Di ko namalayan na tuluyan na pala akong nakatulog habang karga ako ng lalaki na nagtakas sakin. nagising nalang ako at tumambad sa akin Ang puting kisame sinuyod ko Ang buong paligid at Doon ko lang nalaman na nasa hospital pala ako, naka private room dahil nagmumukhang kwarto Ang paligid ko, nakaswero ako at may sterile gauze bandage sa ulo ko, dahan dahan Ko itong kinapa ngunit napangiwi ng bigla itong sumakit. " hey are you ok? " tanong bigla ng Kung sino " y-yeah " Saad ko at kaagad na tiningnan kung sino ito, ngunit di ko siya nakilala " I'm the one who brought you here, ako Yung naksama mo don sa pagtakas sa warehouse " pagpapakilala niya " ahhh salamat nga po pala " pagpapasalamat ko sa kanya " Ako si Jason, for the meantime kailangan mong magpagaling dito bago ka umuwi, I sent some notice to your school Kaya excuse ka muna sa klase " aniya napahinga ako ng maluwag ng marinig iyon, ngunit iniisip ko si Kyla " don't worry about your friend shes ok " sagot niya na para bang naririnig niya Ang iniisip ko " we'll talk more when you have enough energy, take some rest ms. tolentino " Saad niya Saka naglakad paalis naikunot ko Ang nuo ko sa tawag niya sa akin, sisigaw sana akong Mali Ang natawag niyang apilyedo sa akin ngunit nakaalis na kaagad ito.
baka namali lang talaga humiga ako ulit at pinahinga Ang sarili habang nakapikit Ang aking mga mata. akala ko Yun na Ang huli, akala ko Yun na Ang huling araw ng buhay ko, Hindi pala, salamat sa tumulong sa akin. pero Ang malaking tanong ko, sino sila? at paano nila nalaman Ang sitwasyon ko? Hindi Kaya Sina Kyla Ang manghingi ng tulong sa kanila? baka nga. nakatulog ako sa labis na pagiisip, nagising nalang ako dahil sa nurse na tinitingnan Ang swero ko sa kamay " good evening ma'am " bati sa akin ng nurse " kamusta po Yung ulo niyo? " tanong naman niya sa akin " ok naman di na siya masyadong masakit pero nararamdaman ko parin Yung kaunting kirot " Saad ko tumango tango Ang nurse at may isinulat sa dala dala niyang chart " excuse me ma'am tatawagin ko lang po si sir Jason " paalam niya, tumango lang ako naghintay lang ako at pilit na tinulungan Ang sariling tumayo Mula sa pagkakahiga " let me help you " tugon ni sir Jason at kaagad akong tinulungan " anong gusto mo? nagugutom ka na ba? " tanong niya ng makaupo na ako " gusto ko po nung prutas " nahihiyang turo ko sa apple na nasa gilid " kung ganon ipagbabalat Kita " aniya at kaagad kinuha Ang dalawang apple at hinugasan ito, pagkatapos ay umupo siya sa upuan na nasa gilid ng kama at nagsimula ng magbalat ng mansanas. habang nagbabalat siya ay nakatingin lang ako sa ginagawa niya ng biglang may pumasok sa isip ko " sir Jason pwede po ba akong magtanong? " tanong ko " oo naman " sagot niya " ano pong pangalan nung babaeng kasama niyong sumagip sa akin? " tanong ko, natigilan siya sa ginagawa niya ngunit nagpatuloy din naman kaagad " makikilala mo Rin siya mamaya " tanging sagot niya, tumango tango nalang ako " sir may Isa pa po akong tanong " Saad ko pa " hmmm " tugon niya " paano niyo po nalaman Yung nangyari sa akin? mga Kaibigan ko po ba Ang nag report sa inyo? " tanong ko huminga siya ng malalim at binigay sa akin Ang mga nahiwa niya ng mansanas, kumuha naman ako ng Isa at kinain " malalaman mo Rin iyan mamaya " sagot niya " eh sir jason--" naputol Ang sasabihin ko ng sunod sunod Ang biglaang pagpasok ng mga tao napatingin kami kaagad Doon sa pinto at napakunot Ang nuo ko sa kanila, kahit si sir Jason ay napatayo na Rin, nakaramdam ako ng takot Kaya dahan dahan Kong iniangat Ang kamay ko at hinila Hila Ang Jacket ni sir Jason, nilingon niya ako at binigyan ng ' ok lang Yan ' look. nakalinya Ang mga kalalakihan na katulad ng suot ni sir Jason, mga matitikas din katulad ni sir Jason ilang minuto din ay bigla na namang pumasok nagulat ako ng mapagtanto Kung sino iyon " kuya josh?.... dad? " nagtaka ako Kung bakit sila andito kasama Ang mga kalalakihan na ito " Rhian are you ok? " tanong ni kuya josh habang sinusuri ako " I'm fine " sagot ko, natahimik kami ng may biglang kumatok sa pinto, nilapitan ito ni sir Jason at pinapasok at tuluyan na akong napa nganga sa nakita, sunod sunod na nagsi pasukan si tita Gloria at Tito jhony at Ang kasunod non.....si Mama nakatingin lang ako Kay mama habang dahan dahang pumapatak Ang mga luha sa aking pisngi. she was staring at me crying, humakbang siya papalapit sa akin ngunit huminto din Hindi ko alam Ang gagawin at Kung anong nararapat na reaction ko habang nakatitig sa kanya, nagsi alisan Ang mga lalaki ganon din si sir Jason, Kung Kaya naiwan kami dito kasama sila kuya, daddy, tita at Tito. " Rhian baby " tawag niya sa akin at lumapit, akmang hahawakan niya Ang kamay ko ng ilihis ko ito, Hindi ko inaasahan na ganito, Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa ganitong sitwasyon. she's wearing the same clothes nung babaeng nagligtas sa akin kanina don sa warehouse, no wonder nung sinabihan niya akong magiging ok na Ang lahat, gumagaan Ang pakiramdam ko, it explains everything Kung paano nila nalaman Ang sitwasyon ko. " Rhian anak ko I'm sorry " iyak niya sa harap ko " why ma? saan ka galing? bakit mo kami iniwan? bakit mo nagawang iwan kami? bakit?! " tanong ko sa kanya, ngunit Ang himpit na pag iyak niya lang Ang sagot niya dati lagi Kung sinasabi na kapag magkikita na kami itatanong ko lahat lahat ng tanong na nasa isip ko, ngunit kabaliktaran ngayon, parang Isa lang Ang namumuong tanong dito sa isip ko bakit? " napaka komplikado ng lahat dati anak Kaya kailangan ko iyong gawin " panimula niya " k-kailangan ko kayong iwan sa auntie niyo, kailangan Kong magpakalayo layo para sa kapakanan ninyo, upang di kayo mapahamak " iyak niyang pagkukwento napaupo siya at humagolgol, pinapanuod ko siya habang umiiyak, nagsimula ng sumakit Ang lalamunan at Ang dibdib ko, pinipilit Kong huwag ngumawa sa harap niya. " in how many years Rhian alam ko Ang lahat " sabat ni kuya josh " ano? " gulat Kong tanong sa kanya, nakayuko siya at di Kaya akong harapin " nagawa mong gawin akong tanga kuya?! pano mo nagawang magsinungaling sa akin? nagawa mong i-ignore Yung mga tanong ko Kung asan si mama?! paano mo nasikmurang magsinungaling sakin kuya?! " at Doon na bumuhos Ang iyak ko Hindi ako makapaniwala na nagmumukha lang pala akong tanga sa harap nila " bata ka pa non Rhian " paliwanag ni kuya " kahit nung nagkaroon na ako ng maayos na pagiisip at Kaya Ng unawaain Ang lahat? ganon ba ako kabobo sa paningin mo kuya? " tanong ko Kay kuya " Hindi sa ganon--" " kung ganon bakit?! bakit di mo nagawang sabihin sa akin kuya, nagmumukha akong tanga kakahanap ng sagot! Ang saya saya ba?! ang saya bang makitang nahihirapan ako? at nagmumukhang tanga?. sobrang hirap na kailangan Ko pang kumbinsihin Ang sarili ko na lumaban kahit na sukong suko na ako " iyak ko sa harap nila tahimik silang lahat at walang sino man Ang nag abalang magsalita " kailangan ko pang mag sinungaling na ok Ako pero Hindi ako ok, Hindi ako ok...kahit kailan hindi ako naging ok...simula ng iwan mo ko ma, dahan dahan na din silang umaalis sa Buhay ko, di niyo man napapansin pero dahan dahan niyo akong sinasaksak, Yung pamilya na dapat kasangga ko sa lahat ng problema iniwan ako, ginawa akong tanga " Isa Isa ko silang pinagtuturo, pinaparamdam ko sa kanila Ang Galit at sakit na nararamdaman ko " anak makinig ka...h-hindi ko gusto lahat ng nangyayari, kailangan Kong gawin iyon sapagkat nanganganib kayo, kapag patuloy ko pa kayong makakasama siguradong kayo Ang pupuntiryahin ng mga kalaban, Kaya kahit masakit man na iwan ko kayo nilunok ko Yung sakit para lang sa kaligtasan niyo, lalo ka na " pagpapaliwanag niya sa akin habang nakaluhod sa sahig " nung araw na iwan Tayo ni mama Hindi ko din alam Ang dahilan niya, hangang sa tumuntong ako ng highschool at nasa elementary ka palang, nalaman ko Ang lahat, pinakiusapan nila ako na itago sayo dahil sobrang bata mo pa para maintindihan Ang mga ganong bagay. hangang sa nag highschool ka pilit parin naming itinago sapagkat ayaw