Chapter 36.

Mathrizea's POV
"Saan mo ba nakuha 'yang pasa mo, Aztria?" Tanong ni Allithea. Hindi ko alam pero hindi ako nakapagsalita.
Napapalibutan ba naman ako ni Zackiro at Allithea. Parang napapa-urong ang dila ko at hindi makakuha ng lakas na magsalita.
"None of your business. Sinaktan mo pa 'ko kanina. Nag-cutting pa 'ko para lang dito? Pathetic." Sabi ko't iniba ang tingin pero nakikinig pa rin sakanila.
"What the hell, Aztria? Ano nga ulit tawag sa 'yo? Weird, Papansin, Bida-bida. Fck, Aztria!" Parang nagpapantig sa taynga ko ang mga mura nito sa 'kin.
"Ang ingay niyo. May pasok pa 'ko. Bye na." Sabi ko at humaba na sa kotse ni Pharixtel. Magsasalita na sana sila kaso sinara ko na ito ng malakas kaya hindi na sila naka-imik.
Mas mahalaga ang pag-aaral ko, kaysa sa mga kuda nila. Tsk! Gusto kong yakapin si Allithea dahil nakilala na niya 'ko kaso tinamad akong gawin. Tiyaka, ang pangit pa ng eksena kung pa'no niya 'ko nakilala.
Ngayon ay hindi na 'ko naka-mask. Nagtataka siguro sila kung bakit may peklat ako sa baba. Well, mind their own business.
"Oh my! Si Mathrize ba 'yan?!" Rinig na rinig kong sigaw sa hindi kalayuan. "Ang ganda niya kaso may peklat siya sa baba."
"Eh, hindi naman kinabawas ng ganda niya 'yon." Sabat ng isa.
Ganito pala kapag maganda? Sisikat ka sa kagandahan mo. But, hindi ko pa rin gusto ang nangyayari. Hindi ko pa nga alam kung nasaan ang mask ko. Tsk! Dapat pala tinanong ko na kay Allithea.
Habang naglalakad sa hall way ay pansin ko ang mga nagtitilian at tila mga na-starstruck sa 'kin. Ang ibang kalalakihan ay lumalapit sa 'kin at tinitignan ang kabuohan ko. Hindi ko na alam kung hinuhubaran na ba ako sa mga isip nila.
"Hoy! Hoy! Hoy! 'Wag niyo nga pagkaguluhan si Matresa. Maganda lang 'yan pero hindi pa rin nagbabago ugali. Panget pa rin, tsk."
Hinawi ni Zades ang mga lalaking nakalibot sa 'kin. Nangungunot pa ang noo nito't tila napapagod.
Hinila ako nito sakaniya't kinaladkad patungo sa room. Hindi naman kinaladkad na parang nasasaktan na 'ko, pero parang ganon na nga."
"Ikaw talaga. Gustong-gusto mo rin e." Nagkasalubong na ang kilay ni Zades.
"Nagseselos ka ba?" Tanong ko.
"H-Huh? Pinagsasabi mo? M-Matresa? Nyeta ka!" Dabog nito.
"Nagseselos ka kasi wala na sa 'yo ang atensyon." Sabi ko kaya napalunok ito ng dalawang beses.
"A-Ah, 'yon ba 'yon? Akala kung a-ano." Nagdadalawang beses pa itong nagsalita. Anong meron? Parang hobby na ni Zades ang pagiging utal. Lol! "Tiyaka, magkapatid pala kayo ni Allithea? Yaman ah." Sabi nito sa 'kin ay tinutusok pa ang tagiliran ko ng daliri niya.
"Hindi ako mayaman. Sila lang ang mayaman, hindi ako." Tipid kong sabi at umupo na sa aking upuan. Tumabi naman ito sa 'kin.
Tumingin la ito sa 'kin kung talagang totoo ang sinasabi ko.
"'Yong cake mo pala kinain na namin. Mayaman ka naman, kahit ilang cake pa ang bilhin mo'y mayaman ka pa rin."
"Just please shut up your mouth? Padating na si Gomez. Ang ingay mo." Sabi ko sa kaniya at pinaasdam si Gomez na pumasok sa room.
Umupo ito sa upuan nito't sinuot ang ganiyang salamin.
"Mathrizea Aztria Fortelio!" Sabi nito. Parang elementary langa kong nagtaas ng kamay kahit tinatamad. Napatayo si Gomez at parang inuusisa ang bawat parte ng mukha ko.
"Nasaan si Fortelio?" Tanong nito. "Nasaan na 'yong naka-mask?" Dagdag tanong niya pa.
"Here." Sabi ko.
Nanlaki naman ang hugis ng bibig nito.
Lumapit ito sa 'kin at lumapit sa mukha ko. Hinawakan nito ang baba ko.
Gusto kong sampalin si Gomez pero hindi ko magagawa dahil baka bumagsak ako. Tinignan ko lang ito ng walang emosyon at inalis ang kamay niya sa mukha ko.
"Nays, natatago ka naman palang ganda, Fortelio." Aniya at inilayo ang mukha niya sa 'kin. Tumalikod ito pero'y humarap muli siya sa gawi ko't kumindat.
Sa hindi inaasahan na pangyayari ay nabungo siya sa sulok ng table niya. Napahawak ito sa kaniyang ibaba. Medyo matulis pa naman ito't tumama siguro sa alaga niya.
Pfftt... Karma sa pagiging manyakis niya.
Umugong ang malakas na tawa dahil do'n. Tinignan ko si Zades, parang umuusok ang ilong nito't nakakuyom pa ang kamao. Anong mayroon?
Hindi ko alam pero sa buong klase ay nakatingin kang sa 'kin si Gomez. Medyo naiilang ako pero hindi ko iyon pinakita dahil ayoko ngang may nakakakita sa 'kin na mahina ako.
Kaya kong labanan ang tingin niya, basta pagkatapos nito ako mismo ang tutusok sa kaniyang mga mata.
"Okay, class dismissed. Ikaw Fortelio, pumunta ka sa office ko. May pag-uusapan tayo sa grades mo." Tumango na lang ako.
May humawak ng kamay ko na oarang pinipigilanakong umalis.
"'Wag ka sumama kay Mr. Gomez. Halatang pinagnanasahan ka." Ani Zades. Kita ko sa mata nito ang sinsero.
"May pag-uusapan lang. Kailan ka pa naging protective sa 'kin? Pfftt..." Natatawa kong sabi. Hinawi ko ang kamay niya at sumunod na kay Gomez. Papito-pito ito habang naglalakad. Ako nama'y nakikiramdam sa paligid kung pa'no tumakas kapag may ginawa ito sa 'kin.
Huminto ito sa isang pintuan. Kumuha siya ng susi at binuksan ito. Pinauna niya akong pumasok kaya hindi na 'ko nagdalawang beses na pumasok. Ngumit-ngiti ito habang tumango sa upuan niya.
"P'wede bang buksan 'yong pinto?" Tanong ko.
Naiilang ako sa kaniya. Nararamdaman ko kasing parang may panganip itong gagawin sa 'kin. Pahawak na 'ko sa doorknob nang hinigit nito ang braso ko at ikinulong sa bisig niya.
"Fortelio, ang ganda ng katawan mo tapos ang ganda pa ng mukha mo." Bulong nito sa 'kin. Naamoy ko ang mabangong hininga nito ngunit I have to think fast. Kailangan ko ng makatakas.
"Ahhh! Tulong!" Kahit na namamaos ay 
pinilit kong sumigaw.
Tinakpan nito ang bibig ko at ibinalibag sa pader.
Tulong...
Hinubad nito ang kaniyang sinturon at tumingin ng punong-puno na pagnanasa sa 'kin.
"Walang makakarinig sa 'yo."
Hinawakan nito ng mahigpit ang baba ko. Hahalikan na niya 'ko pero agad kong sinipa ang ibaba niya kaya napaatras ito. Tumakbo ako sa pintuan at binuksan ito.
Pabukas na nang bigla akong hilahin ni Gomez at sinuntok sa tiyan.
Nahihilo ako...
Naramdaman ko na lang na unti-unting bumagsak ang aking katawan. Mukha na lang ni Gomez ang huli kong nakita bago ako mawalan ng malay.
Itutuloy...

Komento sa Aklat (303)

  • avatar
    DucutNicole

    I like the story

    07/11

      0
  • avatar
    Calimagmaryrose

    nice hehe

    22/07/2025

      0
  • avatar
    Claire Gaspay

    ito ay ka hanga ahang storiya

    20/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata