Cypher’s POV “My God, Cypher! Sinabi kong pumunta ka kaagad dito! But your 1 hour and 30 minutes late! And then Seike’s still not here! What the hell happened to the two of you!?” sigaw sa akin ni Amethyst nang nakarating ako sa headquarters niya. Halos pinagtitinginan na kami nina Winz, Avery, Deltran at Demetry habang sinisigawan ako ni Amethyst, and believe it or not I’m a little bit scared of her right now, baka sa sobrang galit niya sa akin ay maiputok nalang niya ang baril na nakalapag sa glass table na napapalibutan ng couch at sofa. I took a deep sigh. “I can explain,” I said before I told her what really happened to me. Mula sa taxi na sinakyan ko hanggang sa napunta ako sa isang lugar na pinamumugaran ng demonyo. “You what!?” gulat na tanong sa akin ni Winz matapos kong magkuwento. Nagkibit-balikat lang ako sa kaniya dahil ayaw ko nang ulitin pa ang kung anuman ang sinabi ko kanina. “Seriously? Oh my God! I can't believe it. Isang Cypher Kim? Na-kidnapped ng isang taxi driver? That’s funny,” wika ni Avery habang tumatawa-tawa pa na parang hindi makapaniwala. Tsk. Hindi ko naman pinansin ang sinabi ni Avery at bumalik nalang kay Amethyst ang aking atensyon na ngayon ay nakakunot ang noo at hindi makapaniwala na nakatingin sa akin. “You’ve been kidnapped...Who?” Amethyst asked. “Fortune Famiglia.” “You guys giving me a headache,” frustrated na wika ni Amethyst habang hinihilot ang kaniyang noo. “Bakit mo nga pala kami pinapunta rito? May bago bang misyon?” tanong ni Avery na nakakuha ng atensyon ko. Muntik ko nang makalimutan, ano nga bang dahilan at pinapunta kami rito ni Amethyst? Umayos ng tayo si Amethyst at humarap sa amin. “On October 14, our Main Boss will be having a huge event, at asahan niyo na maraming sendikato at Mafias ang dadalo. Since we are under the Head Master ka-kailanganin nating dumalo upang magbantay. We shouldn’t let the enemies enter our Head Master’s place. Mahirap na,” wika ni Amethyst, napatango-tango naman kami sa kaniya. I get it, mayroon pa kaming ilang linggo para paghandaan ang event na iyon. Napatingin ako kay Amethyst nang may bigla akong naalala. “Kung event iyon ng Main Boss, ibig sabihin... makikilala na namin siya?” Naalala kong hanggang ngayon pala ay hindi pa namin nakikilala ang Main Boss namin. “Oo nga 'no? So mam-meet na namin siya?” tanong ni Winz kay Amethyst. Napansin ko ang pagbaling ng tingin ni Amethyst sa akin, her serious expression suddenly turned into grin. Kaya naman napakunot ang noo ko dahil sa ekspresyon ng mukha niya. “To answer your question....” She stopped for a bit before she continued, “Yes. You’ll gonna meet him. Kaya maghanda kayo, dahil hindi lang iyon basta event. It’s one of a hell huge event. So be ready.” Ilang segundo kaming natahimik matapos niyon hanggang sa muling nagsalita si Amethyst, “By the way Cypher, ikaw nalang ang bahalang magsabi niyan kay Seike since ikaw naman ang kalimitan niyang nakakasama.” “Alright.” Matapos niyon ay nagpaalam na rin ang sina Avery na aalis na at dahil wala naman nang sasabihin pa si Amethyst ay pinayagan na niya ang mga ito. “Aalis na rin ako,” paalam ko bago ako tumalikod at naglakad. “Cypher, wait.” I turned to Amethyst when she called me. I gave her a questioning look. “How is she?” Bakas sa ekspresyon ng mga mata niya ang pangungulila nang itanong niya iyon. “She’s fine. Don’t worry.” Napabuntong-hininga siya at napangiti nalang nang mapait. “Glad to hear that. You may go now.” Tumango ako at muling tumalikod at naglakad paalis ng headquarters. I used my hours searching for Seike, but I really can’t find him. Inabot na rin ako ng gabi sa paghahanap sa kaniya. Sinubukan ko na ring pumunta sa unit niya pero mukhang wala siya roon. I’ve been calling him for many times pero hindi niya talaga sinasagot ang mga tawag ko. Urgh! Malapit na akong maubusan ng pasensya sa paghahanap sa taong iyon. Napagdesisyunan ko na pumunta ng Black Maricosè dahil ito nalang ang lugar na hindi ko pa napupuntahan. Suki na si Seike ng bar kaya naman nasisiguro ko na rito lamang siya pumunta. Papatawid pa lamang ako ng kalsada nang napansin ko ang ilang mga kalalakihan na mukhang may binubugbog na kung sino. “Wala ka palang binatbat e! Napakayabang mo lang!” sigaw ng isang lalaki habang patuloy nitong sinisipa ang taong nakahiga sa semento. Naningkit ang dalawa kong mata. “Teritoryo namin 'to! Kaya alamin mo dapat kung saan mo ilulugar ang sarili mo! Gago!” sigaw ng isa pang lalaki. Matapos niyo ay naglakad na ang mga ito paalis. Wala na sana akong balak na tingnan kung sino ang lalaking nakahandusay sa semento, pero naningkit ang dalawa kong mata dahil pamilyar ang itsura nito. Tumakbo ako papalapit sa taong iyon hanggang sa tuluyan ko nang makilala kung sino ito. “What the hell, Zero?” Napamaang ako nang nang nakita ko siyang bugbog sarado ang hitsura. Putok ang gilid ng labi at bahagya ring nagdudugo ang gilid ng kaniyang ulo habang may pasa naman ang kaniyang pisngi. Nagmulat siya ng mata at napansin ako. Asmirk formed on his lips when he saw me. “H-hindi mo ba a-ako t-tutulungang t-tumayo?” he asked. Pati ang pagsasalita ay hirap din. Napaikot ang dalawa kong mata sa kaniya saka ako lumuhod at tinulungan siyang tumayo. Inilagay ko ang kaniyang braso sa may leeg ko para masuportahan siya sa pagtayo. Damn! He’s so heavy! Iwanan ko nalang kaya ito rito para mapag-piyestahan ng mga daga? Balak na sana naming maglakad nang may naamoy ako mula sa kaniya. “Lasing ka ba?” Dahil kahit nanunuot sa akin ang pabango niya ay naaamoy ko rin ang alak sa kaniyang sistema. “H-hindi ako la-lasing.” Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil sa bahagya siyang nakayuko at madilim din ang lugar kung nasaan kami. “Tsk. Kaya pala nabugbog ka.” Hindi naman siya umimik. “Sa hospital na ba kita dadalhin?” tanong ko habang naglalakad kami sa tabing kalsada. “A-ayaw ko sa hospital,” wika niya na ikinakunot ng noo ko. “Then where?” I asked, pero nang nakailang segundong hindi siya umimik ay napabuntong-hininga nalang ako. No choice kung hindi sa apartment ko siya dalhin. Nakakainis lang ang konsensya ko na hindi kayang iwanan siya sa tabing kalye na ganito ang kalagayan. Gosh! Kailan pa ako nagsimulang bumait sa kaniya? -- Binuksan ko ang switch ng ilaw ng aking apartment ko bago ko idiniretso si Zero sa may sofa “Urgh! Damn this headache.” Napasapo siya sa kaniyang ulo. Mukhang kahit na lasing siya ay hindi siya tinatablan ng antok. Pumunta ako sa kuwarto para kumuha ng first aid kit. Hindi ako makapaniwala na ito ang pangalawang pagkakataon na mapupunta siya rito sa aking apartment. Last time nabaril siya, at ngayon naman ay nabugbog. Ngayon ko lang na-realize na ito na ang pangalawang beses ko na gagamutin ko siya. Tsk. Pagkababa ko ay nakita ko si Zero na nakasandal ang ulo sa sofa habang nakapikit at nakatingala sa kisame. Nagmulat siya ng mata at napatingin sa direksyon kung nasaan ako. I was stunned for a bit when his eyes met mine. Hindi ko mapaliwanag, pero bakit parang nakikitaan ko ng ibang emosyon ang kaniyang mga mata? Napabuntong-hininga nalang ako at lumapit sa kaniya bago naupo sa kaniyang tabi. Abala ako sa paglalagay ng alcohol sa bulak ng naramdaman ko ang paninitig niya sa akin. Lumingon ako sa gawi niya, inaasahan ko na mag-iiwas siya ng tingin pero hindi. He’s staring at me... Intently.
Iniwas ko nalang ang tingin ko dahil pakiramdam ko ay hihigupin ako ng mga titig niya. “Tagilid,” saad ko. Para naman siyang biglang natauhan dahil doon kaya itinagilid niya ang kaniyang ulo. I started to remove the blood from his face saka ko nilinis ang sugat niya sa ulo. Nang natapos ay isinunod ko ang kaniyang pisngi na may pasa kaya naman bahagya na siyang nakaharap sa akin. Hindi ko maiwasang mailang dahil hindi pa rin maalis ang paninitig niya sa akin. “Don’t stare at me,” ani ko, pero hindi naman siya nakinig. Balak ko na sanang lapatan ng bulak ang gilid ng labi niya na pumutok pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko, napatingin ako sa mata niya na ngayon ay wala ng kahit ano’ng ekspresyon. Umangat ang aking kilay “Alam mo ba kung ano’ng mas mabisa na gamot diyan?” he asked that made to crease my forehead. “What?” Bahagya akong kinabahan sa paraan ng pagtitig niya sa akin. “This.” He suddenly cupped my face. Huli na nang bigla niya akong kinabig papalapit upang halikan sa labi. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at natuod nalang sa aking puwesto. Gusto ko siyang itulak, ngunit hindi ko magawa dahil nanlambot ang dalawang tuhod ko lalo na nang nagsimulang gumalaw ang kaniyang labi. Napapikit ako nang mariin at wala sa sariling sinuklian iyon. He kisses me hungrily as I felt that he’s smirking inside. Nalasahan ko ang pinaghalong mint at alak sa kaniyang labi. His kisses became deep until his tongue asked to enter my lips, and I let him. Napapikit ako nang mariin at napapulupot ang dalawang braso sa kaniyang leeg. Naramdaman ko ang kamay niya na bumaba patungo sa aking braso ko, hanggang sa dumako ito sa aking tiyan. He was about to enter his hand on my head when I bit his lower lip. “Ouch!” Napalayo siya siya sa akin dahil ginawa ko. Nakita ko kung paano dumugo ang kaniyang dahil sa ginawa ko. Napangisi ako sa kaniya. “Not so fast, Zero,” saad ko bago ako umayos ng upo. Ang kunot sa kaniyang noo kanina ay unti-unting napalitan ng nakakalokong ngiti.
“You kissed me back. Muntik ka nang bumigay 'no?” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Sa sobrang iritasyon ay naisaboy ko sa mukha niya ang alcohol na akong hawak. “Fuck!Bakit mo sinaboy sa akin!?” Imbis na sagutin siya ay padabog nalang akong tumayo at binato sa mukha niya ang bote ng alcohol. “Gamutin mo sarili mo mag-isa," malamig kong saad bago ako tumakbo patungong kuwarto at isinalampak ang pintuan. Damn, I hate him!
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang galing mo Naman magsulat ng story 😍
02/09/2025
0nice work
27/09/2024
0good
11/07/2024
0Tingnan Lahat