CHAPTER 17.1

Quillandra POV
Continuation of Flashback
Nakarating na kami sa bahay at pagpasok ko pa lang sa loob, nakita ko kaagad si lolo na nakaupo sa sofa.
"Good evening lolo." Sambit ko sabay mano sa kanya.
"Ginabi ka, apo ko." Sambit nya
"Bigla po kasing sumama ang pakiramdam ko, habang ginagawa namin ng kaklase ko ang proyekto na pinapagawa sa amin ng aming guro." Sambit ko, at mabuti na lang hindi ako nautal kung hindi mahahalata nyang nagsisinungaling lang ako.
"Dumating ka na pala, anak. Gusto mo bang kumain na muna bago ka magpahinga. Nalaman ko kay mang Berto kung ano ang nangyari sayo. maayos na ba ang pakiramdam mo, anak?" Tanong sa akin ng aking ina.
"Maayos na po ang pakiramdam ko, huwag na po kayong mag-alala. Mauuna na po ako sa aking kwarto, gusto ko na pong magpahinga." Sambit ko sa kanila.
"Ganoon ba? Sige magpahinga ka na apo, at bukas na lang tayo mag-usap. Matagal na tayong hindi nakakapag-usap, kaya bukas na bukas papasyal tayo at samahan natin ng kwentuhan." Sambit ni lolo na tinanguan ko lang.
"Sige na umakyat ka na, anak. Magpahinga ka na, at kung masama pa din ang pakiramdam mo tawagin mo lang ako." Sambit  ni mommy.
Tumango na lang ako sa kanila pagkatapos umakyat na ako sa kwarto. Pagkapasok ko sa aking kwarto, humiga ako sa kama at pigil na pigil ko ang kilig na nararamdaman ko. 'it's not our first kiss, but it is still the same feelings whenever we kiss. I feel love, I feel safe, and I feel more comfortable when I am with him. I really love him, and I won't let anyone destroy us, my happiness.' I said to myself. I got up from my bed to take a shower. Matapos kong maligo, at magbihis. Nagpatuyo muna ako ng buhok bago ako natulog.
Kinabukasan. Naglibot kami ni lolo sa farm, tiningnan namin ang mga tanim na gulay, prutas, at bigas. Nagtingin na din kami kung ano na ang pwedeng anihin, at para makatulong na din sa mga magsasaka na anihin ang mga aanihin ngayong araw. Nagdala din kami ng mga pagkain para sa kanila. Si lolo talaga ang nagturo sa akin kung paano maging mabait, at kung paano tumulong sa ibang tao kaya lang kahit ganoon si lolo ayaw pa din nya na isang mahirap ang makakatuluyan ko, dahil doon nangangamba ako na kapag nalaman ni lolo ang tungkol sa amin, natitiyak kong gagawin nya ang lahat mapaghiwalay lang kami. 
Mabilis na lumipas ang oras ng hindi ko man lang nakakausap si Spedde. hindi ko nakikita kahit anino man lang ni Spedde, hindi din nya sinasagot ang tawag ko na palihim lang kapag hindi nakatingin sa akin si lolo. 'bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, nag-aalala na ako sayo. Sana naman ligtas ka, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka.' sambit ko sa isip.
"Bakit ba hindi ka mapakali dyan, Quillandra apo? May problema ka ba?" Nagulat ako ng bigla akong tanungin ni lolo. 'may alam na ba si lolo, sana naman wala' sambit ko sa isip, habang nakatingin ako sa kanya.
"W-wala n-naman lolo. Iniisip ko lang na magtayo ng maliit na negosyo." Sagot ko sa kanya.
"Tungkol ba ito sa pagkahilig mo sa tsaa?" Muli nyang tanong sa akin.
"Opo lolo. Gusto ko pong ipagmalaki sa mga tao kung gaano kasarap ang tsaa na recipe ni lola." Masayang sambit ko sa kanya, kahit na sa aking loob iniisip ko pa din si Spedde.
"Kung ganoon apo, hayaan mo at susuportahan ko ang iyong kagustuhan. Sigurado din akong matutuwa ang iyong lola, kapag nalaman nya ang gusto mo." Sambit nya, at pagkatapos pumunta na sya sa mga magsasaka, at kinausap ito.
Napangiti na lang ako sa mga sinabi ni lolo. Sigurado din akong magiging masaya si lola kapag nalaman nya ang plano ko. Kung si lolo tinuruan ako kung paano maging mabait sa mga tao, si lola naman ang nagturo sa akin kung paano ang tamang paggawa ng tsaa. 'pero sana kung gaano ka kasaya lolo ng malaman mo ang balak kong gawin, sana ganyan ka din kasaya kapag nalaman mo ang tungkol sa amin ni Spedde' sambit ko sa aking isip. Gabi na ng mapagpasyahan namin ni lolo na umuwi na. Sakay kami ng bagong sasakyan ni lolo, at pauwi na kami. Habang nasa sasakyan ako, hindi ako mapakali na parang may hindi magandang mangyayari ngayon at bukas. 'wala lang ito masyado lang ako nag-iisip ng masama, tama wala lang ito. Hindi naman ako magagawang saktan ni Spedde, may tiwala ako sa kanya ' sambit ko sa aking isip. Nakarating kami sa bahay, pero ang isip ko lumilipad pa din. Hindi din ako mapakali, at pagpasok pa lang namin sa bahay dumiretso kaagad ako sa kwarto ko, ni hindi ko na nagawang batiin sila mommy at daddy kahit na ngayon ko lang nakita na nandito si daddy sa loob ng bahay. Dati sa tuwing uuwi sya, didiretso kaagad sya sa maliit nyang opisina dito sa bahay, pero ngayon kataka-taka na nakita ko sya sa may sala katabi si mommy na mukhang malalim ang kanilang pinaguusapan, ngunit hindi ko na lang sila pinansin. Nang makarating ako sa aking kwarto, sinubukan ko ulit syang tawagan pero hindi pa din sya sumasagot. 'nasaan ka na ba Spedde? Sobra na akong nagaalala sayo.' sambit ko sa aking isip. Naisipan kong maligo na muna bago ko sya tawagan ulit.
Matapos kong maligo at magbihis, sinimulan ko na ulit syang tawagan pero gaya kanina hindi pa din nya sinasagot. Palakad lakad na ako sa loob ng kwarto ko, habang patuloy syang tinatawagan. Ni hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan, may pakiramdam ako na may hindi talaga magandang mangyayari. Bigla kong naalala ang sinabi ni lola na kapag pakiramdam mo may masamang mangyayari, ibig sabihin may hindi talaga magandang mangyayari lalo na kung ang taong mahal mo ang iyong iniisip. "Hindi, hindi totoo iyon gawa-gawa lang iyon ni lola. Isa pa alam kong mahal ako ni Spedde at hindi nya ako magagawang lokohin." Sambit ko sa aking sarili. 'hindi nga ba?' sabat naman ng isip ko. Mas lalo akong naguguluhan, natataranta, at mas lalo akong kinakabahan dahil sa mga iniisip ko, idagdag mo pa na hindi sumasagot si Spedde sa tawag ko.
Paulit ulit ko syang tinawagan pero ganon pa din, hanggang sa napagpasyahan kong isang tawag na lang at kapag hindi pa nya sinagot pupuntahan ko na sya sa kanyang bahay, alam ko naman kung saan sya nakatira. *Kringg, kringgg, kringgg, kringgg, kringgg kringgg, kringgg, kringgg, kringgg, kringgg* nakailang ringg na pero hindi nya pa din sinasagot, ibababa ko na sana ang tawag ng bigla nya itong sinagot. Masaya ako dahil sa wakas sinagot nya na din ang tawag ko.
"Mabuti naman at sinagot muna--" hindi ko natapos ang aking sasabihin ng makarinig ako ng boses ng taong nasasarapan. 'baka naman nanonood lang sya, tama hindi dapat ako magisip ng masama' sambit ko sa aking isip.
"Hello, Spedde nanonood ka b--" hindi ko na natapos aking sasabihin ng marinig ko ang boses nya na naging dahilan para mawala ang sayang nararamdaman ko.
"Want me to get fast honey?" Rinig kong tanong nya sa kanyang kasama, at halatang may ginagawa sya kasama ang babaeng iyon.
"Yes! I want it *ghh, make it faster honey. I-I-I'm almost nearr!! I'm cumiiiiiiiing!!!" Rinig kong sigaw ng babae habang nasasarapan sya sa ginagawa ni Spedde sa kanya.
"I'm cumiiiiiiiing toooooo." Sambit nya naman na halatang malapit na siyang labasan.
"Let's cum together honeyyyy!!" Rinig kong sigaw ng babae at alam kong lalabasan na sya.
"Let's go honey and let's take a shower, I want to feel my thing inside you again." Maland*ng sambit nya sa babae.
"Ikaw talaga, pero gusto ko din. Habulin mo ko honey hahaha." Tumatawang sambit ng babae.
"Run faster honey because if I catch you, i would not stop myself until you can't even stand!!" Rinig kong sigaw nya pero hindi sigaw na galit sya, sigaw na parang may balak at alam kong masasarapan ang babae sa gagawin nya. Hindi ko napansin pero tumutulo na pala ang luha ko na parang gripo, dahil wala itong tigil sa pagpatak ng mga luha. Bago ko pa marinig ang iba pang mangyayari sa kanila na alam kong ikakasakit ng puso ko lalo, kaagad ko nang pinatay ang tawag.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    CarlosJeiza

    👍👍👍👍

    27/06/2024

      0
  • avatar
    Aaron D'galla

    I like this story

    03/08/2022

      1
  • avatar
    Maddie Dosdos

    Wow! I like this story 😘😍.

    11/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata