CHAPTER 24.4

Vennizyll POV
"Tara na!! Nailagay ko na ang mga dadalhin mo sa kotse!! Malapit ng mag-alasais!!" Natauhan ako ng marinig ko ang sigaw nya, kaya dali-dali akong tumakbo. Ngunit sa aking pagtakbo, hindi ko napansin na may maliit na batong nakaharang kaya natapakan ko ito, at nadulas. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinantay na makipaglips to lips ang labi ko sa sahig, pero bago pa mangyari iyon isang kamay ang humawak sa bewang ko at hinila ako patayo. "Palagi na lang ganito ang nangyayari, mabuti na lang at nandito ako para saluhin ka. Kahit ilang beses ka pang muntikang madapa o kaya mahulog, nandito pa din ako nakahandang saluhin ka kahit na ako pa ang mapahamak." Sambit nya. Nakangiti sya pero bakas sa kanyang mga mata ang kalungkutan.
"Sor--" pinutol nya ang sasabihin ko ng bigla syang magsalita.
"Tara na. Umaga na pero nandito pa din tayo." Sambit nya ng maitayo nya na akong mabuti, saka sya nagsimulang maglakad.
Mabagal ang kanyang lakad, at halatang hinihintay ako na makarating sa kotse. 'bakit mo ba ginagawa ito? Bakit mo ba gingulo ang isip ko? Gusto kita pero gusto ko din sya. Ang gulo-gulo na ng isip ko. Siguro dapat ko nang makita si Rojh Rojh, sa kanya ko lang malalaman kung sino talaga ang tinitibok ng puso ko, dahil nakikita ko sa mga galaw nya ang kilos noon ni Rojh Rojh. Ang pagiging maalalahanin nya sa tuwing malapit akong masaktan, ang paghahabol nya sakin para sabihing gusto nya ako, ang mga simpleng bagay na ginagawa nya para sakin, at marami pang bagay ang ginawa ni Rojh Rojh na kapareho ng kay Rojxhaenn. Minsan iniisip ko na lang na baka magkapatid sila kaya ganon, si kuya Aeir ganoon din ang ginawa nya, baka nga magkapareho lang sila ng ugali dahil sa magkapatid sila. 'ganoon na nga siguro, pero nasaan na si Rojh Rojh? At bakit hindi ko sya nakita ng gabing iyon?' sambit ko sa isip. Baka naman nasa malayo pa din sya.
"Hindi ka pa ba papasok? Kanina ka pa nandyan sa labas." Rinig kong sambit ni Rojxhaenn dahilan para mapabalik ako sa sarili.
"Huh?" Nasambit ko pagkatapos napatingin ako sa kanya na ngayon nakasakay na sya sa may driver seat, at nakatingin sakin. Doon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatayo dito sa kabilang pintuan ng kanyang kotse na nakabukas, dahil sa pag-iisip ko hindi ko man lang naramdaman na nakarating na pala kami dito sa sasakyan nya. Natampal ko ang aking noo saka nagmamadaling sumakay sa kanyang kotse. Nang makasakay na ako, nakita kong naiiling sya 'dahil siguro sa ginawa kong pagtampal sa aking noo, at malamang nakita nya iyon. Ilang kahihiyan pa ba ang magagawa ko sa kanyang harapan?' sambit ko sa isip.
Nakikita ko ang mga white knights na nag-iikot sa bawat kalsadang madadaanan namin 'ganito ba talaga sila? Ano ba ang nangyari noon at ganyan na lang sila kahigpit?' sa pag-iisip, bigla kong naalala ang sinabi ng matandang pinagbilhan ko ng kamote noong isang araw.
Flashback 
"Maraming maraming salamat talaga mam dahil napakabuti nyo pong tao. Gusto nyo po bang hulaan ko ang kamay ninyo?" Sambit nito sakin.
"Hindi ba inay, sabi ninyo na hindi nyo na ho nakikita kung ano ang kapalaran ng isang tao sa kanyang palad?" Pagtatanong ng bata sa kanyang ina.
"Susubukan ko lang anak. Malakas ang pakiramdam ko na makikita ko ang sa kanya. Akin na ang palad mo mam." Nakangiting sambit nito sakin pagkatapos kinuha nito ang kanyang kamay.
"Huwag na po--" pinutol nito ang sasabihin ko.
"Ayos lang mam, wala naman itong bayad." Nakangiting sambit nito sakin. Hinayaan ko lang na hulaan ng matanda ang aking palad 'wala namang mangyayari sa akin, at alam kong wala syang makikita dito' sambit ko sa isip. Napabalik ako sa sarili, nang marinig kong nagsalita ang matanda.
"Tatlong bagay ang malapit ng mangyari. Una malalaman mo ang katotohanan sa nakaraan mo, pangalawa iibig ka sa kaaway ng iyong magulang, at pangatlo mauulit kung ano man ang nangyari noon. Isang delubyo ang paparating, at lahat iyan malapit nang mangyari, kaya mag-iingat ka iha. Mayroon pa pala, isa itong bangungot para sa inyong dalawa at nakakatakot kung ito nga ay mangyayari." Sambit ng matanda sakin.
"Ano po ang ibig nyong sabihin nay?" Pagtatanong ko
"Mawawalan kayo ng supling." Sambit niya
"Ibig nyo po bang sabihin mawawalan kami ng anak?" Tanong ko sa kanya.
"Oo iha, at hindi ko alam kung isa lang ang mawawala, o dalawa sila." Sambit nito sakin.
End of Flashback
"Saan nga pala kayo nakatira?" Napabalik ako sa sarili, nang marinig ko ang boses nya.
"Sa San Planca. Teka alam mo ba kung saan ito? Kung hindi ibab--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita sya.
"Huwag kang mag-alala, alam ko ang lugar na iyon. Madalas akong magpunta doon kapag gusto kong makalanghap ng sariwang hangin, at isa pa may pamilya akong pinupuntahan doon." Sambit nya. Mabilis akong napatingin sa kanya ng marinig kong sinabi nya ang salitang pamilya.
"M-may p-pamilya k-ka n-na?" Utal-utal kong pagtatanong sa kanya. 'paano kung may pamilya na sya? Paano ako? Ibig bang sabihin hindi nya talaga ako gusto, na ginawa nya lang akong k-kabet? Tapos…… Tapos--' naputol ang iniisip ko, nang maramdaman kong pinupunsan nya ang aking pisngi. 
"Hindi mo naman kailangang umiyak." Sambit nya habang pinupunasan ang pisngi ko. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako. Patuloy sya sa pagpunas ng luha ko, saka nya tinaggal ang Seatbelt at niyakap ako. "Sinabi ko lang na may pinupuntahan akong pamilya doon, kung ano-ano na ang iniisip mo. Hindi ganon iyon okay, iba ang ibig kong sabihin sa sinabi kong pamilya at hindi ko sinabing may pamilya na ako. Ang pamilyang tinutukoy ko, ay ang pamilyang naging pangalawa kong tahanan sa labas ng Lhiorvien. Sila ang mga taong napupuntahan ko sa tuwing may problema ako. Kaya huwag mo sanang isipin na may pamilya na ako dahil wala, wala pa akong pamilya kung meron man siguro ikaw ang magiging ilaw ng bubuuin kong tahanan, kasama ang ating mga anak." Nakangiti nyang sambit, kaya napangiti na din ako. Pagkatapos nyang punasan ang mga luha ko, muli nyang pinaandar ang sasakyan para makarating na kami sa bayan ng San Planca.  
Nang marinig ko ang sinabi nyang mga anak, hindi ko maiwasang hindi mag-alala dahil naalala ko ang sinabi ni nanay ng hulaan nito ang palad ko. Tinignan ko ang palad ng aking kamay, at muling bumalik sa isip ko ang sinabi nito. "Tatlong bagay ang malapit nang mangyari. Una malalaman mo ang katotohanan sa nakaraan mo, pangalawa iibig ka sa kaaway ng iyong mga magulang, at pangatlo mauulit kung ano man ang nangyari noon. Isang delubyo ang paparating, at lahat iyan malapit nang mangyari, kaya mag-iingat ka iha. Mayroon pa pala, isa itong bangungot para sa inyong dalawa at nakakatakot kung ito nga ay mangyayari." anong ibig nyang sabihin na iibig ako sa kaaway ng aking magulang? Ano ang mayroon sa nangyari sa nakaraan na malalaman ko ngayon? At bakit kailangan maulit ulit ang nangyari sa nakaraan? gayong tahimik na ang lahat. Pero sa lahat ng kanyang sinabi ito talaga ang tumatak sa isip ko.
"mawawalan kayo ng supling"
"mawawalan kayo ng supling"
"mawawalan kayo ng supling"
"mawawalan kayo ng supling"
"mawawalan kayo ng supling"
"mawawalan kayo ng supling"
"Nandito na tayo. Saan ang bahay nyo dito?" Rojxhaenn
"Aymawawalantayonganak!!" Napasigaw ako sa gulat nang marinig kong magsalita sya. "Bakit ka ba nanggugulat dyan? Kung may sakit ako sa puso malamang inatake na ako." Sambit ko sa kanya.
"Hindi naman ako nanggugulat, sadyang may iniisip ka lang kaya akala mo ginulat kita. Ano nga pala ang sinabi mo, masyado kasing mabilis ang pagsasalita mo kaya hindi ko naintindihan?" Tanong nya.
"Ah… Err… Wala iyon, huwag mo na lang pansinin. Ano nga pala ulit ang tanong mo?" Sagot at tanong ko na lang para maiwasan na hindi mabanggit kung ano man ang nasa isip ko.
"Ang sabi ko saan ang bahay nyo? dahil nandito na tayo sa San Planca." Sambit nya, dahil siguro sa iniisip ko kaya hindi ko napansing nandito na kami sa San Planca. Itinuro ko na lang sa kanya ang daan patungo sa bahay namin.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    CarlosJeiza

    👍👍👍👍

    27/06/2024

      0
  • avatar
    Aaron D'galla

    I like this story

    03/08/2022

      1
  • avatar
    Maddie Dosdos

    Wow! I like this story 😘😍.

    11/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata