Chapter 8

Chapter 8
Hanggang sa makarating ako sa cafeteria ay naglalakbay pa rin sa kung saan ang isip ko. Hindi ko man lang napansin na nakapila na pala ako sa counter at kanina pa tinatanong ng babae kung anong gusto kong bilhin.
“Isang carbonara at iced tea, miss.”
Tumango naman ito bago sinabi ang presyo ng babayaran ko. Pagkatapos kong magbayad, bitbit ang tray ko na may dalang pagkain ay tinungo ko ang lamesa sa may malapit sa bintana. Inilapag ko ang tray bago ako umupo.
Dahil sa nangyari kanina sa corridor ay bahagyang nakalimutan ko na kailangan ko pala ng pera. Ang tanong, saan ako magtatrabaho? Malamang sa malamang ay baka walang tumanggap sa akin lalo pa at seventeen pa lang ako. Sa susunod na tatlong linggo pa ako magiging eighteen.
Kung hihintayin ko pa ‘yon ay baka matagalan pa. Paano kung isang buwan na lang pala ang palugit na ibinigay kina Daddy para mabayaran ang utang nila? Kailangan kong makahanap ng trabaho. Kahit na ano pa ‘yan basta magkakapera ako. Tahimik akong kumakain nang biglang may naglagay ng tray sa harap ko kaya napatingin ako sa kaniya.
Si Arielle. Anong ginagawa niya rito? Hindi ko siya pinansin at itinuon na lang ang pansin sa kinakain ko. Hindi ko malasahan, sana hindi na lang ako kumain. Inipon ko na lang sana ‘yung pangkain ko para naman kahit papaano ay may maitulong ako kina Daddy.
“Mukhang problemado ka,” anang boses ni Arielle. Ako ba kausap nito? Hindi ko siya pinansin at tinapos na ang pagkain ko. Akmang tatayo na ako para umalis nang magsalita itong muli. “Pera ba ang problema mo?”
Hindi naman kami close, pero kung umasta siya ay akala mo matagal na ang pinagsamahan naming dalawa. Alam kong alam niyang nakuha niya ang pansin ko. Ngumisi ito sa akin. “Tama ako, ‘di ba?” Sumandal siya sa upuan bago ipinagkrus ang mga braso sa tapat ng kaniyang dibdib, kung mag dibdib nga ba talaga siya.
“Hey! Alam ko kung anong iniisip mo! Hindi ako flat!” napangisi ako bigla at umupo ng maayos sa upuan.
“Sabihin mo sa akin kung paano ako kikita ng pera. Mukhang may alam ka.” Agad kong sambit na ikinailing niya.
“So straight forward.” She then smiled at me. “Gaano mo ka kailangan ng pera, Amely? Hindi ba at mayaman ka? Paanong kailangan mo ng pera?”
Doon ako natigilan. Iyon ang alam nila. Na mayaman ako, pero hindi. Kahit itanggi ko man ay hindi kami mayaman. Siguro ay sakto lang, hindi mahirap hindi rin mayaman. Kaya hindi ko alam kung saan nila napulot ang ideyang mayaman kami. Siguro normal na isipin nila iyon dahil halos lahat naman ng estudyante na nag-aaral dito sa University ay mga anak mayaman.
May mga sariling kompanya ang pamilya, mga anak ng doktor, abogado, at anak ng mga politiko. Siguro ay doon nila nakuha na kapag dito ka nag-aaral sa unibersidad na ito ay anak mayaman ka. Lalo pa na mahal ang tuition sa kada semester. Doon ko rin naisip sa mga panahong iyon na bayaran na rin ng matrikula sa susunod na buwan. Hindi ko alam kung may ipambabayad ba kami lalo pa at may utang na dapat bayaran sina Daddy.
Tinignan ko si Arielle na sumisimsim na ngayon ng kaniyang inumin. “Kailangan na kailangan ko ng pera.” Sagot ko sa kaniya at bumuntong-hininga. “At hindi kami mayaman, Arielle. Sadyang may sapat lang na pera para ipanggastos sa pag-aaral ko dito sa unibersidad.”
Tumango-tango siya na para bang naiintindihan niya ang mga sinabi ko sa kaniya. “Kung ganoon, bakit kailangan mo ng pera?”
“Hindi na mahalaga kung saan ko gagamitin, basta kailangan ko talaga.”
“Sige. Magkita tatayo mamaya, pagkatapos ng klase, sa 7 eleven, sa may labasan.”
Tumango ako sa kaniya. Nagpaalam na rin siyang aalis kaya nagligpit na rin ako ng gamit bago ako umalis. Dumiretso naman ako sa classroom pagkatapos kong kumain. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang maisip ang usapan namin ni Arielle. Hindi ko alam kung anong trabaho ang sinasabi niya pero hindi naman siguro illegal ‘yon ‘di ba?
Sana nga ay hindi ilegal kapag nagkataon ay baka makulong pa ako, dagdag problema na naman. Huminga ako ng malalim bago kk idnukdok ang mukha ko sa desk ko. Hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog, pero nagising ako nang maramdaman kong parang may nakatitig sa akin.
