Homepage/ECLIPSE OF OUR HEART/

ECLIPSE OF OUR HEART
Zeirah Aize Porrez
CHAPTER 1
Third person POV
Isang dalaga ang nag-aayos ng kanyang mga damit na dadalhin nya patungo sa Lhiorvien City, the city of war. 'gagawin ko ito para kina itay at inay. Gusto kong gumanda ang kanilang buhay, at gusto ko din na makitang hindi na sila nahihirapan pa' sambit ng dalaga sa kanyang isip, at kinuha nya na ang tuwalya para maligo.
Lumabas sya ng kanyang kwarto, at naabutan nya ang kanyang magulang na nakaupo sa maliit nilang upuan. Ibinaba nya na muna ang kanyang bag, at saka nya nilapitan ang mga ito.
"Inay, itay aalis na po ako." Sambit ng dalaga sa kanyang magulang. Malungkot syang tiningnan ng kanyang ina, bago ito nagsalita.
"Anak, sigurado ka na ba talaga? Hindi na ba magbabago ang isip mo?" Pagtatanong nito sa kanya.
"Inay, nagpagusapan na po natin ang tungkol dito, at sabi ko naman po na gagawin ko ito para sa inyo. Ayoko po na habang buhay ganito na lang tayo." Muli nyang sambit, at nakatingin sya sa mga mata ng kanyang ina.
Malalim ang naging paghinga ng kanyang ina, at pilit ang ngiting ibinigay sa kanya.
"Kung iyan ang gusto mo, sige papayagan na kita pero…. Pero magiingat ka, at huwag mong papabayaan ang sarili mo Vennizyll dahil hindi ako magdadalawang isip na ibalik ka dito, kapag may nangyari sayong masama." Paalala ng kanyang ina sa kanya.
Napangiti sya at niyakap nya ito. "Salamat po inay. Pangako mag-iingat po ako at hinding hindi ko po hahayaan na masaktan ang sarili ko para hindi na po kayo magalala pa sakin." Nakangiting sambit ni Vennizyll sa kanyang ina.
Humiwalay lang sya sa yakap ng marinig nya ang pagubo ng kanyang ama. "Hindi nyo ba ako isasali dyan? Paano naman ako kailangan ko din ng yakap mo, anak." Nakasimangot na Saad ng kanyang ama. Pareho silang natawa ng kanyang ina dahil sa sinabi ng kanyang ama, at sabay din nilang niyakap ito.
Bago sya umalis, binigyan sya ng kanyang ina ng inumin at pagkain, para hindi sya magutom sa kanyang byahe. Ngumiti sya at tinanggap nya ito, akala nya iyon pang ang ibibigay nito ngunit nagulat sya ng bigyan sya nito ng isang kwintas. Hindi basta bastang kuwintas, dahil isa itong mamahalin na alahas at alam nyang hindi ito kayang bilhin ng kanyang magulang. "Inay, bakit po kayo meron nito? Saan nyo po ito nakuha?" Gulat nyang tanong sa kanyang ina.
"Sayo ito anak. B-bigay i-iyan ng lolo mo bago sya pumanaw. Kaya gusto kong isuot mo ito, at huwag na huwag mong tatanggalin. Naiintindihan mo ba ako, Vennizyll." Sambit ng kanyang ina, habang sinusuot nito ang kuwintas sa kanyang leeg.
"Opo, inay naiintindihan ko po kayo. Sige po mauuna na po ako sa inyo." Vennizyl
Ngumiti ang mga ito sa kanya, at muli syang niyakap. Sa paglabas nya sa kanilang bahay, natanaw nya kaagad si Mang Junio na naghihintay sa kanya. Kumaway ito sa kanya, at binuksan ang isang pinto ng sasakyan. Nakangiti sya at nagpasalamat dito, na sinuklian naman ni mang Junio ng isang ngiti. Pagkasakay nya, pinaandar na ni mang Junio ang sasakyan paalis doon.
Sa loob ng bahay ng mag-asawang Ortullio, hindi mapakali ang ginang at palakad lakad ito sa kanilang kusina. "Mahal, ako ang nahihilo sayo. Maupo ka nga muna, at inumin mo itong tubig para umayos na ang pakiramdam mo." Sambit ng kanyang asawa. Umupo sya, at ininom nya ang tubig na binigay nito sa kanya. Huminga ng malalim ang kanyang asawa, at tinitigan sya. "Alam kong nagaalala ka pa din sa kanya, kahit hindi mo sabihin dahil nakikita ko ito sa mukha mo." Muling sambit ng kanyang asawa.
Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita. "Hindi naman mawawala sa akin, ang pakiramdam na magalala sa isang anak. Natatakot lang ako sa kung ano ang pwedeng gawin nila sa anak natin, lalo na sa bagay na binigay ko. Alam natin kung sino talaga sya, at kung sino ang totoo nyang magulang. Paano na lang kung kunin sya satin ng totoo nyang magulang? Paano kung patay*n sya ng mga ito? Natatakot ako joaqeinn para sa anak natin." Sagot nya sa kanyang asawa, at yumakap sya dito.
"Wala tayong magagawa tungkol sa bagay na iyan, Larah." Sambit ng kanyang asawa.
Yumakap na lang sya sa kanyang asawa, at tahimik na nagdasal para sa kaligtasan ng kanyang anak.
Sa gubat ng mhiticcolo, nagsasanay ang isang babae at makikita mo sa mga mata nya ang galit. 'hinding hindi ko hahayaan na maging maayos ang buhay ng ampon nyo! At sisiguraduhin ko na masasaktan din kayo sa gagawin ko! Hinayaan nyo akong magdusa sa kamay nila! Kaya gagawin ko ang lahat, maranasan nyo lang kung ano ang naranasan ko!' mga salitang tumatakbo sa isip ng dalaga, habang binabaril nya ang mga boteng may litrato ng mga taong kinamumuhian nya.
Nagtataka si Vennizyll dahil sobrang layo ng pinagbabaan sa kanya ni Mang Junio, at malayo pa iyon sa Lhiorvien City. Kaya tinanong nya ito at sinabi naman sa kanya ni Mang Junio kung bakit hanggang doon lang sya nito hinatid. Nang marinig nya na ang dahilan, agad nya itong naintindihan at sinabing mauuna na sya.
Ngumiti sya kay Mang Junio, at nagsimula na syang maglakad. Isang oras na syang naglalakad, pero hindi pa din sya nakakarating doon. Kaya naisipan nya munang magpahinga, at kumain ng dala dala nyang pagkain.
Tahimik syang kumakain sa isang gilid, nang may maramdaman syang parang may nakatingin sa kanya. At pag-angat nya ng kanyang paningin, isang binata ang nakatingin sa kanya na may ngiti sa labi. "We meet again, my angel." Nakangiting sambit nito sa kanya.
Tiningnan nya lang ito ng may pagtataka sa mukha, at iniisip nya kung nagkita na ba sila noon dahil ngayon nya pa lang nakita ang binata. "Nagkita na po ba tayo noon? At kilala nyo po ako?" Pagtatanong nya sa binatang nakatayo sa kanyang harap.
Napakunot noo naman ito sa naging sagot nya, at inaalam kung totoo ba ang sinasabi nya. "You don't remember my name, my angel?" Tanong ng binata.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
👍👍👍👍
27/06/2024
0I like this story
03/08/2022
1Wow! I like this story 😘😍.
11/06/2022
0Tingnan Lahat