Homepage/ECLIPSE OF OUR HEART/
CHAPTER 40.1
Third person POV
Hindi mapakali si Vennizyll sa kanyang puwesto, at nararamdaman nyang may hindi magandang mangyayari. 'huwag sanang mangyari ang huling sinambit ng matanda tungkol sa aking hinaharap. Huwag ka sanang mawala sa amin ng papa mo, anak. Ikaw ang anghel namin, kaya sana tulungan mo si mama na magpakatatag' sambit nya, habang nakahawak sya sa kanyang tiyan na hindi pa gaanong malaki, dahil magtatatlong buwan pa lang ito. Nakangiti nya itong hinahaplos na para bang doon sya kumukuha ng lakas.
Muli nyang iginala sa paligid ang kanyang paningin, at wala syang magawa kundi ang maawa sa mga taong maagang binabawian ng buhay. Napatingin sya kung nasaan si Rojxhaenn, at nagulat sya ng bigla itong suntukin ng ama. Hindi lang iyon, nakita nya din kung gaano kagalit ang magulang ni Rojxhaenn, at nagawa nila itong saktan.
Dahil sa labis na pag-aalala, bumaba sya sa sasakyan nila, at pinuntahan nya ang kanyang asawa na sinasampal ng ina nito. Naluluha na sya habang naglalakad patungo roon, at ang paglalakad nya ay naging takbo na para makarating sya kaagad. Pagkarating nya doon handa na syang puntahan si Rojxhaenn at damayan ito, ngunit isang kamay ang humawak sa kanya dahilan para mapatigil sya.
Hinarap nya ang taong pumigil sa kanya, at tiningnan nya kung kaninong kamay iyon. Nanlalaki ang mga mga mata ni Vennizyll, nang makita nya na kung sino ang taong humawak sa kamay nya. "T-tay?" Gulat nyang sambit sa kanyang ama, na puno ng dugo ang mukha at may iilang sugat sa mukha nito.
"Umuwi ka na sa atin!" Mahinahon, ngunit may diing sambit ni Zxielliorne kay Vennizyll.
"Patawad po Tay, pero hindi ko po kayo kayang sundin. Mahal na mahal ko po sya. Kaya pakiusap po, pabayaan nyo na lang po kami." Pagsusumamo nyang pakiusap sa kanyang ama.
"Honey!!" Sigaw ng kanyang ina, at isang sampal ang dumapo sa kanyang pisngi, at sa lakas nito napatagilid ang kanyang mukha. Hinawakan nya ang kanyang pisngi, at lumuluhang tumingin sa kanyang ama. Mababakas sa mukha nito ang sobrang galit, kaya hindi nya maiwasan ang matakot, sapagkat ito ang unang pagkakataon na nakita nya ang galit nito, nagawa din syang saktan, at alam nyang pinipigilan pa nito ang sarili na huwag syang saktan, dahil babae pa rin sya.
Dinaluhan at niyakap sya ng kanyang ina. "Ayos ka lang ba anak? May masakit ba sayo? Sabihin mo kay nanay, makikinig ako." Sambit nito sa kanya, at hinahaplos ni Veñiella ang pisngi nya na sinampal ng kanyang ama. Bumaling ito kay Zxielliorne, at masama nya itong tiningnan. "Bakit mo ginawa iyon, honey?!! Paano mo nagagawang saktan ang anak natin?!! Samantalang matagal syang nawalay sa atin!! Hindi ba dapat inaalagaan natin sya!! Kaya bakit mo sinaktan ang anak natin?!!" Pasigaw na tanong ni Veñiella kay Zxielliorne.
"Tinatanong mo pa talaga ako nyan?!! Hindi ko naman sya sasaktan kung sinunod nya lang ang gusto ko!! Isa lang ang gusto ko, iwan nya ang lalaking iyon at sumama na sa atin pauwi!!" Sagot naman ng kanyang ama.
"Patawarin nyo po ako, nay kung hindi ko kayo susundin sa gusto nyong gawin ko. Nagmahal lang po ako, wala naman po sigurong masama doon." Vennizyl
"Walang masama kung ibang lalaki ang minahal mo!! Pero ang anak ng taong sumira sa pamilya natin!! Hinding hindi ko sya matatanggap bilang bahagi ng ating pamilya. Tandaan mo! Ako ang padre ng pamilyang ito at ang gusto ko ang nasusunod!! Kaya kung ayaw mong saktan pa kita, hiwalayan mo na ang lalaking iyon!!" Sigaw nito sa kanya, at halatang pinipigilan nito ang sarili na saktan sya.
"Pero, tay mahal--" pinutol ni Veñiella ang dapat sanang sasabihin nya.
"Anak, pakiusap sundin mo na ang tatay mo. Hindi ko gusto ang nakikitang nasasaktan ka, ayokong masaktan ka pa ng ama mo. Kaya nakikiusap ako, sundin mo na kami." Sambit ng kanyang ina, at puno na ng luha ang buong mukha nito.
Napayuko na lang sya, habang walang tigil sa pag-agos ang kanyang luha. 'bakit kailangan mangyari ito? Bakit kailangan naming iwan ang isa't isa, para lang sa ikakasaya ng aming magulang? Masama ba ang magmahal ng taong kaaway ng magulang mo? Masama ba na ipaglaban namin ang alam naming bawal? At masama ba na piliin namin ang isa't isa dahil doon kami sasaya? Pero bakit?… bakit kung ano pa ang ikakasaya namin iyon pa ang bawal, iyon pa ang hindi pwede. Dahil ba sa anak lang kami? O dahil sa ayaw lang talaga nilang sumaya kami? Isang pangako na naman ba ang magwawakas? Isang pangarap na naman ba ang maglalaho para sa ikabubuti ng lahat? Hindi ko kayang mamili sa kung kanino dapat ako sumama, hindi ko kayang iwan ang magulang ko na ngayon ko lang nakasama, pero mas lalong hindi ko sya kayang iwan, hindi namin kaya' sambit nya sa kanyang isip, at walang tigil sa pagpatak ng luha ang kanyang mga mata.
Nag-angat sya ng tingin, at tiningnan nya ang kanyang ina. "Patawad po nay, ngunit hindi ko po talaga kaya. Hindi ko kayang iwan na lang sya, para sa ikakasaya nyo. At mas lalong ayoko syang masaktan, kaya nakikiusap po ako sa inyo… Palayain nyo na po kami." Pakiusap nya sa kanyang magulang, ngunit tila naging bingi na ang mga ito para pakinggan sya, dahil mas lalo lang nilang pinagpilitan ang kanilang gusto, at iyon ang iwan nya na si Rojxhaenn.
Sa kabilang banda naman, walang tigil sina Axheinn at Larheinn sa pagtakbo, dahil patuloy pa din silang hinahabol ni Meirxhann at iniiwasan din nila na matamaan ng bala o ng katana, na lumilipad na lang sa kanilang paligid. Kasabay nila sa pagtakbo, ang mga taong walang tigil sa pagtakbo, para makaligtas sa lugar na nabubuhay na naman ang digmaang hindi pa rin nakakalimutan ng lahat.
Hingal na hingal silang nakarating sa sasakyan ni Axheinn, at halos mapaupo na si Larheinn sa sobrang pagod. Binuksan na kaagad ni Axheinn ang pintuan, at pinapasok nya sa loob si Larheinn. Nang makapasok na ito, sumunod naman na binuksan nya ang kabila, at doon sumakay. Kaagad nya na itong pinaandar palayo sa magulong lugar na iyon, at para makalayo na sila sa kam*tay*ng patuloy silang hinahabol.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
👍👍👍👍
27/06/2024
0I like this story
03/08/2022
1Wow! I like this story 😘😍.
11/06/2022
0Tingnan Lahat