CHAPTER 11

Third person POV
Maagang nagising si Vennizyll para magluto ng agahan nila. Pagdating nya sa kusina, tumingin sya sa kung ano ang pwedeng lutuin, ang kaso ubos na ang imbak nilang pagkain kaya naisipan nya na lang bumili muna. Pinalitan nya ang suot nyang pangtulog na damit, at kinuha nya ang pitaka pagkatapos umalis na sya.
Nakarating sya sa palengke sakay ng isang tricycle, bumaba sya at hinabilin dito na hintayin sya nito para hindi na sya maghanap pa ng sasakyan nya pauwi. Pagpasok nya sa loob ng palengke, hinanap nya kaagad ang mga bibilhin nya para hindi na sya magtagal doon. Matapos mabili ang mga kailangan, nagpunta na sya sa tricycle na pinagbilinan nya. Habang papunta sya doon, may biglang bumangga sa kanya  dahilan para matapon ang mga binili nya at mabasag ang mga itlog.
"Ang mga itlog koooo!!" Tiningnan nya kung sino ang taong nakabangga sa kanya, at kung mamalasin ka nga naman ito ang taong muntik ng makabangga sa kanya noon. Kahit nakatagilid kilala nya pa rin ito. Hindi sya nito nakita dahil meron itong katawagan sa kanyang cellphone. Sisigawan nya na sana ito ang kaso lang umalis na ito. Nakasimangot sya habang pinupulot nya ang kanyang mga pinamili. 'nakakainiiiiis talaga ang unggoy na iyon!!! Kapag nakita ko ulit sya babasagin ko ang mga itlog nya. Kainiiiis!!' Nanggigigil nyang sambit sa kanyang isip. Mabuti na lang at may dumating para tulungan syang linisin ang kalat na dulot ng pagkabasag ng mga binili nyang itlog. Pagkatapos ng eksena kanina, nagpunta na sya sa tricycle at nilagay doon ang mga pinamili nya.  Hindi na sya bumili ulit ng itlog dahil baka mabasag na naman ito.
Pagkarating sa kanto bumaba na sya doon kahit malayo pa. Ang bilin sa kanya ni Claeirhost huwag na huwag nyang hahayaan na may makaalam kung saan sya nakatira, dahil baka malaman nila ang totoo lalo na ng mga magulang ni Claeirhost. Ilang minuto pa syang naglakad bago nakarating sa bahay ni Claeirhost.
"Ha ah, ha ah, ha ah…. Grabe kapagod, mabuti na lang at hindi madami ang binili ko, pero… Arghhhh!! Nakakainis ang lalaking iyon! Nakakadalawa na sya. Kapag nakita ko talaga sya!!…. Lagot sya sakin. Binasag nya ang mga itlog ko!!" Sambit nya habang nasa harap na sya ng pintuan. Pagpasok sa loob, kaagad syang nagtungo sa kusina at inayos nya ang kanyang mga pinamili pagkatapos nagluto na sya.
May isang lalaki ang nagmamaneho papuntang palengke, dahil nakiusap sa kanya ang kanyang ina na kung pwede sya na lang ang bumili ng mga sangkap para sa lulutuing almusal nila. Hindi kasi nakabili ang katulong dahil sa may pinagawa ang kanyang ina sa mga ito, hindi din sya nakatanggi dahil meron din syang bibilhin doon. Nang makarating sa palengke, pinark nya ang kanyang kotse pagkatapos pumasok na sya sa loob. 
Nang mabili na lahat ng bibilhin nya, nilagay na nya ito sa likod ng kotse at papasok na sana sya sa loob para makauwi na nang makalimutan nyang bumili ng gatas, dahil ang sabi ng kanyang ina na huwag nyang kakalimutan bumili ng gatas para sa mga kabayo. Naglalakad syang bumalik sa loob ng palengke, nang bigla nyang mabunggo ang isang babae at matapon nito ang kanyang pinamili. Tutulong na sana sya ng maramdaman nyang nagvibrate ang kanyang cellphone, kinuha nya ito at nakitang tumatawag ang kanyang ina.
"Hello mom?" Unknown
"Son, Nakauwi ka na ba?" Pagtatanong ng kanyang ina
"May nakalimutan lang po akong bilhin pero pauwi na po ako." Sagot naman nya sa kanyang ina
"Sige, magiingat ka anak. Dahan-dahan lang sa pagdadrive." Bilin nito sa kanya
"I will mom. Bye." Binaba nya na ang tawag at dali-daling nagpunta sa bilihan ng gatas para makauwi na sya. Nakalimutan na nyang humingi ng tawad sa babaeng nabunggo nya, huli na nang maalala nya ito dahil malayo na ang nalakad nya, at kung babalik pa sya siguradong wala na doon ang babae.
Nang mabili na nya na ang gatas, nagpunta na sya sa may parking kung nasaan ang kanyang kotse. Inilagay nya ng maayos ang mga gatas para hindi ito tumapon pagkatapos sumakay na sya sa kanyang kotse, at pinaandar na nya ito paalis.
Inaayos na ni Vennizyll ang lamesa dahil tapos na syang magluto. Nilalagay nya ang mga pagkaing niluto nya, nang makarinig sya ng tunog ng yapak. 
"Tinanghali ka ata ng gi--" hindi nya natapos ang kanyang sasabihin ng paglingon nya, hindi si Claeirhost ang kanyang nakita kundi si Quillandra ang kanyang boss. "Ma'am?! A-ano p-pong g-ginagawa nyo d-dito?" Gulat nyang sambit 'paano na ito alam nya na kung saan ako nakatira, baka isumbong nya ako. Ano na ang gagawin ko' hindi mapakaling sambit nya sa kanyang isip, at sobra na syang kinakabahan.
"Vennizyll? Ikaw ang dapat na tinatanong ko. Ano ang ginagawa mo dito? Dito ka ba nakatira? Pero kay Claeirhost itong bahay. Huwag mong sabihin na kasintah--" Hindi nya pinatapos ang sasabihin nito, at agad syang sumabat
"Hindikamimagkasingtahannisirclaeirhostnakikitiralangakodito!" Tuloy tuloy ang naging pagsasalita nya, dahil sa sobrang kaba at halos isigaw nya na ang kanyang sinasabi.
"Ha? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Ulitin mo nga? at kung pwede dahan-dahan lang sa pagsasalita para maintindihan ko." Quillandra
*Hingang malalim* "Ma'am hindi p--" Vennizyll
"Ang sabi ko ate na lang ang itawag mo sa akin, at huwag ng Ma'am. Huwag mo na din akong i-po. Hindi ba sinabi ko na sayo iyon." Quillandra
"Sorry p-- Ma'a-- ate. Gusto ko pong sabihin na hindi kami magkasintahan ni si- Aeir, tinutulungan nya lang po ako." Vennizyll
"Pero bakit dito ka nakatira sa bahay nya?" Quillandra
"Kasi p-- ate kasi… Kasi ano ate… Ano kasi ah err… Kasi a-ate ano ah.. wal--" hindi nya natapos ang kanyang sasabihin, ng marinig nila ang boses ni Claeirhost na halatang kagigising lang.
"Magandang umag-- nagkita na pala kayo?" Hindi natapos ang sasabihin nya, ng makita nya ang dalawang babae na nag-uusap. "Venni, ikaw ba ang nagluto nito?" Pagtatanong nya dito
"O-o-oo k-kuya. M-maaga kasi a-akong n-nagising at naisipan k-kong magluto ng a-agahan n-natin." Nauutal at nakayukong sambit nya, dahil kinakabahan talaga sya. Napansin naman iyon ni Claeirhost, kaya agad nya itong tinanong kung ayos lang ba sya. Sinabi na lang ni Vennizyll na ayos lang sya, at sinabing kumain na sila dahil lalamig na ang pagkaing niluto nya.
Tahimik silang kumakain, ng biglang magtanong si Quillandra tungkol sa relasyon nila.
"Wala ba talaga kayong relasyon?" Pagtatanong ni Quillandra sa kanila.
"Wala / meron." Magkasabay nilang bigkas, dahilan para kumunot ang noo nya.
"Ano ba talaga? Mero o wala? Hindi naman ako magagalit kung sasabihin nyong mer--" Quillandra
"Wala!! Wala kaming relasyon ni--" pinutol agad ni Claeirhost ang kanyang sasabihin
"Meron, meron kaming relasyon!" Claeirhost
"Ha? / A-ano? T-teka h-hindi n-naman t-tayo--" sabay na sambit nila ni Quillandra
"Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Ang ibig kong sabihin sa sinasabi kong relasyon, ay ang pagiging magkaibigan natin. Hindi ba, huwag mong sabihin na hindi tayo magkaibigan kundi magtatampo talaga ako sayo." Claeirhost
Nakahinga sya ng maluwag nang marinig nya ang sinabi nito. 
"Magkaibigan. Ikaw po ang unang taong tumulong sa akin, kahit na alam mo kung saan ako galing. Ni hindi mo ako sinumbong sa kanila, bukod pa doon pinatira at binigyan mo ako ng trabaho. Kaya sa araw pong iyon kaibigan na po ang turing ko sayo." Nakangiting sabi nya dito.
Napangiti naman si Claeirhost, at bigla nyang naalala ang nakaraang hindi nya makakalimutan.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    CarlosJeiza

    👍👍👍👍

    27/06/2024

      0
  • avatar
    Aaron D'galla

    I like this story

    03/08/2022

      1
  • avatar
    Maddie Dosdos

    Wow! I like this story 😘😍.

    11/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata