CHAPTER 40

Third person POV
Napatingin si Vennizyll sa buong paligid ng Lhiorvien at hindi nya gusto ang mga nakikita nya. Marami syang nakikitang pat*y na tao na nakahandusay sa lupa, ang mga matatayog na gusali ay unti-unti ng bumabagsak.
Wala syang ibang naririnig kundi ang mga putok ng baril, tunog ng mga katana, mga bombang hinahagis na dahilan ng pagkawasak ng mga gusali, at ang mga sigaw ng mga taong humihingi ng tulong na iligtas sila.
"Dito ka muna, honey. Pupuntahan ko lang sila, at huwag kang aalis sa loob ng sasakyan dahil delikado para sayo ang lumabas." Sambit sa kanya ni Rojxhaenn, at hinalikan sya nito sa kanyang noo. Bago pa sya makapagreklamo nakalabas na ito, kaya wala syang magawa kundi hintayin itong bumalik.
Naglalakad si Rojxhaenn patungo sa puwesto ng kanilang magulang, nang marinig nya ang sinabi ng ama ni Vennizyll.
"Kung sana hinintay mo akong magpaliwanag! hindi sana tayo umabot sa ganito!!" Rinig nyang sambit ni Zxielliorne
"Ako pa!! Ako pa talaga!! Ako pa ang sinisisi mo ngayon!! Ako pa talaga ang may kasalanan!!" Rinig nyang sigaw ng kanyang ama.
'tama nga ang hinala ko, may taong gustong pag-awayin sila kaya ganoon na lang ang nangyari sa kanilang pagkakaibigan. Pero ang tanong sino? Sino ang taong nasa likod ng lahat? Sino sya? At bakit nya ito ginagawa? Malaman ko lang kung sino sya, hindi ako magdadalawang isip na tapusin ang buhay nya, dahil sa kanya nasira ang samahan ng magulang Namin at dahil sa kanya nagkagulo ang lahat' sambit ni Rojxhaenn sa isip.
Napabalik sya sa kanyang sarili, nang makarinig sya ng putok ng baril kaya agad nyang binalik ang kanyang paningin sa sasakyan, kung nasaan ang kanyang asawa. Nakahinga sya ng maluwag, nang makita nya na walang tumamang bala doon. 
Habang patuloy sya sa paglalakad, patuloy din sa pagpalitan ng bala ang kanilang magulang. Paubos na ang mga black knights, samantalang kalahati pa lang ang nababawas sa mga white knights. 
"Ilang buhay ang kinuha mo sa amin! Kaya kukunin ko din ang buhay ng mga mahal mo!!" Sigaw ng kanyang ama.
"Kahit kailan! Wala akong kinuha sayo! Alam mo iyan!! Masyado ka lang nilamon ng iyong galit! At ako ang sinisisi mo sa pagkamat*y nila!! Bakit hindi mo na lang aminin na sa ating dalawa, ikaw talaga ang may kasalanan!!! Pint*y mo ang aking ama! At hinatid mo pa talaga sa pamamahay ko ang bangk*y nya!! Para ano?! Para ipakita na nakaganti ka na!!" Sigaw naman ng ama ni Vennizyll
"Hindi ko iyon ginawa!! Pero nagpapasalamat ako sa taong pumat*ay sa iyong ama!!" Nakangising sambit naman ng kanyang ama.
Habang papalapit sya nang papalapit sa mga ito, unti-unti ng nabubuo sa kanyang isipan kung ano nga ba ang nangyari sa nakaraan. Ngunit isang malaking tanong sa isip nya kung sino ang taong nasa likod ng lahat? Sino sya para gawin nya ito sa mga magulang nila? At kung bakit gustong-gusto nito na nakikitang naghihirap ang mga tao? Nakikita nya ang kanyang ina na umiiyak sa tabi ng kanyang ama, habang may hawak na baril at nakatutok ito sa ina ni Vennizyll.
Hindi nya na gusto ang kanyang mga nakikita, dahil paubos na ang mga tao at ganon din ang tauhan ng kanilang magulang. 'ganito ba ang gusto ng taong iyon?! Ang ubusin lahat ng tao kasama ang aming magulang! At pagkatapos anong balak nya?! Ano ang balak nyang gawin sa lugar na halos wala ng tao?' muli nyang tanong sa kanyang isip. 
Nakita nyang nagpapalitan ng suntok ang kanilang ama, marahil naubos na ang bala ng baril ng mga ito. Nagpapasalamat sya dahil nakarating sya sa mga ito ng ligtas, na walang tama ng baril, at wala din syang tama ng katana. Susuntukin na sana ng kanyang ama ang ama ni Vennizyll, nang mabilis syang pumunta at hinawakan ang kamao nito.
"Dad, tama na!" Sambit nya sa kanyang ama, na ngayon nakatulala sa kanya. "Tama na po! Pakiusap tumigil na kayo!" Muli nyang sambit dito. Nakatanggap sya ng suntok mula sa kanyang ama, nang matauhan ito at galit na galit syang tinignan nito.
"Tama na?!! Ang lakas naman ng loob mo na sabihin iyan sakin!! Bakit?! Anong alam mo?!! Ha?! Anong alam mo?! At bakit ka umalis?!! Sinama mo pa talaga ang anak ng traydor na iyan!!!" Sigaw nito sa kanya, at muli sya nitong sinuntok.
"Rojxello!! Tama na!! Ano ka ba, anak mo iyan!! Ayos ka lang ba, anak?" Xheinna
"Tinutulungan mo pa iyang bata na yan?!! Isa pa yan!! Dumagdag pa sa problema natin ang pagsama nya sa babaeng iyon!!" Rojxello
"Hindi sya babae lang!! Mahal ko sya dad! Mahal na mahal ko sya!!!" Rojxhaenn
"Sumasagot ka pa talaga?!!" Sigaw ng kanyang ama, at muli sana sya nitong susuntukin ng awatin ito ng kanyang ina.
Umiiyak ang kanyang ina na nakatingin sa kanya, habang hawak nito ang ama nyang handa na syang suntukin, at ang mukha nitong namumula na sa galit.
"Tama na!! Pakiusap hon. Tama na!! Anak mo pa din sya!!" Nilapitan sya ng kanyang ina, at kinausap sya nito. "Anak, nakikiusap ako sayo hiwalayan mo na ang babaeng iyon. Para sa amin ng daddy mo, at para sa ikakatahimik ng lahat." Ang pakiusap ng kanyang ina.
Tiningnan nya ang mga mata nito, at nakikita nya ang pagmamakaawa sa mga mata nito na sundin nya na ang gusto ng mga ito. Ngunit masyado nyang mahal si Vennizyll, para sundin ang gusto ng kanyang pamilya. Napayuko sya at sinabing "patawad mom, ngunit hindi ko kayo kayang sundin. Mahal na mahal ko po talaga si Vennizyll, at hinding hindi ko magagawa ang gusto nyong mangyari, lalo na at malapit na syang dumating." Sambit nya sa kanyang ina at pagkaangat nya ng kanyang mukha, nakatanggap sya ng sampal mula sa kanyang ina. Hindi lang isang beses, kundi maraming beses sya nitong sinampal habang umiiyak.
Nang mapagod ito, hinawakan ng kanyang ina ang damit nya para doon kumuha ng lakas. "Bakit, anak?! Bakit?!! Iyon lang ang tanging hiling namin sayo! Pero bakit?!….. Bakit hindi mo magawa?!! Ano ba ang meron sa babaeng iyon?!! At hindi mo sya maiwan-iwan!!" May diing sambit ng kanyang ina. 
Tumingala sya para hindi makita ng mga ito ang luha nyang malapit ng tumulo.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    CarlosJeiza

    👍👍👍👍

    27/06/2024

      0
  • avatar
    Aaron D'galla

    I like this story

    03/08/2022

      1
  • avatar
    Maddie Dosdos

    Wow! I like this story 😘😍.

    11/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata