CHAPTER 39.1

Third person POV
Nanginginig ang kanyang mga kamay, at tila ayaw kumilos ng mga ito na kalabitin ang gatilyo para magawa nya na ang kanyang nais. Kakalabitin nya na ang gatilyo, ng maramdaman nyang may kamay na humawak sa kanyang kamay. Napatingin sya sa taong iyon, at doon nya nakita ang lalaking pilit nyang iniiwasan, ngunit paulit ulit lang na bumabalik sa kanya.
"Tama na, Larheinn tama na. Ako na ang nakikiusap sayo, tigilan mo na ito. Kahit ano ang gawin mo magulang mo pa rin sila, sa tingin mo ba hindi ka malulungkot at hindi ka magsisisi, kapag nagawa mo na ang gusto mo? Larheinn, huwag kang magpakain sa galit na nararamdaman mo. Paano mo magagawang papasukin ako sa iyong buhay? kung napuno na ng galit ang iyong puso. Paano, Larheinn? Paano?" Sambit sa kanya ni Axheinn. Tumingin naman sya sa mukha nito.
Sa pagtingin ni Larheinn kay Axheinn, muli nyang nasilayan ang mukha nitong nagmamakaawa na tumigil na sya, at ang mga mata nitong puno ng pagmamahal para sa kanya. Dahan-dahan nya ng binababa ang hawak nyang baril, hanggang sa tuluyan nya na itong naibaba at napayakap sya kay Axheinn, habang paulit-ulit na humihingi ng tawad.
"Puntahan mo na sila dahil sigurado akong miss na miss ka na nila. Alisin mo na ang galit sa iyong puso, bago pa mahuli ang lahat." Muling sambit nito sa kanya. Napatango naman sya kay Axheinn at dahan-dahan syang humarap sa kanyang magulang, na animoy naghihintay sa kanyang gagawin.
"Nanay!! Tatay!!" Sigaw nya sa mga ito, at kita nya ang gulat sa mukha ng mga ito. Tumutulo ang kanyang luha, habang tumatakbo sya palapit sa mga ito at nang makalapit na sya, kaagad nyang binigyan ng yakap ang mga ito at humingi ng tawad.
Nagulat ang mag-asawa sa biglaang kilos ng kanilang anak, ngunit napangiti sila at yumakap din ng mahigpit sa kanilang anak. "Patawarin nyo po ako, naging masama akong anak at hindi ko man lang naisip na nahihirapan din kayo. Patawad po naging makasarili ako." Umiiyak na sambit  ni Larheinn sa kanyang magulang. Pinupunasan ni Larah ang mga luhang pumapatak sa mga mata ng kanyang anak, at nakangiti sya habang ginagawa nya iyon.
"Anak, kahit ilang beses kang magkamali, kahit ilang beses kang gumawa ng masama at kahit ilang beses mo pa kaming pagtangkaan, patatawarin at patatawarin ka pa rin namin. Anak ka namin at mahal na mahal ka namin, walang magulang ang hindi kayang patawarin ang kanyang anak, kahit na lahat ng kasalanan sa mundo nagawa nya na. Tatandaan mo na kahit anong mangyari, anak ka namin at mahal na mahal ka namin ng tatay mo." Sambit ni Larah sa kanyang anak at muli itong niyakap. 
"Hindi nyo ba ako isasali dyan? Magtatampo na ako nyan." Napatawa sila sa sinabi ni Joaqeinn kaya sinama na nila ito sa kanilang yakap. 
"Iho, halika dito at sumama ka sa yakap namin. Alam kong ikaw ang kasintahan ng aking anak." Pabirong sambit ni Joaqeinn sa binatang nakatayo sa kanilang harap.
"Tatay!!" Nahihiya nyang sigaw , at mas lalo syang nahiya ng makita nyang tumawa ng malakas ang kanyang ama. Nakikita naman ni Larheinn na napakamot ito sa ulo at nahihiyang tumingin sa kanila. Nakita nya din kung paano lumawak ang ngiti nito, at hindi ito ngiti ng kalungkutan bagkus isang ngiti ng kasiyahan. Lumapit si Axheinn sa kanila ng may malaking ngiti sa labi, at sumali sa kanilang yakap.
'masyado ba akong nagpakain sa galit? At hindi ko man lang naisip kung ano ang kanyang nararamdaman. Masyado din ba akong naging manhid, para ngayon ko lang makita ang mga ngiti nyang totoo, at walang bakas ng kalungkutan' sambit nya sa kanyang isip habang nakatingin sya dito. Napaiwas sya ng tingin ng makita nyang tumingin ito sa kanya, at mas lalo syang nailang ng marinig nya ang mahina nitong pagtawa. Napahiwalay lang sila sa kanilang yakap, nang makarinig sila ng putok ng baril malapit sa kanila. Hindi nila alam kung saan sila magtatago, dahil sa sunod sunod ang ginawa nitong pagbabar*l sa kanila
Sa isang banda naman may lalaking nanggigigil sa galit dahil sa ginawa ni Larheinn, at dahil hindi natuloy ang nais nyang mangyari. "Napakainutil mong bata!! Isang bagay hindi mo pa magawa!! Sinasabi ko na nga bang may natitira pa ding awa dyan sa puso mo!! Isa lang ang gusto kong makita at mangyari, pero anong ginawa mo!! Ahhhh!!! Kung ayaw mong gawin puwes ako ang gagawa ng bagay na hindi mo tinuloy!! At sisiguraduhin kong isasama kita sa hukay nila!! Ahhhh!!!" Galit na galit na sigaw ng lalaki at pinagtatapon ang mga bagay na nasa ibabaw ng kanyang lamesa, habang nakatitig sa malaking monitor sa harapan nya. Kinuha nya ang basong may lamang alak, at ininom ito. Nang maubos na nya ito, galit nyang ibinato sa dingding ang baso kaya nabasag ito.
Kinuha nya ang kanyang baril na hindi kalakihan, ngunit nasisiguro nya pa din na matatamaan ng kanyang baril ang taong gusto nyang tamaan, kahit malayo ang kanyang puwesto. Nagtungo sya sa itaas ng isang abandonang gusali, at doon nya balak barilin ang kanyang target. Nilagyan nya ng bala ang kanyang baril, at ang balang inilagay nya ay may lason kaya kung sino mang tamaan nito, agad na mam*mat*y. pinagmamasdan nya ang mga nagkakagulong tao, at hindi alam kung ano ang gagawin makaligtas lang sa gulong sya ang may gawa. Natutuwa pa syang nakikitang nagmamakaawa ang mga tao na huwag silang saktan, at patay*n.
Itinutok nya ang baril sa kanyang target, at pinaputok ito. Mal*demony* syang tumatawa, habang nakikita nya kung paano mataranta ang isang pamilya na kanina lang ay masayang magkayakap. Naghahagis na din sya ng mga bombang dala nya sa bawat daanan ng mga ito, at sinasabay nya din ang pagbabar*l sa mga ito, para hindi nila magawang makatakas sa kamay nyang dumudurog sa lugar ng San Planca.
Takbo sila nang takbo, ngunit kahit anong takbo nila hindi sila makawala sa kamay ng taong nais silang patay*n. Hanggang sa matamaan sa balikat ang kanyang ina. Dahan-dahan itong napahiga sa lupa, at bago pa ito tuluyang bumagsak sa lupa nasalo ito ng kanyang ama.
"M-mahal, g-gumising ka! Mahal ko!!" Rinig nyang sigaw ng kanyang ama, kaya napahinto sya at tumingin sa mga ito.
Napatakbo sya pabalik sa kanyang magulang, nang makita nyang walang malay ang kanyang ina. "Nay, nay! Gumising po kayo! Babawi pa po ako sa inyo! Bumangon na po kayo dyan!! Nandito na po ako! Hindi na po ako uulit!!" Umiiyak nyang sambit habang inuuga nya ang katawan ng kanyang ina. Ngunit kahit anong gawin nya, hindi ito dumilat at bumangon. 
"Wala na tayong magagawa pa. Mabilis na kumalat sa kanyang katawan ang lason, at wala din tayong mahihingian ng tulong dahil pat*y na ang mga doctor dito, bukod doon hindi din natin alam kung anong lunas sa lasong kumalat sa katawan nya. Patawad ngunit huli na ang lahat, wala na sya, pat*y na ang iyong inay." Sambit ni Axheinn sa kanila.
"Hindi, hindi iyan totoo!! Nay! Bumangon ka dyan!! Sabihin mo nagbibiro lang sya!! Sabihin mo, buhay ka pa!! Nay!! Bumangon na kayo dyan!! Tay, gisingin nyo na si nanay!! Tay! Pakiusap gisingin nyo na si nanay!!" Umiiyak na sambit ni Larheinn sa kanila, at pinipilit nitong gisingin ang inang wala ng buhay.
Niyakap ni Joaqeinn ang kanyang anak, at pinapatahan ito dahil kahit sya nasasaktan din. Hindi nya aakalain na sa ganitong paraan magwawakas ang buhay ng babaeng mahal nya. 'nagawa nating makaligtas noon, pero bakit ngayon hindi na. Bakit kung kailan makakasama na natin ang ating anak, saka ka pa nawala. Mahal kung nasaan ka man, pakiusap gabayan mo kami ng anak natin patungo sa ligtas na lugar' sambit ni Joaqeinn sa kanyang isip. Patuloy nyang hinahagod ang likod ng kanyang anak, na patuloy din sa pag-iyak. 
Nakatulog sa mga bisig ni joaqeinn ang kanyang anak, kaya binuhat nya na ito at umalis na sila doon dahil muli silang pinatatamaan ng bala na may lason. Nasa unahan ang mag-ama, habang nasa likod naman si Axheinn na nakikipagpalitan ng bala sa mga taong bumabaril sa kanila.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    CarlosJeiza

    👍👍👍👍

    27/06/2024

      0
  • avatar
    Aaron D'galla

    I like this story

    03/08/2022

      1
  • avatar
    Maddie Dosdos

    Wow! I like this story 😘😍.

    11/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata