logo text

NOT FOR ME

Cypher's POV
I looked up as I see the huge calligraphy of the Houston Company where I've used to work before, and now I am here to bid my goodbye to the owner of it. Hindi ganoon kadali, I know, but I really need to do this.
“Do you have an appointment, Ma'am?” tanong sa akin ng isang babae pagkapasok ko pa lamang sa loob ng building.
“I have.” Tumango sa akin ang babae bago niya ako pinasunod sa kaniya.
Nang nakarating kami sa mismong office ng tao na aking pakay ay kaagad kong nasilayan ang isang lalaking nakaupo sa kaniyang swivel chair habang nililiwaliw ang sarili sa pag-ikot ikot nito, his eyes are closed kaya hindi niya napansin ang pagdating ko.
“Am I a disturbance?” I started na naging dahilan ng pagbukas ng kaniyang mga mata.
Kumunot ang kaniyang noo na parang hindi makapaniwalang nandito ako ngayon sa kaniyang harapan. Well yeah, who wouldn't be surprised if a person like me that doesn't like his presence is now in front of him? I actually have no appointments, I faked it, that's why I've easily got in here.
“So, what are you doing here, beautiful?” Ang nakakunot niyang noo ay napalitan ng isang malawak na ngisi. He didn't even bother to fix his position and his office uniform, bahagyang nakabukas ang dalawang butones ng kaniyang long sleeve.
“Amethyst didn't tell you?” I asked. Sigurado naman ako na wala siyang alam sa pag-alis ko sa grupo ni Amethyst at bilang tauhan niya, but why did I even bother to asked if I already know? Nothing. I just feel to. Gusto ko lang nalaman kung ano ang magiging reaksyon siya.
“Sabihin man niya o hindi, you can't leave, Cypher,” he said that made me cut off guard. I thought he didn't know, pero mukhang bago pa yata ako magdesisyon na tumiwalag ay alam na niya ang plano ko.
“You aren't my boss to command me of what I'm going to do, Raze,” wika ko na ikinasingkit ng dalawa niyang mata. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at dahan-dahang naglakad papalapit sa aking pwesto.
“Maybe I ain't when it comes to your decision....” Bahagya siyang lumapit sa may bandang tainga ko hanggang sa marinig ko siyang bumulong, “But you can't protect yourself without my help, Cypher. I know who's your enemy.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
“Fuck, Raze! ” Before I could react, a fist suddenly landed on Raze’s face. Nagulat ako nang nalamang nasa may gilid ko na pala si Zero. Damn! What is he doing here?
“Cy, are you okay? Did he hurt you?” Punong-puno ng pagtataka ang mukha ko habang nakatingin kay Zero na punong-puno ng pag-aalala sa kaniyang hitsura. I don't understand, bakit bigla nalang siyang sumulpot dito?
“Easy, brother. I won’t steal your girl,” rinig kong wika ni Raze na mas lalong ikinalaki ng mata ko.
“Ano?” Napalipat ang tingin ko kay Raze na ngayon ay sobrang lapad ng ngisi, sumunod naman ay kay Zero na ngayon ay hindi maipinta ang mukha sa sobrang pagkangiwi.
“Magkapatid kayo?” tanong ko habang pabalik-balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.
“Hm. Mother side,” wika ni Raze na naging dahilan para mapamura nalang ako sa kanilang dalawa.
So that’s why! That's why they have different surnames! Dahil magkapatid sila sa ina. Oh damn! Kaya pala noon palang napapansin ko na may pagkakahawig silang dalawa, because they're siblings.
I glared at Zero nang bigla akong may napagtanto.
“Why didn't you tell me?” Mabilis naman siyang napaiwas ng tingin sa akin, na parang ayaw niyang salubungin ang matatalim na tingin ko sa kaniya.
For damn's sake! Ngayon ko lang naalala kung anu-ano ang mga pinagsasasabi niya sa akin noon tungkol dito kay Raze. That I should avoid him, na hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit. Tapos malalaman ko pang magkapatid pala silang dalawa?! Am I being played here?
“Y-you didn't asked me,” he reasoned out that made my lips to be parted a bit.
“Oh hell, Zero! Paano kita tatanungin kung sa simula palang ay wala na akong alam sa inyong dalawa?” Was he expecting me to ask him if Raze is his brother? Bakit parang halos lahat ng mga taong nakapalibot sa akin ay may tinatago? Though I have, pero ibang usapan na ang sa kanila.
“Oh, I remember. I asked you before if you knew this guy, but what was your answer Zero?” I asked, na ikinatahimik niya. Hindi ko naiwasang mapakunot ang noo dahil sa pagiging tahimik niya. “You didn't answered my question.”
“Cy, I'm sorry. It's just that....” Napahilamos siya sa kaniyang mukha na hindi alam kung paano sasabihin sa akin ang mga salitang gustong kumawala sa kaniyang bibig.
“Just what?” Ramdam kong nanonood lang sa amin si Raze at mukhang walang pakialam, pero sa totoo lang ay baka kung anu-ano ang kalokohan na ang pumapasok sa utak ng lalaking ito habang pinapanood niya kaming magtalo ni Zero. God, I hate him!
Tinaasan ko ng kilay si Zero.
“Fine. I'm jealous okay?” I gaped with what I've heard. He's...he's what?!
“Tsk. Tsk. Kung mage-LQ lang kayo, 'wag dito. The door is open you know,” si Raze, saka siya bumalik sa kaniyang swivel chair at prenteng umupo na parang walang nangyari.
“I'm not done with you.” Balak ko sanang lapitan si Raze, pero may kamay na biglang humawak sa braso ko.
“You're done with him.” Hindi ko naiwasang mapapikit dahil sa inaasal sa akin ngayon ni Zero. Can't he see that this is important?! God. Ano bang puwede kong gawin sa magkapatid na 'to?
“We'll talk later. Labas muna, Zero,” wika ko sa kaniya nang hindi siya nililingon. Naramdaman ko naman ang bahagyang paghigpit ng kamay niya sa braso ko na parang ayaw akong pakawalan.
“No. He might do something to you.” Napabuntong-hininga nalang ako dahil sa katigasan ng ulo ni Zero. Narinig ko naman ang pagak na pagtawa ni Raze.
“Oh come on, Bro. Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Matagal na akong nawalan ng tiwala sa 'yo,” seryosong wika ni Zero na nagpawala ng ngisi ni Raze.
Nakaramdam ako ng matinding tensyon sa pagitan nilang dalawa. Mukhang may matigas na pader ngayon ang humaharang sa bawat isa sa kanila. There's something deep that happened between them that's why they've came into this kind of situation. Sino nga ba namang magkapatid ang magiging maayos sa bawat isa kung alam nilang magka-iba sila ng ama na kinikilala?
Kung ako ang nasa sitwasyon nila, maaaring hindi ko rin matanggap na nagkaroon ng ibang lalaki ang aking ina, but my situation's different, hindi man ganoon ang nangyari sa akin, sa mga magulang namin ni Rus...that was more bigger than this. Kung tutuusin mas okay pa sa akin ang ganitong sitwasyon, but I ain't in this situation.
Dahil ayaw ko nang dumagdag pa sa mga iisipin nila ay ako na mismo ang nagpakumbaba.
“Look, Zero. Walang gagawin si Raze na masama sa akin, at kung mayroon man, then I can handle it. I just want to talk to him, that's it.” Hindi ko alam kung bakit kailangan ko itong sabihin sa kaniya, pero kasi hindi ko siya kayang makitang nag-aalala para sa kalagayan ko.
Matagal ko nang inamin sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko sa kaniya, and I wouldn't let that feelings to ruin him, to ruin everything.
“We'll talk after this, I promise,” wika ko sa kaniya. His eyes are still full of emotions, at kahit pakiramdam ko ay manghihina ako dahil sa mga matang iyon ay hindi ko ito hahayaan. Napabuntong-hininga siya sa akin na tila sumusuko.
“Fine. I'll wait outside. Just call me if something happens,” he said before he walked outside the office.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa magsarado ang pinto.
He really don't trust his brother. Hindi ko naman siya masisisi tungkol sa bagay na iyon. Wala naman akong alam sa kung ano ang nangyari sa pagitan nilang dalawa, but somehow...I feel like I want to know the reason. I feel like I want to know him even more.
Lumingon ako kay Raze na ngayon ay malamig nang nakatingin sa akin.
“You can't leave, Cy,” he said, this time he's serious.
“I'll stay, kung sasabihin mo sa akin kung sino ang tinutukoy mo kanina?” Ni hindi ko pa nga alam kung ano ang meron sa Fortune Famiglia, dahil ang impormasyon na malalaman ko na sana noon ay biglang naudlot dahil sa birthday surprise ni Zero sa akin na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung bakit niya ginawa.
I could still remember the words he have told to me.
There's always a reason behind my action, Cy. Iyon ang eksakto niyang sinabi, hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating noon, pero parang unti-unti ko na ngayong naiintindihan. He's doing everything on purpose, na hindi ko alam kung ano.
“Still interested with Fortune Famiglia?”
“Not anymore.” Ilang linggo nang hayahay ang buhay ko, ni hindi ko na nararamdaman ang presensya nila. At isa pa, kayang-kaya na sigurong alamin nina Rus ang tungkol sa organisasyon na iyon kaya hindi ko na kakailanganin pa ang tulong ni Raze para alamin kung ano ang mayroon sa organisasyon na iyon.
“Why so sudden?”
“Ayaw ko lang na baka dahil sa akin ay madamay pa kayo.” Napailing-iling siya sa akin na parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.
“We're already involve in this mess, Cy.” I know that he's still trying to convince me not to leave, pero wala na siyang magagawa pa tungkol sa bagay na iyon.
“And I won't let it to make it more bigger, I resign,” wika ko bago ako tumalikod sa kaniya.
Pero bago pa ako makaalis ay muli pa siyang nagsalita, “Tell me why did you enter in my organization. Dahil ba sa pera?” he asked pero hindi ako nagpaapekto sa sinabi niya.
“Money can't buy my reason, Raze. Kung dahil sa pera, tingin mo titiwalag ako?” wika ko nang hindi humaharap sa kaniya. Nang mukhang wala na siyang balak pa na magsalita ay nagsimula na akong umalis.
Paalis sa isang lugar kung saan alam kong kailan man ay hindi para sa akin.

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    RegachoRocelyn

    ang galing mo Naman magsulat ng story 😍

    02/09/2025

      0
  • avatar
    MageLylia

    nice work

    27/09/2024

      0
  • avatar
    SakirAlwahid

    good

    11/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata