CYPHER

Chapter 26: Cypher
Cypher’s POV
“Are sure you don’t want to tell her what happened? I mean you can make an excuse kung paano mo natamo 'yang mga sugat mo,” Amethyst started the conversation after I ended the call. Nagising kaagad ako nang nakarating kami rito sa head quarters ni Amethyst. Though my head still hurts, but it’s not the same pain unlike earlier.
“Magtataka lang 'yon. Isa pa, umiiwas ako sa mga komprontasyon nila sa akin.” Nabaling ang tingin ko kay Avery na kasalukuyang ginagamot ni Amethyst.
It’s better this way. I don’t want them to worry about me, ayaw ko munang magpakita sa kanila dahil baka kung anu-ano ang itanong sa akin ni Farris tungkol sa nangyari, and I don’t want them to see me looked like a mess. Ni hindi pa nga yata ako nakakapasok sa university nang walang galos o pasa.
“Ouch! Bakit mo ako binuhusan ng alcohol!?” sigaw ni Seike kay Winz na gumagamot sa mga sugat nito.
“E pa’no ang likot mo! Umayos ka nga!” Winz’ scream echoed in the whole room. I shook my head.
“You'd be gone for three days huh. So sa apartment ka lang?” Seike asked. Umayos ako ng higa sa sofa.
“Don’t know. Baka makita ako ni Badong doon.” Truth is I don't know where should I go. Well I can just stay here for three days since hindi naman dito nakatira si Amethyst.
“You can stay at my unit, Cy.” Umiling ako kay Avery.
“No. Siguro rito nalang muna ako,” wika ko habang nakatingin sa kisame.
I’m still wondering about the assassin who helped us earlier. She’s the same assassin who I’ve encountered when last time, noong kinuha ko ang red suitcases.Hindi ko naiwasang isipin kung ano ang ginagawa ng babaeng iyon doon. Para siyang kabute na sumusulpot nalang nang kusa sa kung saan.
“Do you know that woman?”I asked out of the blue. Napansin kong bahagya silang napatigil sa kanilang ginagawa. The question caught their attention.
“I don’t know her name, and I don’t know her. Why?” si Amethyst bago ipinagpatuloy ang paggamot sa sugat ni Avery.
“What do you think of her?”
“Cy, she’s an assassin. We don't have any business regarding to that.” Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Amethyst. She’s right. We're just under the supervision of a Mafia boss, and we’re not even assassins. So they not part of our business anymore, pero hindi ko pa rin maiwasang mapaisip. Bakit pakiramdam ko ay unti-unti nang naglalabasan ang mga assassins ngayon?
“Any idea kung bakit sinugod tayo ng mga Mafia?” tanong ni Demetry na kanina pa tahimik maliban sa kaniyang kapatid na inunahan pa kami sa pagtulog.
“Marami na tayong napabagsak na Mafia boss, Demetry. It’s obvious na tayo naman ang next target ng mga nakakaalam ng bagay na iyon.” All of us became silent to what Amethyst said.
Matapos magamot ay nagpasya na kaming matulog na muna. Halos alas-tres na rin ng madaling araw. I could feel that my body is ready to break down anytime, because of exhaustion. I closed my eyes until darkness filled my whole system.
I woke up the next morning around 10 AM. Wala na silang lahat pagkagising ko, malamang ay umalis na. They've just left me with an eco back full of foods and drinks. Medyo maayos na ang pakiramdam ko ngayon hindi tulad kagabi. I stayed the whole day inside the head quarters. Nilalagyan ko rin ng gamot ang ilan kong mga sugat para mas mapabilis ang paggaling. Ayaw kong ma-one on one interview ni Farris kapag nakita niya ang hitsura kong mukhang bugbog sarado.
Farris’s POV
Nasamid ako sa iniinom kong soda. Sino naman kayang nakaalala sa akin?
Since wala si Cypher ngayon ay tatlo lang kami nina Denise at Sumi sa cafeteria. Wala kaming klase buong maghapon dahil nga foundation pa rin ng school, but then today is the last day. Students are allowed to go home and go out, but we decided to stay here.
“Sa tingin niyo ano talaga kayang nangyari kay Ate Cypher?” Me and Denise Both stopped from eating because of Sumi’s question. Knowing Cypher, wala akong ideya kung ano ba talagang totoong nangyari sa kaniya kagabi.
We tried to call her number this morning but it’s out of coverage. Dalawang araw na siyang wala at wala rin kaming koneksyon sa kaniya. Denise called her cousins yesterday which is Badong, and asked if Cypher was in her apartment but no, she’s not there. Nagsisimula na tuloy akong ma-wirduhan sa mga ikinikilos ng babaeng iyon. I mean seriously!? She’s creepy sometimes. Minsan nga natatakot na ako sa kaniya kapag sobrang tahimik pagkatapos sobrang lamig pa kung makatingin. Iyong tipong tingin palang, pamatay na. God! So scary.
Naalala ko tuloy noong time na na-bully ni Keira si Denise sa locker, halos mapanganga ako noong sinuntok ni Cypher ang pader Bumaon pa ang kamao niya roon. Gosh! Nai-imagine ko palang na susuntukin ko ang pader baka buto ko pa ang mabasag at hindi ang pader. May uring bakal yata ang kamay n’yon e.
Huwag naman sanang...napatakip ako sa aking bibig.
“Oh, ano’ng nangyari sa 'yo?” tanong ni Denise nang napansin niya ang reaksyon ko. Lumapit ako nang kaunti sa kaniya since katapat ko naman siya.
“Hindi kaya...gangster si Cypher!?” Naibuga ni Sumi ang tubig na kaniyang ininom, at ang masama pa ay natalsikan ang aking braso.
Yuck!
“Kadiri ka, Sumi!” sigaw ko sa kanya.
“Uso pa ba 'yan?” tanong niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Oo, uso pa 'yon! Iyong mga parang frat ang dating! Mga gano’n. Kaso mas cool ang Gangsters! Kasi they're fighting on their own. Unlike sa frat na 'yan na mga duwag kasi grupo-grupo sila kung mangbugbog.”
“Hindi ba parang parehas lang naman 'yon?” Napa-irap ako sa tanong ni Sumi at bumaling nalang kayo Denise na medyo natigilan.
“Uy ano na? Gangster ba si Cypher?” Tumingin siya sa amin.
“Hindi basagolera si Cy, Farris,” wika niya bago nagpatuloy sa pagkain.
“E paano mo i-explain ang pag-protekta niya sa 'yo noong time na ni-bully ka ni Keira?” She became silent. Kita mo na! Gangster nga si Cypher, but then I am not sure.
“I don’t know. Basta marami siyang alam na self-defense.”
“Then?” Ibinaba ni Denise ang kutsarang hawak niya bago tumingin sa akin.
“Kaya siguro gano’n siya. Kumain ka na nga lang.” Napasimangot akong kumuha ng fries bago ko ito sinubo, pero may isa pa akong tanong na talaga namang bumabagabag sa akin.
“Denise...gaano mo ba kakilala si Cypher?” And with that she stopped from eating. Napatingin siya sa akin, sa tingin ko ay mukhang malalim ang kaniyang iniisip.
“I don’t know, Farris. I don't know.”

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    RegachoRocelyn

    ang galing mo Naman magsulat ng story 😍

    02/09/2025

      0
  • avatar
    MageLylia

    nice work

    27/09/2024

      0
  • avatar
    SakirAlwahid

    good

    11/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata