Homepage/ECLIPSE OF OUR HEART/
EPILOGUE
Third person POV
Nakatulala lang silang lahat, habang pinagmamasdan nila ang papalayong bulto ng kanilang anak. Napabalik lang sila sa kanilang mga sarili, nang marinig nilang pumalakpak ang isang tao.
"What a good sight." Sambit ng isang tao sa kanila, habang pumapalakpak ito na tila nanonood ng isang pelikula. "Binigyan nyo naman ako ng magandang palabas. Sa tingin nyo mabubuhay kaya ang bata o hindi? Nakakalungkot naman at nakakaawa kayo." Muli nitong sambit, pero mababakas ang kasiyahan sa mga mata nya at hindi sya naawa sa mga ito, bagkus ay nagugustuhan nya pa ang nangyayari.
"Tito Meirxhann." Mahinang sambit ni Rojxello, pero dinig pa din nila ito.
"Nakakatouch naman, ngayon lang ako tinawag na tito ng pinakamamahal kong pamangkin. Magsasaya na ba ako? Hmm... Ang kaso naalala ko nga pala ang ginawa nyang pagtataboy sakin, kaya naman naisip ko na gantihan sya sa masakit na paraan." May diing sambit nya habang nakaukit pa din ang isang ngisi sa kanyang labi.
"Anong ibig mong sabihin, tito?" Naguguluhang sambit nya, pero tumawa lang ito.
"Bakit hindi mo na lang ituloy ang laban nyo? Bigyan mo ako ng isang magandang palabas, mahal kong pamangkin. Patayin mo na ang kaibigan m--" naputol ang sasabihin ni Meirxhann, nang may isang tao ang sumingit sa kanya. Tiningnan nya ito at ang kaninang nakakaasar na mukha ay napalitan ng galit, matapos makita ang taong iyon.
"Tumigil ka na Meirxhann!!" Sigaw nito sa kanya
"At bakit ako titigil?! Kung ito ang nais ko!!" Balik nyang sigaw sa kapatid na papalapit sa kanya.
"Dahil hindi na tama ang ginagawa mo! Pati ang mga inosenting tao dinadamay mo, at ang tahimik na lugar ng San Planca dinamay mo sa kad*mony*han mo!! Hindi ka ba naaawa sa mga tao--" pinutol nya ang sasabihin nito at agad syang sumingit.
"Bakit noong nahihirapan ako, naawa ba sila sakin?! Noong kailangan ko ng tulong, dumating ba kayo?!! Di ba, hindi!! Kaya bakit ako titigil! kung malapit ko ng makamtan ang kasiyahan na inaasam ko, na ipinagkait sa akin ng lahat!!" Sigaw nya rito.
"Dahil makasarili ka!! Lahat ibinigay ni Ama at Ina sayo, pero ikaw!! Anong ginawa mo, pinatay mo si Ina--" Rhomrick
"Na hindi ko ginawa!! Pinagbintangan nyo akong lahat sa kasalanang hindi ko ginawa, at biktima lang ako ng isang kasinungalingang pinaniwalaan ninyong lahat!!! Mas naniwala kayo ni ama sa sinabi ng iba, kaysa ang paniwalaan ako!! Kaya hindi mo ako masisisi kuya Rhomrick, na gawin ang bagay na nararapat sa mga katulad nila!!" Sigaw ni Meirxhann sa kanyang kapatid, at hindi nya mapagilan ang kanyang emosyon sa tuwing bumabalik sa ala-ala nya ang pangyayari sa kanyang buhay.
Araw-araw syang pinahihirapan ng kanyang ama, at kinukulong sya sa isang madilim na silid na walang kahit anong laman. Magmula ng mawala ang kanilang Ina na sya ang tinuturong salarin sa pagpaslang rito, palagi na itong ginagawa ng kanilang ama at akala nya sa kanya ibibigay ang titulo bilang isang mafia lord, ngunit nagkamali sya dahil ipinasa ito sa bunso nilang kapatid na wala pang alam sa mundo ng mga mafia, at tanging sya lang ang nagsasanay dahil sa alam nyang sya ang papalit sa trono ng kanilang ama. Pero nang dahil sa isang pangyayari nawala na parang bula ang kanyang pangarap, at kasabay nito ang pagtakwil sa kanya ng mga ito.
"Ama, maniwala kayo sakin hindi ko po pinatay si Ina. Ama, pakiusap po!! Ama! Pakawalan nyo ako dito!!" Umiiyak nyang sambit sa kanyang ama dahil kinulong sya nito sa silid na walang laman, at wala ding liwanag na makikita. "Ama, natatakot po ako!! Walang liwanang dito, ama! Wala akong makita! Pakawalan nyo na po ako!!!" Muli nyang sigaw, pero gaya kanina hindi ito binuksan ng kanyang ama, at narinig na lang nya ang mga yapak nitong papaalis. "Ama!!!!"
"Ahhh!!! Tama na po, ama hindi ko na po kaya!! Hindi ko po pinatay si Ina, maniwala po kayo sak-- ahhh!! Tama na!! Tama na!! Ama, tama na!!" Umiiyak nyang sigaw dahil sa patuloy sya nitong nilalatigo. Hanggang sa Araw-araw na itong ginagawa ng kanyang ama. Pagod na ang kanyang katawan at boses, sa pakikipag-usap na tigilan na ito ng kanyang ama. Wala na din syang pakiramdam, tila namanhid na ang buong pagkatao nya.
"Kung hindi mo ginawa iyon, hindi ito gagawin sayo ng ating ama." May diing sambit ng kanyang kapatid. Mapakla syang ngumiti rito, at
"Ilang beses kong sinabi na hindi ko iyon ginawa, pero anong magagawa ko kung sarado na ang isip nyo sa katotohanan. Kaya hindi na ako magtataka, kung sa isang iglap bumagsak kayong lahat." May diing sambit nya rito.
"Dahil Ikaw ang nakita nila na ginawa--"
"At naniwala naman kayo, kung ipapakita ko sa larawan na pat*y ako siguradong maniniwala kayong lahat. Alam mo kung bakit?! Because you only believe in what your eyes saw, and you only believe in what your ears heard but you will never believe in me. Makakaalis ka na, tapos na ang pag-uusap natin. Isipin pa nilang nilalason ko ang isip mo." May diing sambit nya.
Matapos nyang sabihin iyon, tumalikod na sya at nagpunta sa isang sukok. Nag-angat sya ng tingin ng maramdamang wala na ang kanyang kapatid sa silid.
"Pinapangako ko gaganti ako, at ipaparanas ko sa lahat kung ano ang ginawa nyo sakin. Balang araw gagawin kong impy*rn* ang mga buhay nyo, at lahat ng mga inosenting tao idadamay ko. Pinaramdam nyo sakin na walang halaga ang pagsasabi ng katotohanan, kung ang nakikita at naririnig ang syang paniniwalaan ng lahat." May diing sambit nya sa sarili, at doon sya nakabuo ng isang plano na ngayon ay sumisira na sa lahat.
"Pero hindi na tama ang ginagawa--"
"At ang ginawa nyo sakin ay tama, na dapat lang na parusahan ako at husgahan dahil lang sa sinabing ako ang pum*t*y kay Ina. Ganon ba, kuya!! Inosenti din naman ako pero bakit sa paningin nyo hindi?! bakit hindi nyo ako nagawang paniwalaan?! pero sa sinabi ng iba ang dali-dali nyong maniwala na parang nakita nyo ang nangyari! Kaya huwag mo akong sasabihan ng ganyang bagay kuya, dahil Wala kang alam!! Wala kayong alam!!" Meirxhann
"Pero dapat ba na idamay mo kami sa gulo nyo? Hindi na Namin kasalanan kung hindi ka nila pinaniwalaan, pero ang gawin kaming isang laruan sa tingin mo tama iyon?!" Tanong ni Zxielliorne, at mababakas sa mukha nya ang galit para rito.
"Sa tingin mo, bakit kaya? Hmm... Siguro dahil gusto kong magp*tay*n kayo o gusto kong makitang pin*pat*y nyo ang isa't isa." Sagot ni Meirxhann kay Zxielliorne na may kasamang tawa. "Mamili ka na sa dalawang sinabi ko, pero sa sinabi kong iyon malinaw na malinaw ang gusto kong mangyari." Nakangising dagdag nya rito.
'kung nasa impy*rno ako dapat ganoon din ang lahat, at kung pinarusahan ako sa salang Hindi ko ginawa, dapat sila din. Ang kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat at kapag naparusahan ang Isa, dapat lang din na maparusahan ang lahat. You all made me believe that innocent is not an innocent whether he said is truth or not' sambit ni Meirxhann sa isip, at nakangisi nyang tiningnan ang kanyang kuya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
👍👍👍👍
27/06/2024
0I like this story
03/08/2022
1Wow! I like this story 😘😍.
11/06/2022
0Tingnan Lahat