Chapter 13

Chapter 13
"Bakit ganito makatingin sa atin ang mga kaklase natin? Feeling ko jina-judge na nila agad tayo, e," bulong ni Eden sa akin.
As usual, nagpapaunahan pa rin kaming makapasok sa school kahit pa ngayong nasa MIDAS na kami nag-aaral. Kami nga ang nauna sa classroom namin at doon talaga kami sa likod pumuwesto muna. Wala ngang tumatabi sa akin. Ngayong nagsisidatingan ang mga kaklase namin, pinagtitinginan naman kami.
"Baka tayo lang ang bago? Magkakaklase na sila last time?"
Lumabi siya. "Sana kaklase natin sina Axe at Ral. O kahit isa lang sa kanila para naman may kakilala tayo."
I was hoping for that, too. Hindi tulad sa public school na binabase sa grade ang section ng estudyante (lalo na sa star section), dito naman ay base raw ang section mo sa kung kailan ka nag-enroll.
Eden and I are late enrollees and also transferees so I assumed that we're in the last section. If not the last, then maybe the section before that. Wala namang kaso sa amin iyon basta maayos magturo ang magiging teachers namin.
"Kain muna tayo," aniya at nilabas ang dalawang pamilyar na purple pack.
Namilog ang mata ko at agad kinuha ang isang Nooda Crunch na may ngisi sa labi.
"Nabili ko 'yan doon lang sa katabi naming tindahan. Sayang nga at walang blue. Iyon pa naman ang gusto ko."
Dinurog ko agad 'yong Nooda Crunch kahit hindi pa nabubuksan. "Mas masarap kaya 'tong cheese kesa sa barbeque. Feeling ko kinakain kita. Keso!" I chuckled.
"Yuck." Nginiwian niya ako. "Bawiin ko 'yan, e."
Pinukpok niya nang mahina ang Nooda Crunch niya sa kanyang mesa para madurog. Napatingin naman ako sa taas ng pader sa bandang kanan niya kung nasaan ang aircon. Kanina ko pa talaga gustong pahinaan iyon dahil nilalamig ako at sa amin pa nakatutok. Hindi ko lang alam kung paano at baka may magreklamo.
Three-fourth naman ang haba ng manggas ng uniform namin at may necktie kami. Kaya lang, masyadong maikli para sa akin ang palda. Kalahating dangkal ng kamay ko ang taas ng laylayan nito mula sa tuhod. E, 'yong palda namin sa public, hanggang ilalim ng tuhod ko.
Wala naman ako masyadong problema sa haba ng palda pero hindi gusto ni Eden dahil sa ikli nito. Magaslaw kasi siya kapag nakatayo at nakaupo. Ako naman, nilalamig lang. Dapat pala ay nagdala ako ng jacket. Hindi ko naman alam na ganito pala kalamig dito sa room. O baka hindi pa lang kasi ako sanay.
Nakanganga pa ako habang nakatingala dahil binubuhos ang noodles sa bibig nang may narinig akong tili. Ngumunguyang nilingon namin ni Eden ang isang babaeng kapapasok lang.
"OMG girls! Classmate natin 'yong kapatid ni Kuya Aji! You know? The tall, intelligent, and chinito one!" she blurted out.
"Holy shit. Kung hindi na puwede kay Kuya Aji, doon tayo sa kapatid!"
"Dane, are you fucking serious?"
"Damn fucking serious!" Tumili ulit ang tinawag na Dane. "And guess what? He's with his friend, too! Classmate natin pareho! Oh my God!"
Nagkatinginan lang kami ni Eden at nagkibit-balikat. 'Di naman namin kilala ang tinutukoy nila.
"Kapag guwapo talaga ang transferee, bilis ng balita at pinagkakaguluhan agad," aniya.
"Sus. Hayaan mo na sila. Ganoon ka rin naman noong nag-transfer sa atin sina Ra at Axe."
"Ba't kapag sa atin, jina-judge look tayo?"
"Hindi naman tayo pogi, e."
"Kunsabagay. Ang sexist naman. Hindi bale, sexy naman tayo."
Mayamaya, may isang kaklase kaming babae na pumunta sa harapan para patahimikin ang lahat. She's tall, has a long and straight black hair, and she wears a thick-rimmed eyeglasses. Mukhang matalino.
"Ang hina ng boses. 'Di pinakikinggan," sabi ni Eden sa tabi ko. "Kung si Ral 'yang nagsasalita sa harap, for sure sunod agad mga kaklase natin."
"Siyempre, pogi," bagot kong sinabi at tumawa. "Well, hindi lang naman guwapo. Matalino, marespeto, at disiplinado."
The upper corner of her lip twitched. "Puring-puri, ah?"
"Kapuri-puri naman kasi." Sinipsip ko ang daliri kung saan may nadikit na mga powder sa kinain ko. "Pero seryoso, disiplinado rin naman kasi ang klase natin noon dahil marunong dumisiplina ang President."
"So, sinasabi mong hindi marunong dumisiplina ang nasa harapan ngayon dahil babae?" she disputed.
"Hindi naman." Tinitigan ko siya. "Pero alam mo kasi, Eden... kahit gaano pa kagaling o kadisiplina ang isang presidente o pinuno, kung wala talagang disiplina ang mga tao, hindi sila susunod sa mga utos. Masasabi lang din naman kasi natin na magaling ang isang lider kung disiplinado ang mga tao."
"Ibig sabihin din, nasa tao rin talaga ang problema minsan. Wala sa kasarian ng pinuno at mas lalong hindi dahil hindi sila marunong dumisiplina," dugtong niya.
"Uhuh." I nodded. "Sadyang hindi lang talaga mawawalan ng hindi disiplinado sa isang klase kaya hindi kasalanan ng nasa harap ngayon kung bakit hindi siya sinusunod. Kesyo presidente o hindi ang nananaway, kung may disiplina talaga ang mga kaklase natin, susunod sila. For peace and order."
"Kapag nag-nominate ng class officer, i-nominate mo 'ko sa president, ah? Tingnan mo, didisiplinahin ko 'yang mga 'yan kapag ako ang presidente," bulong niya.
Ngumisi ako. "Sige, sige."
Napailing ako nang makitang karamihan sa mga kaklase ay ayaw talagang sumunod sa nagsasalita sa harap kaya umupo na lang ito.
May isa na namang babae na naka-headband ang pumasok sa loob ng room, tila nagmamadali.
"I saw Kuya Aji's brother! Papunta na sila rito! Umayos na kayo, dali!"
Ngumuso ako at inunti-unti ang kinakain. Kita mo 'tong mga 'to, dahil sa lalaki kaya aayos sila? Hindi ba puwedeng umayos nang kusa dahil iyon ang tama?
Most of the girls fell into silence when the door opened again. But this time, it was the door behind us. Napatingin kami ni Eden at nalunok ko bigla ang noodles na nasa bibig nang hindi man lang nangunguya pa nang makitang sina Raghnall at Axasiel ang pumasok. The two were talking with each other as though they had their own world.
"Woy! Magkaklase ulit tayong apat!" bulalas ni Eden, tuwang-tuwa.
Napaubo ako. Ang sakit sa lalamunan.
Ral was still talking when he turned his head to us. Napabalik ang tingin ko sa harapan at nagulat na lang nang makitang nasa amin ang tingin ng mga babae sa harapan.
Sa amin... sa aming dalawa ni Eden! They were sending daggers to us through their eyes. The boys didn't even care. Better.
"Dito na kayo upo, oh. Walang gustong tumabi rito kay Asia."
Nakuyom ko ang kamao kung saan hawak ko ang plastic ng kinakain at ibinaba iyon sa ibabaw ng hita nang makitang pumasok sa row namin ang dalawa. Inangat ko ang tingin kay Raghnall na tahimik at maingat na umupo sa tabi ko.
Huminga siya nang malalim at napatingin sa kandungan ko bago ako hinarap. Parang tumalon sa gulat ang puso ko nang magtama ang tingin naming dalawa.
Mahigit dalawang buwan ko rin siyang hindi nakita at wala namang pinagbago masyado sa kanya. Malinis tingnan mula buhok hanggang sa uniporme. Kahit hindi amuyin sa malapitan, tingnan pa lang ay nangangamoy Downy at Johnson's baby powder na.
"Ral, Axe, gusto niyo?" alok ni Eden sa Nooda Crunch niya. "Sa inyo na lang. Basta tapos niyo 'yan, ah."
"What's that?" si Axe.
"Noodles na may cheese powder."
"Raw?"
"Oo pero ganiyan talaga 'yan. Nakakain nang hindi niluluto. Tikman mo."
Kinuha naman 'yon ni Ral at ibinigay kay Axe. The latter looked so curious about the food but he was also eager to dip his fingers into the package.
"Thank you," he said.
"Pahingi..." ani Ral, nakatingin sa akin.
"Uy, bigyan mo naman, Asia." Sabay siko ni Eden sa akin.
Dahan-dahan kong ipinatong 'yon sa mesa niya. Hindi ko pa nga nabibitiwan nang hawakan niya ang kamay.
"Nilalamig ka?"
Nabawi ko bigla ang kamay. Nlalamig ako pero nang hinawakan niya ako, para naman akong sinilaban sa parteng hinawakan niya.
"Ah, hindi nama—"
Bigla na lang siyang tumayo at dumiretso sa tapat ng aircon. May hinawakan siya roon pero bago niya galawin nang tuluyan iyon ay humarap siya sa klase.
"Is it okay to set the temperature a little higher? Masyadong malamig kasi rito sa puwesto namin," medyo malakas niyang sinabi.
"Sure! No problem!" sagot agad ng isang babae roon sa harapan.
"Kahit patayin mo pa, ayos lang."
"Gaga, e 'di namatay na tayo sa init."
Bumaba naman ang lamig ng paligid pagkatapos ng pagmamanipula ni Raghnall sa aircon. Ilang minuto lang din ang nakalipas nang dumating ang first teacher namin at pagkatapos magpakilala, inayos niya agad ang pwesto namin. Sa subject niya lang naman daw ganoon ang ayos namin. Maliban na lang kung ganito rin ang trip ng ibang teacher.
"Alphabetical na naman..." I heard Raghnall murmur beside me.
Oo nga, e.
"Kahit 'di ka na yata umalis dito, Asia. Para sa 'yo talaga ang last seat." Tumawa si Eden habang tumatayo. "Hindi ka pa maiinitan dito."
"Nilalamig ka pa ba, Asia?" tanong ni Axe na nakatayo na rin. "You can borrow my jacket if you want."
"Do you think I didn't bring mine?" medyo iritado ang tono ni Ral nang sabihin iyon kay Axe.
Kumunot ang noo ni Axe sa kanya. "Huh?"
"Tss..."
"Asturias, Vincenzo Raghnall. Is he present?" tawag ng guro namin.
Hindi man lang nagsalita si Ral dahil may hinahalukay sa bag kaya si Axe ang sumagot para sa kaibigan.
"Huy, punta ka na roon sa harap," si Eden at bahagyang tinulak sa braso si Ral.
"Sandali..." Inilapag ni Ral ang isang jacket sa mesa ko. "Suot mo kung nilalamig ka pa. Sa 'yo muna."
"Asturias! Make it fast! Next, Avila..."
Kung sinusuwerte nga naman, ako lang mag-isa sa row ko ngayon at ako na naman ang huli. May isa akong katabi kaso absent kaya naglaktaw ng upuan. Suot ko ang itim na jacket ni Ral na hindi ko mapigilang amoy-amuyin lalo na at sa tuwing nira-rub ko ay mas lalong naaamoy ang fabcon na ginamit.
Rubadabango lang?
The first subject went on like usual. Inaantok na nga ako rito sa likod dahil sa lamig tapos wala pang kausap. Pinag-introduce pa kami isa-isa at magpakita raw ng talent. Tuwing dito lang ako natutuwa na nasa hulihan ako.
"Single ka po?" humahagikgik na tanong ng isang kaklase namin kay Raghnall matapos magpakilala.
Salo ko ang baba habang nakapatong ang siko sa mesa at pinagmamasdan siya. Kung anu-ano na ang tinatanong sa kanya at wala pa siyang nasasagot kahit isa. Tuwing ibubuka niya kasi ang bibig ay may susunod agad na magsasalita.
"Ilan na naging ex mo?"
"I don't—"
"What kind of girl is your type?"
"Someone who is not interested in my lovelife. That's the type of girl that I like," sagot niya agad doon sa huling nagtanong.
Nalaglag ang panga ko. Biglang umugong ang malakas na kantiyawan ng mga lalaki para doon sa babaeng nagtanong. Even our teacher looked so amused at his answer.
"Well, Mr. Asturias, can you show us your talent now?"
Tumango naman si Ral at lumapit doon sa table ni Ma'am Go. He checked the drawer and pulled out something—a whiteboard marker. Kinagat ko ang aking labi sa pagpipigil ng ngisi dahil alam ko na ang gagawin niya.
Tumalikod na siya sa amin para magsulat sa whiteboard. Tahimik naman ang lahat, mukhang abang na abang sa ipakikitang talent ng nasa harap.
He drew a circle. A perfect circle.
"A circle?"
"Drawing a circle now is a talent?"
Nagtawanan ang iba nang humarap si Raghnall sa amin. Gamit ang marker, itinuro nito ang gitna ng bilog.
"Sus. Lahat naman kayang mag-drawing ng circle!"
"Well, not everyone can draw a perfect circle without tracing or using a protractor," ani Eden sa malakas na boses.
"The diameter of this circle is exactly 10 centimeters, making the radius 5 centimeters. Using the formula to find the circumference of a circle: 2 times pi times the radius, we will get the answer 31.4159 centimeters or 31.42 centimeters."
Everyone went quiet. Napatingin sa taas si Ral bago bumaling sa aming guro na natulala na lang.
"That's all. I guess... that's my only talent..." he said in a low and desolate tone. "Puwede na po bang umupo?"
"Alright, Asturias, you can now take your seat."
"Talent na talaga 'yon?" a boy smugly asked. "Korni. Baka nga mali pa computation. Imposible namang saktong 10 centimeters ang diameter nang 'di nasusukat 'yan. Sukatin mo muna talaga 'yan gamit ang ruler para maniwala kami."
"Ah... hindi ko naman sinabing maniwala kayo," marahang sinabi ni Ral doon sa nagsalita. "If you want to measure it, go ahead and prove me wrong."
Now it's the girls turn to laugh at the boys.
"Oo nga naman! I mean, who would actually believe that that circle he drew has an accurate diameter of 10 centimeters without using a protractor or a circle object to trace? It just seemed perfect but for sure, it is not!"
Ngumuso si Raghnall bago iginala ang mata sa mga kaklase namin hanggang sa tumigil ito sa akin. Nagkibit lang siya ng balikat at bumalik na sa upuan.
Raghnall's talent... isn't all about drawing a perfect circle. It's hiding in his words.
The introduction went on and on until it was Eden's turn. Himala naman na ang seryoso niya mag-introduction ngayon. Kahit noong pinakanta siya dahil yon talaga ang talaga ang talent niya (na madalas niyang hindi inaayos), seryosong-seryoso rin. Napamangha na naman ang mga lalaki diyan.
"Eden, kapag ba niligawan kita, sasagutin mo ako?" tawa ng isa na namang bruho.
Ano ba 'tong mga pinagtatanong nila? Mga walang kuwenta.
"Oh, sige ba," sagot ni Eden habang nakangisi.
Nagtuksuhan naman ang mga lalaki at tinulak-tulak ang nagtanong. Bigla namang tumingin sa akin si Eden na may malaking ngiti na.
"Basta mataasan mo ang average ng kaibigan ko kahit isang quarter lang, kahit hindi ka na manligaw. Tayo na agad."
Nalaglag ang panga ko at napahawak bigla sa dibdib, nalilito, lalo na noong magsilingunan ang mga kaklase namin dito sa likod.
Ha? Ba't ako nadawit bigla?
"Alam mo na, Asia, ah? Ikaw na ang bahala sa akin." Kumindat pa nga ang buhay na keso.
Ako pa ang bahala sa kanya?
Ukinnam.
Napailing na lang ako at napasubsob ng mukha sa mesa. Nakakainis naman 'tong si Eden. Hindi ko alam kung seryoso siya sa sinabi at mas lalong hindi ko sure kung seryoso 'yong manliligaw raw kuno sa kanya.
Hindi ko nga kilala ang bruho. Malay ko ba kung kahit loko, e, matalino pala? Diyahe. Alam kong alam ni Eden na hindi ko naman siya hahayaang mag-isa o bibiguin, e. Kaso...
Hay naku. Sige. Bahala na si Asia.
Huminga ako nang malalim nang turn ko na. Maingay na sila at mukhang mga wala nang pake dahil nabo-bored na yata.
"Go on." Sabay tango ng guro namin nang nasa harap na ako. "Class, be quiet!"
Kinagat ko ang aking labi at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng jacket ni Ral. Pinasadahan ko sila ng tingin. May sumipol doon sa kaliwang side na halos mga lalaki.
"Oy, East, ayan na 'yong bago mong crush! Magsasalita na, manahimik kayo!"
"Gago, ingay mo!"
"Shh!"
Tumikhim ako para sana agawin ang atensyon ng mga babaeng nagdadaldalan na. I don't really like talking in front of the class if my classmates aren't listening but what do I expect from some students who don't know what respect means.
"Good morning! I am Aspasia Estiana Zafe but you can call me Asia—the largest continent in the world. I'm in love with reading, especially when it comes to educational, historical, and geography books. I'm single, never ever had a boyfriend, and have no plans to have one until I become a millionaire who owns a house and lot, cars, and businesses. So, kapag hindi nangyari 'yon, magma-madre ako."
And after that, I instantly turned into a laughing stock. Wala naman akong pakialam kung tingin nila ay joke iyong huli kong sinabi dahil tumawa sila. Seryoso rin naman kasi ako roon lalo na sa pagmamadre.
Iyon kaya ang pinagtatawanan nila? Ano naman kaya ang nakakatawa sa paglilingkod sa simbahan at sa Kanya? Nakakalungkot lang dahil karamihan sa pinagtawanan iyon ay mga babae pa.
"Good morning, Sister Asia. Kailan po ang misa?"
Nagtawanan si Dane at ang dalawang kasama niya kinabukasan pagkapasok ko ng room namin. Wala pa sila rito kanina noong dumating ako. Lumabas lang ako saglit para bumili ng pagkain sa cafeteria na puro ginto ang presyo kung ikukumpara sa mga paninda namin sa school noon.
May allowance naman kami ni Eden pero siyempre, I spend wisely to save money. Binabalak ko na ngang magbenta rito sa loob ng room namin ng mas murang mga pagkain pero saka na siguro kapag may ka-close na kaming iba. 'Yong puwedeng pagbentahan.
Binasa ko ang handbook namin at wala namang batas ng school ang nagsasabing bawal magbenta, e. Kakausapin ko na lang si Eden siguro tungkol sa plano ko.
"Tapos na ang pang-umagang misa, hija. Hindi mo naman kasi ako sinabihang interesado ka magsimba," sagot ko sa kanya at ngumiti.
Nakaharang pa talaga sila sa pinto sa likod kung saan ang puwesto ko. Nakahalukipkip na akala mo ay masisindak ako. Are they trying to bully me or something?
Hello, galing po akong public school. Mas malala pa mga estudyanteng bully roon kung ikukumpara sa ginagawa nila ngayon.
"Oh, well, it's your fault, Sister Asia. You didn't inform us beforehand."
"Ay, sorry, hija. Hindi kasi halata sa inyo na pumupunta kayo ng simbahan, e." Nagkibit ako ng balikat.
Binagsak niya ang mga braso sa gilid at nanlalaki ang mga butas ng ilong nang lapitan ako.
"Will you stop calling me hija?"
"Ganoon talaga tumawag ang matatanda, e," sabat ng isang hindi ko matandaan ang pangalan. "Kunsabagay, she looks old for her age."
Tumango-tango na lang ako sa kanila. Oh, tapos? Maiinsulto na ba dapat ako?
"What should we expect from her? She came from a public school... so she must have a poor attitude. I wonder how did she even get in to our school?"
"May gate kasi, mga hija. Naglakad ako papasok and then voila! I got in to our school!" Ngumisi ako nang mapang-asar. "Alam niyo kasi, ginawa ang utak para gamitin, ha? Common sense na nga lang gagamitin, parang hirap na hirap pa kayo."
"You bit—"
Dane held her arm aloft as if ready to slap me when I heard the door behind me open. Ang kaninang mga mukhang tigre na handa na akong atakihin ay biglang naging maamong kuting.
"Oh! Hi, Raghnall!"
"Good morning, Raghnall! You're so early!"
"Morning," rinig kong bati ni Ral.
Nilagpasan na nila ako para puntahan ang bagong dating kaya pumunta na ako sa upuan ko. Pinasadahan ko ng tingin ang mga walang pakialam na kaklase bago binuksan ang biniling banana bread. Ang tagal naman ni Eden.
Kinuha ko mula sa bag ang kabibili lang ni Papa kahapon na phone ko. Android iyon at hindi ko pa alam kung paano gamitin dahil 'yong phone ni Papa, lumang Nokia pa na keypad. May android din sina Ate at Kuya pero mga hindi naman nagpapahiram 'yon, e.
Binabasa ko ang manual ng phone habang kumakain nang marinig ko ang boses ni Ral.
"Puwedeng umupo sa tabi mo?"
Una kong nakita ang pares ng makintab niyang itim na sapatos sa tapat ko bago ko siya tiningala. May suot siyang puting earphones sa tainga at hawak niya sa kamay ay isang phone din. Ito yata ang kauna-unahang nakita ko siyang may gamit nito.
"E 'di umupo ka. Pag-aari ko ba 'yang upuan?"
"Hindi..." Umupo na siya sa kaliwa ko at tinanggal ang nakapasak sa tainga bago ako hinarap. "Pero pagmamay-ari mo ako."

Komento sa Aklat (81)

  • avatar
    mahneym_98

    Interesting title and exciting introduction! Plus ang cute ng book cover ang lakas maka attract ng readers. Definitely a highly recommended and a must read novel!💙😍

    14/07/2022

      7
  • avatar
    NAHPHINTAS

    Relate much yata ako ditech😀 Must continue reading. Keep it up author ☺️

    12/05/2022

      6
  • avatar
    Babidi

    ang cutiie ng storyyyy~ first chapter ang catchy agaaad. i love it!!!

    28/03/2022

      6
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata