Homepage/Soraya Rosa: The Woman with the Pen/
Kabanata 2
Soraya's P.O.V.
MULI akong kinawayan ni Chin. At si Seya naman, idinikit niya ang pareho niyang kamay sa gilid ng kan'yang bibig at sumigaw." Ate Soraya! Lumabas po kayooo!"
Napangiti ako sa sinabi ni Seya. "O, sige. Hintayin niyo 'ko." Dali-dali akong pumunta sa may pinto pa-palabas at nang makarating na ako, agad ko itong binuksan at lumabas na ako ng bahay.
Bigla akong niyakap ni Seya at Chin na ikinagulat ko. "Ate Soraya, na-miss ka po namin ng sobra," sabay nilang saad at bumitaw na ng pagkakayakap sa akin. "Ate Soraya, ba't ang tahimik mo po?" tanong ni Seya.
"May problema po ba?" dagdag pa ni Chin.
"O-a-e. Wa-wala ito. Nabigla lang ako kase, ang bilis niyong makatakbo papunta sa 'kin, ehe."
Nagkatinginan si Chin at Seya. Lumapad ang mga ngiti nila sa labi at nagtawanan at muli silang tumingin sa 'kin. "Ate Soraya, nagkaka-karera po kase kami palagi ni kuya, kaya, siguro, bumibilis na po ang aming pagtakbo," masiglang saad ni Seya.
"Mabuti 'yan. Dasal ko na, mas bumilis pa kayo sa pagtakbo," nakangiti kong saad. Tumango nang masigla silang dalawa, bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.
"Ate Soraya. Ate Soraya, puwede i-kuwento niyo po sa amin ulit 'yung kuwento nila Romeo at Juliet." Pangungulit ni Seya, habang hini-hila-hila pa ang aking kamay.
Lumuhod ako para maging kasintangkad sila, Sabay nginitian ko sila. "Ikaw talaga Seya. Hindi ka ba nagsasawa sa Romeo and Juliet?"
Pero, ako, kahit na ilang beses ko pang mabasa ang "Romeo and Juliet", kahit kailan hindi ko 'yun pagsasawaan.
Umiling-iling si Seya. "Syempre, hindi po ate. Dahil, naniniwala po ako na mahahanap ko rin po ang sarili kong Romeo at alam kong hinihintay niya lang ang paglaki ko at paglaki ko, tiyak na papakasalan niya agad ako at-"
"Tumigil ka nga diyan sa kaka-pantasya mo Seya. Nandiyan ka nanaman sa pagiging hopeless romantic mo," singit ni Chin.
Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Seya at humarap siya kay Chin na halos umuusok na ang tainga sa sobrang inis. "Napaka-laking paepal mo talaga kuya! Saka, anong pake mo kung hopeless romantic ako? Duuhh."
"Ang panget kase n'on," sambit ni Chin.
"Eh, 'indi. Maganda 'yun."
Napa-ngiti ako sa pagtatalo ng dalawa. Pero, bigla akong nagulat, nang biglang nakasama ako sa pinag-aawayan nila.
"Maganda ang maging hopeless romantic person."
"Naku! Hindi Seya." Humarap sa 'kin si Chin nang magkasalubong ang mga kilay. "Ate Soraya, 'di ba panget po ang maging hopeless romantic?"
Hindi agad ako nakasagot sa tinanong ni Chin, nang pareho ko silang tingnan, halatang-halata sa muka nila na hinihintay nila ang nagiging sagot ko. Medyo, nahihirapan ako kung ano ang aking isasagot, dahil magkaiba sila ng hangad. Pero, ang kailangan, sabihin ko ang totoo kong opinyon.
Tumayo ako. "Para sa 'kin, walang masama kung maging hopeless romantic person ka, dahil naniniwala ka lang naman na may true love pang nag-e-exist at may nakatadhana sa 'yong isang tao. At sa palagay ko, kabilang ako na 'ko d'on," saad ko habang umi-ikot-ikot. At, nang tumigil ako sa pag-ikot, tumingala ako sa bughaw na kalangitan at nai-harang ko ang aking kanang kamay sa taas ng aking noo dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking muka.
"Ate Soraya, ang ganda mo po talaga, muka ka pong prinsesa." Napalingon ulit ako kay Chin at Seya, nang marinig ko ang sinabi ni Seya.
"Sa-salamat." Naglakad ako papunta sa kanila.
"Ate Soraya, hindi po pala masama maging hopeless romantic person," saad ni Chin.
"Ate Soraya, hindi po biro, muka ka po talagang prinsesa, dahil sa white dress mo pong suot at sa golden pen mo po, na nakalagay sa gilid ng tainga mo ate Soraya. Sana, matagpuan mo rin po 'yung magiging Romeo mo," tuwang-tuwang saad ni Seya.
"Kaso, hindi ako si Juliet." Pabiro kong sagot kay Seya.
"Ate Soraya, kung gusto mo po, ako nalang po ang Romeo mo?" masiglang sambit ni Chin na ikinagulat ko.
"Yieeee. Si kuya, may crush kay ate Soraya."
"Oy! Ano ka ba Seya. Wa-wala 'no."
"Sus. Namumula-namumula na 'yan."
"Tumigil ka nga diyan," pikon na sambit ni Chin sa kakambal niyang si Seya.
Umukit ang malawak na ngiti sa aking labi, habang pinapanood ko ang magkambal na nag-aasaran. "Naku-naku. Seven palang kayo, pero, alam na alam niyo na agad ang crush-crush na 'yan."
"So-Sorayaaa!"
Nagulat ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na tumawag sa 'king pangalan. At, ang mag-kambal naman ay napatigil sa kanilang pag-aasaran.
Paglingon ko sa likuran. "So-Soraya, may sasabihin ako sa 'yo," hingal na hingal na saad ni Aimi habang nakahawak pa sa kaniyang mga tuhod na halatang ang tagal na niyang tumatakbo.
"A-Ano 'yun?" nakakunot noo kong tanong.
Nginitian ako ni Aimi. "Sigurado akong matutuwa ka rito." May kung anong kinuhang sobre si Aimi sa bulsa ng apron niya at bigla niya itong ibinuklat sa harapan ko. "Tadan!"
Nanlaki ang aking mga mata. I-Isang sobre, mu-mula sa palasyo?
At, ang laman ng sobre, ay tungkol sa isang training at test para sa mga nais maging court novelist ng Lenar Kingdom at kung sinu-sino ang makakapukaw sa puso ng mga mamamayan na gamit lang ang mga salitang isinusulat nila, ay sila ang tatanghalin bilang bagong court novelist.
Napa-kuskos pa ako sa aking mata, habang binabasa ang laman ng sobre. "Totoo ba 'to? Hindi ba 'ko nananaginip?" tanong ko nang hindi makapaniwala.
"Oo. Soraya, totoo 'yan. Kaya nga ako pumunta rito, dahil alam kong matagal mo ng pangarap ang maging court novelist sa isang palasyo at ito na 'yun."
Sa sobrang galak ng nararamdaman ko, hindi na'ko nakapagsalita, napa-yakap nalang ako nang bigla kay Aimi, at biglang tumulo ang mga luha sa 'king mata.
"Ano ka ba Soraya. 'Wag ka ng magpasalamat. Alam kong sa tuwing ganiyan ka iiyak at yayakapin ako, nagpapasalamat ka. 'di ba? Ang matalik na magkaibigan nagtutulungan?" mahinahong saad ni Aimi. Bumitiw na 'ko sa pagkakayakap sa kaniya at tumango ako nang nakangiti.
"Pe-pero, sa ibang bansa pa 'ko pupunta? 'Di ba, may palasyo naman dito sa bansa natin?" nagtataka kong tanong.
Napa-isip si Aimi at napahimas pa sa baba niya. "Iyun lang kase ang balitang nalaman ko. Saka, alam mo na, sa gitna ng gubat tayo naka-tira, malayo sa lahat, kaya, hindi ko nga rin alam kung may palasyo ba rito sa Jensu o kung kindom nga ba rin ba itong Jensu gaya ng mga ibang bansang nakapalibot sa atin. At, ngayun ko lang din narinig ang Lenar Kingdom." Seryosong saad ni Aimi.
Napayuko ako nang marinig ko ang salitang noble kay Aimi. "Oo, nga pala Aimi, baka, hindi ako puwede, alam mo na si papa."
Nagulat ako nang pagtaasan ako ng boses ni Aimi. Nagulat din si Chin at Seya. "Ano ka ba Soraya?! Lagi, nalang papa mo ang iniisip mo, pa'no naman na 'yung sarili mong kaligayahan? Saka, malay mo payagan ka niya, dahil, pangarap mo 'yun at anak ka niya."
Pinilit kong ngumiti. "Sige, sasabihin ko ang tungkol dito kay papa."
"Soraya. Anong ibigsabihin nito?"
Sabay-sabay kaming napa-lingon sa harapan namin, nang marinig namin ang boses ni papa. Namayani ang tahimik sa buong paligid nang makita namin si papa na magkasalubong ang mga kilay, kasabay ang paghangin nang mahina.
"Ah-eh, So-Soraya. Aalis na kami," nakayukong saad sa akin ni Aimi na halata sa kilos niya ang kaba. Hinila niya si Seya at Chin at agad na silang umalis. Tanging kami na lang ni papa natira rito sa labas ng bahay. Nakasanayan ko na ang ganitong pangyayari, ang laging pag-alis ng mga taong malalapit sa 'kin sa tuwing nakikita nila si papa. Siguro, dahil sa natatakot sila, kase mainitin ang ulo ni papa.
Ilang minuto ang lumipas, bago muling magsalita si papa. "Soraya, pumasok ka sa loob."
Sinunod ko ang sinabi ni papa, pumasok ako sa loob ng bahay at sumunod siya, sabay isinara niya na ang pinto. Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung bakit. Tatalsik na yata ang aking kaluluwa sa katawan ko, nang biglang hampasin ni papa nang napaka-lakas ang lamesa nang magkasalubong ang mga kilay. "Ano nanaman bang kalokohan ang sinabi sa 'yo ng walang kuwenta mong kaibigan, Soraya?!"
"Pa, mali po 'yang sinasabi mo, may kuwenta po si Aimi. Sa katunayan nga po, tutulungan niya po ako maging isang court novelist sa isang pa-pa-palasyo," nauutal kong saad.
Agad kong naipikit nang saglit ang aking mga mata nang muling hampasin ni papa ang lamesa, pero, mas malakas na. "Soraya! Ilang beses ko bang dapat sabihin sa 'yo na, galit ako sa mga noble! Kaya, bawal kang mapunta sa kahit saang Palasyo at makita ng kahit sinong noble!"
"Pe-pero, pa. Pagkakataon ko na po ito para matupad ang pangarap kong maging isang court novelist sa isang palasyo."
"Ang tigas talaga ng ulo mo Soraya! Bakit sa tingin mo may mapatutunguhan 'yang kakagawa mo ng kuwento?! Nagsasayang ka lang ng oras at pagod, Soraya! Panay ka gawa ng kuwentong walang kuwenta! Itigil mo na 'yang pangarap mo at sundin mo na lang ako, Soraya."
Tumagos sa dibdib ko ang lahat ng mga sinabi ni papa. Pinigilan kong bumagsak ang mga luha sa 'king mga mata at nilakasan ko ang aking loob. "Pa, ba't ka po ganiyan! Ginawa ko naman lahat-lahat para maging mabuting anak. Bakit sa simpleng pangarap ko, ayaw mo po akong suportahan?"
Akala ko, lalamig na ang ulo ni papa, pero, mas nagalit pa pala siya. "Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo Soraya. Hindi mo talaga ako naiintindihan!"
"Pa, kung gusto mo pong maintindihan kita, sabihin mo na lang sa 'kin kung bakit gan'on na lang ang galit mo sa mga noble? May nagawa ba sila sa 'yo?" Alam kong bastos na sa mata ng mga ibang tao ang ginagawa ko. Mahirap lang kasing tanggapin na, sarili mo pang magulang ang hahadlang sa pangarap mo na silang dapat na sumusuporta sa anak nila, hindi sa pinansiyal, pero, sa mga nakakabusog na salita.
Na sarili mo pang pamilya ang pumipigil sa kaligiyahan mo, na dapat sila ang magbubuo.
Nagtaka ako nang wala manlang inimik si papa, pero, bakit ako mas kinakabahan? Dumiretso siya papunta sa loob ng kwarto ko. At mayamaya, nanlaki ang aking mata nang makita kong lumabas si papa ng kwarto kong hawak-hawak ang mga natapos ko ng nobela. "Pa-Papa, anong gagawin mo po riyan?" kinakabahan kong tanong, pero, hindi niya 'ko inimik.
Mabilis na nagtungo si papa sa pugon at sinindihan niya ang mga kahoy roon, kaya, nakagawa iyun ng apoy. Bumilis ang tibok ng puso ko, nang muling hawakan ni papa ang mga ginawa kong novel.
Agad akong tumakbo papunta kay papa, para pigilan siya sa gagawin niya, dahil alam kong susunugin ni papa ang mga ginawa kong nobela. "Paaa, 'wag poo!"
Huli na ang lahat nang mahawakan ko si papa. Tuluyan na niyang naitapon ang mga sinulat kong novel sa apoy sa may pugon.
Nagtungo si papa sa may pintuan pa-palabas at binuksan ito. "Leksiyon lang 'yan sa'yo Soraya. Dahil, sa pagiging matigas ng ulo mo. 'Pag sinabi kong bawal. Bawal!" Sabay tuluyan nang lumabas ng bahay si papa.
Naiwan akong tulala, na nakatingin sa mga nasusunog kong novel sa may pugon. Nanghina ang mga tuhod ko at bigla na lang akong napaluhod. Wala manlang akong nagawa, para hindi nasunog ang mga kuwento ko. Hindi ko na kinaya at tuluyan nang nagbagsakan sa 'king mga mata ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Napahawak ako nang mahigpit sa 'king dibdib. Ilang taon kong pinaghirapan ang mga novel na 'yun, tapos, gan'on lang kadali sinira ni papa. Gan'on ba talaga ka-hirap tanggapin sa kan'ya ang simpleng pangarap ng anak niya.
Sobrang sikip na ng dibdib ko, nahihirapan na akong huminga. Kahit na, sobrang sakit at hirap tanggapin ng nangyari, pinilit kong pakalmahin ang aking sarili, dahil, wala namang magagawa ang pagluha ko para maibalik pa ang mga nasunog kong kuwento.
Pinunasan ko na ang aking mga luha, gamit ang aking kamay at tumayo ako. Huminga ako nang malalim, ang nangyari ay nangyari na at hindi na magbabalik pa.
Agad akong nagtungo sa kwarto, kinuha ko ang maliit kong basket. Inilagay ko rito ang maraming ballpen, blangkong papel, sinulid, karayum, gunting, at kutsilyo. Tinitigan ko nang matagal ang gunting at kinuha ko ito.
Humarap ako sa salamin, inilugay ko ang aking buhok at tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Mahaba na rin ang buhok ko, hanggang baywang ko na. Kailangan ko rin ng pera, para sa paglalayas na gagawin ko. At kung ibebenta ko ang aking buhok, magkakapera ako agad-agad. Ito lang din naman kase ang legal na paraan, para magkaroon ng agarang pera.
Hindi ako nagdalawang-isip. Nilakasan ko ang aking loob. Hinawakan ko ang aking buhok at ibinuka ko ang gunting kong hawak. Kasabay nang pagpikit ng aking mata ang paggupit ko sa 'king buhok.
Idinilat ko na ang aking mata, tiningnan ko ang ginupit kong buhok sa 'king kamay. Mahaba na, at sakto, malaki ang ibabayad sa 'kin nito. Inilagay ko ang ginupit kong buhok sa plastik at saka, inilagay ko sa basket.
Kinuha ko ang kayumanggi kong balabal sa aparador at sinuot ko ito. Muli akong humarap sa salamin. Ang buhok ko ay hanggang leeg ko na lamang, ang suot kong kayumangging balabal ay bumagay sa white dress kong suot.
Inayos ko rin ang pagkakalagay ng golden pen ko sa gilid ng aking tainga at biglang na-alala kong galing ito sa aking ina, kaya, napayuko ako.
Ina, kung nasaan man po kayo, sana magkita tayo. At kung nasa kabilangbuhay na po kayo, nawa'y gabayan mo po ako. Sabi ko sa 'king isipan habang nakayuko. At sana, tama itong desisiyon ko.
Inilagay ko na rin ang sobreng ibinigay sa 'kin ni Aimi sa basket.
Pumunta ako sa may bintana habang dala-dala ang basket at sa bintana ako dumaan pa-palabas ng bahay.
~ € ~
Nakahawak ako sa 'king balabal habang naglalakad dito sa bayan. Inikot ko ang aking tingin sa buong paligid, masyadong maraming tao kaya, nahihirapan akong hanapin ang puwesto ni Aleng Kusing na bumibili ng mga buhok.
Dito na kase nagtayo ng village sa gitna ng gubat sila papa noon.
Nang ipunta ko ang aking tingin sa gawing kanan, sa wakas! Nakita ko na rin ang puwesto ni Aleng Kusing. Agad akong lumapit doon. At paglapit ko, bumungad sa harapan ko ang mga wig na pinaghihirapang buoin ni Aleng Kusing, kaya napangiti ako.
Mayamaya, lumabas na si Aleng Kusing mula sa loob at agad siyang napatingin sa 'kin. "O, Soraya?" Bakas pa sa muka niya ang pagod sa pananahi. Kumunot pa ang kaniyang noo at tinitigan ako nang matagal. "Oh! Hala! Anong nangyari sa buhok mo?!"
"Ehe, ibebenta ko po sa inyo ang buhok ko." Kinuha ko ang plastik sa may basket kung nasaan nakalagay ang ginupit kong buhok, saka, inabot ko kay Aleng Kusing. "Magkano po ba 'to?"
Kinuha niya agad ang inabot ko at tinitigan ito sabay ngiti sa 'kin. "Tutal, dahil mabait ka naman iha, at maganda ang buhok mo." Ibinuka ni Aleng Kusing ang kaniyang palad sa harapan ko at ang laman nito ay maraming gintong barya. "O, ito. Kunin mo."
"Pe-pero, masyado pong marami."
"Soraya, kuhain mo na, baka, magbago pa ang isip ko." Dahil, nga sa ka-kailanganin ko ang pera, tinanggap ko na ito.
"Maraming salamat po, Aleng Kusing."
"Walang anuman."
Kabanata 1
SABI niya, sabay naming haharapin ang bawat malalaking alon ng dagat. Ang sabi niya, walang iwanan. Ang sabi niya, hindi niya ako iiwan. Ang sabi niya, nandito lang siya palagi sa tabi ko. Ang sabi pa niya, mahal niya ako.
Pero, ang lahat. Ang lahat ng 'yun ay isa na lamang ala-ala. Ala-ala na patuloy na magbabalik at magbabalik sa isip ko. Ala-ala na hinding-hindi ko malilimutan. Ala-ala na mananatili sa puso ko habam-buhay. Ala-ala na puno ng ligaya.
Pinunasan ko ang mga luha sa 'king mga mata na patuloy na bumabagsak sa 'king hawak na libro. Ang libro, kung saan sinimulan ko, isulat ang aming kuwento. Pero, hindi ko sukat akalain na, ito, ito ang magiging wakas ng kuwento naming matagal ko ng isinusulat.
Akala ko, masaya na kaming magsasama, pagkatapos ng aming mga pinagdaanan. Pero, mali...... Mali ang expectations ko. Kung hindi sana ako nag-expect ng happy ending, hindi sana ako masasaktan ng ganito.
Kase, dati-rati siya ang lahat ko. Ang nagbigay liwanag sa buhay ko. Ang lalaking, sumabay, sumuporta, at naniwala sa 'kin at sa pangarap ko. Siya ang lalaking, lagi kong nasasandalan. Siya ang lalaking, nagparamdam sa akin ng tunay na pagmamahal, na espesyal ako, na ako ang prinsesa ng buhay niya.
Sariwa pa ang lahat ng ala-ala naming dalawa sa isip ko. Parang kailan lang, siya'y nasa aking tabi.
Si-sinungaling siya..............
~~~~~
MAGANDA, iyan ang salitang maiilarawan ko sa 'king buhay, dahil, kahit na mag-isa lang akong pinalaki ni papa, naparamdam niya pa rin sa 'kin ang pagmamahal ng isang ina.
Pero, ang ipinagtataka ko lang, ayaw ni papa pag-usapan namin o ng kahit sino ang tungkol kay mama. Hindi manlang sa 'kin sinabi ni papa kung sino ba ang tunay kong ina, kung anong pangalan niya, kung humihinga pa ba, kung may iba na bang pamilya, at kung saan man lang ito nakatira. Halos 'ata lahat na ng impormasyon tungkol kay mama ayaw ni papa malaman ko.
Nang dahil sa pagiging malihim ni papa tungkol kay mama, masasabi kong ang nakaraan ko ay nababalot ng misteryo. Dahil, hindi ko kilala ang aking ina at maske kung ano ang buhay nina mama at papa noon, at lalong-lalo na kung ano ba ang naging simula ng kuwento ko, at ang magiging wakas nito.
Napakamot ako sa aking ilong nang may naamoy akong natututong.
Nang lumingon ako sa 'king likuran, nanlaki ang aking mata, nang makita kong napabayaan ko na pala ang tinapay sa pugon.
Agad akong kumaripas ng takbo papunta sa pugon, kinuha ko ang dalawang pot holder at inalis ko na ang mga tinapay sa pugon, sabay lapag nito sa lamesa. Napabuntonghininga ako nang makita ko ang tinapay na dapat ay kulay brown, naging itim. Kasabay ang pagsapo ko sa aking noo. "Ano ba 'yan. Palpak nanaman. Ang tanga-tanga mo talaga, Soraya." Sambit ko sa aking sarili. "Ano nalang ang sasabihin sa'kin nito ni papa?"
Pinunasan ko na lang ang namumuo kong pawis sa noo, itinali ko ang brown wavy ko na buhok na hanggang beywang ko, hinubad ko na rin ang apron kong suot at isinabit ito. Sabay, pinagpagan ko na rin ang white dress kong suot.
Napatingin ako sa drawer at nakita ko ang notebook ko roon. Sa notebook, nakapatong ang golden pen na iniingat-ingatan ko. Naglakad ako papunta sa drawer. Nang makarating na ako, kinuha ko ang golden pen at isiniksik ko ito sa gilid ng aking tainga, hinawakan ko rin ang notebook ko na may pagkaluma na, sabay, harap sa salamin.
Sa salamin, nakita ko ang buo kong katawan, sabay umukit sa labi ko ang isang ngiti. Naniniwala ako na balang-araw, magiging isang novelist din ako sa palasyo, kahit saang palasyo.
Itong golden pen ang tanging ibinigay sa 'kin ni mama noong sanggol pa ako sabi ni papa, kaya, iniingat-ingatan ko ito ng sobra, dahil, kahit papa'no rin ay sa golden pen, hindi nagagalit si papa, kahit na nanggaling ito kay mama.
Nawala ang tingin ko sa salamin, nang maagaw ng tumawag sa pangalan ko mula sa labas ang aking atensyon.
"Ate Sorayaaaa!"
Dali-dali akong tumakbo papuntang bintana, at nang makarating ako, agad kong binuksan ang bintana. Sinalubong ako ng napaka-gandang sinag ng araw, hangin, at ngiti ng dalawang magkambal na sina Chin at Seya. "Ate Sorayaaaa!" Kinawayan nila ako mula sa malayo.
Binalikan ko sila ng masiglang kaway mula rito sa sa bintana.
Si Chin, ay lalaki. Si Seya, ay babae at pareho silang seven years old.
Kung sakaling tanungin man ni bathala kung ano ang aking hiling.
Ang sasabihin ko ay, iyun ay patuloy kong pagsusulat ng magagandang ala-ala. Na makagawa ako ng isang nobela, o 'di kaya, ang sarili kong kuwento, at patuloy na maging masaya ang buhay na mero'n ako.
Masasabi kong ito ang buhay na ipinagkaloob sa akin.
Ito ang kapalaran na ibinigay sa akin.
Pero, ang kapalaran ay hindi sapat para masabi kong nag-umpisa na ang aking kuwento. Kun'di ang landas na pipiliin ko. Pero, hindi ko alam kung ano.
Labing-walong taong gulang na ako. At, kadalasan sa ganitong edad, dito palang mag-uumpisa ang ating kuwento. Dito, palang tayo mamumulat sa lahat at ito ang tamang edad, para ikaw mismo ang gumawa o pumili ng sarili mong landas.
Biglang umihip ang malakas na hangin na nakapagpagalaw ng aking buhok. Sabay, tumingin ako sa bughaw na kalangitan.
Kung anuman ang aking magiging kuwentoI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (56)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
for me is the story is so beautiful maraming Tayong matotonan dito dahil parang parihas lang din sa atong Buhay at ang sarap mag basa dito at may mga nabasa ako na dapatag pa toloy s dahil sa story na to aykaya mag hahanap pa akong parang ang Gaan ng paki ramdam ko at parang nawala ang akong mha problema at parang na pa hinga ako ng mahaba at sa sobrang Ganda niyo ay parang ang sarap pang ng mga story sa app nato kaya mag hahanap pa ako ng iba pang mga story na katolad ni ka Ganda at ka sarap
01/07
0it's so good
18/10/2024
1Itong kuwentong ito ayy pinakamagandang kwento
01/07/2024
0Tingnan Lahat