And I was right. The he was, standing in the front while staring at me. Nag-iwas ako ng tingin bago pasimpleng inayos ang buhok at pinunasan ang mukha. Malay ko kung may bakas pa ng natuyong laway doon! E, ‘di mas nakakahiya ‘yon! Argh.
“Good morning, Miss Bautista. How was your sleep?”
Tinignan ko siya at doon ko nakita ang ekspresyon na hindi ko pa nakikita sa kaniya. Seryoso, at masyadong malamig kung tumitig. What? E, sa nakatulog ako, e! Anong magagawa ko?
“Good afternoon, Sir. I had a good sleep. Thank you for asking.” Pinagdiinan ko pa talaga ‘yung ‘afternoon’ dahil baka nanaginip siya at binati niya ako ng good morning. Plastik akong ngumiti sa kaniya na ikinatiim-bagang niya.
H-he looks so hot…
What the?! Nag-iwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko tutunawin niya ako dahil sa pamamaraan ng pagtitig niya sa akin. Ako naman ay pasimpleng kinapa ang puso long naghuhuramentado. Ano bang nangyayari? Hindi naman ako ganito dati, a?
“Okay, class dismissed.”
Nanlaki ang mga mata ko nang nagsitayuan ang mga kaklase ko. Bigla akong nataranta nang nagsimula na silang lumabas sa classroom.
“What… wait. What’s happening? Where are you guys going?” tanong ko sa kanila. Bigla namang tumingin sa akin ang kaklase kong lalaki. If I remembered it right, Jason ang pangalan niya. Minsan ko na siyang nakasama sa isang group activity. Kahit papaano ay kilala ko siya.
“Dismissed na, Amely. Nakatulog ka kasi, nagagalit ka kapag ginigising ka namin kaya hinayaan ka na lang namin na matulog.”
Napaawang ang bibig ko. What?
“Una na ako,” paalam ni Jason. Wala akong nagawa kung hindi ang tumango na lang. Nang tignan ko ang lalaking nasa harapan ay nakaupo na siya sa sa upuan at may ginagawa sa lamesa niya. Nakasuot rin siya ng salamin na mas lalong ikinaguwapo niya.
Bigla akong nabulunan dahil sa naisip ko. Did I just praised him? I saw him glanced at me before leaning his back on the backrest of the chair. He carefully removed his eyeglasses making me gulp. Ang init… damn.
“Miss Bautista? Do you need anything? Tapos na ang klase mo sa akin, you should be on your second class by now,” hinilot niya ang sintido niya bago pumikit. Wala sa sariling sinundan ko ng tingin ang bawat galaw niya.
How the hell he became this hot in my eyes while simply doing nothing? I licked my lower lip when he loosened his tie and then craned his neck left and right. Dayum.
“Miss Bautista?”
Napatayo ako ng maayos dahil sa gulat. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing tinitignan niya ako ay parang hinahalukay niya ang kabuuan ko. Parang may kung ano sa mga mata niya na hindi ko kayang tignan. Parang nalulunod ako na hindi ko maintindihan.
“Am I marked absent?” tanong ko kapagkuwan. He smirked.
“Of course, you are.” He stood and then started erasing the writings on the board. “I am expecting that you knew that already since you slept in my class.”
“B-but… I didn’t know I would fell asleep on your class…” I said in a low voice.
He faced me before leaning on the table. “You know the rule inside the class, Missy. You sleep, you will be marked absent.”
I gritted my teeth before sighing heavily. Great. Kinuha ko na ang bag ko at sinukbit sa balikat ko. Kung absent, then so be it. I don’t want to be marked absent again on my second class. Vacant ko sa third period, kaya doon nalang ako babawi ng tulog. Hindi ko siya pinansin nang dumaan ako sa harap niya.
Malapit na ako sa pintuan nang muli siyang magsalita. “I’ll mark you present, in one condition…”
Tumigil ako bago siya hinarap. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya kaya hindi na ako nagsalita. Tinaasan ko siya ng kilay at hinintay kung ano ang kondisyon na sasabihin niya. Attendance is important, kahit mababa ang score mo sa quizzes and exams basta kumpleto ang attendance mo ay walang problema.
“Be my assistant.”
Ngumisi ako. “No will do.” His brows furrowed because of my answer. Mas mabuti ng absent ako kaysa dumikit ako sa kaniya. Mukhang nanganganib ang puso ko sa tuwing nasa malapit siya.
“I’m giving you a chance, Miss Bautista.”
Umiling ako. I stand by my decision. “It’s just one absent, anyways.” I shrugged my shoulders before going out. “Goodbye, Sir.”
Haanggang sa mag-uwian na ay pakiramdam ko binugbog ang utak ko. Lalo pa at mathematics ang huling subject! Hindi ko puwedeng palampasin ‘yon dahil kapag may isa akong nakaligtaan siguradong mahirap ng mag-catch-up sa mga susunod pang lessons. Kahit na inaantok ako ay pinilit ko ang sarili na huwag matulog dahil baka absent na naman ako!
Gaya ng pinag-uusapan namin ni Arielle ay magkikita kami sa 7 eleven pagkatapos ng uwian. Bumili muna ako ng makakain bago balik sa mesang napili kong pagpuwestuhan. Pakiramdam ko ay ginutom ako dahil sa huling subject ko ngayong hapon.
Patapos na akong kumain nang makita kong papasok so Arielle. Nilibot niya ng tingin ang buong lugar. Nang nakita ako ay agad siyang lumapit sa akin. She even drank the juice I bought a while ago. Wala na yatang mas kakapal pa sa mukha ng babaeng ‘to. Pasalamat siya ay may kailangan ako sa kaniya kung hindi ay talagang pababayaran ko ‘yan sa kaniya.
“Oh. Salamat dito, a,” she said after she burped. Napangiwi naman ako sa inasta niya. She clasped her two hands together and before grinning at me widely. “Let’s get to our business now. Kailangan mo ng trabaho, hindi ba?” tumango ako sa tanong niya.
“Great.” She chirped. “Im working on a bar,” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. “It’s not what you think. I’m just a waitress. Hindi kung anong iniisip mo d’yan.” Umirap pa siya sa akin.
“But I’m still a minor! Wala pa akong eighteen, Arielle! Baka mahuli ako at makulong!” I snapped.
Humalakhak siya. Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko bago umismid. “Your body isn’t.” Ngumisi siya nang mapatingin sa dibdib ko kaya naman agad kong hinarang ang mga braso ko roon. Ano bang iniisip ng babaeng ‘to? Ibubugaw niya ba ako?!
“Hindi naman sila maghihinala na seventeen ka pa lang. Saka, mature ng tignan ang katawan mo. What a great asset you have there!” bumuntong-hininga pa siya bago hinawakan ng sariling dibdib. “Hindi ako pinalad, sadyang orange sized lang talaga sa akin, samantalang sa ‘yo, melon.”
Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Wala talagang patawad ang bunganga niya. “Oh, ano? Tatanggapin mo ba o hindi? Dalawa lang ang kailangan namin. Bukas ng gabi ang umpisa kung papayag ka.”
“Waitress lang naman, ‘di ba?” paninigurado ko. Mamaya ay maging pole dancer ako nang hindi oras!
“Oo, nga! Mag-se-serve ka lang ng mga inumin. Nagbibigay sila ng tips kapag nakangiti ka! Saka kung ako sa ‘yo, papayag na ako. Malaki ang sahod sa isang gabi lang, Amely. Ikaw na mismo ang nagsabi na kailangan na kailangan mo ng pera. Ikaw rin, sayang ‘yung tips na matatanggap mo kung sakali.”
Nagdadalawang-isip ako kung papayag ba ako sa alok niya. Sayang, naisip ko rin marangal na trabaho naman ang pagiging waitress kaya wala naman sigurong masama roon. Tinignan ko siya na ngayon ay may kung anong ginagawa sa cellphone niya.
“Ano na? Sasabihin ko kay boss kung papayag ka.”
“Pag-iisipan ko muna. Tatawagan na lang kita bukas ng hapon kung ano ang magiging desisyon ko,” naisip ko rin kasi, seventeen pa lang ako. Pero sabi niya wala namang maghihinala, pero ayaw kong magpakampante.
Tumango siya. “Sige. Ito ang number ko,” aniya sabay bigay ng papel na may numero niya. Nagpasalamat ako bago siya umalis.
Kailangan ko ng pera, at ito na nga may trabahong pwede kong pagkuhanan ng pera, sa loob ng isang buwan malaki ang kikitain ko kung totoong malaki ang tip na binibigay ng mga customer doon.
Tumingin ako sa labas ng glass window at nakita kong unti-unting nagsisipatakan ang ulan. Napapagod na rin siguro kaya sila bumabagsak. Kung tatanggapin ko ‘yung trabaho, makakaipon naman siguro ako bago singilin sina Daddy.
I need to do this.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Mirra Balor

    unfair treatment

    17/11/2024

      0
  • avatar
    Razel Agulay Fabre

    ang ganda sana sa totoong buhay din yung may taong magmamahal Sayo at your worst

    11/09/2024

      0
  • avatar
    EddriesAnieja

    good

    24/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata