Homepage/Love You At Your Worst/
Chapter 18
Chapter 18
“Amely!” agad akong binalot ng dalawang braso na pagmamay-ari ng lalaking higit kong kinatatakutan na kamuhian rin ako. Umiyak lang ako ng umiyak habang si Mama ay hindi makapaniwalang nakatingin sa aming dalawa. Napahawak pa ito sa noo.
“Ito?” panimula niya at tumingin sa akin bago kay Luis na pinapatahan ako ngayon. “Ito ang ginagawa mo habang wala kami sa bahay? Hindi ba dapat ay mas pinagtuunan mo ng pansin ang pag-aaral mo?! Iyan diyan ka magaling! Iiyak-iyak ka! Ni hindi mo nga magawang manguna sa klase mo at nagawa mo pang lumandi! At ano itong narinig kong na-suspend ka ng tatlong araw?! Nawala lang kami ng Daddy mo ng isang buwan ay natuto ka ng maglakwatsa!”
Umiling ako sa kaniya at umaktong lalapit sa kaniya. “M-ma...” nanginginig ang boses kong tawag sa kaniya. Pinigilan niya ako at nandidiring tumingin sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang yumuko dahil sa pagkapahiya.
Paano niya naaatim na ipahiya ako sa maraming tao. Hindi na natuloy pa ang ibang nagpunta sa bar dahil ang iba ay umalis na lang. Ang iba naman ay nakiusyuso sa nangyayari sa amin.
“Akala ko nagbago ka na. Ano nga ba ang magagawa ko? Simula’t sapul ay alam kong mangyayari ‘to. Na madudungisan na naman ang pangalan ko dahil sa iyo. Simula pa lang sinira mo na ang buhay ko, Amely. Pero pilit kitang tinanggap kahit pa na ang ibig sabihin niyon ay ang pag-alaga sa anak ng taong lumapastangan sa katauhan ko!” umiiyak na singhal ni Mama sa akin. Hindi ko magawang tignan si Luis na nakikinig sa amin ni Mama.
Humiwalay ako sa kaniya na ikinabigla niya.
“B-baby? C-come here, what are you doing?” kinakabahang sambit niya pero umatras lang ako nang umatras. Hindi niya alam kung anong gagawin niya dahil nakatingin rin si Mama sa aming dalawa.
“U-umalis ka na, Luis. Hindi kita kailangan.” Halos madurog ang puso ko habang binibitiwan ang mga salitang iyon. Bumalatay ang sakit sa mga mata niya pero agad na nawala iyon at napalitan ng lungkot.
“Ikaw. Isa ka siguro sa naging customer nitong si Amely? Magkano ang ibinayad mo sa kaniya—”
“Don’t talk! Shut up! What kind of mother are you? I'm sorry, Ma’am but I just can’t accept how you humiliated and talked about Amely like she had done something wrong! You don’t know anything! At anong sinasabi mong customer?” humarap siya sa akin, hinihingal. “Amely?! Anong sinasabi niya? You didn't, right? Tell me...” nagsusumamo ang tinig niyang kinakausap ako pero umiling lang ako at pinunasan ang mga luha ko.
Narinig ko pa ang pagtawa ni Mama pagkatapos niyang mabigla sa pagsigaw sa kaniya ni Luis. “See?” sabi niya na para bang mas napatunayan niya ang pang-aakusa sa akin. Na nagbebenta ako ng katawan para sa pera. “Is he your boyfriend, Amely? Look how respectable he is! Being linked to a girl like you will make him dirty just like you! Hindi ka nababagay sa kaniya!”
“H–hindi ko siya b-boyfriend,” suminghap ako pagkatapos kong sabihin iyon. Nanatili akong nakayuko dahil alam kong hindi ko kayang tapatan ang mga titig ni Luis sa akin. Alam kong nasaktan siya dahil sa sinabi ko. Pero hindi ko kayang si Mama pa mismo ang gumawa ng paraan maglayo making dalawa.
I can’t just risk his profession. Nagsisimula pa lang siya at ayaw kong mawala iyon sa kaniya na parang bula. Kaya kahit na masakit ay ako na mismo ang gagawa ng paraan para matigil na ito.
“Amely, baby... What are you talking about?” nanginginig ang boses niya pero nag-iwas lang ako ng tingin.
“I... I am sorry, L-luis!” humikbi ako at agad na tumakbo palayo. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko. Maging ang boses ni Mama na wari ko ay kinakausap siya ay hindi ko na narinig nang makalayo ako.
Agad akong pumara ng taxi at agad na sumakay nang huminto iyon sa harapan ko. Umiiyak na sumagot ako sa tanong ng driver kung saan daw ba ako bababa. Sinabi ko kung saan ang village namin at hindi rin siya nagsalita pagkatapos. Nakikita ko pa ang pagsulyap niya sa akin.
“K-kuya... Hintayin mo ako dito, kukunin ko lang ang pera ko sa bahay—”
“Miss hindi pwede. Uso ngayon ang panloloko at hindi ako kakagat sa gusto kong mangyari. May pamilya akong pinapakain...” tumango ako sa kaniya, pilit na iniintindi ang sinabi niya.
Huminto kami sa labas ng village namin kaya dito na ako bumaba. Huminga ako ng malalim. “Hintayin mo ako Kuya, hihiram lang ako ng pera sa guard ng village namin...” sabi ko at itinuro ang puwesto ng guard kaya naman tumango siya.
Mabilis na lumapit ako sa guard at ganoon na lamang ang gulat niya nang makilala ako. “Ma’am Amely! A-ano pong nangyari sa inyo? Bakit puno kayo ng dumi?” kinuha niya ang face towel niya at inabot iyon sa akin. “Hindi ko pa iyan nagagamit. Punasan mo ang sarili mo at hindi maganda tignan.”
“Salamat, Kuya.” ngumiti ako. “Puwede po ba akong humiram ng pera? Ibabayad ko lang sa taxi na s-sinakyan ko kanina. Babayaran na lang kita kapag nakuha ko na ang pera ko sa bahay...”
“Huwag na ako na ang magbabayad. Pumasok ka na sa loob.” Sabi niya at binuksan ang gate. Siya na rin ang nagbayad sa driver kanina kaya ilang beses akong nagpasalamat sa kaniya. “Hayaan mo na. Gabi na, umuwi ka na sa inyo. Kanina ka pa hinahanap ng Daddy mo.”
“Mauuna na po ako, Kuya Ton. Salamat. Babayaran po kita.” Bumuntong-hininga siya at napipilitan na tumango dahil nagpumilit akong bayaran ang pera niya. May pamilya rin siyang pinapakain tulad noong driver kanina kaya alam kong kailangan niya ang pera na iyon.
Nang makauwi ako sa bahay ay si Daddy ang nadatnan ko. Nangangayayat at mukhang pagod na pagod. Bagsak rin ang katawan niya habang nakahawak sa noo at may kinakausap sa Cellphone. Napaharap siya sa akin nang maramdaman niya ang presensya ko.
“A-amely...”
“Dad.”
Agad niya akong niyakap nang makalapit siya. Halos hindi ako makahinga dahil sa higpit niyon pero gumanti ako ng yakap at nagsimula nang umiyak sa dibdib niya. Pinapatahan niya ako ay hinahaplos ang buhok ko. Ang ibang hibla niyon ay may bahid pa ng cake at tumigas na rin iyon.
“Oh, God. Bakit ngayon ka lang, ha? Alam mo ba kung gaano kami nag-alala ng Mama mo? Mabuti na lang nakita niya si Denmark at naitanong kung may alam ba siya kung saan ka nagpunta!”
Natigilan ako sa sinabi ni Daddy. Ibig bang sabihin niyon ay may Denmark nalaman ni Mama na nagtatrabaho ako sa bar? Pero wala namang alam si Denmark doon, a? Natigilan ako lalo. Posible bang may alam siyang doon ako nagtatrabaho at sinadya niyang maglasing dahil alam niyang kahit anong galit at taboy ko sa kaniya ay hindi ko siya iiwanan doon?
Kumuyom ang mga palad ko at nagngitngit ang ngipin ko sa galit. Paano niya nagawa iyon sa akin?!
Hinarap ako ni Daddy at hinawakan ako sa balikat. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “A-anak... Totoo ba? Sabihin mo sa akin na mali ako ng iniisip.”
Umiling ako sa kaniya. “Hindi po ako nagbebenta ng katawan, D–dad. Hindi ko pa magagawa iyon!” sigaw ko habang umiiyak. Tumango siya sa akin at niyakap akong muli.
“Okay, I believe you. Tahan na, anak.” Mas lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Hindi niya naman ako kadugo pero pakiramdam ko mas naramdaman ko ang pagmamahal niya sa akin kaysa kay Mama. Naalala ko ang mga salitang binitiwan niya sa akin kanina. Ang sakit na sa kaniya mismo galing iyon.
Yumakap ako kay Daddy at doon umiyak sa dibdib niya. Kahit papaano ay masaya akong may maniniwala sa akin. “Daddy, galit ka ba sa akin?” pumiyok ang boses ko habang tinatanong siya.
“No, hindi ako galit. Bakit mo naitanong, ha?” masuyo niya akong pinaupo sa sofa at siya ang nagpunas ng mukha ko gamit ang towel na pinahiram no Kuya Ton.
“K-kasi nagtrabaho po ako sa b-bar.”
“Maaari ko bang malaman kung bakit mo ginawa iyon? May trabaho kami ng Mama mo, hindi pa ba sapat ang perang ibinibigay namin sa iyo?”
Umiling ako at yumuko. “N-narinig ko po kasi kayo ni Mama na nagtatalo,” suminghap ako ay napakapit sa palda kong puno rin mg icing ng cake kanina. “Na kapag hindi niyo nabayaran ang utang sa loob ng isang buwan ay mawawala ang bahay natin. G-gusto ko lang naman na makatulong.”
“Anak...” naiyak siya at niyakap ako. “Salamat, pero sa hindi mo na ginawa iyon. Kaya naman namin ng Mama mo na bayaran iyon. Naiintindihan kita, huwag mo ng uulitin iyon. Tungkulin namin ng Mama mo iyon at hindi na kailangan pa na sumali ka pa dahil wala ka pa sa tamang edad.”
Tumango ako sa sinabi niya. Alam kong mali ako sa part na iyon pero gusto ko lang naman na tumulong sa kanila ni Mama. Ang Makita ang pagod nilang ekspresyon ay mas lalong nagpapalakas ng loob ko sa tuwing nagtatrabaho ako dahil alam kong mas pagod sila kaysa sa akin. I just want to do something that I believe what is right.
“Magbihis ka na. Mag-uusap tayo ulit bukas. Magpahinga ka na rin dahil alam kong pagod ka.”.
Tumayo na ako at nagpaalam sa kaniya pero natigilan ako nang pumasok si Mama sa kabahayan.
“Ano pa ang ginagawa mo rito? Get your things and get out of my house you filthy girl! Lumayas ka kung ayaw kong ako pa ang kumaladkad sa iyo palabas mg bahay na ito!” galit na sigaw niya kaya naman napatago ako sa likod ni Daddy.
“Amanda! Hayaan mo na! Pagod ang bata! Tumigil ka na!” sigaw rin ni Daddy pero mas lalong nagalit si Mama. Maluha-luhang tinignan niya si Daddy at maya-maya ay umiyak na ito.
“Calum! Alam mo ba kung anong ginawa ng batang iyan?! Kinakampihan mo pa! Kaya nagrerebelde ‘yan dahil lahat ng kapritso niya ay ibinibigay mo! Kahit na nakulong ka na at lahat-lahat ay siya pa rin ang iniisip mo! Ni hindi mo nga iyan anak!”
Parang namingi ako sa sinabi ni Mama. Dahan-dahan akong napatingin kay Daddy at nakita ko ang galit niyang ekspresyon. Umatras ako mula sa kaniya.
“Amely... Anak wala kang kasalanan...”
Umiling ako sa kaniya. Nakulong? Bakit? Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang sarili na pumalahaw ng iyak. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko kung paano lumambot ang ekspresyon niya.
“K-kaya ka ba hindi nakakauwi? D-dahil ba n-nakulong...” pumiyok ako at tuluyan ng umiyak. “nakulong k-ka? D-dad? Bakit?” narinig kong umiiyak si Mama kaya mas lalo akong naiyak. Kaya pala noong tinanong ko siya kung hindi pa ba makakauwi si Daddy ay bigla siyang natigilan. Dahil pala nasa kulungan si Daddy noong oras na iyon.
“I... I am so sorry, Dad.”
“Wala kang kasalanan, okay? Umakyat ka na. Mag-uusap lang kami ng Mama mo.” Hinawakan niya ako sa braso at iginiya papunta sa hagdanan pero agad na hinablot ni Mama ang aking buhok at kinaladkad ako palabas mg bahay. Hindi agad nakapag-react si Daddy dahil sa gulat.
“Lumayas ka dito! Lumayas ka! Hindi kita anak! At hinding-hindi kita tatanggapin bilang anak ko! Wala kang karapatan na tumapak sa pamamahay na ito! Naiintindihan mo, Amely?! Simula ngayon ay hindi ka na dito uuwi! Lumayo ka sa akin!”
Itinulak niya ako kaya napasalampak ako sa labas ng gate ng bahay namin. Tumayo ako bigla at umambang papasok nang bigla niya iyong sinara at ikinandado. Sumigaw ako at tinawag ang pangalan niya.
“Ma! Please! Huwga ganito, m-mag-usap muna tayo. Ma! Papasukin mo ako!”
Napahawak ako sa gate at napaluhod. Kasabay niyon ay unti-unting pagpatak ng ulan. Nakita ko pang lumabas si Daddy pero agad siyang hinawakan ni Mama sa braso.
“Subukan mo lang na papasukin ang babaeng ‘yan at talagang hindi lang iyan ang aabutin niya sa akin, Calum! Alam mo kung ano ang kaya kong gawin! Huwag na huwag mong susubukan ang pasensya ko!” nanggagalaiti nitong sigaw kay Daddy at nakita kong natigilan ito.
Napatingin siya sa tiyan ni Mama at pabalik sa akin kaysa doon ako natauhan. Could it be? Mas lalo akong naiyak nang makita ang naiiyak na hitsura ni Daddy kaya ako na mismo ang tumayo at umatras mula sa gate.
“Anak... Bumalik ka rito, pumasok ka na at umuulan...”
Umiling lang ako sa kaniya at ngumiti. “A-ayos lang po ako. I’m sorry, Daddy.” Umiyak ako ng umiyak dahil wala akong magagawa. Maging siya ay napilitan na pumasok sa loob ng bahay. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkuyom ng kaniyang kamao.
Tiningala ako sa langit at dinama ang malalaking patak ng ulan. Ito ba? Ito ba ang kapalaran ko? Ang masaktan buong buhay? Simula noon pa man ay alam kong bunga ako ng kasalanan at hanggang ngayon ay pilit akong hinahabol ng masakit na kahapon.
Napayuko ako at mapait na napangiti. Good for you, Mom. You will have a child of your own. Ang anak na ginusto mo, hindi ‘yung katulad kong isang rape child. It's o-okay, Amely. That baby will be your baby sister or your baby brother. Ikaw ang mag-adjust dahil ikaw ang a-ate.
“The question is, kikilalanin ba nila akong kapatid? E, bunga nga ako ng isang pagkakamali. Bunga ng panlalapastangan.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (25)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
unfair treatment
17/11/2024
0ang ganda sana sa totoong buhay din yung may taong magmamahal Sayo at your worst
11/09/2024
0good
24/07/2024
0Tingnan Lahat