Chapter 11

Chapter 11
Hanggang sa matapos ang unang duty ko noong gabing iyon, hindi naman na nadagdagan ang nagtanong kung magkano ang gabi ko. Siguro kung bigo ako ay papatulan ko siya kung inuman ang pag-uusapan. Hindi ko rin naman itatanggi na may hitsura ang lalaking iyon.
“Off na natin, ihatid kita sa subdivision niyo?” Alok ni Arielle habang inaayos ang bag niya. It’s past 2 a.m kaya madalang na lang siguro nito ang p’wedeng sakyan.
“Hindi na.” Tanggi ko. “Alam kong pagod ka rin, at saka kaya ko naman, e. Hindi naman kalayuan yung sa amin.”
Tumango siya at tinapik ako sa balikat. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang bag ko at agad na lumabas pagkatapos kong magligpit. Malamig na hangin at tahimik na gabi ang bumungad sa akin nang makalabas na ako.
Napahawak ako sa braso ko nang makaramdam ako ng lamig. Tinahak ko ang daan paalis doon at nag-abang ng taxi na masasakyan. Halos kakahating oras pa ang hinintay ko bago may dumaan na taxi at ipinagpasalamat ko naman iyon.
I breathed softly and said my thank you to the driver after I paid him. Minsan na lang ang mga driver ngayon na matitino, ang iba ay pagsasamantalahan ang pasahero kapag alam nilang mag-isa lang ito. Nakahinga ako nang maluwag nang makababa na ako sa tapat ng subdivision namin.
Mag-a-alas tres na rin nang makauwi ako. I was right. Madilim ang buong bahay. No signs of someone being home. Ako lang talaga mag-isa. Mapait akong napangiti. Ilang buwan kaya ang palugit para makapagbayad sina Daddy? Kasi parang kailan lang noong nabili itong bahay, tapos mawawala rin naman.
I should be positive that we will be able to pay our debts. I slept late and woke up so early, habang nagbibihis ako ay pumasok agad sa isip ko ang quiz namin mamaya sa bagong teacher. Napahilot ako sa noo ko nang dahil sa mga iniisip.
Mamayang hapon pa naman ‘yon, sa tanghali na lang ako mag-aaral na sana ay dapat oras ko ng pagtulog iyon para makabawi ako dahil late na ako nakatulog kaninang madaling araw. Pero kung matutulog ako, e, di absent na naman! I don’t want that! Since Alana is the top of the class, I want to be at the top, too. Hindi pwede na ganito, dahil baka kung ano na naman ang masabi ni Mama sa akin!
Knowing that hag, she’s a perfectionist kahit na siya mismo ay hindi magawang makita ang pagkakamali at pagkukulang niya sa akin bilang ina.
I sat on my chair as I wait for our next teacher to come. Napapapikit ako paminsan-minsan at kapag alam kong pipikit na talaga ako, I would just drink my water and then wait again for another minute. At hanggang sa maubos na ang oras namin sa kakahintay hindi ko mapigilang napamura. I could have just sleep for an hour kung sana ay may notice na hindi kami sisiputin, ‘di ba? Padabog akong tumayo sa upuan at sa sobrang inis ay sinipa ko iyon hanggang sa matumba at makagawa ng ingay.
“Ano bang ginagawa mo, Amely?” si Alana na ngayon ay may bitbit na photocards nila ni Celestina. Umirap ako sa kaniya.
“Why do you care? Tinamaan ka ba no’ng upuan? Hindi naman ‘di ba?” umirap akong muli dahil sa inis. Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng ‘to.
“But it’s a school property, e, paano kung masira ‘yung upuan?”
Nilapag ko ang bag ko sa desk ng kaklase ko na napaatras naman dahil ramdam niya siguro ang galit ko. “E, ‘di, i-report mo ako. Doon ka naman magaling ‘di ba? Bida-bida ka!” inis na sumbat ko at tinulak siya kaya agad siyang natumba.
Maluha-luhang tumingin siya sa akin at agad na nanginig ang mga labi niya. “I’ll tell this to Celestina! You pushed me, you witch!”
Tumawa ako. “Bakit? Por que nakapag-picture kayong dalawa friends na kayo? E, hindi ka na nga pinapansin ngayon, e!” mas lalong nanginig ang labi niya dahil sa sinabi ko. E, totoo naman. Umiling siya at agad na sinugod ako.
“Don’t say that! She loves me! I am her girlfriend! You witch!” umiwas ako nang kalmutin niya ako pero naabot ang braso ko at napangiwi ako nang bumaon ang kuko niya doon. Sinamaan ko siya ng tingin at ginantihan ng sampal! Yes, I slapped her! ‘Yong tipong, matatanggal ang leeg niya sa sobrang lakas.
Halos sumadsad siya sa sahig dahil sa ginawa ko. Naramdaman ko pang dumaloy ang dugo pababa sa braso ko na mas lalo kong kinainis. May trabaho ako mamaya! Oo, waitress lang ako doon pero, ingat na ingat ako sa balat ko lalo na at sensitive ako pagdating sa mga sugat!
She just scratched me and it’s fucking bleeding!
“Ano! Lalaban ka? Hindi kita inaano riyan! Sasabat ka pa kasi!” singhal ko sa kaniya at hinila ang buhok niya, may ilang nalagas dahil sa pagkakahila ko. ‘Yong mga kaklase namin ay todo awat at nag-utos pa na tumawag na ng teacher. The hell I care! Gaganti at gaganti ako!
“Tangina, hoy! Awatin niyo! Makakalbo si Alana kapag hindi pa ‘yan tumigil!”
“Tumawag kayo ng teacher!”
“Si Sir Luis, papunta na!”
Inabot ni Alana ang desk na may libro at kinuha ‘yon bago inihampas sa akin. Pakiramdam ko naalog ang utak ko sa ginawa niya. “Akin lang si Celes! Inggit ka lang kasi hindi ka niya pinapansin. Maldita ka kasi, Amely!”
Hinawakan siya ng kaklase namin nang umastang susugod, ako man ay hinila ang collar ng damit niya at sinakal siya. Nakita ko kung paano namutla si Alana sa ginawa ko. E, 'di magsama sila ni Celestina! Pakialam ko sa kanila! Pareho lang silang mga santa-santita, nasa loob naman pala ang kulo! Akala mo kung sinong mababait!
“Amely!” his voice thundered inside the room. Hindi ako magpatinag, sinakal ko si Alana na ngayon ay halos lagutan na ng hininga.
“Subukan mong kantiin ulit ako, hindi lang ‘to ang aabutin mo—”
I felt an arm snaked on my waist and forcefully pulled me away from Alana. Kumawag ako, gustong kumawala sa kung sino man ang humawak sa akin. Si Alana ngayon ay hinahabol ang hininga at pinapatahan na ng ibang kaklase namin.
“Ano?! Iiyak-iyak ka riyan? Kung hindi ka kasi pakialamera, e, di sana maayos ka pang humihinga ngayon! Bwesit ka!” sigaw ko sa kaniya na ngayon ay malakas na umiiyak.
“Amely! Stop it!”
Hinampas ko ang braso niyang nakapulupot sa baywang ko pero hindi siya nagpatinag, kahit pa na kinurot ko siya at namula ang balat niya at hindi niya ako binitiwan. Nanghihinang sumuko ako sa pagwawala at agad naman siyang nakahinga ng maluwag dahil doon.
“Miss Buenavista, to the guidance room. I’ll bring Amely there by myself,” untag niya at agad akong hinila palabas kaya hindi na ako nakapalag.
Ano! Makikialam siya tapos anong gagawin niya? At talagang guidance pa! Sinasabi ko na nga bang walang mabuting maidudulot ang babaeng ‘yon! Pareho lang sila ni Celestina, mga bait-baitan, ang sarap pagsasabunutan! Argh.
Natauhan ako nang may humawak sa braso ko at agad na nilagyan ng gamot ‘yon. Nakatanga lang ako sa kaniya na sobrang tutok sa ginagawa. Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit, at aaminin kong sobrang gwapo niya.
Ang magkasalubong niyang kilay na mas dumagdag sa atraksiyon na nararamdaman ko ngayon para sa kaniya. Napalunok ako ng wala sa oras nang hipan niya ang sugat ko, ingat na ingat siya sa ginagawa at parang may daga sa loob ng dibdib ko at hindi mapakali!
I froze when he looked at me. His black orbs staring intently at me making my hair on my nape rose in fright. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil sa kaba. Doon ko rin napagtanto na nasa opisina niya kami, medyo maginaw rin dahil sa aircon.
I felt him shifted from his position, I looked at him once again before taking off my eyes off of him.
“Tell me, bakit kayo nag-away? You even had a scratch on your arms.”
Nag-init naman ang ulo ko. Anong pakialam niya? It’s not like I am his responsibility to take care of. I wonder what does he want from me at ganito siya kung umasta? Hindi na ako magtataka kung may kailangan siya, kasi ganoon naman talaga ‘di ba? Hindi ka naman lalapitan ng isang tao kung wala siyang kailangan mula sa iyo.
I made a face. “Why do you even care, Sir?” I spat.
“You’re really feisty, but I don’t like the way how you treat me, I am still superior than you.”
Natawa ako at tinignan siya na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. I saw how his nose crunched because of confusion in my sudden reaction, but damn boy, he’s really hot.
“Gusto mo bang pumunta sa City Hall?” tanong ko ng wala sa sarili na ikinakunot ng noo niya.
“And what am I gonna do there, huh?” he looked pissed and I secretly smiled. I want to see his reactions, when he’s mad, confused, frustrated, jealous and all, I felt like I just achieved something when his jaw tightened.
Ngumisi ako. “Doon mo ipaglaban ang pagiging superior mo kaysa sa akin. Malay mo, may makinig diyan sa hinaing mo.” Hinawi ko ang buhok at humagalpak.
Napapapikit siya ng mariin at gumalaw ang panga niya. Tila pinipigilan ang sarili na ihambalos sa akin ang first aid kit na nasa tabi niya. Nang magmulat ito ng mata ay agad kong nakasalubong ang tingin niya. Agad akong napalabi at napaiwas ng tingin dahil sa kahihiyan.
Wow. Just fucking great.
It was supposed to be a joke, but he didn’t laugh. Gusto ko siyang suntukin sa mukha dahil pagkapahiya ko. I was just trying to lift up the mood pero parang pinalala ko lang lalo. Napaigtad ako nang lumapat palad niya sa pisngi ko.
Hindi ko siya kayang tignan, pakiramdam ko nalulunod ako kapag nakipagtitigan ako sa kaniya. He has this scary aura around him that I have been avoiding. Yes, I want to see his reactions, but I just can’t make him mad dahil pakiramdam ko parang sinentensiyan ako ng habang-buhay na pagkakabilanggo.
“Is that a joke? Am I supposed to laugh?” he asked innocently. I was just gaping at him. I’m like, ‘what the fuck is happening?’ I can’t believe him. He has this confused look on his face that made me burst out laughing.
He’s already what? 23? 24? Damn, I just can’t.
“Why are you laughing Miss Bautista?”
Umiling ako at pinunasan ang luha dulot ng sobrang pagtawa. “I… wait—” tumikhim ako at kinagat ang labi para pigilan ang pagtawa. Is he serious? Wala bang sense of humor ang lalaking ito? Huminga ako ng malalim bago ngumisi. “Seryoso ba ‘yan? H-hindi mo na-gets ‘yong joke ko?”
He sighed and then stood up, bringing the kit with him. I was just looking at him while he walk towards the comfort room to return the kit that he used to treat me a while ago. Napadako ang tingin ko sa braso kong kinalmot ni Alana. Naka-bandage na ito ngayon at wala sa sariling hinaplos ko iyon.
Is he always like this to his students? Did he treat some his students when they got hurt like me? With that thought I got pissed. Hindi ko alam kung bakit. Iniisip ko pa lang na ginagamot niya ang ibang babaeng estudyante niya ay kumukulo ang dugo ko. Like, what the heck is wrong with me?
Sumimangot ako. E, ano namang pakialam ko kung gamutin niya sila? E, di sana naging nurse na lang siya kung ganoon! Buwisit.
“Why are you frowning? You look like you’re about to kill someone with that look in your eyes.”
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinagpag ang palda. Tahimik lang siyang nakasunod na nakatingin sa ginagawa ko. Inilibot ko ang paningin sa opisina niya. I am impressed, his office is very neat, nilibot ko ang office niya and I saw some of his certificates. So he’s really that intelligent?
Nang makita ko ang mga achievements niya nanlumo ako at hindi ko mapigilang ikumpara anv sarili ko sa kaniya. Walang-wala ang mga na-achieve ko sa mga naabot niya. Parang sobrang baba ko para sa kaniya. My lips turned thin when he held my elbow.
“Is there any problem?”
“Wala. Just tired.”
Tumango siya. “Let’s go to the guidance office. Hindi ko alam kung bakit ka nakikipag-away but can you please stop having a catfight? It’s not good for your image since you’re one of the top students in your class.”
I just nodded my head eagerly, absorbing every word that he said. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang pagsabihan ako nang hindi ako nagagalit. Kung si Mama siguro ang sumaway sa akin ay baka nagbangayan na naman kaming dalawa na mauuwi sa sampalan.
I’m glad that he’s concerned though. I hope he is.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Mirra Balor

    unfair treatment

    17/11/2024

      0
  • avatar
    Razel Agulay Fabre

    ang ganda sana sa totoong buhay din yung may taong magmamahal Sayo at your worst

    11/09/2024

      0
  • avatar
    EddriesAnieja

    good

    24/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata