EPILOGUE.1

Third person POV
Hindi sila makapaniwala sa kanilang nalaman sa araw na iyon, hindi pa man nila naririnig pero alam na nila na ito ang may gawa ng lahat.
"S-sabihin m-mo, i-i-ikaw b-ba a-ang... a-ang p-p-pumat*y s-s-sa p-p-pamilya k-ko?" Nauutal na tanong ni Xheinna kay Meirxhann.
"Ano sa tingin mo?" Nakangising sagot nito sa kanya.
"Hay*p ka!!" Sigaw niya, at susugod na sana ng pigilan sya ni Rojxello. "Hay*p ka!! Pap*tay*n kitang hay*p ka!!" Muli nyang sigaw, at pilit syang umaalis sa hawak ng kanyang asawa.
"Ikaw din ang pum*tay sa ama ni Rojxello na kapatid mo din, Tama ako hindi ba. Sa akin ibinintang ang salang ikaw ang may gawa!" Zxielliorne
"Ikaw din ang pum*tay at nagpadala ng bangk*y ng ama ni Zxielliorne, na ang pangalan ko ang sinulat mo para ako ang sisihin nya!" Rojxello
"Haha... Ngayon alam nyo na kung ano ang pakiramdam ng sisihin at pagbintangan sa kasalanang iba ang may gawa! Kung hindi lang umepal ang kapatid ko! makikita ko na sana ang isang palabas na gusto kong mapanood! Kaya ano pa ang hinihintay nyo? Simulan nyo na ang isang magandang palabas." Sambit ni Meirxhann sa kanila.
'napagbintangan ko ang aking kaibigan, at hinayaan kong masira nito ang pagkakaibigan namin' sambit ni Rojxello at Zxielliorne sa kanilang isip. Nagkatinginan ang dalawa, at kapwa nag-uusap gamit ang kanilang mga mata.
"Tumigil ka na Meirxhann! Hindi ka na naawa sa mga tao! At kung gusto mo talagang maghiganti, sa amin ka ni ama gumanti, huwag mo silang idamay!" Sigaw ni Rhomrick kay Meirxhann.
"Huwag idamay! Idinamay nyo na kasama ang pamilya ko!! Kaya bakit hindi ko sila idadamay?!! Dapat lang sa kanila ang nangyari--" Hindi nya natuloy ang kanyang sasabihin ng sapakin sya ni Rhomrick.
"Wala ka na talagang puso!!"
"At kayo ang dahilan kung bakit ako nawalan ng puso!! Pin*t*y nyo na ang puso ko, kaya huwag mong sasabihin sakin na wala akong puso! Dahil kayo ang may kasalanan!!" Sagot nya sa kanyang kapatid, at sya naman ang sumuntok dito.
Nagpapalitan ng suntok ang dalawang magkapatid, samantalang nakatulala lang ang apat sa kanila at tila hindi alam kung dapat ba silang tumulong o hindi. 'kung magulo noon, mas magulo ngayon dahil sa lalaking iyan na sigurado akong sya din ang may gawa' sambit ni Veñiella sa kanyang isip. Bigla na lang sumagi sa isip nya, ang araw nang makita nyang inihulog ng lalaki ang kanyang anak.
"Amy, Ady elp enjel!! Amy!! Ady!! B-bad g-guy yeart me!!" Sigaw nito sa kanila habang umiiyak, at nagmamakaawang tulungan na nila ito. "Amyyy!!!!" Huling sigaw na narinig nila mula sa kanilang anak, dahil tinulak na ito ng lalaki at kasabay nito ang pagtunong ng tubig sa dagat. "Vennizyll!!! Anak!!" Magkasabay nilang sigaw, ngunit huli na ang lahat wala na ito.
Sa pagbalik ng mga ala-alang iyon ni Veñiella, kung paano sya nangulila sa anak na nawalay at kung paano nya sinisi ang sarili sa pagkawala nito. Hindi sya makakain ng maayos, kahit na ang matulog hindi nya din magawa. Nandidilim ang kanyang paningin, at wala na syang ibang naisip kundi pat*y*n ang taong may gawa kung bakit hindi nila nakapiling ang kanilang anak. Nang makita nya ang baril na hinagis kanina ni Rojxhaenn, kaagad nya itong pinulot at kinasa sabay tutok nito kay Meirxhann.
'iputok mo na, sya ang may gawa kung bakit matagal na panahong nawala si Vennizyll' sambit ng kanyang isip. 'huwag! Huwag mong gawin iyan, masama ang gumanti. Hayaan mo na lang na ang batas ang gumawa nyan' sambit naman ng kabilang bahagi ng kanyang isip. 'batas my *ss, tsk' sagot ng dem*ny*ng isip nya.
Kahit nanginginig inangat nya pa din ang kanyang kamay "Meirxhann!!" Kasabay ng kanyang sigaw ang pagkalabit nya sa gatilyo ng baril, at ang pagharap nito. Tumama ang bala sa may dibdib kung nasaan ang puso ni Meirxhann. Dahan-dahan itong napapahiga sa lupa at
"Urghh *cough* h-h-h-h-how--" huling bigkas ni Meirxhann at pagkatapos nawalan na ito ng hininga.
Nakatingin sa kanya ang lahat at bakas sa mga ito ang gulat sa ginawa nya.
"H-h-hindi ko s-s-sinasadya, h-h-hindi ko s-s-sinasadya. P-p-patawarin nyo ako, h-h-hindi ko s-s-sinasadyang barilin sya, hindi." Nanginginig nyang sambit. Pinuntahan sya ng kanyang asawa at niyakap sya nito.
"Shh hindi mo iyon kasalanan, wala kang kasalanan. Wala kang kasalanan honey." Sambit nito sa kanya.
Tiningnan ni Zxielliorne ang dating kaibigan at sinabing mauuna na sila gamit ang mga mata nya. Hindi na sya nagpaalam pa at nauna ng maglakad, habang buhat-buhat nya ang asawang nawalan ng malay sa kakaiyak.
"Rojxello." Tawag pansin sa kanya ni Rhomrick. Nagtatanong syang tumingin dito at hinintay nya ang sunod nitong sasabihin. "Naaalala mo pa ba ang litratong pinatago ko sayo noon." Sambit nito na tinanguan nya. "Sya si Laurxhanne o mas kilala bilang Larah. Kapatid mo sya, anak sya ni Raeixhone sa labas at ang dahilan ng p*gkam*tay nya--"
"Pin*t*y sya ng kapatid mo--"
"Hindi. Pin*t*y sya ng kalaban namin na asawa ng ina ni Larah. Nalaman nila na may lihim na relasyon ang dalawa, at matagal na silang niloloko. Kinuha sya nito at saka pinahirapan bago pin*tay. Itinapon sa may bakuran ng bahay nyo, at iniwan ito doon. Nakita iyon ng kapatid ko, kaya naisip nyang gamitin ito para pagbintangan mo si Zxielliorne. Patawad kung hindi ko kaagad ito nasabi sayo, at patawad dahil hindi ko naligtas ang kapatid mo." Rhomrick
"N-n-nasaan n-na a-ang k-kapatid ko?" Nauutal nyang tanong rito. Dinaluhan sya ng kanyang asawang umiiyak at hinawakan sya nito sa may braso.
"Honey." Mahinang sambit nito pero rinig nya pa din.
"Wala na. Nagkaroon din ng gulo sa San Planca, at sa kasamang palad nabaril sya ng kapatid ko. May lason ang bala at mabilis itong kumalat sa kanyang katawan, na naging dahilan para bawian sya ng buhay. Patawarin mo ako, pamangkin ko." Nakayukong sambit ni Rhomrick sa kanya.
Napaluhod si Rojxello sa lupa at tila nabingi sya sa kanyang mga nalaman. 'may kapatid ako sa labas? Kapatid ko si Larah, wala na ang kapatid ko? Pin*tay ng taong iyon ang kapatid ko, Pin*tay ng taong iyon ang kapatid ko, Pin*tay ng taong iyon ang kapatid ko' parang sirang plakang paulit-ulit na sinasambit ng kanyang isip.
"Honey." Naisambit ni Xheinna sa kawalan, habang nakatitig sa asawang nakaluhod at nakatulala. Maya-maya pa bigla itong tumayo at kinasa ang baril, pagkatapos sunod-sunod nyang binaril ang wala ng buhay na si Meirxhann. "Ahhh!!!! Mam*t*y ka ng hay*p ka!! Ahhh!!" Sigaw nya rito kasabay niyon ang walang tigil na pagtulo ng kanyang luha. Niyakap sya ng kanyang asawa sa likod para patigilin na sya sa kanyang ginagawa.
Nanghihinang binaba nya ang baril at niyakap ang asawa. "Magiging maayos na ang lahat, Wala ng gulo at wala ng manggugulo pa sa atin. Maayos na ang lahat." Sambit nito sa kanya.
Natapos sa araw na iyon ang delubyong dumating sa kanilang mga buhay, wala na ang taong may kasalanan at may gawa ng lahat. Naging payapa ang lahat, at ang bayan ng San Planca ay tuluyan ng naging haunted, dahil sa wala na ang mga taong nakatira dito.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    CarlosJeiza

    👍👍👍👍

    27/06/2024

      0
  • avatar
    Aaron D'galla

    I like this story

    03/08/2022

      1
  • avatar
    Maddie Dosdos

    Wow! I like this story 😘😍.

    11/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata