Chapter 12

Chapter 12
Just like what he said, sinamahan niya ako sa guidance office or should I say, inihatid niya ako doon? Wala kaming kibuan habang tinatahak namin ang daan papunta sa guidance office. It’s not like required talaga na mag-usap pa kami hindi ba? I am just his student and it isn’t his responsibility to entertain me.
Hindi na nadugtungan ang pag-uusap namin kanina sa opisina niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nag-si-sink in sa akin ang ginawa niyang paggamot sa sugat ko. Tipid na lamang akong napangiti dahil doon.
“So, what causes for you two to fight?” untag ng guidance counselor sa aming dalawa ni Alana. Nakita kong lumabi siya at maayos na rin buhok niyang sinabunutan ko kanina. Umirap ako sa kawalan at pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib.
“Si Amely kasi…”
Nagpantig ang tainga ko sa sinabi niya. Marahas na tinignan ko siya na ikinaigtad niya. “Anong ako? Hindi naman kita pinapakialaman kanina, sadyang pakialamera ka lang kaya ganito ang nangyari!” I spat and I almost kicked her. Magkaharap lang kami ngayon at isang hablot ko lang sa kaniya talagang hahalikan niya ang sahig, sinasabi ko sa ‘yo.
Nangunot ang noo ng counselor at palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.
“Don’t deny it! You kicked the chair! E, paano kung may natamaan no’n?”
Napalatak ako. “E, wala namang tinamaan a! Kung umasta ka akala mo kung sinong mabait!”
“Amely, calm down!” saway ni Sir Luis.
E, di magkampaihan silang lahat. “Alam mong bawal manira ng school property, paano kung masira ‘yun upuan?”
Pinalobo ko ang pisngi ko, nagtitimpi na baka maihambalos ko sa kaniya ang laptop na nakalapag sa desk ng guidance counselor. Tumayo ako at nilapitan siya, siya naman ay napasiksik sa upuan niya.
“Ano? Nasira ba ‘yung upuan? Hindi naman a, ano ba ipinaglalaban mong ‘tang-ina ka?” nanlalaki ang mga mata kong sikmat sa kaniya.
“Amely!”
He grabbed my arm and then pulled me towards the door. He looked at the counselor and then smiled apologetically. “I’m sorry for her behavior, I promise to take care of this, Ma’am.”
“Yes, Mr. Salcedo, thank you.” Tumayo ito at hinilot ang sintido. “Suspension for three days for the both of you.” She looked at me, “please refrain from bringing damage in the school property, Miss Bautista.”
Umirap ako at lumabas na lang. Suspension! Damn it!
Nahampas ko ang pader sa gilid ko at agad na namula ang palad ko dahil sa ginawa. Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Kung hindi sana nakialaam ang babaeng ‘yon ay sana hindi nangyari ‘to! Paano kapag nakarating ‘to kay Mama? Ano na naman ang sasabihin no’n!
I felt my palm numbed. Pakiramdam ko ay mamamaga iyon dahil sa lakas ng pagkakahampas ko niyon sa pader. Akmang ilalagay ko iyon sa bulsa ko nang may humablot niyon sa akin kaya gulat akong napatingin sa kaniya.
He looked livid. When he touched me palm softly I almost gasp. Hinila ko rin iyon mula sa kaniya nang mapagtantong nakatingin sa amin ang ibang estudyante. I even saw Alana staring at me and then this man beside me.
“What happened to your hand? It’s swelling,” tanong niya sa akin at ang tingin ay nasa kamay kong ipinasok ko sa aking bulsa.
“Nothing. Mawawala rin ‘yan.” I walked away leaving him behind. Hindi na rin ako pumasok sa ilang subject. Para saan pa e, suspended na rin naman ako, thanks to that obsessed girl! Patay na patay kay Celestina. Hindi ko naman aagawin sa kaniya ang babaeng ‘yon.
“Aren’t you going to your classes? Is that how a good student does?”
Napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya habang nakapamulsa pa rin. Hindi ko mawari kung ano ba talaga ang pakay niya sa akin. He is just my teacher, nothing more. Kung mag-alala siya akala mo syota niya ako a.
Pathetic. Why did I even think of that, anyway? Tsk.
“Excuse me, SIR.” Ngumiti ako sa kaniya at Pinagdiinan ang ‘sir’ para alam niya kung ano ang tinutukoy ko. “As far as I can remember, you are just my teacher. Don't ask as if you are concerned of me, because I might misinterpret your intentions.”
His face turned dark but I stand by my decision. Ayaw kong mag-isip ako ng kung ano-ano dahil lang sa mga ginagawa niya para sa akin. Hindi ko Alam kung natatakot ba ako sa kaniya o ano. His back straightened. He smiled at me softly before shaking his head.
“Isn’t that the role of a teacher. We are your educator. And when inside this campus, we are considered as your second parents. Of course I am concerned, Miss Bautista.”
Tumawa ako sa kaniya at muntik pa akong maluha. Kinagat ko ang labi habang nagpipigil ng tawa. Second parents, huh?
“Second parents, you say?”
He nodded, confirming my statement.
“Should I call you, ‘Daddy’, then?” ngumisi ako nang malukot ang hitsura niya sa sinabi ko.
“You, silly girl...” naiiling na bulong niya. Tinalikuran ko siya at kumaway pagkakuwan.
Hindi maalis ang ngisi sa mga labi ko. Daddy, huh. That's nice. HAHAHA.
That afternoon, pumasok ako. Sadyang gusto ko lang na inisin ang teacher na iyon kaya ganoon. Ano naman kung hindi ako pumasok? Dapat kasi sinabi niya na lang na ma-mi-miss niya ako kapag hindi niya ako nakita sa klase niya ngayong hapon.
That's like, ew.
“Good afternoon, Class.”
“Good afternoon, Sir!”
Napairap ako dahil sa ginawa nila. Ang ibang kaklase ko naman ay akala mo sinilaban ang puwit dahil parang mga kiti-kiti kung kiligin. The looks, check. The attitude, check. The brain, check.  He's like a God from Mount Olympus. If Celestina is the Miss Prim and Proper, papasa rin siya sa most neat and clean, sa male division.
He discussed the topic that we are about to tackle up. Hindi ako nahirapan, to be honest, magaling siyang magturo at talagang napapaintindi niya sa amin ang dapat na aralin. He even gave a quiz after the discussion, and the fucking hell, Alana and I got the highest score.
Tumayo si Alana para ipasa ang papel niya. I even saw her smiling sweetly at him. I rolled my eyes heavenwards and what shocked me the most was when I caught him looking at me. Nagtiim-bagang ako at nag-iwas nang tingin nang pabalik na si Lana sa upuan niya.
She looked so happy, kabaliktaran ng reaksiyon ko. Kahit ba sa highest score, may kahati pa rin ako? ‘Tang-ina, lang. Wala na bang mas lalala pa rito? Kasi kung meron pa ay isabay na lang rin sa frustration ko ngayon para isang bagsakan na lang ang disappointment na matatanggap ko.
“Some more papers?” tawag niya pa, halata namang ako ang pinaparinggan niya kasi sa akin siya nakatingin.
Walang ganang inabot ko sa kakalase kong nasa unahan ko ang papel ko at ipinasuyo na ipasa sa teacher namin ngayon.
“Please pass my paper, thanks.” I crossed my arms in front of my chest and then did it also in my both legs. Tinaasan ko siya ng kilay nang magawi ang paningin niya sa akin.
He looked proud, or talagang guni-guni ko lang ‘yon. Bago ako tumingin sa labas ng bintana ay hindi nakatakas sa paningin ko ang pagsilay ng tipid na ngiti sa kaniyang labi.
“Congratulatuons, everyone. I was amazed that all of you passed the quiz today.” He announced.
“Basta ikaw ang magturo, Sir! Walang problema! Sisiw lang para sa amin ‘yan!” pabidang sabat naman ng kaklase kong babae, si Sam. The way she looks at him, I can say that she's attracted to our teacher.
“Pabida talaga...” bulong ko, kasabay ni Alana. Bahagyang nagkatitigan kami at muli na namang nag-iwas mg tingin na para bang walang nangyari. Ugh. Awkward.
“Si Sir Lopez ba ay hindi niyo maintindihan kapag nag-di-discuss?” kunot ang noo niyang tanong sa amin.
“E, kapag nagsusulat sa blackboard, sige lang nang sige! Hindi mag-e-explain kung paano gagawin. Tapos haharap ‘yan sa amin pagkatapos ay tatanungin kami at tatango-tango. Ewan ba namin diyan sa kaniya. Parang may sarili siyang mundo!” reklamo naman ng kaklase kong binabae.
Okay naman para sa akin si Sir Lopez kapag nag-di-discuss. Alam mo ‘yong nagsusulat siya sa board while explaining it, pero hindi niya itinuturo kung saan banda ang mga pinagsasabi niya. Pagkatapos ay haharap siya sa Inyo at magtatanong kung naintindihan niyo ba, at kung ano-ano pa. Kapag slow-witted ka, tiyak bagsak ka.
“Then why didn't you tell him that you didn't understand his lessons? E, di kayo rin ang nahirapan? Nagre-review naman ba kayo before the exams?”
He sounded really concerned. Parang ayaw niyang walang Alam ang estudyante niya, pero bakit kapag sa akin iba ang dating kapag nag-aalala siya? Or, was I overthinking? Baka naman normal talaga ang ganoon sa kaniya, he seems so thoughtful, kaya naman ang daming nagkakagusto sa kaniya.
I've heard that nagkakamabutihan sila ni Miss de Guzman! E, ano naman ngayon? Mas matanda siguro ng dalawang taon sa kaniya si Miss de Guzman, pero— Teka nga, at bakit parang problemado pa ako na nagkakamabutihan silang dalawa? That's just normal since they are both teachers and they need to be civil with each other, right?
The classes went on after him. As usual vacant lot sa third period ko ngayong hapon. I went to the cafeteria to buy foods first since I am really starving. Bumalik ako kalaunan sa gazebo, which is paborito ko talagang tambayan kapag ganitong oras.
I even saw some of my school mates running, siguro ay mag-cu-cutting classes? Napailing na lang ako habang kagat ko ang clubhouse sandwich na binili ko kanina sa cafeteria. I looked up at the sky and saw a bird flying. Sana ganyan din ako kalaya, yung hindi ka dinidiktahan sa kung anong dapat kong gawin.
Malaya mong nagagawa ang mga bagay na gusto mo para sa sarili mo. May kalayaan kang ipaglaban ang pakiramdam mo ay Tama. Pero, napagtanto ko na hanggang tingin lang ako. Nakaramdam ako ng inggit sa ibon na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito, ang sabi, tayong mga tao ang pinakamasuwerteng nilalang na nilikha dito sa mundo. Pero bakit iba ang pakiramdam ko? Pinagkaitan ng pagmamahal ng isang ina, at ama na gagabay sa iyon sa tamang landas.
Pumasok sa isip ko ang ama ko, ang nakabuntis kay Mama. Hanggang ngayon ay nasa isip ko pa rin ang mga salitang binitiwan niya, ang paninisi niya kung bakit nasira ang buhay niya noon. Ano nga ba siya noon? Artista? May masasabi sa buhay? Kinagigiliwan ng lahat?
Pero bakit ako ang sinisisi niya sa mga nangyari? Hindi ko naman kasalanan na nabuo ako, hindi ba? If she's a victim, so am I. Parang ako pa ang kriminal ngayon sa paningin niya.
Yumuko ako at bumuntong-hininga.
I smiled bitterly. Siguro kung hindi ginahasa si Mama ng Ama ko ay hindi rin ako mabubuhay sa mundong ‘to. Sa tuwing nagtatalo kami sa bahay ay hindi niya nakakaligtaan ang pagpapamukha sa akin na bunga ako ng isang kasalanan. Na hindi niya ako ginusto. Kaya ganoon na lamang ang disgusto niya sa akin dahil simula palang, madumi na ako.
I glanced at the gate, I saw a man with a cap, he looked formal, if it wasn't because of the cap who made him look like a criminal. His hands were both in his pockets and I startled when I saw him looking intently at me.
Hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang dibdib ko nang nagtama ang mga paningin namin. My lips quivered because of the emotions I am bottling up. His brown eyes darted on mine, he was just staring at me and I felt so nervous.
Kinapa ko ang dibdib ko at pasimpleng suminghap upang sumagap ng hangin. Heart, come on. You don't know him. Nagkataon lang na nagtama ang paningin niyo. Nagulat ka lang. Yes, that's it.
When I looked at him again, I saw him talking to another man, and after a few minutes he glanced at me for the last time before turning his back and rode the car that parked in front of him. Bakit ganoon na lamang kung makatingin sa akin ang lalaking iyon? Kilala niya ba ako?
“Hoy! Parating na teacher niyo! Tutunganga ka pa diyan! Ayos ka lang ba?” si Arielle na biglang sumulpot sa tabi ko.
“Ano... Ayos lang, una na ako.”
She nodded. Umalis na rin ako doon pero hindi ko mapigilang hindi mapalingon sa gate, umalis na nga talaga yung lalaki.
“Amely, mamaya, ha! Hintayin kita!” sigaw niya pa kaya ikinaway ko na lang ang kamay ko sa kaniya habang naglalakad ako papunta sa room namin.
Ang daming tanong na pinapasok sa isip ko at ni Isa ay wala akong ideya kung paano ko sasagutin. Sino yung lalaki kanina? Kilala niya ba ako? Bakit ganoon na lamang ang kaba ko kanina nang magtama ang paningin namin? I sighed. I'm just being paranoid. Yeah, that's just nothing.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Mirra Balor

    unfair treatment

    17/11/2024

      0
  • avatar
    Razel Agulay Fabre

    ang ganda sana sa totoong buhay din yung may taong magmamahal Sayo at your worst

    11/09/2024

      0
  • avatar
    EddriesAnieja

    good

    24/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata