Homepage/Love You At Your Worst/
Chapter 13
Chapter 13
Pagkatapos ng klase ay agad akong nagligpit. Hindi ko alam kung nakauwi na ba sina Mama at Daddy. Nag-aalala ako at hindi ko alam kung bakit. Malapit nang mag-isang linggo at hindi pa sila nakakauwi. Ganoon ba talaga karami ang ginagawa nila para makaligtaan nilang umuwi? Baka nakakalimutan nilang may anak rin silang naghihintay sa bahay.
E, bakit nga ba ako magrereklamo? Kung tutuusin ay makakapagtrabaho ako ng maayos mamaya dahil wala sila sa bahay. Hindi ko na aalalahanin ang magiging rason ko kapag nagkataon na mahuli akong madaling araw na umuuwi. Ayaw kong maging pabigat kaya hanggang sa may maitutulong ako ay gagawa ako ng paraan.
Hinintay ko si Arielle sa 7 eleven gaya ng nakasanayan namin. Kumain muna kami bago pumunta sa trabaho. Hindi alam ng iba naming kasamahan na wala pa ako sa tamang edad. Sa susunod na tatlong linggo ay kaarawan ko na at hindi ko alam kung may handaan bang magaganap lalo na sa sitwasyon namin ngayon. Hindi ko na dapat iniisip ‘yon, mas mahalaga kung paano ako makakatulong na magbayad ng utang namin.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Arielle habang nag-aayos ng gamit niya dito sa locker room. Kagaya ng nakasanayan, sa backdoor kami dumaan dahil baka may makakita sa amin na nagtatrabaho dito, lalo pa at naka-uniporme kaming dalawa.
“Ha? Oo, naman. Bakit mo naitanong?”
“Wala, para kasing pasan mo ang mundo.” Ngumiti siya sa akin. “Balita ko ay suspended ka raw, dahil ba doon?”
Natawa ako sa kaniya. “Isa na rin ang bagay na iyon, kung hindi ba naman pakialamera si Alana ay sana hindi ‘yon mangyayari!” kumuyom ang mga palad ko at nagsalubong ang mga kilay. Iniisip ko ngayon kung paano ko kakalbuhin si Alana nang wala nakakaalam. Argh.
Narinig ko siyang tumawa kaya napatingin ako sa kaniya. “Wala na kayong pag-asa. Galit ka talaga sa kaniya, ano?”
Umismid ako at umirap. “Naiinis ako sa kaniya, masiyado siyang pabida, nakakagago amputa.”
Napahagalpak siya ng tawa at maluha-luhang tumingin sa akin habang sapo ang tiyan. Ngumisi ako sa kaniya. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa sinabi ko o talagang pinasok lang ng hangin ang ulo niya at paunti-unti na siyang nababaliw.
“Kabagin ka sana!” singhal ko sa kaniya at inayos ang pagkakatali ng buhok ko. Nilagyan ko pa ito ng clip para naman hindi ako dugyot tignan. Kailan ba ako naging dugyot? Hindi naman yata nangyari ‘yon. Si Alana, siguro baka jejemon days pa rin. Tsk.
“Baka sa susunod hindi lang ganiyan, baka nga sabunutan mo na ‘yon!”
I smirked at her making her eyes widen. “Don’t tell me...”
“Then I won't tell you!” ngingisi-ngisi akong tumingin sa kaniya na parang hindi makapaniwala sa akin.
“Talagang ginawa mo talaga ‘yon? As in?”
“Alam mo paulit-ulit ka. Ikaw nalang kaya ang kalbuhin ko, ha?” sikmat ko sa kaniya na ikinaatras niya. Ayaw naman pala, e. Tatanong-tanong tapos hindi naman maniniwala. Ako ba gingago niya? “Doon na ako sa labas, kailangan kong makapag-ipon! Damn it.”
Lumabas na ako at agad na sumalubing sa akin ang maingay na paligid. Hindi pa ganoon kadami ang nga two dahil kakabukas pa lang naman, pero ‘yung iba na regular customer ay nasa tables na nila at umiinom na ng mga paboritong alak. Ang mga solo naman na pumunta ay nasa bar counter, pakiwari ko ay brokenhearted.
Umismid ako nang maalala ko si Denmark. Hindi ko na siya nakikita sa campus, nasa college campus na yata siya, kahit na minsan ay nagagawi pa rin naman sila sa campus namin pero madalang na lang. Simula noong sitahin siya ni Sir Luis at ang pag-uusap namin sa likod ng building, hindi na siya nagparamdam pa.
“Amely! Ang ganda natin a, hindi halatang taga hatid ka lang ng alak sa tables!” tatawa-tawang sambit ni Hans, kasamahan ko sa trabaho. Part-timer rin siya katulad ko, matanda siya sa akin ng tatlong taon. Siguro ay parehas sila ni Denmark. Nasa college na rin siya ngayon at scholarship lang rin ang nagpapaaral sa kaniya. Siyempre hindi sa school namin dahil masyadong mahal doon. Halos lahat ng nag-aaral doon ay may gintong kutsara sa bibig.
“Tigilan mo ako a. Sasamain ka sa’kin!” sumimangot ako sa kaniya at inabot ang tray na may alak.
“Table 12 ‘yan.” aniya. “At bakit masama ang mood mo ngayon honeybunch?” humalumbaba siya counter at piankatitigan ako. Inirapan ko lamang siya dahil hinahangin rin yata ang isang ito kagaya ni Arielle.
“Paanong hindi sasama ang mood, e, suspended ‘yan!” rinig ko pang sabat ni Arielle nang makaalis ako soon. Atribida talaga ang babaeng ‘yon!
Umiling na lang ako at ngumiti nang ilapag ko ang tray ng alak sa tables 12. Ang iba ay napatingin sa akin, ang iba ay sumulyap lang at nagpatuloy sa pakikipag-usap. Huminga ako ng malalim bago ngumiti. “Here’s your drink gentlemen.”
“Amely!”
Napatunghay ako nang may tumawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ito pero agad din namang napangiti. “Boss!” bati ko sa kaniya. Ang mga kasamahan niya sa table ay napatingin rin sa akin at ngumiti.
“She’s just a waitress, Gio?” tanong ng isang lalaki kay Boss kaya tumango ito at ngumit. “Too pretty for a waitress.”
“You’re interested?”
“Yeah,” sagot niya kapagkuwan ay nilagok ang alak mula sa baso at tinitigan ako kaya naman nakaramdam ako ng pagkailang. Hindi ko alam kung bakit ganiyan siya kung makatitig sa akin, bahagya akong napaatras ng dalawang hakbang nang umayos siya sa pagkakaupo.
Nagtawanan ang mga nasa table nila dahil sa reaksiyon ko. “Look! You're scaring the doll, Ethan!” natatawang sambit ng kasama niya pero siniringan lang ito nung tumawag niyang Ethan.
“Stop pissing me off! Damn it!” Si Ethan na nakasimangot na. Tinapik siya ni Sir Gio sa balikat na ngayon ay natatawa ma rin. Hinampas niya ang kamay nito na mas lalong ikinatawa nilang lahat.
“Stop right now, Ethan.” Si boss na naging seryoso.
“What? I am not even starting, Gio! Don’t tell me, she's yours already?”
Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila dahil maging ang ibang kasama nila ay natahimik. Dahan-dahan akong umatras dahil baka nakakaabal ako sa kanila. Pero bago pa man ‘yon at mahawakan no Sir Gio ang palapulsuhan ko para ipirmi ako sa puwesto ko.
“LJ owns this little doll, Ethan.” Iyon lang ang sinabi niya pero nagsiubuhan ang mga lalaking kasama nila. Talagang sabay-sabay pa! Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. At sinong LJ naman ang sinasabi nito?
I am no one's property! What the hell is he talking about?!
“Are you serious?” halos pasinghal na tanong nito. Kaya naman tumango si Sir Gio sa kaniya. Nang tumingin so Ethan sa akin ay bagsak ang balikat nito. Ano bang meron sa akin at ganiyan kung makatingin? “I should have met you first. Damn it!”
Napailing na lang ang iba at nagpatuloy sa pag-inom. Si Sir Gio ay hawak pa rin ang palapulsuhan ko. “Little doll,” tawag niya kaya napatingin ako sa kaniya.
“Ako ba, Boss?” walang emosyong tumingin ito sa akin kaya naman napalunok ako. Wala akong ginawang masama a!
“Serve in the VIP room starting tomorrow. Narinig ko ang nangyari noong nakaraan sa ‘yo. No buts! Or pwedeng mag-resign ka na lang kung ayaw mo.”
Tinaasan ng kulay ang mukha ko sa sinabi niya. “W-walang ganiyanan, Boss! I've been good girl, right? Boss, naman!”
Ngumiti lang siya sa akin. “I am the Boss. My words are the rules here, little doll.” Pinisil niya ang palad ko bago ako binitawan, kaya napatango na lang ako sa kaniya.
Nagpaalam na akong aalis na. Hindi nakatakas sa pandinig ko ang Ilan sa usapan nila.
“Bantay-sarado naman, Gio!”
“Tsk. Hindi alam ni LJ na dito nagtatrabaho ‘yan, ako na ang nagbantay ng kusa, baka magwala ‘yon at masira pa ang negosyo ko!” Boses ni Boss ang narinig ko.
“That Freak! He's whipped.”
“Sinabi mo pa!” Si Ethan.
Umiling na lang ako habang pabalik sa counter. Namataan ko ang pamilyar na bulto ng lalaki na nakatalikod mula sa akin. Nagsimulang magrigudon ang puso ko dahil sa kaba. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Wala sa sariling napatakbo ako sa locker room naming mga staff at agad na isinara ‘yon! What is he doing here?!
Napahawak ako sa puso ko dahil sa sobrang bilis niyon. Ilang beses pa akong naghabol ng hininga bago bumalik ito sa normal. Nasapo ko ang noo ko dahil sa nangyari. Anong ginagawa niya rito? Paano kapag nakita niya ako! Damn it!
Denmark is here!
Nagpalakad-lakad ako sa loob ng staff room. Bakit nandito ‘yon? Siyempre para uminom! Ano ba, Amely! Matalino ka ‘di ba? Common sense mo na lang ‘yon! Pumunta sa bar para uminom! Alangan naman mag-swimming ‘yon dito! Idiot!
May kumatok bigla sa pinto kaya naman napaigtad ako! Putangina! Bakit ba nanggulat! Argh! Dahan-dahan akong naglakad palapit sa pinto at paunti-unti na binuksan iyon at sinilip ang kumatok. Kagat ang labi ko habang binubuksan ang pintuan. Damn it! Para namang may kalaban ako kung makaasta ako ngayon.
“Hoy! Ano ba ‘yang ginagawa mo!” tinulak ni Arielle ang pinto kaya tinamaan ako sa noo.
“Aray ko, puta ka!” agad niya akong dinaluhan at nakihimas rin sa noo ko! Kapag ako nabukulan dahil sa ginawa niya talagang hindi lang sabunot ang aabutin niya sa akin!
Napapikit ako dahil sa sakit. “Ano ba kasi ang ginagawa mo diyan sa likod ng pinto! May slow motion ka pa sa pagbukas, kita mo na ang nangyari sa iyo!” nagtalsikan pa ang laway niya sa mukha ko kaya sinamaan ko siya ng tingin kaya agad na napa-cross fingers siya.
At talagang ako pa ang sinisisi niya ngayon? “Wow! Kasalanan ko pa ngayon?!”
“Sorry na! Haharang-harang ka kasi diyan, e!” pagrarason niya pa kaya inambaan ko siya ng sapak. Agad niyang sinalag ang kamay ko na akala niya tatama sa kaniya. Buwisit.
“Kumatok ka ‘di ba?” asar na tanong ko na ikinatango niya. “Oh, e, ‘di malamang ay binuksan ko! Hindi ka na sana kumatok kung binuksan mo lang rin ng pwersahan, you dumbass!”
“Sorry na, okay? Hindi ko naman alam na nandiyan ka sa likod, e. Malay ko ba,” nakangusong sambit niya na ikinairap ko lang. Kapagkuwan ay sinamaan niya ako ng tingin. “Bakit ka nandito? Dapat ay nasa VIP area ka na , a! Tumakas ka, ‘no?” puno ng pang-aakusa niyang sabi sa akin habang nanlalaki ang mga mata!
Mukha siyang Tarsier sa totoo lang.
“Hindi ganoon!” tumalikod ako sa kaniya huminga ng malalim. “Si Denmark nandito!” sabi ki pagharap ko sa kaniya. Nagtaas lang siya ng kilay sa akin at humalukipkip.
“O, e, ano ngayon kung nandito si Denmark?” walang kagatol-gatol niyang tanong.
“Si Denmark! ‘Yung dati kong manliligaw! Nandito!”
Nanlaki ang mga mata niya at umawang ang nga labi. “Oh my God! Paano ‘yan! Malalaman niyang dito ka nagtatrabaho! Kung ako, ayos lang na Makita niya dahil 18 na rin naman na ako! Ikaw ang delikado!”
“Sige! Takutin mo pa ako! ‘Tang-ina ka talaga!” umakto akong sasabunutan siya kaya naman napasiksik siya sa pintuan! Minsan talaga tatanga-tanga ang babaeng ‘to! Minsan lang may silbi, e!
Biglang may kumatok sa pinto kaya nagkatinginan kaming dalawa. Sumenyas siyang huwag maingay kaya naman tumango ako sa kaniya at lumapit rin sa may pinto.
“Amely? Arielle? Nandiyan ba kayo sa loob? Kulang kami ng servers sa labas, pakibilisan naman diyan!” boses ni Hans!
“Palabas na ako, Hans! Saglit lang!” si Arielle na ngayon ay may bitbit na sanitary napkin. Inipit niya pa iyon sa bra niya bago lumabas. “Lumabas ka na! Magpaalam ka kay Boss! Sabihin mo, LBM!” Pahabol niya pa bago tuluyan na umalis.
Wala na akong pagpipilian kung hindi ang mag-undertime. Babawi na lang ako bukas, tutal ay suspended naman ako ng tatlong araw. Tatlong araw akong hindi makapasok, kaya makakapagtrabaho ako ng mas mahabang oras! Bitbit ang bag ko ay agad akong lumabas, nakalugay na rin ang buhok ko at bahagyang itinakip ko ito sa aking mukha. Nagpaalam ako sa Boss ko na nakikipag-inuman pa rin.
Tahimik akong nagpasalamat nang pumayag siya. Walang lingunan sa counter, diretso akong lumabas sa main door ng bar. Makahinga na sana ako ng maluwag nang makalabas ako. Nakipagtanguan pa ako kay Kuyang Guard na naka-duty ngayong gabi. Malapit na ako sa may kalsada nang huminto ang tibok ng puso ko. Literal.
“Amely?”
Nabato ako sa pumwesto at parang estatwa na hindi makagalaw. Mariin akong napapapikit. Don’t look back, Amely! Don’t! Suminghap ako nang hawakan niya ang braso ko at iniharap sa kaniya. Nagliwanag ang mukha niya nang makita ako.
“D-denmark...”
“I missed you, Amely.” The next thing I know, his lips were pressed on mine.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (25)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
unfair treatment
17/11/2024
0ang ganda sana sa totoong buhay din yung may taong magmamahal Sayo at your worst
11/09/2024
0good
24/07/2024
0Tingnan Lahat