BOSS

"So ano na ang plano natin?"
"Gano'n pa rin, Winz."
"Kung lahat tayo ay nandoon, walang maiiwan dito para bantayan si Cypher."
"Ako nalang."
"Hindi puwede. Ako nalang ang maiiwan."
"Seike, hindi puwedeng ikaw."
Nagising ako sa ingay ng paligid, napamura nalang ako nang maaninag ko na naman ang kulay puting kisame. Hospital. Nandito pa rin pala ako.
"She's awake." Napalingon ako sa nagsalita, I saw Avery including Winz, Deltran, Demetry, Amethyst, Seike and Spencer. Kumunot ang noo sa kung ano ba ang pinag-uusapan nila.
"Ano'ng meron?" I asked.
Ilang segundo akong naghintay ng isasagot nila sa akin, pero wala akong narinig kaya naman tumingin ako kay Amethyst dahil alam kong siya lang ang makukuhaan ko ng sagot sa tanong na iyon.
"Don't mind it, Cypher. Magpahinga ka na lang muna. By the way, nagugutom ka ba?" Kumunot ang noo sa sinabi niya. She's changing the topic and she doesn't want to tell what's going on.
"Amethyst." Matiim ko siyang tiningnan. She knows me when my tone is serious.
"Okay fine. Ngayon gaganapin ang event ni Head Master kaya kakailanganin naming umalis at...." Nabaling ang paningin niya kay Spencer na nasa kaniyang kaliwang bahagi. Kumunot ang noo ko. "Siya ang magbabantay sa iyo," wika niya na parang doon na nagtatapos ang usapan.
"What!? Ako na nga ang bahalang magbantay sa kaniya!" sigaw ni Seike.
"Hindi nga sabi puwede! Bakit ba ang kulit mo!?" sigaw naman ni Winz pabalik dito.
Muntik ko nang makalimutan na may malaking event nga pala kaming dadaluhan, at ayon kay Amethyst ay ngayon ang araw na iyon. But wait...bakit parang may mali? Napatingin ako kay Spencer, sumunod kay Amethyst hanggang sa inisa-isa ko na silang tiningnan. Mukhang nagtaka sila sa ikinikilos ko kaya kumunot ang kanilang mga noo.
"Kung gano'n...kilala niyo siya?" tanong ko sabay tingin kay Spencer.
"Uh...yeah! He's the one who've brought you here so...nakilala namin siya," saad ni Amethyst. I looked at her, kahit na kaunting segundo lamang iyon ay hindi nakatakas sa aking paningin ang bahagya nilang pagka-istatwa nang itanong ko ang tungkol sa bagay na iyon.
"Then who's the other guy?" I asked and looked at Spencer, nakita ko ang bahagya niyang pagkaistatwa.
"What guy?" he asked. Nakikinita ko sa mga mata niya ang bawat salitang lalabas sa kaniyang bibig. Maingat, parang may pinipiling salita.
"The guy with the white shirt, sino siya?" tanong kong muli. Kahit na hindi ako nagtanong noong unang beses akong nagising ay hindi pa rin nakatakas sa aking paningin ang isang lalaking nakaputing t-shirt na lumabas sa pintuan nitong silid. And I still remember what the guy have said to Spencer....
"Just text me if she's awake. Iyon ang sabi niya sayo, then who is he?" Sinuri ko ang bawat galaw niya, pero wala akong mabakas na kahit ano'ng emosyon sa kaniyang mukha.
"He's my friend and he's also worried about your condition kaya niya sinabi iyon," ani niya, nagtama ang mga mata namin. I can't read his mind but I can feel it, there's something happened that I didn't know.
"At bakit naman siya mag-aalala?" tanong kong muli, nagbabakasaling nakukuha nila ang punto kong may gusto akong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari. I waited for him to answer, pero hindi siya nakapagsalita.
"Uh—"
"It's okay. Don't mind my question. Gutom lang siguro ako. May pagkain ba riyan?" I asked.
"May dala kami," si Deltran bago niya inabot sa akin ang isang supot kung saan naglalaman ng take out na pagkain mula sa jollibee. Napahawak ako sa tiyan ko, namayat na yata ako dahil hindi ako nakakain nang ilang linggo. Damn.
Hinayaan ko silang tingnan lang ako habang kumakain. I'm starving to complain with their stares. Napansin ko na kinuha ni Amethyst ang kaniyang pulang leather jacket na nakalagay sa isang plastic na upuan malapit sa may pintuan. I watched her wears it until she's done. Napansin kong nagsitayuan na sa kaniya-kaniya nilang upuan sina Avery. I stopped from eating.
"Where are you going?" Inangat ni Amethyst ang kaniyang wrist at tiningna ang kaniyang relo.
"It's already 4 PM, dear. The party starts at 6 PM, hindi kami pwedeng ma-late," wika niya kaya naman mabilis kong inilapag sa table na nasa gilid ng aking kama ang pagkain.
"Sasama ako." Mabilis kong inalis ang mga nakakabit sa akin.
"What! Dito ka lang, Cypher." Napatingin ako kay Seike nang bigla siyang nagsalita.
"Ilang araw akong natulog?" Nahalata niya na seryoso ako sa aking tanong kaya hindi siya nag-alinlangang sumagot.
"One," he answered.
"And what is the last words you've told me before Spencer injected me yesterday?" Tiningnan ko siya nang malamig, napaisip naman siya saglit na parang may inaalala. Napahalukipkip ako.
"Kailangan mong magpahinga?" Hindi niya siguradong wika kaya naman napapalakpak ako sa ere.
"That's right, sinabi mong kailangan kong magpahinga. And now I've been resting for days, so I'm out of here," wika ko sa kaniya, napamaang naman siya sa sinabi ko.
"Let her, Seike," sumusukong sabi ni Amethyst. Napakibit-balikat na lamang ako bago tumayo, napalapit naman bigla sa akin si Spencer kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya.
"You're going out?" he asked. Bahagya pang nakakunot ang kaniyang noo. I rolled my eyes.
"I'm going out, truly," ani ko at nauna nang lumabas ng silid.
"Cypher, wait!" Huminto ako sa paglalakad at napatingin sa aking likuran nang tawagin ako ni Winz. Tinaasan ko siya ng kilay, itinuro naman niya ang damit na aking suot. "You should change. Baka magmukha kang pasyenteng takas sa mental," she said and I glared at her, but thanks dahil muntik ko nang makalimutang nakasuot pala ako ng hospital gown. Tsk.
--
"No, not that. Hindi bagay," komento ni Avery matapos kong sukatin ang pang-apat na evening gown na pinili ko.
We're here at the mall, at dahil sa wala pa akong susuotin na damit sa party ay kinailangan pa akong kaladkarin ng dalawa para lang bumili. Samantalang nauna na sina Amethyst, kasama sina Deltran at Demetry. Napaikot ang mata ko kay Avery.
"Is it just me o talagang hindi niyo lang type ang mga gown na pinagkukukuha ko?" I asked.
"Try this." Lumapit sa akin si Winz at iniabot ang isang royal blue na gown. It's actually spaghetti straps splits side long gown. Napangiwi ako sa itsura nito, not that I hate it, but yes! I hate wearing shits like that.
"You've got to be kidding me," naiiling kong wika sa kaniya. Halos lahat kasi ng sinukat ko kanina ay hindi revealing tulad nito. Urgh! So much skin.
"Huwag nang maarte. Iyan na kasi." Tinulak-tulak ako ni Winz papasok ng fitting room. Wala na akong choice dahil baka ako pa ang maging dahilan ng pagka-late namin kaya kinuha ko nalang iyon at pumasok sa loob. Tsk.
Ngayon nagsisisi na ako na naisipan ko pang sumama sa kanila. God! Halos mapangiwi nalang ako sa suot ko nang lumabas ako ng fitting room, kaagad nabaling ang paningin sa akin nina Avery at Winz.
"Perfect!" They both said in chorus.
Matapos naming magbayad ay dumiretso naman kami sa salon para magpaayos. Oh God, I hate this! Nakalimutan ko bang sabihing ako nalang ang hindi maayos dahil mas nauna pa silang mag-ayos kaysa sa akin. Tsk. Avery is wearing an off shoulder white gown, while Winz is wearing a black tube gown kung saan labas na labas ang kaniyang likuran. Good luck sa kaniya kapag naglalaglag 'yan.
"And to complete our night...." Dumiretso kami sa CR matapos naming ayusin. Inilabas ni Winz ang mga baril na nakalagay sa bag na kaniyang dala kanina. Napangisi kaming dalawa Avery saka kinuha ang mga baril.
"Good to know na may maganda rin palang mangyayari ngayong gabi," wika ko. I hid my guns inside my gown.
"Of course. Pinaghahandaan dapat ang mga ganitong okasyon. Let's go?"
"Yeah. Let's go."
Sa isang sikat na five star hotel gaganapin ang nasabing espesyal na event. Sa parking lot pa lamang ng hotel ay kitang-kita na ang mga sasakyang sumisigaw ng karangyaan. Napansin ko ang isang napakahabang red carpet papasok sa main entrance ng hotel. Ipinarada ni Avery ang sasakyan bago kami bumaba.
Marami pang nagdadatingang mga bisita at masasabi kong mayayaman talaga ang mga dadalo ngayon. From their expensive cars up to their outfits and their jeweleries, isama pa ang mga body guards na may kaniya-kaniya ring mga sasakyan. I can't help but to expect that this night won't be easy. We walked through the entrance, Winz gave our invitation cards for us to get inside. The event will be held at the hall located in the 35th floor, according to Avery. Mabilis kaming pumasok sa elevator.
"So where should I go?" I asked. Since hindi ko pa alam kung saan ako pu-puwesto sa pagbabantay.
"Supposedly, you're in charge to guard the CCTV room, pero si Deltran na ang ini-assign ni Amethyst at tayong tatlo ang naatasang magbantay sa paligid sa loob ng hall," wika ni Avery na tinanguhan ko naman.
"What about the others?" tanong ko habang hinihintay na makarating kami sa 35th floor.
"Seike is in the other building. He's going to be a sniper for this night," si Winz na muli kong tinanguhan.
"Si Amethyst at Demetry?" Nasa 20th floor na kami at malapit na rin makarating sa 35th floor.
"Demetry was assigned to watch the kitchen's staff, while Amethyst is with our boss."
Nang tumunog ang elevator ay lumabas kaagad kami. Naglakad pa kami nang kaunti hanggang sa nakarating na nga kami sa napakalawak na hall na punong-puno ng mamahaling desenyo. Isama na rin ang mga tables na uupuan ng bawat bisita.
"Dito ako sa may bandang huli magbabantay, Avery do'n ka sa kanang bahagi, at ikaw naman Cypher—"
"On the left side," I told her bago ako naglakad papunta sa kaliwang bahagi. Palihim kong isinuot ang earpeace na ibinigay sa akin ni Winz kanina sa kotse.
Halos marami na ring bisita akong nakikita, at kakaunti na lamang ang mga tables na walang nakaupo. I've found a right place at the corner where I can see everyone, walang kahit sino ang nakaupo roon kaya roon ko napiling umupo, isa pa hindi masyadong kapansin-pansin.
"Drinks, Ma'am?" Lumapit sa akin ang isang waiter na may dalang isang tray. Kumuha ako nang isa, umalis din ang waiter pagkatapos.
Habang hindi pa nagsisimula ay nagsimulang tumugtog ang mga nagv-violine na grupo na nakapuwesto sa may kaliwang bahagi sa ibaba ng stage. The music is very classic kaya maganda sa pandinig. Balak ko na sanang inumin ang laman ng baso nang napansin kong may biglang umupo sa aking harapan.
"Hi, mind if I join you here?" guy with a blond hair asked. Umiling ako sa tanong niya na ikinangiti niya naman.
"Be ready, magsisimula na after five minutes," narinig ko ang boses ni Amethyst sa earpeace na aking suot kaya naman umayos na ako ng upo. Napabaling ang tingin ko sa lalaking nasa aking harapan. He's staring at me.
"What's your name? Ngayon lang kita nakita." Kumunot ang noo ko sa tanong niya, I'm a bit surprised when he speaks Tagalog, akala ko hindi siya marunong.
"Why? Kilala mo lahat ng nandito?" Napatawa siya sa itinanong ko.
"I'm actually one of the important person in this event, so yes." Gustong umikot ng dalawa kong mata dahil sa sinabi niya.
"Ladies and gentlemen, I am asking for your attentions, because we're now going start our big event for this night." Naagaw ang aking atensyon ng magsalita na MC. Mukhang ipapakilala na ang nagpaganap ng event na ito, which probably our boss. Kapag nagkataon, ito ang unang beses kong makikilala ang boss namin. I'm a bit nervous though. "Ladies and gentlemen, let me introduce to you the ceo of Houston Company, Mr. Raze Houston!" Nag-dim ang ilaw at nagkaroon ng spotlight sa gitna ng stage, kasabay niyon ang paglabas ng isang lalaking matipuno mula sa back stage.
Ngunit napamaang nalang ako nang nakilala ko kung sino ang taong iyon.
"The hell. Jiro Salcedo?"

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    RegachoRocelyn

    ang galing mo Naman magsulat ng story 😍

    02/09/2025

      0
  • avatar
    MageLylia

    nice work

    27/09/2024

      0
  • avatar
    SakirAlwahid

    good

    11/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata