Chapter 16

Chapter 16
Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko dahil sa pagkabigla. Hindi ko na siya natanaw pa nang sumakay siya sa sasakyan niya at pinaharurot iyon bang makalabas siya sa gate. Bumusina pa ito ng dalawang beses bago tuluyan na makaalis.
Nasapo ko ang dibdib ko dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Para bang may kung anong mga insekto na nagliliparan sa tiyan ko nang magkasalubong ang mga mata namin kanina. Ano ba ang nangyayari sa akin? Pakiramdam ko ay hindi maganda ito.
Napasulyap ako sa bahay kung saan nanggaling si Sir Luis at doon ko nakita si Boss! Topless at nakamasid sa akin! Namula ang mukha ko ng tumaas ang sulok ng labi nito. Kapagkuwan ay ngumisi siya sa akin bago kumaway.
I saw he his muscles flexed because of what he did. Napalunok ako ng wala sa oras. Wala ba talagang kahihiyan sa katawan ang amo kong ito? He is friends with Sir Luis? Does that means he told him that I work in his bar? Oh, Gosh!
“Hey there, little doll!” ngumiti pa siya sa akin. Umirap ako sa kaniya na ikinalaki ng mga mata niya. Ngayon ko lang napansin na may baby blue eyes siya. I love his eyes but I hate its owner! Buwisit ka Boss! Akala mo ba nakakalimutan ko ang ginawa mong hindi pagpansin sa akin?! Damn you!
“Little doll your ass! I hate you, Boss!” sigaw ko at nag-martsa pauwi. Narinig ko pang tinawag niya ako. Para bang nataranta pa siya! Manigas ka diyan Boss!
“Little doll! Oh, God!”
Ang mabilis kong paglalakad ay nauwi sa pagtakbo. Inis na lumingon ako at nakita ko pa na umakto si Boss na hahabulin ako kaya nataranta ako! This is not good! Damn it!
Tumakbo ako paliko sa street kung nasaan ang bahay namin at halos mapakanta ako ng natanaw ko ang bahay namin! Mabilis akong pumasok sa gate at isinara iyon. Wala pang limang segundo ay nakapasok na ako sa bahay ay isinara ko rin ang pinto at ni-lock!
Magsama silang dalawa! Mga hambog! Kung hindi lang talaga naging mabait ang boss ko na iyon ay baka nasapak ko na siya! Argh! Siya pa rin ang nagpapasahod sa akin kaya kailangan kong magtiis! Speaking of Sir Luis, are they friends? Gosh. This is a problem!
Nanlulumo na napaupo ako sa upuan namin sa sala at nahilot ang noo. Ano ba kasi ang pumasok sa isip ko at doon pa talaga ako napadpad! Does that mean na dito rin pala nakatira si Boss? Malawak ang village na ito kaya siguro ni minsan hindi nagtagpo ang mga landas namin!
Isang linggo na rin ang nakalipas pagkatapos noong nangyari. Hindi ko na gaanong nakikita si Sir Luis sa school kaya siguro parang masama ang pakiramdam ko. Si Boss ay todo suyo sa akin nung magtrabaho ako kinagabihan niyon. Hindi ko siya pinapansin. Hindi ko alam kung bakit. Siguro ay natatakot lang ako dahil baka masabi niya kay Sir Luis na dito ako nagtatrabaho.
Sa isang linggo hindi si Mama at Daddy nakauwi. Plano ko sana silang bisitahin sa trabaho nila at dalhan ng pagkain. Sigurado akong marami silang ginagawa. Hindi ko nga alam kung nakakain pa ba sila ng maayos. Inayos ko ang bag ko at naglakad ako papunta sa cafeteria.
Namataan ko si Celestina na kausap ang isang lalaki. Pakiwari ko ay matanda lang sa akin ng isa hanggang dalawang taon. Matangkad, guwapo at halata mong may sinasabi sa buhay. Kahit hindi nito sabihin ay nagsusumigaw ng karangyaan ang kaniyang dating. Branded clothes, shoes and what caught me was his longing face while looking at Celestina.
I envy her in everything. Para bang lahat nasa kaniya na. The affection that she wants, the things that she has, the people in her life, I want to have those. Nakagat ko ang labi ko nang makaramdam ako kirot sa dibdib ko nang hawakan ng lalaki ang kaliwang kamay niya at nilaro-laro ang mga daliri niya.
She was talking to him while the latter was just staring at her face. Ni hindi niya magawang alisin ang tingin kay Celestina. Will I have a man like him? That will look at me with adoration in his eyes? Full of love, care and all.  Nasa gilid sila ng building at hindi gaanong mapapansin lalo pa at minsan lang may dumadaan dito.
I don't know but I stood there, immobile. Nakatingin lang ako sa kanila. I saw myself in Celestina while the guy was unexpectedly showing Sir Luis in my mind. Hindi ko alam kung bakit ganoon at kumabog bigla ang puso ko. I held my chest when I saw the guy hugging Celestina.
I felt hurt for an unknown reason.
Umiling ako dahil sa reaksiyon. Naalala ko na hindi ko pa nakikita si Sir Luis simula noong nakaraan. Huli na noong nag-iwan siya sa amin ng napakaraming assignments at hanggang ngayon ay wala pa rin akong naririnig tungkol sa kaniya.
Umakto na akong aalis nang makita kong hinawakan ng lalaki ang pisngi ni Celestina at marahan iyong hinaplos. Kahit nanonood lang ako ay pakiramdam ko sobrang gaan ng kamay na iyon. How could a rough looking guy would be this soft because of a girl? His face looks familiar. And it hit me. He is Dashiel Winston a heartthrob of the Seniors year.
He dipped his face down on Celestina and kissed the side of her lips before pressing his lips again on Celestina’s forehead. Nag-iwas na lamang ako ng tingin nang mapagawi sa akin ang paningin ni Celes. Good for her though.
Umalis na ako at sinukbit ang bag ko sa kanang balikat bago ako pumasok sa cafeteria. As usual, maingay nagkakagulo sa counter lalo pa at maiksi lang ang break time. Ang iba ay malayo pa ang building. They could just have brought their foods para hindi na sila mahirapan.
The whole moment I was just eating silently. Thinking of the ways on how to tell my parents about the money I earned for one month. Natatakot ako pero alam ko naman na ginawa ko lang ang alam kong tama. Besides, being a waitress is a decent job. It's just the people around have different mindsets and somehow used to think ill about people who work on a bar.
I was about to leave my table when I heard squeals and then irritating voice of these dimwits. Naiinis na tinignan ko ang sanhi ng pagkakagulo at doon ako naningas sa kinatatayuan. He's back. At kasama niya si Miss de Guzman. Are they a thing already?
May kung anong kumurot sa puso ko nang hawakan siya ni Miss de Guzman sa braso niya. Hindi niya man lang hinawi iyon. Nang tignan ko siya ay nakatingin rin pala siya sa akin kaya naman ako na ang nag-iwas ng tingin. What does that look means?
Hindi na ako nagtagal at umalis na rin. I even heard her voice, na mukhang pilit niyang pinapalambing—which irritated me. Hindi ko alam kung bakit ganito. Parang may gustong kumawala sa akin na hindi ko maintindihan. Dumiretso ako sa gazebo para magpahangin.
Napasandal ako sa puno malapit dito at doon ako huminto. Mahangin kaya naman nililipad ang buhok ko sa tuwing dadampi ito sa akin. Napapikit ako at ninamnam ang lamig na dulot ng hangin. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, biglang sumama ang pakiramdam ko. Is this because I saw him with someone else?
Wala naman ako dapat na ikasama ng loob, di ba? I am his student and it is not his responsibility to ask if I am okay. Kung nasasaktan ba ako. Well, am I hurt? Hindi ko nasagot ang sarili kong tanong at napabuntong-hininga na lamang. I heard footsteps behind me and I didn't mind it since I know that it's just another student passing by.
Pero nagulat ako nang maramdaman kong tumigil ang yabag sa harapan ko. When I opened my eyes, my eyes grew bigger when I saw Sir Luis in front of me with his stoic expression, his two buttons are open and his hands were on his pockets. Napaayos ako ng tayo at agad na gumilid.
“Good afternoon, Sir.” Bati ko sa kaniya. Did I forgot to tell you na may break rin kami tuwing hapon? If not, then I told you already. Nang mapansin long hindi pa rin siya nagsasalita ay nagpaalam na akong aalis na pero natigilan ako nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko.
Napasinghap pa ako nang pisilin niya iyon. I stayed silent and didn't looked at him. I heard him heave a sigh. “A-are you mad, Amely?” his voice was unexpectedly soft, unlike his face earlier who was about to smack me.
Umiling ako. Bakit naman ako magagalit? At bakit naman ako magagalit? Pilit kong binabawi ang kamay ko pero ayaw naman niyang bitawan. Nang humarap akobsa kaniya ay sobrang problemado niyang tignan. What the hell is happening to him?
“Sir. Please let go of my hand. Baka ano pa ang sabihin ng ibang makakita sa ating dalawa.”
Hinila niya ako papunta kung saan at nagulat ako nang dalhin niya ako sa parking lot. Wala gaanong students dahil na rin siguro break time pa rin hanggang ngayon. Ang iba naman ay nagtatakang nakatingin sa aming dalawa. Maybe they thought if me being punished again?
“Get in.”
Umatras ako. “Where are we going? At saka may klase pa ako.”
“Vacant mo sa next period, you have class, yes. But that will be your last subject for this afternoon.”
“H-how did you know that?”
“Just get in the car, Amely. Babalik rin naman tayo.”
Tumango na lang ako sa kaniya at pumasok na sa sasakyan. Nang isara niya iyon ay sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makapasok rin siya sa loob ng sasakyan. He even did the seatbelt for me kaya nanahimik na lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana.
“Are you comfortable?” tanong niya habang nasa biyahe. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero hindi naman niya siguro ako sasaktan?
“Im fine.” huminga ako ng malalim bago siya tinignan. “Saan ba tayo pupunta, Sir? Bawal ang lumabas ng campus dahil class hours pa rin, hindi ba? So where are you taking me?”
Naguguluhan ako sa inaakto niya. Umirap ako sa kawalan nang hindi siya sumagot. Ano? Silent treatment na naman kaming dalawa kagaya noong nakaraan? Nagsimula na naman akong mainis pero lahat ng inis ko ay nabura na parang bula nang kunin niya ang kaliwang kamay ko na nasa kandungan ko at hinawakan iyon ng mahigpit.
Hindi ko naitago ang gulat ko sa panahong iyon kaya agad akong humarap sa kaniya na naka-focus lang ang tingin sa daan.
“W-what are you doing?” kabado kong tanong sa kaniya. Tinignan niya lang ako saglit bago muling tumingin sa daan.
“I want to hold your hand, am I not allowed?” inosente niyang sagot sa akin kaya naman napalatak ako. “Are you mad? Mag-usap muna tayong dalawa. I can feel your angry stares earlier in the cafeteria. Did I do something wrong?”
Inihinto niya ang sasakyan sa gilid ng daan. It's a bit secluded in this part and I can't help but to feel nervous. Why the hell my heart is racing so fast?!
“Come on, baby. Tell me,” malambing niyang sabi at hinaplos pa ang pisngi ko kaya naman napapikit ako para damhin ang kamay niyang nasa pisngi ko. “I was away for a week. My mother was sick and I had to leave. I missed you so much, Amely. Did you miss me too? Hmm?”
Why is he doing this? Hindi naman ako humihingi ng paliwanag mula sa kaniya a. Did he brought me here just to talk about this? Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko na matamang niya akong tinititigan. I looked away when I felt my cheeks heated up.
“Baby, I'm sorry. Are you mad? Tell me so I can do something about it.”
“I am not mad... I was just...” naglumikot ang mata ko dahil hindi ko magawang magsalita ng maayos. Kalaunan ay napapikit ako ng mariin. Fuck it! Bakit ba nangyayari ‘to?!
“You are what? Are you jealous?”
Agad akong napamulat sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan. Para bang may bahid pa ng tuwa ang boses niya pero pilit niyang ikinukubli iyon. He smiled at that was what caused my heart to skip a beat.
Illegal!
Iniwas ko ang mukha ko sa kaniya at doon ko narinig ang mahinang pagtawa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. He was so happy and I can't just have the heart to break it! Damn it! Just what is this man doing to me? Ginugulo niya ang sistema ko.
“I am not j-jealous! Why would I be?” masungit kong sabi sa kaniya pero tumawa lang siya sa akin at agad na iniharap ang mukha ko sa kaniya.
“Don’t be. There's nothing to be jealous. It's just you, baby. Just you.” Seryoso siya habang sinasabi iyon kaya hindi ko mapigilang umawang ang mga labi ko dahil dahil doon.
Hindi na ako nakaangal nang hulihin niya ang mga labi ko at masuyo akong hinalikan. Napahawak ako sa braso niyang nakahawak sa baywang ko nang kagatin niya ang pang-ibabang labi ko. Ganito pala ang pakiramdam na mahalikan ng isang Luis Salcedo.
It was euphoric. So unexplainable.
He held my nape and pulled towards him to deepen the kiss. He nibbled, licked and sucked my lips while I was letting him do his thing. Hinahabol ko ang hininga ko nang pakawalan niya ang labi ko. Pinagdikit niya ang noo naming dalawa at kapwa nakapikit.
“I like you Amely, so much. Please stop seeing boys from now on. You will be the cause of my death. I swear.” dumadampi ang labi niya sa labi ko habang sinasabi niya iyon.
Parang kakapusin ako ng hininga. He likes me! I... I can't explain what I feel right now. Nagmulat ako ng mata at nagkatinginan kami. I can feel his sincerity. By just looking at his eyes, I can't feel but to compare him to Denmark. Hindi ko kailangan naramdaman ang ganitong pakiramdam kay Denmark. Sa kaniya lang naghuhuramentado ng ganito ang puso ko.
“B-baby, please say something. You're scaring me. I can wait if you're not ready, I will—”
“I like you, too.” napapikit ako nang sabihin ko sa kaniya iyon. Nagulat na lang ako ng kabigin niya akong muli at mariin na siniil ng halik ang aking mga labi. And I did what my body wanted me to do. I responded to his kisses and it was so amazing.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Mirra Balor

    unfair treatment

    17/11/2024

      0
  • avatar
    Razel Agulay Fabre

    ang ganda sana sa totoong buhay din yung may taong magmamahal Sayo at your worst

    11/09/2024

      0
  • avatar
    EddriesAnieja

    good

    24/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata