Homepage/ECLIPSE OF OUR HEART/
SPECIAL CHAPTER
Third person POV
Nagpunta ang mag-asawang Vuenithós sa bahay ng pamilyang Delquentes, para makipag-ayos sa mga ito at ibalik ang pagkakaibigang sinira ng nakaraan.
"Patawarin mo ako kung hindi ko nailigtas ang iyong ama, at sana maibalik pa natin ang nasira nating pagkakaibigan." Zxielliorne
"Ako nga dapat ang humingi ng tawad sayo. kung hindi lang ako nagpadala sa galit, sana maayos at buo pa din ang pagkakaibigan natin." Rojxello
"Patawarin nyo kami Zxielliorne, Veñiella sa nagawa namin. Sinisi namin kayo sa kasalanang iba ang may gawa." Xheinna
"Wala iyon, kalimutan na lang natin ang lahat. Ang mahalaga ngayon, alam na natin ang totoo at humingi na tayo ng kapatawaran sa isa't isa. Dahil-- ang magkaibigan nagagawang patawarin ang kasalanan ng isa, at nagmamahalan." Veñiella
"Ang magkaibigan nagagawang patawarin ang kasalanan ng isa, at nagmamahalan." Zxielliorne
"Ang magkaibigan nagagawang patawarin ang kasalanan ng isa, at nagmamahalan." Rojxello
"Ang magkaibigan nagagawang patawarin ang kasalanan ng isa, at nagmamahalan." Xheinna
Sabay-sabay nilang bigkas sa katagang iyon. nagkatinginan sila at sabay na natawa sa kanilang sinambit.
Simula sa araw na iyon, palagi ng bumibisita sina Veñiella at Zxielliorne sa bahay ng mga Delquentes, minsan naman ito ang nagpupunta sa kanila. Sa bawat araw na lumilipas palagi nilang naiisip kung kailan o darating pa ba ang araw na makikita, at makakasama nilang muli ang anak na umalis sa kanilang tabi.
TWENTY YEARS LATER
"Pa, tara po puntahan na natin sila lola, gusto ko na po silang makita." L.A
"Anak, hindi pa pwede. halos isang taon pa lang ang nakakaraan, simula nang muntik ka ng mawala sa amin. paano kapag sinaktan ka nila? paano kapag may nangyaring masama sayo? hindi ko alam kung saan pa ako hahanap ng taong magmamatch sayo." Rojxhaenn
"Pa, okay na po ako, malakas na po ako kaya hindi nyo na po kailangang mag-alala ni mama." L.A
"Anak, inaalala ka lang namin ng papa mo, alam kasi namin kung anong klaseng ugali ang meron sila." Vennizyll
"Pero ma, pa matagal na po iyon hindi ba, tsaka matanda na sila at konti na lang ang oras nila dito sa mundo. paano po iyan kapag nawala na sila? ibig sabihin po mawawala sila sa mundong ito ng hindi humihingi ng tawad at hindi nakatatanggap ng kapatawaran sa inyo. Sige na po please, hindi ko sila nakita simula ng isilang, mamulat at magkaisip ako sa mundong ito, gusto ko din po ang makita at makilala sila ng personal. Kaya sige na po pumayag na kayo, baka ito na po ang oras para magkapatawaran kayo nila lola." L.A
Nagkatinginan ang mag-asawa at sabay na nagbuntong hininga "okay pupunta tayo, pero kapag may masamang nangyari sayo, mas lalong hindi ko sila mapapatawad kahit kailan." Rojxhaenn
Tumango na lang si L.A sa kanila, at saka ito nagpunta sa kanyang kwarto para magbihis.
Naging mabilis ang kanyang kilos, at inayos nya na ang kanyang mga damit. Matapos ang isa't kalahating oras na ginugol nya sa kwarto, lumabas na sya kaagad at pagkababa nakita nyang nakabihis na ang mga ito.
"Tara na po." L.A
"Mukhang excited ang baby girl namin ah." Vennizyll
"Ma! Hindi na ako baby para tawagin mong baby girl." L.A
"But you're still our baby girl, right hon? (Tumango si Rojxhaenn) see." Vennizyll
"Pinagtutulungan nyo naman po ako." L.A
"Ang mabuti pa tara na, siguradong gagabihin tayo sa byahe, kung hindi pa tayo aalis ngayon." Rojxhaenn
"Bakit malayo po ba iyon pa?" Xhain
"Malayo ang pupuntahan natin anak, kaya nga may dala tayong extrang damit para kung *sigh* kung sakaling magkaayos kami, doon tayo matutulog at magiistay ng tatlong araw, dahil wala ka namang pasok bukas." Vennizyll
"Talaga po! Sa wakas makikita ko na sila, ano po kayang itsura nila?" L.A
"Malalaman mo pagdating natin doon." Rojxhaenn
Five hours later
Welcome to Lhiorvien City
'ibig sabihin dito sila dati nakatira? Maganda kaya Dito?' tanong ni L.A sa kanyang isip, matapos mapagmasdan ang daan. Naramdaman nyang huminto ang sasakyan nila, kaya tumingin sya sa paligid at hindi nya maiwasang hindi humanga sa kanyang nakikita.
"Nandito na po ba tayo?" pagtatanong nya sa mga ito.
"Oo, kaya tara na at pumasok na tayo sa loob." sagot ng kanyang ama.
"Papa, kanino pong mansion ito?" L.A
"Sa amin, kaya tara na pasok na tayo sa loob." Rojxhaenn
"Teka lang hon, kinakabahan ako." Vennizyll
"Relax ka lang hon, they can't harm you and besides I'm here, I'll protect you and our princess." Rojxhaenn
"Pero bakit parang maraming tao ang nasa loob?" tanong nyang muli sa mga ito.
"Ha? Baka sila manang lang yan. halina kayo pasok na tayo. Manang?" Rojxhaenn
"Teka, senyorito?! ikaw nga senyorito Rojxhaenn, ang tagal na kitang hindi nakita. teka ikaw na ba yan Vennizyll?" Manang
"Opo ako na po ito, manang." Vennizyll
"Salamat naman at maayos lang kayo, sandali ito na ba ang anak nyo?" Manang
"Opo manang, sya po ang anak namin. manang sya po si Laxhain Angel, ang baby girl namin." Rojxhaenn
"Pa! I'm not baby anymore." L.A
"Hahaha... nagbibiro lang ako anak, tara na pasok na tayo." Rojxhaenn
"Sige senyorito Rojxhaenn at senyorita Vennizyll pumasok na kayo sa loob, at ako na ang bahala dito sa mga gamit nyo." Manang
Pagpasok nila sa loob, pagkamangha ang makikita mo sa mga mata ni L.A, at talagang nagagandahan sya sa kanyang nakikita. Malapit na sila sa may Sala, nang makarinig sila ng mga taong nagsasalita dahilan para mapahinto sila.
"Pa, inaasahan po ba nila ang pagdating natin?" L.A
"Hindi ko alam, anak." Rojxhaenn
"Senyorito bakit kayo nakatayo dyan, halina kayo at sumunod sakin." Manang
"Eheemm ma'am/sir may bisita po kayo." Manang
"Sino naman ang bisita natin manang, wala naman kaming inaasahan." Xheinna
"Papasukin mo, manang." Rojxello
"Handa na ang hapunan natin." Veñiella
"Ikaw talaga balae, nag-abala ka pa." Xheinna
"Wala iyon, balae." Veñiella
"Kumpadre sa susunod maglaro ulit tayo ng golf." Zxielliorne
"Hon, bakit naririnig ko sila mom at dad?" tanong ni Vennizyll sa kanyang asawa.
"Hindi ko din alam hon, ang mabuti pa pumasok na tayo at tanungin natin sila." Rojxhaenn
"Pumasok na kayo sa loob." Manang
Matapos iyon sabihin sa kanila ni manang, pumasok na sila sa loob at doon nila nakita ang apat na taong nag-uusap. Napatingin sa gawi nila ang babaeng matanda na nakasuot ng salamin, pero bakas pa rin ang kagandahan nito.
"R-R-Rojxhaenn?" Xheinna
"Sino ba ang bisita-- S-Son." Rojxello
"Mom, dad patawad po sa nag--" Rojxhaenn
"Hindi anak, kami ang mali. dapat inintindi ka namin ng daddy mo." Xheinna
"Ang princessa ko, kamusta ka na? Kumakain ka ba ng maayos?" Veñiella
"Okay lang po ako mom." Vennizyll
"Mabuti naman kung ganoon, halina kay--" zxielliorne
"*Fake cough* ahmm... err... nakakalimutan nyo po ako ma, pa." L.A
"Ikaw talaga. Sya nga pala mom, dad, tita, tito si Angel po anak namin." sambit ng kanyang ama.
"Ano ka ba Rojxhaenn, asawa ka na ng anak namin you should call us mom and dad." Veñiella
"Sige po tita-- mom." Rojxhaenn
"Napakagandang dalaga naman nitong apo ko." Veñiella
"Salamat po lola." L.A
"Ang apo ko, payakap nga si lola." Veñiella
"Matagal ko na po kayo gustong makita lola, at kayo din po." L.A
"Napakasweet na bata." Zxielliorne
"Oo nga kumpadre, sandali nasaan ang iba nyong anak?" Rojxello
Nagkatinginan ang mag-asawa, bago sumagot si Vennizyll "ahh... err... ahm dahil po sa nangyari, hindi na po ako pwedeng magkaanak pa. Dapat wala na rin si Angel, pero pareho kaming lumaban kahit na dalawang beses na syang muntikang mawala samin." Vennizyll
"ANO?!!" Sabay-sabay nilang sambit.
"kumain na muna kayo dahil lalamig na ang pagkaing nakahanda sa mesa, masamang pinaghihintay ang pagkain." Manang
Natawa ang lahat sa sinabi ni manang, dahil ito ang palagi nilang sinasabi noon.
Nagtungo na sila sa kusina para kumain, at mamaya na lang nila itutuloy ang kanilang pag-uusap.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
👍👍👍👍
27/06/2024
0I like this story
03/08/2022
1Wow! I like this story 😘😍.
11/06/2022
0Tingnan Lahat