Cypher’s POV Magkasalubong ang kilay na tinahak ko pabalik ang daan pabalik ng cafeteria. After Ms. Selena told me her oh-so-called favor ay nagmadali akong bumalik ng cafeteria. I can’t believe I will need to do such thing like this. Kung hindi lang talaga dahil kay Denise ay hindi ako papayag sa bagay na ito. Hell! Sino ba naman ang papayag na i-baby sit ang isang Zero Tyler Adamson? p Panigurado kung ibang babae ang hiningan niya ng pabor malamang ay naglupasay na iyon sa sobrang kilig, pero ako? Gosh! Kill me now! Napatingin sa akin ang lahat nang marahas kong binuksan ang glass door ng cafeteria, I searched for Zero’s table and found him together with Trace, Xaver and...Keira. Oh please! Mabibilis ang yabag na naglakad ako papunta roon. Napansin kong nabaling ang tingin ng tatlo at sumalubong sa akin ang nakakunot noong ekspresyon ni Zero. Nakataas naman ang isang kilay ni Keira habang masamang nakatingin sa akin. Mabilis kong hinablot ang braso ni Zero kaya naman napatayo siya bigla. Halatang nagulat siya sa ginawa ko pati na rin sina Trace at Xaver, isama pa ang mga reaksyon ng mga estudyante sa paligid na hindi inaasahan ang aking ginawa. “Bastos ka! Can't you see na we're talking?!” sigaw sa akin ni Keira nang akmang hihilahin ko na si Zero paalis. Napatingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. “No. I didn't.” Bakas ang pagkairita sa kaniyang mukha nang nahila ko si Zero palabas ng cafeteria. Nagpadala lang siya sa akin hanggang sa nakarating kami sa isang puno malapit sa may soccer field. We stopped from walking. Napasapo ako sa aking noo. Damn! Why did I do that? “I just want you to guard Zero. Ayaw ko lang na lumalapit sa kaniya si Keira, and also pakibantayan na rin siya. Huwag mo siyang hahayaan na makasama lang ng kung sino-sinong babae riyan. Okay?” Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Ms. Selena. Goodness! Balak niya nga yata ako gawing baby sitter ng kapatid niyang maharot. For Pete's sake ang laki-laki na ng kapatid niya! Bakit kailangan pa niyang pabantayan? Tiningnan ko si Zero nabg masama, pero ang maharot na lalaki ay ngumisi lamang sa akin. He's really getting on my nerves! Darn it! “You—” Napasapo akong muli sa aking noo. Kung puwede ko lang sabihin sa kaniya na inutusan lang ako ng kaniyang kapatid na bantayan siya. “Am I what?” he asked, still smirking. Naiinis ko lang siyang tiningnan. “Saan mo pala ako balak dalhin at bigla mo nalang akong hinila?” Hindi nawala ang ngisi sa kaniyang labi. Then I suddenly thought to myself saan ko nga ba siya balak dalhin at basta ko nalang siyang hinila? Stupid Cypher! Nasusura ako sa sarili ko minsan dahil hindi ako makapag-isip ngan maayos kapag siya ang involve. “That’s none of your business anymore, at saka....” “Hmm?” Nangangapa ako ng dapat sabihin sa kaniya dahil hindi ko talaga alam ang isasagot ko. Why does he keep on asking questions?! Wala namang kuwenta ang mga tanong niya. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at ang paglapit ng kaniyang mukha sa may bandang tainga ko. “You don’t need to dragged me. I'm willing to go with you if you want to— ” Mabilis ko siyang naitulak palayo na ikinatawa niya nang pagak. “Lumayo ka nga sa harapan ko.” “You started this, Cypher. Come with me.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila nalang ako bigla. Nagpahila nalang ako sa kaniya hanggang sa nakarating kami sa Tourism Building. I wanted to ask him why we're here, pero parang nakadikit na yata ang aking bibig dahil hindi ko magawang makapagsalita. Pumasok kami sa elevator hanggang sa huminto iyon sa 7th floor. Sumunod ako sa kaniya nang umakyat kami sa 8th floor. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko ang aking sarili na sumama sa kaniya. Well if not because of that favor I would never let myself to come near him, pero kahit hindi yata ako lumapit sa kaniya, ay siya naman ang gagawa ng paraan para makalapit sa akin. “What are we doing here?” I asked. Matapos kong ma-diskubre na hindi naman pala totoo na may nagmu-multo sa 8th floor dahil gawa-gawa lang naman pala iyon ni Xaver ay nawala na rin ang pagdududa ko tungkol sa floor na ito. He didn’t answer my question, sinundan ko lamang siya sa paglalakad hanggang may natanaw ako na isang pintuan sa may bandang dulo. He easily opened the door at tumambad sa akin ang isang mala-condo unit na silid. We entered inside. Humalukipkip ako sa may pintuan at pinagmasdan siya. “Bakit mo naman naisipan na dalhin ako rito? And what’s this place? Sarili mong dorm?” Great. Kailan pa ako naging matanong, at talagang sa kaniya pa. “Head Quarters,” he answered. “And?” Bumagsak ang katawan niya sa isang mahabang sofa bago nakangising tumingin sa akin. “We can play here,” he playfully said that made me to roll my eyes. “Play with my fist, Zero.” Napatawa naman siya dahil doon. Hindi ko nalang siya pinansin at nilibot na lamang ng tingin ang buong paligid. “So what‘’s with the sudden changed?” he asked out of the blue. “What changed?” Though I actually knew what he's talking about, but I’m not gonna answer it. Find the answer on his own. Tsk. Pero naisip ko rin kung may kinalaman ba siya sa favor ni Ms. Selena, I mean he could have just talk to his sister about me being his babysitter. Damn! Ang sama namang pakinggan ng word na babysitter. Seriously? Sa laki niyang 'yan kailangan pa niyang bantayan? Hindi ko maintindihan si Ms. Selena kung bakit kailangan ko pa siyang ilayo kay Keira, puwede naman niyang sabihin kay Zero iyon. “Come on, just tell me if you’re jealous. I’ll understand—”bTiningnan ko siya nang masama. “Excuse me, sinong nagseselos? Ako? Dream on, Zero.” At bakit naman ako magseselos? Ano ko ba siya? Boyfriend? No thanks. Baka mahawaan pa ako ng germs ng kalandian niya sa katawan. Parehas sila ni Seike, maharot. “Tsk. Defensive.” “Next time kung bubulong ka hinaan mo naman.” Balak ko na sanang maglakad paalis pero muli siyang nagsalita, “Where are you going?” “Aalis na,” wika ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Lumabas ako at naramdaman kong sumusunod siya sa akin. “Aalis ka? Fine. I'll go with Keira then.” My eyes widened. “What!? No!” Mabilis pa sa alas-kuwatro na humarang ako sa kaniya. Pagtataka ang naglandas sa kaniyang mukha pero kalaunan ay napangisi rin siya. “I-I mean no, I’m not going anywhere. Malapit na kasi ang oras ng klase ko. Kaya kailangan ko nang bumalik ng room.” I cursed to myself. Bulok na yata ang palusot ko sa kaniya. Since when did I care if I have a class? Mas gugustuhin ko pang matulog nalang kaysa ang pumasok sa napaka-boring na lecturer namin.
“You’re not that good at lying, Cypher. Hm?” -- Since Friday ngayon ay balak kong umuwi sa aking apartment. I fixed my things and decided to go to my locker first. Dito ko kasi iniiwan ang iba kong gamit, kahit na hindi ko naman madalas gamitin. Alas-syete na rin ng gabi at ang ibang estudyante ay may mga klase pa. Tapos na ang lahat ng klase ko kaya naman puwede na akong maka-luwi. Balak ko pa lang sanang i-unlock ang locker ko, pero napansin ko na hindi naman ito naka-lock. Kumunot ang aking noo. Hindi ako madalas na nagpupunta rito kaya naman hindi ko alam kung nai-lock ko ba ito noong huli kong punta rito. Hindi ko nalang iyon pinansin at binuksan ko na lamang ang aking locker. Naglaglagan ang napakaraming mga papel pagkabukas ko pa lamang ito. I took a deep sigh. Boys and their corny love letters. Pero hindi iyon ang nakakuha ng aking atensyon dahil napansin ko ang isang makinang na bagay sa loob ng aking locker. Nalaman kong isa 'yong kutsilyo nang makuha ko ito. May bahid ito ng pulang pintura na nagmukhang dugo. What’s this for? Death threat? Last time I've checked may gusto sa aking sumaksak, ngayon naman ay may nagpadala ng kutsilyo. Napailing-iling nalang ako bago itinapon sa trash can ang kutsilyo. I don’t know who’s behind this, but they can’t scare me. Isinara ko na ang aking locker at pinabayaan ang mga papel na kumalat sa sahig.
Lumabas ako ng doon dahil kinakailangan ko nang umuwi. Hindi ko naman na isasabay si Denise dahil bihira naman iyong umuwi tuwing weekend, she even said to me before that she really like this school, nahumaling na yata sa kung ano, kaya ayaw nang umuwi. Tahimik akong naglalakad patungong corridor nang nakaramdam ako ng kakaiba. Malabo, pero parang may naririnig akong mahihinang yabag. Huminto ako at pinakiramdaman ang buong paligid. The sounds of footsteps are still there, hindi ako puwedeng magkamali. Someone’s following me. Bumaling ako sa aking likuran, may napansin akong isang anino na sa tingin ko ay nagtatago lamang sa isang pader. Hindi pa ako nakakalapit nang napansin ko na mabilis itong tumakbo. My eyes widened and started to run to follow the stranger. Kahit na medyo madilim ay kitang-kita ko na nakasuot ang taong iyon ng itim na hood. Sa pigura pa lamang ng taong iyon ay mahahalata mo na isa itong babae. Patuloy ko siyang hinabol hanggang sa mapahinto ako nang nakarinig ako tumawag sa akin, “Cypher!” Napalingon ako at nakita si Denise. She’s waving at me, napansin ko ang bag pack na dala niya. “Saan ka pupunta?” she asked nang nakalapit na siya sa akin. Napalingon naman ako sa harapan, pero wala na ang babaeng hinahabol ko. “Ah. Wala. May nakita lang akong pusa.” “Bakit ka tumatakbo? Para kang may hinahabol. Yung pusa ba?” Imbis na sumagot sa kaniya ay tumango na lamang ako. “Where are you going?” I asked. “Ah. Gusto ko munang bumalik sa atin. Sasabay sana ako sa 'yo.” Napatango-tango ako sa kaniya. “Let’s go,” wika ko at nauna nang naglakad, naramdaman ko namang nakasunod siya sa akin, pero hindi mawala sa isip ko ang babaeng iyon. Bakit parang habang tumatagal ay dumarami na yata ang nagmamatyag at sumusunod sa akin? This is not good. Malakas ang kutob ko na rito rin sa university na ito namamalagi ang taong iyon. Urgh! Too much mysteries. Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa matukoy ang isang tao na sumusunod sa akin sa labas ng paaralan, ngayon naman ay may panibago. I wonder kung may dadagdag pa ba.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ang galing mo Naman magsulat ng story 😍
02/09/2025
0nice work
27/09/2024
0good
11/07/2024
0Tingnan Lahat