Homepage/ECLIPSE OF OUR HEART/
CHAPTER 20
Zxielliorne POV
Patuloy pa din ako sa paghahanap sa anak namin, at hindi ako titigil hangga't hindi ko sya nakikita. 'kapag nalaman kong tinatago nyo ang anak ko, humanda kayo sisiguraduhin kong mawawala kayo sa mundong ito!' sambit ko sa isip.
Nagbabasa lang ako ng biglang pumasok ang asawa ko.
"Hon. Kumain ka na muna. Nagluto ako ng paborito mong kamoteng ube." Sambit sa akin ng asawa ko.
"Nag-abala ka pa, pero hon. Salamat dito. Alam mo talaga kung ano ang gusto ko." Nakangiti kong sambit sa kanya.
"Ako pa ba, syempre asawa kita at mahal na mahal ko, kaya dapat lang na alam ko ang lahat ng sa iyo. Siguro kung nandito lang ang anak natin, nasisiguro ko na kamukha mo sya pati na rin siguro ang pagkahilig nya sa kamote." Sambit nya sa malungkot na boses habang nakatingin sa akin, pagkatapos binalik nya din ang kanyang paningin sa kamoteng nakahain.
"Hon. Huwag ka ng malungkot. Ginagawa ko ang lahat makita lang natin sya, at kapag nalaman kong may kinalaman sila sisiguraduhin ko na mawawala na sya sa mundong ito, kahit pa naging kaibigan ko sya noon." Sambit ko sa kanya
"Pero hon. Kaibigan mo pa din sya, at mayroon kayong pinagsamahan. Hindi na ba mababalik pa iyon?" Pagtatanong nya sa akin. Umiling naman ako bago nagsalita
"Sa ginawa nya, malabo ng maayos pa namin kung ano man ang nangyari sa pagitan namin. Sya din ang dahilan kung bakit wala sa atin ang anak natin, sapat na iyan para magalit ako ng husto sa kanya." Sambit ko sa kanya
"Pero hon. Paano kung hindi sya ang dahilan ng pagkawala ng anak natin? Paano kung may taong gusto lang kayong pag-awayin? Hon. Hindi ko ito sinasabi para lang sa wala, gusto kong malinawan ka at ayokong dumating ka sa punto na sisishin mo ang iyong sarili." Sambit nya sa akin. Napaisip naman ako sa mga sinabi nya 'kung tama nga sya, ibig sabihin masasaktan ko ang dating kaibigan.' sambit ko sa aking isip.
"Kung ganoon nga, bakit ayaw nyang hanapin ko ang anak natin sa lugar nila? Sa lugar na dati nating tinitirhan noong wala pang gera, at payapa pa ang lahat." Sambit ko sa kanya. Kapag naaalala ko ang mga ginawa ni Rojxello noon, hindi ko mapigilan ang magalit sa kanya. Kaya hinding hindi ko sya mapapatawad, at huwag nyang hayaan na makapasok ako dahil kapag nalaman kong nandoon ang anak ko, asahan nyang mapapa-aga ang kanyang pamamahinga.
Tiningnan ko sya ng marinig ko ang malakas nyang pagbuntong hininga bago nagsalita.
"Ikaw ang bahala hon. Pero sana magkaayos pa kayo. Sinasabi ko ito hon. Dahil ayoko ng makita pa ang mga nangyari noon, at ayoko na makakita ng mga taong sugatan at pat*y. Ayoko na Zxielliorne, ayoko na. Tapos na ang nangyari sa nakaraan, at hindi ko na kakayanin pa kung mangyari pa ulit iyon." Sambit nya at nakita kong may pumatak sa kanyang mga mata. *Sigh* pinunasan ko ang mga luha sa kanyang mata, at yinakap ko sya.
"Hindi ko maipapangako hon. Pero sisiguraduhin kong walang madadamay. Pangako ko iyan sayo." Sambit ko sa kanya habang yakap-yakap ko sya.
"Tama na ang drama, mabuti pa kumain na lang tayo. Say ahhh…" Sambit nya habang tumatawa, kaya pati ako natatawa na din. 'ginawa na naman akong bata ng asawa ko, pero gusto ko din na ganito sya and i love my wife eternally' sambit ko sa isip.
"Ahh….. Auhm *nom*. Ang sarap talaga. Hindi nakakasawa kahit ganito na lang ang kainin natin, basta luto mo." Sambit ko sa kanya.
"Ikaw talaga inuuto mo na naman ako." Naiiling nyang sambit sa akin. Pareho kaming natawa pagkatapos, sabay naming pinagsaluhan ang pagkaing dala-dala nya.
Pagkatapos naming kumain, iniligpit na nya ito at ako naman ay pinagpatuloy na ang pagbabasa ng mga balitang naganap noon. Isang ebidensya ang kailangan ko dahil ito ang magpapatunay na wala syang kinalaman sa nangyari noon, at para malaman ko na din kung sino ang may kagagawan sa nangyaring pagsabog sa Lhiorvien. Sa kakabasa ko, mayroon akong nakita isang lugar na alam kong may kinalaman sa nangyari noon, ang bayan ng San Planca. Tinignan ko at binasa ang nakasaad dito. "Ikalabing walo ng nobyembre, taong 1974, may isang bata ang natagpuang sugatan sa bayan ng San Planca. Ayon sa mag-asawang Ortullio mayroon silang natagpuang batang babae sa gilid ng kalsada malapit sa kanila, sinasabi din na isa itong maharlika dahil sa kutis nito. Ayon sa doctor na si Robert Rallan, duguan at puno ng sugat ang buong mukha nito, sinabi din ng doktor na malabong magising ang bata. Isang malaking palaisipan sa mga tao kung bakit nasunog ang hospital ng Planca, kung saan doon nakaconfine ang batang sinasabi nila, at bakit wala ito sa naitalang pat*y o sugatan. Hindi rin matukoy ng mga tao kung buhay pa nga ba ang bata o pat*y na din ito." Pagbasa ko sa artikulong nakasulat tungkol sa nangyari sa bayan ng San Planca. Tiningnan ko ang hitsura ng bata pero hindi ko ito makita ng maayos, at kung sino ba ito pero isa lang ang alam ko kailangan kong pumunta doon para ako na mismo ang bahalang umalam ng lahat. 'sana tama ang kutob ko na buhay ka pa anak ko, at Sana din mahanap kita dyan' sambit ko sa isip.
Nakatitig lang ako sa larawan ng bata, hanggang sa narinig ko ang boses ng aking asawa.
"Hon. Anong tinitingnan mo?" Pagtatanong nya sa akin.
"Tinitingnan ko ang litrato na ito. Kuha kasi ito noong panahon na iyon. Ang panahon kung saan nawala ang anak natin." Sambit ko sa kanya.
"I-ibig m-mong s-sabihin na maaaring nasa l-lugar na iyan ang a-anak n-natin?" Tanong nyang muli sa akin, at mababakas sa kanyang mukha ang kasiyahan. Tumango ako sa kanya
"Oo hon. At kapag nagpunta tayo doon maaaring makita na natin si princess Vennizyll Angela, ang anak natin." Masayang sambit ko sa kanya.
"Makikita ko na ang anghel natin." Natutuwa nyang sambit. "Bakit hindi na tayo pumunta ngayon. Gusto ko ng mayakap at mahagkan ang ating anak. Nasasabik na akong gawin iyon." Dagdag nyang sambit, at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagtulo ng kanyang luha. Pinunasan ko ito at yinakap sya.
"Kahit ako hon. Gusto ko na ding gawin iyan, pero kailangan muna nating maghanda. Pangako makikita din natin sya, at magagawa natin ang gusto nating gawin kasama sya. Sa ngayon paghihintay muna ang dapat nating gawin." Sambit ko sa kanya na tinanguan nya naman. Maya-maya pa, bumitaw na kami sa yakap at tinitigan ang litratong hawak ko kanina. 'hintayin mo lang kami anak. Parating na si mama at papa, malapit na tayong magkasamang muli. Hinding hindi ko na hahayaang muli kang mawala sa amin' sambit ko sa aking isip habang nakatitig pa din sa litrato.
End of POVI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
👍👍👍👍
27/06/2024
0I like this story
03/08/2022
1Wow! I like this story 😘😍.
11/06/2022
0Tingnan Lahat