Homepage/ECLIPSE OF OUR HEART/
CHAPTER 30
Third person POV
Flashback nineteenth years ago
Sa gubat ng mhiticcolo nagsasanay ang magkaibigan, sabay nilang sinasanay ang kanilang katawan at kung minsan pa, sila mismo ang naglalaban. Kasama nila araw-araw ang mga puting kabalyero at itim na kabalyero sa kanilang pagsasanay.
"Napakagaling mo talaga, sivie (ZV). Bakit ba lagi mo na lamang akong natatalo? Nakakainis na minsan, ngunit hindi ako susuko. Wala sa angkan ng mga Delquentes ang sumusuko, kaya humanda ka sakin Zxielliorne. Matatalo din kita." Rojxello
"Sigurado ka bang matatalo mo ako? Sa katawan mo pa lamang, siguradong madudurog kita." Natatawang sambit ni Zxielliorne
"Ano?! Ikaw talaga! Malaki lamang ang iyong katawan, ngunit nasisiguro ko na sa susunod na maglalaban tayo, matatalo na kita. Tatalunin kita at kapag dumating ang araw na iyon, natitiyak kong ikaw naman ang maiinis. Hahaha…." May pagmamalaking sambit ni Rojxello kay Zxielliorne, at tinawanan lamang sya nito.
"Ikaw talaga! Hindi naman iyan mangyayari. Ako pa din ang mananalo, sigurado ako doon." Zxielliorne
"Hindi mo alam kung paano tatakbo ang mga buhay natin, at malay mo nasa ibaba ka na habang ako naman nasa itaas." Sambit ng lalaki sa kanyang kaibigan.
'kung mangyayari man iyon, sana hindi maglaho ang ating pagkakaibigan' sambit ng isa sa kanyang isip. Pinahid nya ang basang kamay sa mukha ng kaibigan. "Ang seryosoo naman. Tama na iyan, hindi bagay sayo ang maging ganyan. Ang mabuti pa, puntahan mo na si Xheinna. Alam kong kanina mo pa sya gustong makita." Zxielliorne
"Mabuti na lamang at alam mo ang tungkol sa bagay na iyan." Rojxello
"Ako pa ba. Kaibigan mo ako, kaya marapat lamang na alam ko ang mga bagay na tulad sayo, at ganoon din sa akin." Zxielliorne
"Para naman kitang kasintahan. Kung makapagsabi ka na dapat alam natin ang mga gusto, at hindi gusto ng isa't isa. Sandali lamang, wala ka bang nagugustuhan? O may nililigawan ka na, ngunit ayaw mo lamang sabihin sa akin." Rojxello
"Wala pa akong nagugustuhan, at wala pa akong nililigawan. Alam mo namang sinasabi ko sayo ang lahat, at kung mayroon man malalaman mo kaagad." Zxielliorne
"Sabi mo iyan Zxielliorne, wala ng bawian pa." Rojxello
"Oo naman. Pangako, at ang pangako dapat tinutupad para manatili ang pagkakaibigan natin." Sambit nya na sinabayan naman ng kanyang kaibigan
"at ang pangako dapat tinutupad para manatili ang pagkakaibigan natin." Pagsasabay nya sa sasabihin ni Zxielliorne.
Parehas silang natawa matapos sabihin iyon. Tiningnan ni Zxielliorne ang oras, nang makita nya na kung anong oras, kaagad nyang sinabihan ang kaibigan.
"Ano?! Paano na iyan? Sigurado akong magagalit sa akin si Xheinna. Nangako pa naman ako sa kanya." Rojxello
"Ano pa ang ginagawa mo dito? Mabuti pa mauna ka na, ako na ang bahala dito. Sunduin mo na sya, maiintindihan ka naman nya." Zxielliorne
"Salamat, mahal kong kaibigan." Rojxello
"Walang anuman, mahal kong kaibigan. Mag-iingat ka sa iyong pupuntahan." Zxielliorne
Tumango na lamang sa kanya si Rojxello, at pagkatapos umalis na ito. Napailing na lamang sya at niligpit nya ang mga katana na ginamit nila sa pag-eensayo. Pauwi na sya sa kanilang tahanan, nang mapansin nya ang isang babaeng nakasuot ng bestida na kulay puti, at nakahiga ito sa daraanan nya.
May bahid din ng kulay pula ang kasuotan nito, pansin nya din na parang may sugat ito sa labi. "Nagkalat na talaga ang mga taong walang puso! Sigurado akong sila ang may gawa sa kanya! Isang napakagandang dalaga ngunit maagang nawala, dahil sa kanila." Napapailing na Sambit nya sa sarili, at lumapit pa sya sa babae.
Pinakatitigan nya ang babae, at inakala nyang pat*y na ito. Inilapit nya ang kanyang mukha sa mukha nito, at tinitingnan nya kung humihinga pa ba ito. Ngunit malapit pa lamang ang mukha nya sa mukha nito, nang bigla itong dumilat dahilan para magulat sya, at mapatayo. Muntik pa syang matumba, mabuti na lamang at na talaro niya ang kanyang katawan upang hindi sya tuluyang bumagsak sa sahig.
Gulat na gulat sya, at hindi nya maiwasang matakot. 'totoo nga ang mga sabi-sabi na may gumagalang kaluluwa dito. Mukhang ako pa ang mauunang tao na mabibiktima, kung mamalasin ka nga naman. Kabanas, natatakot na ako' sambit nya sa kanyang isip, at halata sa kanyang mukha na kinakabahan sya. Pinikit na din ni Zxielliorne ang kanyang mga mata, at umaasang wala na ang babae sa kanyang harapan. Ngunit sa pagdilat nya, naroon pa din ang babae sa harap nya at nakatingin ito ng nagtataka sa kanya. 'ano ba ang nangyayari sa ginoong ito? Kung tingnan nya ako, para syang nakakita ng multo. Sa bagay kung sino man ang makakakita sa akin, aakalain mong pat*y na ako at isa na lamang kaluluwa.' sambit ng babae sa kanyang isip, habang nakatitig sa lalaking bakas ang takot sa mukha nito.
"M-multo k-ka b-ba? P-pakiusap, h-uwag m-mo a-akong k-kainin." Muli syang pumikit habang sinasambit iyon. Dahan-dahan ang ginawa nyang pagmulat, at inaasahang wala na sa harapan nya ang babae. Ngunit sa muling pagdilat nya, naroon pa din ang babae.
"B-bakit h-hindi k-ka p-pa d-din u-umaalis? T-teka h-huwag k-kang l-lalapit s-sa a-akin *panting*." Zxielliorne
"Hindi ako multo, ginoo. Tao ako, kaya hindi ka dapat matakot." sambit ng babae sa kanya.
"S-sinong t-takot ang s-sinasabi mo?! A-ako t-takot? H-hindi k-ayaaa!! H-huwag ka sabing lumapit sa akin!!" Utal-utal na Sambit ni Zxielliorne
"Akala ko ba hindi ka takot, ginoo. Pero sa nakikita ko, mukhang takot na takot kayo. Paano mo malalaman na nagsasabi ako ng totoo, kung ayaw mo naman akong hawakan? Buhay na buhay ako, at hindi pa ako pat*y." Sambit ng babae sa kanya.
"Kung ganoon, bakit may dugo ka sa buong kasuotan mo, sa mukha mo may bahid din ng dugo, a-at….. At bakit ka nakahiga sa daan k-kung h-hindi k-ka n-aman p-pala m-multo?" Zxielliorne
*Chuckle*" nanggaling ako sa South Lhiorvien, doon idinaos ni ama at ina ang kanilang anibersaryo. Kaya ganito ang suot ko, at hindi dugo ang nakikita mo sa aking kasuotan, nabahiran lamang ng pulang sawsawan ang aking damit pati na ang aking mukha. Gusto ko ng umuwi sa amin, kaya lang hindi ako pinayagan ni ama." Veñiella
"Ano ang pulang sawsawan ang sinasabi mo? At kung hindi ka pinayagan, anong ginawa mo sa lugar na ito?" Zxielliorne
"Kaya ako nandito dahil naririto ang aming tahanan. Paano ako nakapunta dito? Tumakas ako sa kanila, at nagpunta dito gamit lamang ang maliit na bisekleta. Kaya lang nasira ang gulong, at nahulog pa. Umiyak ako nang umiyak hanggang sa mapahiga ako, at makatulog. Nagising na lamang ako ng maramdaman kong may nakatingin sa akin, at ahmm… err... Iyon na, inakala mong pat*y na ako. Nasagot ko na ang mga katanungan mo, kaya maaari na ba akong lumapit sa iyo?" tanong ng babae sa kanya
"At bakit mo naman ako lalapitan? May kailangan ka ba sakin? Kilala mo ba kung sino ako? Nagkita na ba tayo noon? At alam mo din ba kung ano ang pangalan ko? Kung saan ako nakatira?" Sunod-sunod nyang tanong sa babae, at napailing na lamang ito sa kanya.
"Kasasagot ko pa lamang sa mga katanungan mo kanina, at ngayon dinagdagan mo pa ng anim na tanong. Ganito na lamang, sasagutin ko muli ang iyong mga tanong. Una, bakit kita lalapitan? Dahil para malaman mo na tao nga ako at hindi isang multo para katakutan mo. Pangalawa, may kailangan nga ba ako sayo? Ang sagot ko wala, dahil gusto ko lamang lumapit at dumaan na din, nakaharang ka kaya sa aking daraanan. Pangatlo, kung kilala ba kita? Ang sagot, Oo dahil naging kaklase kita noong elementarya. Pang-apat, kung nagkita na ba tayo noon? Oo pa din ang sagot ko sa tanong na iyan, at bakit dahil nga naging kaklase kita noon. Panglima, kung alam ko ba ang pangalan mo? Ang sagot hindi, bakit? Dahil sivie (ZV) lamang ang alam ko. Iyon kasi ang madalas na naririnig kong sinasambit ng iyong kaibigan noong nasa elementarya tayo. Pang-anim at pang-huli sa lahat ng tanong mo, kung alam ko kung saan ka nakatira? Hindi pa din ang aking sagot, bakit? Dahil hindi mo naman sinabi sa akin at hindi ko din narinig. Ang alam ko lang nagpupunta kayo ng kaibigan mo sa bundok ng mithiccolo. Iyan nasagot ko na muli ang iyong mga tanong, at kung maaari lamang huwag ka ng magdagdag pa ng tanong, sumasakit na ang ulo ko sa pagsagot sa mga tanong mo." Sambit ni veñiella sa kanya.
Bubuka pa lamang nya ang kanyang bibig para magsalita, nang maunahan sya nitong magsalita. "At kung ayaw mong lapitan kita, maaari ba na tumabi ka sa daraanan ko. Salamat sa pagbibigay daan sa akin, ginoo. hanggang sa muli nating pagkikita. Paalam." Muli nitong sambit sa kanya, at naitikom nya na lamang ang bibig na dapat ibubuka nya para magsalita. 'siguro nga nagkamali ako. Pasensya na. Asahan mo sa muli nating pagkikita hihingi ako ng kapatawaran sayo. Pasensya na, at mag-iingat ka sa iyong daraanan munting anghel.' sambit nya sa kanyang isip.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
👍👍👍👍
27/06/2024
0I like this story
03/08/2022
1Wow! I like this story 😘😍.
11/06/2022
0Tingnan Lahat