Homepage/Love You At Your Worst/
Chapter 19
Chapter 19
No matter how hard we try to fit it, hinding-hindi tayo matatanggap. The fact that I was thrown out of the house by my own mother breaks me. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Hinangad ko lang naman na makatulong sa kanila ni Daddy pero ang kinalabasan ay nagpalaboy-laboy ako sa daan.
Nahihiya akong dumaan sa gate kanina. Maging si Kuya Ton ay nag-alala sa akin. Hindi ko man lang nakuha ang pera ko sa bahay. I sighed as I trailed the pathway while the rain is still pouring. Masakit ang bawat pagpatak nito kapag tumatama sa balat ko. Pero wala naman akong karapatang magreklamo dahil unang-una wala namang may pakialam.
The rain poured so hard and I couldn’t help but to stop in the middle of the road just waiting for the time to have my easy escape. Death.
Napangiti ako sa sarili ko nang nakarinig ako ng sunod-sunod na busina. The headlights hit me and I saw how it created my shadow on the watery road. Ang sarap siguro sa pakiramdam na may taong kayang tumanggap sa iyo sa kabila ng lahat ng naranasan mo sa buhay. Where could be that person right now?
Nanatili akong hindi gumagalaw habang hinihintay na bungguin ako nito pero doon ako nagkamali. I was enveloped into a big, tight hug by Luis. I was just there, immobile. Hindi ko kayang ibalik ang mga yakap niya dahil kahit na nauulanan kami, pakiramdam ko hindi noon maaalis ang katotohanan na madumi akong babae.
Hinawakan niya ang balikat ko at niyugyog ako para matauhan. But I was just silent. Hindi ko mahanap ang tamang salita na sasabihin ko sa kaniya. After what I told him earlier. After denying him. That he wasn’t my boyfriend. He is still here. Shouting at me on why the hell I stayed under the rain for I might get sick.
“Amely! What’s wrong with you? You could have called me! Sinabi ko na sa iyo na kapag may problema ka, lapitan mo ako hindi ba? Pero bakit? Anong ginagawa mo rito sa gitna ng kalsada? Magpapakamatay ka ba talaga?!” he was so damn mad but still, I managed to let out a chuckle making him stun.
“Ano ba ang pakialam mo sa maruming babae na kagaya ko, Luis? You heard my mother, right? I sell my body for money. Anong tawag niyo doon? Bayarang babae? Prostitute? Bitch? Slut? Whore? Damn it! Just say what you want to say because I am damn tired of living!” I snapped. Natulala siya sa akin samantalang ako ay nakikipagtagisan sa kaniya ng tingin.
My tears poured so hard, harder that the rain right now. “I am tired of trying to fit in! Na mismong pamilya ko ay nagawa akong itakwil! And now you’re here! Are you going to call me names, too? Ipapamukha mo rin ba sa akin ang pagiging maruming babae ko, ha?! Say it! Bibigyan kita ng oras na sumbatan ako dahil pagod na pagod na ako!”
“B-baby...” kinabig niya ako palapit sa kaniya saka ako niyakap ng mahigpit. Na maging ang lamig ay hindi ko na maramdaman. “Don’t say that, please. Kailan man ay hindi ko naisip ‘yan. I am here because I got worried. Hindi ka raw ma-contact ng kaibigan mo at maging ako ay hindi kita matawagan.” He kissed my forehead and hug me tighter.
I leaned on him and poured my heart out. Bakit nandito pa rin siya? Hindi ba dapat ay mandiri rin siya sa akin? Dahil nga binebenta ko ang katawan ko para sa pera. Dahil nagtatrabaho ako sa isang bar. Hinampas ko siya sa dibdib at pumalahaw ng iyak. Parehas kaming nababasa ng ulan pero wala kaming pakialam.
“Uwi na tayo?” alok niya pero hindi ako nagsalita. Anong uuwi? May uuwian pa ba ako?
“Umuwi ka na. Dito na lang ako,” mahinang sabi ko at itinulak siya. Hinawakan niya ang braso ko nang umamba akong tatalikuran siya. Bakit ba niya ako pinapahirapan ng ganito?
Tama si Mama. Masyado siyang karespe-respeto kumpara sa akin na walang ginawa kung hindi ang maglakwatsa. I will just drag him down with me and I can't bear that one. I admit that I am falling for him, but if this means his failure, I will avoid him as much as I can.
“No. Sasama ka sa akin. Umuwi na tayo. You might get sick. And if you are thinking of the ways on how to get rid of me then sorry to tell, hindi mo magagawa iyon. Come on, baby, you’re cold.” Masuyo niyang hinila ang kamay papunta sa kotse niya pero nagmatigas ako. I saw how his jaw tightened because of what I did.
That’s right. Kamuhian mo ako para hindi ako mahirapan na layuan ka. I know Mama’s capabilities. Natatakot akong baka siya ang pagbalingan niya ng galit nito sa akin. Ayos na ako lang, huwag lang siya madamay. He is too precious to me.
“Why are you doing this? Despite knowing these things about me, you are still here with me. Ano ba ang ginawa ko para makahanap ng isang kagaya mo, Luis? Everyone. They left me, pero ikaw nandito ka pa rin. Ano ba ang meron sa akin na kahit ipagtabuyan kita ay hindi mo magawang umalis?!”
Pumikit siya ng mariin. At nang magmulat siya ay hindi ko mapigilang magulantang dahil sa halo-halong emosyon na nakikita ko sa mga mata niya. Pagod. Sakit. Lungkot. P-pagmamahal.
“Bakit mo pa ako tinatanong kung alam mo na rin naman ang sagot ko riyan? Kailangan ko pa bang sabihin sa iyo? Hindi mo ba nararamdaman? M-mahal kita, A-amely. Na kahit anong mangyari ay babalik at babalik ako sa iyo. I love you. Even at your worst.”
Nanghina ang tuhod ko sa sinabi niya. He loves me? Parang may kung anong kumalabog sa dibdib ko kaya napahawak ako doon. My heart is beating so fast. Pakiramdam ko ay kasabay niyon ay kung gaano rin kabilis ang tibok ng puso niya.
“I...” hindi ko mahanap ang tamang salita na babanggitin ko. Parang may kung anong bumukol sa lalamunan ko at namilipit ang dila ko dahil sa hirap sa pagsasalita. Kinakapos rin ako sa paghinga kaha hindi ko maiwasan na mapasinghap. “I am dirty, Luis! Hindi mo ba naiintindihan iyon?! Maruming babae! Bayaran! Iyon na iyon! Pero bakit nandito ka pa rin?! Bakit sa kabila ng lahat ng ito ay bukas palad mo akong tinatanggap?!”
“I already told you, Amely.” Hinawakan niya ang pisngi ko at tinignan ako sa mata. “No matter how hard you resist, I will still keep on coming back to you. Na kahit anong pagtataboy mo sa akin ay mananatili ako. Ganoon kita kamahal, Amely. Ever since I saw you, I knew to myself that I want to be with you every fucking step of the way.”
What did I do to deserve you, Luis?
I felt his lips crashed on mine and I was just standing still. Hindi siya gumalaw. Magkalapat lang ang mga labi namin, na para bang ninanamnam ang tamis niyon habang tumatagal. He held my nape and started moving his lips slowly on mine. Parang mahihilo ako sa sobrang bagal.
After everything. He still stayed by my side and I am thankful that even in my most terrible experience, he never left me. He didn't let me drown all alone. I kissed him back and snaked my arms on his neck when he started to nip my lips. We kissed. Under the cold rain.
Tahimik lang ako habang binabagtas ang daan paakyat sa condo niya. I told him that I can manage but he was so stubborn that he even lift and throwed me inside his car and drove insanely fast! Hanggang ngayon ay hindi ko siya kinakausap at parang mababaliw na siya sa kakasalita mag-isa. This is abduction! Ugh!
“Oh, God. Amely, baby. Come on, I said I'm sorry. Please? Talk to me now. I just want you here with me. You said you were thrown out of your house. You have nothing nowhere to go. I was just worried.” Pahina na nang pahina ang boses niya habang tumatagal. I was just silent the whole time we were in the elevator.
Iniisip ko kung paano ko itatanong kay Denmark kung paano niya nalaman na nagtatrabaho ako sa bar na iyon. The last time I remembered, wala akong nabanggit sa kaniya tungkol doon. Only me and Arielle knows about my job every night! Did he assumed? But then, napagalitan ako! Mom found out and it is so frustrating!
Hinawakan niya ang braso ko kaya naman napahinto ako sa paglalakad at agad na humarap sa kaniya. I saw him looking down. Nakahawak lang siya sa akin na para bang ano mang oras ay tatakbuhan ko siya.
“I am sorry, okay. Hindi kita pipilitin na manatili dito sa condo ko pero kahit ngayon lang, Amely. You're wet all over, baka magkasakit ka pa.” Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
“Hindi naman ako nagrereklamo, Luis. I was just thinking of something. Stop worrying. I am definitely fine.”
Tumango lang siya at hinila ako palapit sa kaniya. He brought me to his newly bought condo. Hindi na raw siya nananatili doon sa una. Kung nasaan katapat lang ng unit niya ang sa kay Denmark. He entered the code and it automatically opened after. Pumasok siya sa loob at nanatili akong nasa labas. I am afraid I might get his unit dirty.
Nagtataka niya akong tinignan. “Get inside, Amely. It's already midnight. Come here,” hinila niya na ako papasok sa loob at hindi ko mapigilang mahiya. I am nothing but a dirt staining a diamond. And that diamond is him. Natatakot ako na baka kapag tumagal ako rin ang maging dahilan nang pagbagsak niya.
Ngumiti siya sa akin na mas lalo kong ikinapanlumo. How could you smile at me like that, Luis? How could you smile at the girl, in front of you genuinely? Nanikip ang dibdib ko nang yakapin niya ako.
“You will stay here for the meantime. Give your Mom some time to cool down and then we’ll talk to her after that, okay?” napatingin ako sa kaniya, kunot ang noo.
“We? What do you mean we?”
“We will clear things out. I don’t want you to feel angry towards your Mom. She is worried of you, you need to understand her—”
Umatras ako sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi makapaniwala. “Are you siding her?” tanong ko na puno ng pait kaya naman natigilan siya at agad na umiling.
“No. Baby, it's not like that.”
“No. But that is what I am seeing! That is how I understand it! Ako na lang ba palagi ang iintindi? Ni minsan ba ay wala akong karapatan na ako naman ang intindihin nila? Na ako naman ang pakinggan?! No! Nobody cares! Ikaw rin ba, Luis?!” puno ng paghihinagpis kong sigaw sa kaniya.
He panicked. “Baby, I am not siding your Mom. I just want to tell you that she was worried that is why you shouldn’t feel any anger towards her. I am not invalidating your feelings, okay? I care for you the most. And I don't want you to feel the hate in your heart because I am afraid that it will ruin you someday! That, that hate will be the reason for me to lose you! I am afraid that you will think of revenging and you will forget what and who you really are in the process!”
Natahimik ako sa sinabi niya at napamaang. He was catching his breath after saying those things to me. Tila natauhan siya sa ginawang pagsigaw sa akin kaysa agad niya akong nilapitan.
“I am sorry. I didn’t mean to shout at you. I just wanted to prove a point and if that will be the reason for you to leave, I think I should have just stayed quiet. Please, forgive me?”
I am still processing what he said earlier. He is afraid to lose me. If really, Mom is worried of me, bakit kailangang umabot sa punto na palayasin ako sa bahay. She even told me that she don’t want me as her child. That I am nothing to her if it wasn't because of—
“Amely...”
“What?”
“Let us talk tomorrow, okay? Magpahinga muna tayo ngayon. Magbihis ka na rin dahil basang-basa ka pa. Just forget what I have said, okay? Nag-aalala ako sa iyo—” he was blabbering nonsense so I placed my forefinger on his lips to stop him.
Napatingin siya akin.
“Tell me, Luis. Do you still want me? After knowing how dirty I am? That you are in a relationship with a whore? A bitch? A slut? A prostitute? And a rape child?” nanigas siya sa puwesto at hindi makapagsalita. Doon ko napagtanto na wala talagang tatanggap sa akin.
Pagak akong natawa. “There. Hindi ka nakasagot. Tama ba ako? Luis?”
His jaw tightened. “I told you, I don’t care about that! Prostitute?” he scoffed. “Are you really? Because I know that you are not! I have eyes and ears on you everywhere and you can’t lie to me! If you’re saying that for me to leave you, then you failed! I won’t!” huminga siya ng malalim at agad na nag-iwas ng tingin. “Even if you are a rape child, Amely. I just want you. And that will never change no matter what you do and what you say.”
I was baffled. Ako naman ang hindi nakasagot pero hindi ako nagpatalo. Humakbang ako palapit sa kaniya na ikinaalarma niya.
“Are you sure, Luis? Aren’t you sugarcoating your words?” tumalim ang mga mata niya sa akin pero hindi ako nagpatinag. “Prove it to me, Luis. Prove it that despite everything that you learned about me, you still want me.”
“A-amely.”
Natawa ako. “Scared? I knew it. You can’t even prove it, Luis. Nakakapandiri ba ako? Prosti? Bayaran? Rape child. What a combination, right? Ano Luis? Patunayan mong tanggap mo ako sa kanila ng lahat.”
“I don’t like what you are thinking, Amely. You might regret afterwards.”
“Me? Or, You?”
Nakita ko kung paano napigtas ang pagtitimpi niya. He grabbed me towards him and crashed his lips on mine. Agad na binuhat niya ako at awtomatikong pumulupot ang mga binti ko sa baywang niya. His hands stayed on my buttocks and he slightly slapped it making me gasp.
“Luis!”
Bumaba ang halik niya sa leeg ko at agad akong napaungol. Napatili ako nang ihagis niya ako sa kama. Gulat akong napatingin sa kaniya na ngayon ay matiim na nakatingin sa akin. Umatras ako at napasandal sa headboard ng kaniyang kama. I saw how he licked his lips and pulled his shirt from his nape.
Napalunok ako nang tumambad sa akin ang katawan niya. D-did I provoked him? I saw desire in his eyes and my tummy felt cold for a reason.
“Don’t regret your decision tomorrow, I will prove everything to you right now. In this bed. That despite all the things I learned about you. I still want you.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (25)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
unfair treatment
17/11/2024
0ang ganda sana sa totoong buhay din yung may taong magmamahal Sayo at your worst
11/09/2024
0good
24/07/2024
0Tingnan Lahat