Homepage/Love You At Your Worst/
Chapter 22
Chapter 22
Totoo nga na kapag masaya ka ay mabilis lang na lumilipas ang panahon. Parang kailan lang ay kakasimula pa lang namin ni Luis pero ngayon, lampas isang taon na simula noong maging magkarelasyon kami. Napangiti ako nang maalala kung paano siya naging pasensyoso sa akin. Ni minsan hindi ako nakarinig ng reklamo sa kaniya.
Hindi ko alam kung makakahanap pa ba ako ng katulad ni Luis. Kung meron man ay imposibleng mapalitan ko siya. I chuckled when I felt a hand snaked on my waist and a face buried on my neck. Napailing ako nang mapagtanto kung sino iyon. Luis is very clingy, opposite to his attitude when it comes to other people.
Talagang pinanindigan niya ang lahat ng sinabi niya. He really did avoided Miss de Guzman. Alam kong mahirap para sa kaniya dahil madalas silang nagkikita at nagkakasalubong pero hindi man lang niya ito tinatapunan ng tingin. Our relationship was a tough ride. I am thankful that despite all of my rants and caprices, he never let me down. He never get tired of me. At hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nawala siya sa akin.
Siguro kapag nangyaring bibitiwan ko siya ay alam kong may malaki akong rason.
Tatlong buwan nakalipas noong pinalayas ako mula sa bahay ay doon ako nilapitan ni Daddy. Pero dahil sa takot kong mahusgahan ay umiwas ako sa kanila. I felt sad for the reason that Daddy was really trying so hard to make me and Mom reconcile.
Noong panahong iyon, wala akong ibang nakapitan kung hindi si Luis lang. Hindi na rin niya ako pinayagan na bumalik sa bar at siya mismo ang nagsustento sa lahat ng gastos ko, maging personal man hanggang sa school fees, and even tuitions.
Tama nga ang hinala ko na buntis si Mama. Hindi ako galit kay Daddy dahil sa wala siyang nagawa. Alam kong nag-aalala rin naman siya sa magiging anak nila ni Mama at wala akong karapatan na magreklamo dahil alam ko namang sampid lang ako.
Ang ngiti ko ay unti-unting nalusaw. Tanda ko pa kung paano maluha si Daddy habang pinapakiusapan si Mama na pabalikin na ako sa bahay pero masyadong sarado ang isip niya at hindi niya magawang intindihin si Daddy.
Kay Luis na ako nakatira simula pa noon. At laking pasasalamat ko na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakadiskubre sa relasyon naming dalawa. Nanganak na si Mama five months ago. It was a baby boy. Nakita ko na siya picture na ipinakita ni Daddy. Ang gwapo-gwapo ng batang iyon!
“Nalulungkot ka pa rin ba?” tanong niya mula sa likuran ko. Oo, naman. Matagal na rin noong pinalayas ako at wala pa kaming matinong pag-uusap ni Mama simula noon.
Tumango ako sa kaniya bilang sagot.
“Hindi naman kaagad mawawala iyon. Masakit pa rin kasi hanggang ngayon hindi pa kami nag-uusap ng maayos ni Mama. Puro pasiringan na lang.” Binuntunan ko pa iyon ng tawa pero hindi siya umimik.
“That’s okay. Hanggang ngayon siguro ay galit pa rin siya.” He sighed before kissing my temple. Napapikit ako. He always does this to me. And it never fails to calm me down. Ugh. Luis and his ways. “Hayaan mo muna siya. Maybe giving her more time will lessen her anger for you. Nag-alala lang siya ng sobra sa iyo, Amely. But then, kahit ganoon hindi ko nagustuhan kung paano ka niya tratuhin.”
Ramdam ko ang intensidad ng boses niya kaya napalunok ako. Everytime we talk about this, alam kong pinipigilan niyang magalit sa ginawa ni Mama sa akin because no matter what he do, She's still my mother. Kaya hanggang kaya niya raw ay magtitimpi siya at rerespetuhin niya si Mama. Pero huwag lang daw nitong uulitin ang ginawa niyang pagpapahiya sa akin dahil ang katiting na respetong iyon ay talagang mapipigtas.
I rubbed his arms that are hugging me. “Ayos lang, naiintindihan ko naman. At saka buntis si Mama noon, dala na rin siguro ng emosyon niya. Nagpasalamat ako na walang nangyaring masama sa baby nila ni Daddy.”
Okay na sa akin iyon. Kahit hindi na ako basta alam kong maayos ang baby niya. Walang alam sina Daddy na dito ako nakatira kay Luis. Ang alam nila ay may apartment akong sa akin mismo. Pinapadalhan ako ni Daddy ng pera para raw ipanggastos ko pero hindi ko naman iyon nagagamit dahil ayaw ni Luis na gumastos ako.
He said he's salary is enough for us kaya hindi na kailangan pang mag-bigay ako ng pera. Pero sa tuwing nag-g-grocery ako ay wala na siyang nagagawa. Kahit doon na lang ay may maitulong ako sa kaniya kahit na ayaw niya pa.
“There will be a nomination for each representative in every grade level for the Campus fest. Ang alam ko ay next week iyon, do you have any plans on joining?”
Natauhan ako. Right. Malapit na rin pala ang Campus Fest. That event in our school is for the public. Tickets are already prepared para sa mga outsiders na gustong manood. The money, yung maiipon ay idadagdag sa school funds and that's nice. Ang iba ay i-do-donate sa mga charity.
“I don’t know. Hindi rin naman ako sigurado kung mananalo ako.” I played with Luis’ fingers. “Knowing Celestina, hinding-hindi naman nagpapahuli iyon.”
“She really is pretty.” Sabi niya pa kaya natigilan ako. Humalakhak siya nang maramdaman na huminto ako sa ginagawa. Salubong ang kilay kong hinarap siya.
“What did you just said, Luis?” my voice dripped with so much jealousy! How dare him compliment another girl while I am in his arms? Minsan talaga nananadya ang lalaking ito!
“Are you jealous again?” nakangisi niyang tanong pero umirap ako sa kaniya na mas lalo niyang ikinatawa. “God. Amely! I am just stating a fact okay? Miss Madrigal is sure pretty pero hindi ko naman sinabing ipagpapalit kita!”
Namula ang pisngi ko dahil sa hiya! Damn it! Nag-uumapaw ang selos na nararamdaman ko kahit pa sinabi niya iyon! Bumitaw ako sa kaniya at saka nag-martsa palabas ng opisina niya! Bahala siya diyan!
I heard him called me but I didn’t mind. Naiinis pa rin ako sa kaniya! At hindi naman ako ganoon kababaw para magselos ng ganito dahil alam ko namang maganda talaga si Celestina! Damn it! Parang pinapamukha niya sa akin mas lamang ang babaeng iyon sa akin!
Naiinis na naglakad ako pabalik sa building namin. It is sunny. Naiinis na ipinikit ko ang mata ko dahil nasisilaw ako. But then when I opened my eyes. I came face to face with Dashiel. Napalunok ako nang makita ang seryoso niyang mukha, para bang nanghihipnotismo ang mata niya.
He stepped forward and I was just hanging my mouth open. What is he doing?! Akala ko ba ay magkarelasyon sila ni Celestina? Then why the hell is he going to give me a bouquet?!
“Flowers.” simpleng sabi niya gamit ang baritonong boses. I licked my lips when it went dry. “You are Amely, right?” magkasalubong ang kilay niya at tila ba galit sa mundo.
I nodded at him. I saw him look away as if he is really frustrated. He even managed to brush his disheveled hair in front of me na nagpaawang sa mga labi ko. H-he’s so hot!
“Okay.” tumikhim siya bago ako tinitigan. What the...?! Anong tingin naman iyan? Kumabog bigla ang puso ko sa hindi malamang kadahilanan. Pumasok sa isip ko si Luis. I shouldn’t be feeling this! I love Luis!
“Please do not think so much about the flowers. I was just given a dare to give that to you. Nahihiya ang gustong magbigay.”
E, bakit siya pa kung pwede namang ang iba na lang. Mukhang nakita niyang naguguluhan ako base sa ekspresyon ko kaya naman hindi pa ako nagtatanong ay sumagot na siya.
“I just don’t want to get punished. If I declined, I would be forced to tell my girlfriend’s name. That is a no.” Tumalim ang mga mata nito at nagtagis ang bagang. “She is mine alone. And I don’t want to share what is mine. So, if ever we bump into each other again, pretend that nothing happened. I'm going now.” Namulsa siya at naglakad palayo sa akin.
I was so amazed and shocked. He really is so possessive kagaya ng naririnig ko. Whoever that girl he was talking about. Damn it! She is so lucky!
Hanggang sa makauwi ako sa condo ni Luis ay hindi ko maalis ang tingin sa bulaklak na nilapag ko sa center table. Nasa ganoon akong posisyon nang madatnan ako ni Luis. Iritado at masama ang tabas ng mukha.
“What is that?” tanong niya habang pinapatay ng tingin bulaklak. He unbuttoned his polo and then throwed it on the sofa after. Napalunok ako nang mapatingin ako sa katawan niya. Was it just me? O talagang mainit nga? Sira ba ang aircon dito?!
“Flowers.”
“From whom?”
“From admirers, I guess.” Natigilan ako nang makita na masama talaga ang timpla niya.
“At pumayag ka? Is someone courting you?”
Naalala ko bigla si Dashiel kaya naman nag-iwas ako ng tingin sa kaniya at napakagat labi. I know that he said that it was nothing. Naiintindihan ko naman na dare lang iyon pero kasi hindi maalis sa isip ko ang sinabi niyang maganda si Celestina!
Hindi ko matanggap! Gusto ko palagi ay ako lang! This is crazy! Hindi naman ako ganito kaselosa dati! We even talked about Celestina and her achievements recently at he praised her! Pero hindi naman ako ganitong magselos! Ugh.
“Y-yeah.”
Natigilan siya sa sagot ko. “Who? Turn him down. May I remind you that you are already in a relationship with me, Amely. There’s no way I would let you escape of my grasp.”
He even walked out on me! This is frustrating me! The hell! Ako dapat ang galit! Ako dapat!
Hindi kami nag-usap buong gabi. Magkatabi kaming matulog pero parang ang layo-layo niya sa akin. I sighed. He asked me if someone is courting me and I said yes! Bakit siya magagalit? Sinabi ko bang papalitan ko siya?! He is so nakakainis!
Aabutin ko sana ang comforter para itabon iyon sa katawan ko. Before I could move an inch. Someone did it for me. Hindi ako nagpahalata. He thought that I was asleep already at pinanindigan ko iyon.
Kinumutan niya ako hanggang sa balikat ko. Hindi na ako nagulat nang maramdaman ko ang braso niyang mapang-angkin na dumantay sa baywang ko. Me breathing hitched when he buried his face on my nape. Nakatalikod ako sa kaniya kaya naman malaya niyang nagagawa iyon.
“I am sorry,” he whispered as he tightened his hug on me. Naiinis ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit! Pakiramdam ko ang baho-baho ni Luis!
My nose scrunched. Itinulak ko palayo ang braso niya na nakayakap sa akin. Napabangon siya bigla mula sa pagkakahiga. Nagkumot ako hanggang sa leeg at hindi pinansin ang nalukot niyang mukha. Bahala ka diyan Luis!
“What the... What was that for? Baby!” he slipped himself inside the comforter and hugged me again pero umiwas ako. “Why? You know I could not sleep when I am not hugging you! Baby... I said I am sorry...”
Kumunot ang noo ko. “I don’t care!” I snapped! Maging ako ay nagulat sa inasta ko.
“B-baby... I am sorry, okay? I got jealous, I can’t control it—”
“Shut up, Luis! Umusog ka nga! You stinks!”
Nakita kong natulala siya sa sinabi ko nang humarap ako sa kaniya.
“What? I took a bath earlier!”
“Get off! Ang baho-baho mo Luis! Naligo ka sabi mo! E, bakit ang baho mo?!”
Nakanganga lang siya habang nakatingin sa akin. Muli ay tinalikuran ko siya at pumikit. I am really sleepy! Manigas ka riyan! I hate you, Luis!
“T-then tell me what to do. Baby, don’t be like this...” hindi ko siya pinansin hanggang sa makatulog ako. Nagising na lang ako na para bang may nakatitig sa akin kaya nagmulat ako ng mga mata.
Our eyes met and I can’t help but to smile at him. Ang guwapo talaga ni Luis! Pero nang maamoy ko siya ay agad na sumama ang pakiramdam ko. Tinulak ko siya palayo sa akin at agad na umatras.
“Why do you stink, Luis? Naligo ka na ba? Ang baho-baho mo!” iritadong singhal ko sa kaniya. Pero ngumuso lang siya sa akin.
“I a-already did! I smell so good now! This scent is your favorite, and why do keep on saying that I stink? Are you playing with me?”
Mukha siyang galit kaya naman napasimangot ako at agad na nangilid ang mga luha sa mata ko! Why is he blaming me now? E, ang baho-baho niya talaga! He stilled when he saw my tears.
Suminghot ako at sinipa siya. “I hate you, Luis! Bakit ka nagagalit sa akin?! E, ang baho-baho mo nga! Kasalanan ko ba iyon, ha?!”
“God...” I heard him murmured. “Baby, I am not blaming you, okay?” Masuyo niyang sambit at inabot ang siko ko. “Naligo naman na ako, a? Bakit nababahuan ka pa rin sa akin? Huwag ka nang umiyak, okay? Maliligo ako ulit para hindi ka na mabahuan sa akin. Tahan na,” he wiped my tears and I just let him. Tumango ako sa kaniya saka pinunasan ang luha ko.
I can’t understand myself anymore! Kahit kaunting bagay ay nag-re-react ako! Sobrang iyakin rin at pihikan ang pang-amoy! What the hell is this shit?! Nakakrus ang mga braso ko habang nakaupo sa tabi ni Luis. We are off to school now and we both stayed quiet.
Tinatamad akong magsalita! Naligo nga siya ulit kanina. At pagkatapos ay hindi naman na ganoon kasama ang amoy niya kagaya noong kagabi! He changed his body wash at mas gusto ko iyon. I want to nuzzle my nose on his neck!
His brows furrowed in confusion but never dared to ask me anything. Hinayaan niya lang ako na sumubsob sa leeg niya at kumapit sa kaniya na parang koala!
“Just drop me here. Mauna ka na, I will just buy something to eat.”
Nilingon niya ako. “Why? What do you want to eat? I could buy it for you.”
“Ako na. And the students might see us together. Alam mong ayaw ko iyon. Just this once, sa 7 eleven lang naman ako. Diyan sa unahan lang ng university.”
Wala na siyang nagawa kung hindi ang pumayag. He even insisted pero ayaw ko talaga kaya napabuntong-hininga na lang siya.
“Fine. But hurry up, okay? I want to hug you in my office before the classes starts.” Inayos niya ang buhok kong nakaharang sa mukha ko at isinabit iyon sa likod ng tainga ko.
Tumango ako sa kaniya at ngumiti. “Okay.”
He pulled me for a kiss and I answered it with the same ferocity. Napahawak ako sa batok niya nang lumalim ang halik niya. Wala sa sarili na napaungol ako nang sipsipin niya ang dila ko. Parang napapasong napabitaw siya sa akin.
“That is enough. Baka hindi ka na makalabas dito sa kotse.” I blushed at what he said. I looked at him softly and smiled when our eyes meet. “See you later. Be on time, Amely.”
I kissed him for the last time before getting out of the car. Nang makalabas ako ay tumawid ako sa kabilang side ng daan. I heard him beeped the car before driving to the University. I waved at him when he got away. I smiled when I saw his hand got out of the window just to wave back at me.
Napailing na lang ako. I was about to leave when I heard my phone ringing. Kinuha ko iyon sa bag ko at agad na sinagot ang tawag at hindi nag-abalang tignan ang caller ID.
“Hello?” sagot ko.
“Go home before next week or I will destroy your boyfriend’s career.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (25)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
unfair treatment
17/11/2024
0ang ganda sana sa totoong buhay din yung may taong magmamahal Sayo at your worst
11/09/2024
0good
24/07/2024
0Tingnan Lahat