Cypher’s POV “Be my girlfriend, baby.” I froze after hearing those words from Zero. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kaniya. Kung ano'ng dapat kong isagot. I've never expected this, I have never expected that he wanted me to be his girlfriend. “Zero....” Nagsalubong ang aming mata. I can clearly sees the hope in his eyes, and I don't know what to do. I love him, but that doesn't mean that I wanted to be his girlfriend, lalong-lalo na sa ganitong klase ng sitwasyon. Napabuntong-hininga ako at inalis ang kaniyang mga palad sa aking pisngi. I wouldn't want to reject him, pero hindi ito ang tamang panahon para sa aming dalawa. Napatingin ako sa paligid, umaasang makakahanap ako ng tamang salita para sa sinabi niya. But suddenly my eyes caught something...or should I say someone. “Not now.” Bumalik ako sa pagkakatingin kay Zero na ngayon ay may bigong pagtingin sa akin. Oh great! Mukhang iniisip niya na ni-reject ko siya dahil doon! “I mean, now is not the right time to give my answer. We're being trapped, Zero.” Kumunot ang kaniyang noo sa aking sinabi. Maya-maya ay napalingon na rin siya sa paligid na parang may sinisipat na kung ano. I watched his expression turned into dark one, hanggang unti-unti ko nang nakita ang pagkakadipina ng kaniyang panga at ang kaniyang pagtiim-bagang. “Stay here,” he said before he left me in my position. Maybe he saw it. The bomb beside the huge speaker. Pinanood ko siyang pumunta roon sa speaker kung saan ko napansin ang bomba na inilagay ng isang lalaki kaninang nakasuot ng pang waiter. I can't just stand here and do nothing, kung hindi ako kikilos maaaring mapahamak ang lahat; I wouldn't want that to happen, not in this place, hindi sa ganitong lugar kung saan maraming puwedeng mapahamak. I refused to obey Zero's order, dahil mabilis na akong umalis sa aking puwesto at hinanap ang kung sino man ang may kagagawan niyon. Marami pa ring mga estudyante ang nasa dance floor at walang alam sa nangyayari, though I think it's better. Hindi ko hahayaan na masira ang gabi nila nang dahil lang sa isang tao na gusto itong sirain. Nasa kalagitnaan ako ng aking paghahanap ng biglang tumunog ang aking cellphone. Mabilis ko iyong kinuha sa pouch na aking dala. I immediately answered it when I saw Rus’s name on my screen. “Rus.” “Cy, you need to get out of there.” “ You knew what's happening?” Nagpalinga-linga ako sa paligid, nagbabaka-sakaling mahahanap ko ang aking hinahanap. “They've already found us, Cy.” “Ano?” Kasabay ng pagkapatay ng koneksyon ko ay ang pagkawala ng ilaw. The students started to scream because of that. Shit! Ano'ng nangyayari? “Gosh! Guys takot ako sa madilim! Bakit biglang nawalan ng kuryente?!” “Baka nagkaproblema lang sa system. Huwag kayong mag-panic.” Umingay ang paligid dahil sa pagkawala ng ilaw. Imbis na mataranta ay binuhay ko nalang ang flash light ng aking cellphone, ngunit kasabay niyon ay ang muling pag-ring nito. Mabilis ko itong sinagot nang nakita muli ang pangalan ni Rus sa screen. Hindi ko alam kung bakit biglang namatay ang tawag kanina, pero hindi na iyon importante. “Shit! Cy, umalis kana riyan!” “Rus, there's a—” Mabilis kong napatay ang tawag nang nakarinig kami sigaw ng babae. Dahil doon ay unti-unting nagkagulo ang mga estudyante sa paligid. Sinasabi ko na nga ba! May hindi talaga magandang mangyayari! Kahit na madilim ay mabilis akong napatakbo sa kung saan. Nasaan na ba si Zero? Did he already stop the bomb? O hindi pa? Gamit ang flashlight ng cellphone ko ay tinanglawan ko ang paligid. May iba akong mga estudyante na nabubunggo at nagre-reklamo sa akin, pero hindi ko na iyon pinansin pa. Ang importante ay mapatigil muna ang bomba! “Fuck! This can't be!” Nakita ko si Zero kasama sina Xaver at Trace na nagtulong-tulong para mapahinto ang bomba. “Ano'ng nangyari?” Hindi nila ako natapunan ng tingin dahil sa abala sila sa kanilang ginagawa. “Sinubukan ko nang i-cut ang isang wire, pero walang nangyari,” wika ni Xaver na pinagpapawisan na ngayon. “Mamatay na ba tayo?!” Napalingon ako sa babaeng sumigaw. “Windy, puwede bang manahimik ka muna?! Tinakot mo pa ang mga tao kanina dahil sa sigaw mo,” wika ng lalaki na nasa tabi nila dahilan para marinig iyon ng ibang mga estudyante. Bahagyang nagkagulo tuloy ang iba dahil doon. Wait, where's Denise? “Trace, 'di ba ikaw ang kasama ni Denise kanina?” tanong ko sa kaniya, bahagya naman siyang napalingon sa akin. “Yeah. She's on the dancefloor—” “Bakit mo siya iniwan do’n?! Damn!” Balak ko na sanang umalis, pero may kamay ang biglang humawak sa braso ko. “I told you to stay there.” I looked at Zero. “Not in this kind of situation, Zero. Maybe I can help with tha—” “I'll take care of it. Go find Denise,” he said kaya naman hindi na ako nagsayang pa ng oras at dali-dali na akong nagtungo sa dance floor. Nakisabay na ako sa ingay ng paligid para tawagin si Denise, nagbabaka-sakali na sasagot siya sa pagtawag ko. I'm in the middle of searching until my phone rang; kaagad ko iyong sinagot nang hindi tinitingnan ang kung sino mang caller. “Hello?” “Hello? Cypher?! Cypher, help me please...ayaw ko pang mamatay...Cypher....” Nagpanting ang tenga ko nang narinig ko ang boses na iyon. Hindi ako puwedeng magkamali! “Fuck! Farris, where are you?!” “H-hindi ko alam...h-hindi alam....” Napapikit na lamang ako dahil naririnig ko ang malakas na paghikbi ni Farris. “Look, keep calm okay? Pupunta ako riyan. Hahanapin kita. Just don't hang up the call,” wika ko at nagsimulang pumunta sa pintuan papalabas ng hall, but to my surprise it's locked! What the hell! Kaya ba hindi makalabas ang mga estudyante?! Bumalik ang atensyon ko sa aking cellphone at sinubukang i-trace ang numero ni Farris, pero hindi ko pa tuluyang nakikita ang lokasyon ay may kung ano na kaagad akong naramdaman na tumakip sa aking ilong. Bago ko pa masinghot ang kung ano man ang mayroon doon ay mabilis ko nang napilipit ang braso ng kung sino man ang gumawa niyon. Dahil sa madilim ay hindi ko masyadong maaninag ang taong nagbalak na patulugin ako, pero base sa pigura niya ay isa siyang lalaki. Balak ko na sana itong suntukin sa mukha, pero mabilis niyang nasalag ang aking kamao gamit ang kaniyang kamay. I was about to kick him, ngunit may kung ano na naman ang tumakip sa aking ilong, dahil sa hindi ko iyon inaasahan ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na masinghot ang amoy niyon. Shit! I'm so stupid! I tried to kick the man on my back pero nakaramdam na ako ng pagkahilo, hanggang sa unti-unti na akong nilamon ng kadiliman. Third Person's POV Mabilis na nagsitakbuhan ang ilang mga kalalakihan patungo sa isang van kung saan naroon ang isang taong nag-utos sa kanila na gawin ang bagay na iyon. “Sir! Hindi namin siya makita!” wika ng isang lalaki na kanina pa palibot-libot sa buong party hall, ngunit hindi nila makita ang taong pinapahanap sa kanila. “Bigla nalang po kasing nawalan ng ilaw. Mukhang naunahan tayo, Sir,” wika ng isa pang lalaki. “Bring her to me. Hindi puwedeng makuha na lamang siya ng iba. Halughugin niyo ang buong paaralan,” wika ng isang lalaking prenteng nakasandal sa gilid ng kaniyang van habang matamang hinihithit ang kaniyang hawak na sigarilyo. Naliliwanagan ng mga poste ng ilaw ang kaniyang suot na eyeglasses kahit halos sobrang dilim na ng paligid. “Yes, Sir,” saad ng mga kalalakihan at mabilis na nagsibalik papasok ng nasabing paaralan. Binuksan niya ang pintuan sa backseat at napangisi nalang nang nakita ang babaeng nasa sulok na nakapiring at mahigpit na nakatali sa upuan. “Masyado talagang mailap 'yang kaibigan mo,” naiiling niyang wika habang hindi nawawala ang mala-demonyong ngisi sa kaniyang mukha. “Damn you! Pakawalan mo ako!” sigaw ng babae, pero sa kabila ng pagsigaw nito ay nakakaramdam din ito ng sobrang takot, hindi na rin nito mapigilan ang pag-iyak dahil na rin sa sobrang takot na nararamdaman. Hindi pinansin ng lalaki ang dinadaing ng babae. Muli siyang humithit sa kaniyang hawak na sigarilyo bago siya muling sumandal sa pintuan ng driver seat. Kinuha niya ang kaniyang telepono at tumipa ng numero na nais niyang tawagan. “How's it going?” “Sir, natakasan nila kami,” rinig niyang wika ng lalaki mula sa kabilang linya. Napapikit nang mariin ang lalaki upang pigilan ang inis na kaniyang nararamdaman. Mahaba ang kaniyang pasensiya, pero sa sobrang haba ng panahon na ginugol niya sa kaniyang pagpa-pasensya, ay hindi na siya makakapayag pa na madagdagan iyon. Years are enough; seeking for years are enough. Ito na ang oras para pagbayaran ng mga taong iyon ang kasalanan nito sa kaniya. Hindi niya hahayaan na matalo siya sa isang labanan lamang. “You know I'm not buying your excuses. Bring. Them. To. Me. Or you'll know what will happen,” mariin niyang wika bago niya tuluyang ibinaba ang tawag.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang galing mo Naman magsulat ng story 😍
02/09/2025
0nice work
27/09/2024
0good
11/07/2024
0Tingnan Lahat