Homepage/ECLIPSE OF OUR HEART/
CHAPTER 39.3
Third person POV
"Opo, mahal kong reyna narinig ko ang lahat ng sinabi mo. Mabuti na lang hindi ako sumuko na habulin ka, dahil kung sumuko ako hindi ko siguro maririnig ang salitang noon ko pa gusto marinig. Napagod ako oo, pero kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang sumuko. Maraming beses akong nadapa sa pagtakbo ko para habulin ka, pero kahit ganon paulit-ulit akong babangon para tumakbo at habulin ka. Chasing you was my choice, loving you was written in my heart, and making a family with you was my dream. Would you take me as your boyfriend, would you stay beside me even if there's a strong wind who will try to destroy us, would you marry me in the future, in times of our fight and our love, will you give me a childs that will give happiness to our home, will you love me till we ran out of breath, and would you want to stay beside me even we are in another world. I love you and no one can take you away from me. Say I do or I do." Nakangiti nyang sambit kay Larheinn.
Nakatanggap sya ng hampas kay Larheinn, at nakikita nyang lumuluha ito hindi dahil sa lungkot, kundi dahil sa saya. "Tinatanong ko lang naman kung narinig mo ang sinabi ko, pero ang dami mo ng sinabi. Pinakilig mo ako kaya, I do I do. I will give all of my love to you, I will bring happiness to our future home, I will stay beside you even if there's a storm, I will marry you in any different country, I am willing to be your girlfriend and I am accepting you as my boyfriend in times of our fight and love, I will love you till we ran out of breath, and I want to stay beside you whenever and wherever you go, I will always be there for you. I love you more and no one can take you away from me." Sambit nito sa kanya.
Pareho silang lumuluha ngunit hindi sa lungkot kundi sa saya, dahil sa araw na iyon natapos na ang paghahabol ni Axheinn at ang pagtakbo ni Larheinn palayo sa kanya. Ngumiti sila sa isa't isa, at dahan-dahang nilalapit ni Axheinn ang kanyang mukha sa mukha ni Larheinn, hanggang sa muling nagkalapat ang kanilang mga labi at sabay nilang pinagsaluhan ang tamis ng kanilang mga labi. Patuloy lang sila sa kanilang halikan, at hindi na nila naisip na nandoon ang ama ni Larheinn. Wala silang pakialam sa paligid, kahit na nasa gitna na sila ng laban at may mga nagbabarilan sa labas.
Hindi pa din sila tumitigil sa paghahalikan, at ninanamnam nila ang tamis ng kanilang halik. Napabitaw sila sa kanilang halik ng biglang may umubo sa gilid, para kunin ang kanilang attention. Humarap sila sa taong iyon, at doon nila nakita na ito ang ama ni Larheinn na may malawak na ngiti. "Hindi ko alam na nagugutom na pala kayo, kaya nagkakainan na kayo dyan." Sambit ni Joaqeinn sa kanila na may nakakalokong ngiti sa labi nito.
"Tay!!" Nahihiyang sigaw ni Larheinn sa kanyang ama na ngayon ay tumatawa.
"Bakit hindi nyo ba gagawin iyon? Iho bilisan nyong kumilos, at gusto ko ng makita ang unang apo ko. Siguraduhin mo lang na ikakasal kayo ng anak ko, kung hindi lagot ka sakin." Muling sambit ng kanyang ama.
"Makakaasa po kayo, sir-- papa." Axheinn
Naisipan na nilang umalis doon, at pumunta sa Lhiorvien City. Ngunit bago pa nila magawa iyon, naharangan na sila ng taong may gawa ng kaguluhang nangyayari.
"Tingnan mo nga naman, dito lang pala nagtatago ang mga daga! Sino kaya sa inyo ang uunahin ko?! Mas maganda siguro kung uunahin ko ang kagaya mong traydor!" Sambit ng lalaki sa kanila, sabay tutok ng baril kay Larheinn.
Kaagad namang humarang sa harap si Axheinn, para protektahan si Larheinn. Humarang naman sa harap ni Axheinn ang ama nito, para protektahan silang dalawa.
"Hinding hindi mo masasaktan ang mga anak ko, Meirxhann!" Joaqeinn
"Ohh… Natatakot ako sayo, joaqeinn. Masyado ka na atang tumatapang, dahil ba may kakampi ka, oops… Nakalimutan ko wala ka na pa lang kaibigan, nakakaiyak naman." Sambit nito sa kanila, at nagkunwaring umiiyak.
Muling itinutok ni meirxhann ang baril sa kanila, at akmang ipuputok na nito ang baril na hawak nya ng bigla itong agawin ni Joaqeinn. "Tumakas na kayo dito! Anak, Axheinn. Ako na ang bahala sa kanya." Sambit ni Joaqeinn, habang nakikipag-agawan ng baril kay Meirxhann.
"Pero, tay paano po kayo? Sama-sama po tayong aalis dito, at magkakasama-sama pa po tayo. Ngayon ko pa lang po kayo ulit nakasama, kaya pakiusap itay sumama po kayo samin. Tumakas na tayo dito." Nag-aalalang sambit ni Larheinn sa kanyang ama.
"Patawarin mo ako, anak. ngunit hindi na ako makakasama pa sa inyo, at sana makaligtas kayo dahil iyon lang ang hiling ko sa inyo. Kaya sige na anak, umalis na kayo. Axheinn, ikaw na ang bahala sa anak ko. Ikaw na lang ang aasahan kong mag-aalaga, magmamahal, at ang proprotekta sa anak ko." Joaqeinn
"Pero tay--" hindi nya naituloy ang kanyang sasabihin ng sumabat si Joaqeinn.
"Wala ng pero pero, sige na Axheinn umalis na kayo ng anak ko!" Sambit ni Joaqeinn kay Axheinn
Tumango si Axheinn kay joaqeinn na pinipilit pigilan si Meirxhann na iputok ang baril sa kanila. Hinatak na ni Axheinn si Larheinn, habang pinipilit nito na pumunta sa kanyang ama para isama ito sa kanilang pagtakas. Wala ng nagawa pa si Larheinn kundi ang umiyak, dahil naiwan ang kanyang ama habang nakikipaglaban kay Meirxhann.
Nasuntok ni Meirxhann si Joaqeinn ng mabitawan nito ang baril nya. Sinundan nya pa ng isang suntok na nakapagpahiga rito, hanggang sa sunod-sunod na suntok ang binigay nya kay Joaqeinn. Ngunit sa panghuling suntok nya, naiwasan ito kaagad ni Joaqeinn at binigyan sya ng isang tadyak na dahilan upang makaalis sya sa ibabaw nito, at sya naman ang suntukin nito ng paulit ulit.
"Sa tingin mo ba hahayaan ko na lang na masaktan mo ang anak ko!! Kung alam ko lang na ikaw ang may gawa ng lahat, sana pala hindi na lang kita niligtas mula sa kamay ng iyong kapatid, at hinayaan kang parusahan ng iyong ama!!" Sigaw ni Joaqeinn kay Meirxhann. Malapit ng lumapat ang kamao nya sa mukha nito, nang biglang nakaiwas si meirxhann at binigyan sya ng suntok.
"Kung ganon dapat pala inuna na kitang pat*yin!! At sinunod ko ang anak mong traydor!! Mabuti nga at napat*y ko na ang asawa mo! Kaya wala--" hindi nya natapos ang kanyang sasabihin ng suntukin sya ni Joaqeinn.
"Hay*p ka!! Hay*p ka!! Papatay*n kita!! Ahhh!!! Mamat*y ka na!!" Sunod sunod na suntok ang binigay ni Joaqeinn kay Meirxhann, hanggang sa dahan-dahan nitong pinikit ang kanyang mga mata. Akala ni Joaqeinn wala ng buhay si Meirxhann, kaya umalis na sya sa ibabaw nito.
Nakatalikod at nakakailang hakbang palang si Joaqeinn, ng biglang dumilat si Meirxhann at kinuha nito ang baril na nasa gilid nya, sabay tutok nito kay Joaqeinn.
"Joaqeinn!!" Sigaw nya sa nakatalikod na si Joaqeinn. Pagkaharap nito sa kanya, mabilis nyang pinaputok ang hawak nyang baril. Nagulat si Joaqeinn sa biglaang kilos nya, ngunit huli na ang lahat dahil bago pa makaiwas si Joaqeinn tinamaan na sya ng bala sa kanyang dibdib.
Hindi lang isang beses ito ginawa ni Meirxhann, dahil sunod-sunod ang ginawa nyang pagbaril kay Joaqeinn, hanggang sa unti-unti na itong napahiga sa lupa. Tumutulo na ang dugo nito mula sa kanyang bibig pababa sa katawan nito, at ang mga mata nito ay dahan-dahan ng pumipikit, hanggang sa tuluyan na itong mawalan ng hininga.
Pinuntahan ni Meirxhann si Joaqeinn, para siguraduhing pat*y na talaga ito. "Tingnan mo nga naman, kahit gaano ka pa kagaling lumaban at kahit ano pa ang gawin mong pakikipaglaban, sa huli mamat*y ka rin! Salamat sa pagliligtas sa akin noon, pero hanggang dyan na lang ang buhay mo! Huwag kang mag-alala dahil isusunod ko sa hukay mo ang iyong anak na nagtraydor sakin! Magiging happy family naman kayo, hindi nga lang dito kundi sa impy*rno hahaha...." Sambit nya sa walang buhay na si Joaqeinn, habang mal*demony*ng tumatawa. At muli nyang pinaputukan ito ng baril bago sya umalis doon.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
👍👍👍👍
27/06/2024
0I like this story
03/08/2022
1Wow! I like this story 😘😍.
11/06/2022
0Tingnan Lahat