw ng sasakyan na mabilis na naghagis ng granada sa kalaban. Nang nagbalak na umiwas ang SUV na humahabol sa kanila sa parteng kaliwa ay mabilis siyang naghagis ng tatlong dagger patungo sa gulong ng sasakyan, naging dahilan ito ng pagbaling ng SUV sa kanan at doon tuluyang bumagsak ang granada na naging dahilan ng malakas na pagsabog at pagkawasak ng sasakyan. “Woo-hoo! 1 down baby!” sigaw ni Spencer na nagpatuloy sa pagpapatakbo ng kanilang sasakyan. “There's more,” si Cyrus na mariin na nakatingin sa kaniyang unahan kung saan nakita nila ang isa pang SUV na mukhang handa nang sumalubong sa kanila sa loob ng ilang segundo. “You gonna be kidding me,” si Serpentina na natulala na lamang. “There's no time! Jump!” sigaw ni Seike na naging dahilan para sabay-sabay nilang buksan ang pintuan ng kanilang sasakyan. “Fuck!” mura ni Athena nang bigla itong nauntog sa bubong dahil sa pagmamadali. Bago pa sila tuluyang masama sa pagsalpok sa sasakyan ay mabilis na tumalon ang lima sa tigka-bilang direksyon, kasabay niyon ang isang malakas na pagsabog na nagmula sa dalawang sasakyan na nagsalpukan. Napangiwi si Cyrus nang naramdaman niya ang pagtama ng kaniyang ulo sa isang bato, sa kaniyang gilid ay si Seike na puro gasgas ang braso at mukha. “That's a journey way to hell,” si Spencer na iika-ikang lumapit sa dalawa at tinulungan ang mga ito na tumayo. Kahit na nanlalabo ang paningin ni Cyrus ay pinilit niya paring tinatagan ang kaniyang pagtayo, napapilig-pilig nalang siya ng kaniyang ulo upang mawala ang bahagyang panlalabo ng kaniyang pangingin. Napamura nalang si Athena nang nakita ang nagasgasan niyang tuhod na bahagya nang nagdurugo. Ang kaniyang off shoulder red dress ay bahagyang nasira, habang si Serpentina naman ay may sugat sa noo kung saan bahagya nang tumutulo ang dugo mula rito. “You guys look wasted,” natatawang wika ni Serpentina nang tuluyang nakita ang itsura ng tatlong lalaki, napangiwi naman si Seike dahil sa sinabi ng dalaga. “Let's move. We need to find Cypher,” seryosong wika ni Cyrus at mabilis na naglakad papunta sa sasakyan nila kanina na ngayon ay bahagyang nagliliyab dahil sa naganap na pagsabog. “Oh come on, Cyrus. It's already ruined.” Napahalukipkip si Athena. “Medyo malayo na tayo sa syudad. Kailangan nating humanap ng masasakyan.” Nauna na sa paglalakad si Spencer na sinundan naman ng apat, pero hindi pa sila tuluyang nakakalayo ay namalayan nalang nila ang pagbagsak ni Cyrus sa lupa, biglang napalapit ang apat dito at napailing-iling na lamang. “Ba't niyo kasi 'to nilasing kanina? E di sana nakapaghanda tayo nang sinugod tayo ng mga reapers sa unit. Tsk. Tsk,” naiiling na wika ni Serpentina bago tinulungan si Spencer sa pag-akay kay Cyrus. “He's head is bleeding. Take it seriously guys,” malamig na wika ni Athena na ikinatahimik nilang lahat. “Ako na,” si Seike kay Serpentina at siya na ang tumulong sa pag-akay kay Cyrus kasama ni Spencer. “Ten ilometers, then we're back to the city,” si Athena matapos niyang makita ang hologram na lumabas sa kaniyang high-tech na relo. “Let's move.” -- Inayos ng isang babae ang suot niyang cap bago sumilay ang isang ngiti sa kaniyang labi. She looked at the university once again, na parang mini-memorya niya ang hitsura nito. Makaraan ang ilang minuto ay napabuntong-hininga na lamang siya bago sumakay sa kaniyang motor. She was about to start the engine when she suddenly heard a gun shot. Parang nagpantig ang kaniyang tainga at mabilis na nabalik ang tingin sa university, hanggang sa muli siyang nakarinig ng isa pang putok ng baril. “Denise....”
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang galing mo Naman magsulat ng story 😍
02/09/2025
0nice work
27/09/2024
0good
11/07/2024
0Tingnan Lahat