naming masaktan ka at mahirapan Hindi gaanong normal Ang pagkatao mo Rhian " pag Amin ni kuya " josh " tawag ni daddy Kay kuya " no dad enough, kailangan niyang malaman Ang lahat " aniya " a-anong kailangan Kong malaman? " tanong ko, parang umurong Ang luha ko at napalitan ng kaba nagtinginan muna silang lahat " Rhian....lahat ng mga nangyayari ay may mga nakatagong rason " sabat ni tita Gloria " ano pong ibig niyo pong sabihin? " tanong ko habang litong lito sa mga sinasabi nila " huwag niyong biglain Ang bata kakagaling lang niya sa---" natigil si daddy sa pagsasalita ng sumingit ako " no dad sabihin niyo ngayon sa akin lahat ng kailangan Kong malaman " seryoso Kong Saad Kay daddy Saka binalingan si tita gloria " tita Gloria ano Yung mga dapat Kong malaman? " tanong ko Kaya tita " Hindi ko alam Kung saan sisimulan ngunit sige simulan natin nung iwan kayo ng mommy niyo, humingi siya ng tulong sakin Kaya kinuha ko siya at pinatira kasama namin ni Tito Johny mo sa Australia, I recruited her as a secret agent, and the mission is to protect you against your Tito Damian. " Saad niya nanlaki Ang mata ko at nilingon si mama she's a secret agent? Kaya ba ganon Ang mga taong kasama niya? " sino si Tito Damian? " tanong ko ulit habang nakatingin kay mama " he's....he's the brother of your father " sagot ni tita gloria " kapatid ni daddy? " tanong ko habang nakatingin Kay daddy " no...your...your real dad " tugon ni tita Gloria na mas ipinagtaka ko " real dad? " tanong ko habang nakakunot nuo akong nakatingin Kay tita Gloria napakagat labi si tita Gloria animong nagaalinlangan na sagutin Ang tanong ko " ang kinalakihan mong tatay ay di mo talaga totoong tatay " si kuya josh na Ang sumagot sa tanong ko Kaya sa kanya nabaling Ang tingin ko " what do you mean? " tanong ko sa kanya " mom " tawag ni kuya josh Kay mommy Kaya dahan dahan Kong binaling Ang tingin ko Kay nanay na nakasalampak parin sa floor " Daniel tolentino, anak Nina simon at danica tolentino Ang Lola at Lolo mo, si Daniel tolentino Ang totoo mong tatay. nung araw na ipinanganak ka Yun Yung araw na naging sakim si damian, nalaman niyang maliit lang Ang makukuha niyang Mana kaysa sa tatay mo dahil halos lahat ng ari-arian ng tolentino ay ipinangalan sa iyo ngunit Ang kompanya ay sa tatay mo napunta, tanging mga iilang lupain lang Ang ipinamana sa Tito Damian mo. Kaya niya naisipan na ipapatay Ang tatay mo, aksidente Ang pagkamatay sa tatay mo. p-papauwi na Sana siya non nang biglang mabangga Ang sinasakyan niya ng isang ten wheeler truck, di na siya nakaabot ng hospital diniklara na siyang dead on arrival. I was so depressed that time because you were just a baby " aniya habang umiiyak nagsimula na uling nagtubig Ang aking mata habang pinapakinggan Ang bawat kwento niya " isang araw nalaman Kong si damian pala Ang dahilan ng lahat ng iyon, namatay Ang Lola mo sa heart attack dahil din Kay Damian, Yung Lolo mo naman ay namatay sa katandaan. lahat ng iniwang mga yaman ng Lola at Lolo mo ay sayo napunta, pati Ang kompanya na ipinamana ng Lolo mo sa tatay mo ay sayo din napunta, Kaya nung malaman niya iyon ay kaagad kitang inalayo, Ang daddy ng kuya josh mo Ang nakasagip sa atin, inampon niya Tayo tinuring niya tayong totoong pamilya " Saad pa niya nabaling Ang tingin ko Kay kuya josh Hindi kami magkapatid? Hindi ko tunay na ama si daddy? " nalaman Kong pinaghahanap Tayo ni Tito Damian mo Kaya agad Kong pinalitan Ang pangalan at apilyedo mo " bunyag niya pa " pa-pangalan? " nauutal Kong tanong " oo sa totoo lang h-hindi Rhian Jimenez Ang totoo mong pangalan " pag Amin ni mama " a-anong kalukuhan to? Hindi Yan totoo! " sigaw ko " anak, lyra Maia tolentino Ang totoo mong pangalan " nakayuko niyang Amin sa akin ng marinig ko iyon ay unti unting bumibigat Ang aking pakiramdam, at parang gusto ko nalang umalis dito " Hindi Yan totoo " Ani ko sabay Tayo at bunot sa swero ko " Rhian " awat sa akin ni kuya ngunit itinulak ko lang siya " ayokong maniwala, Hindi Yan totoo! Hindi! " sigaw ko Saka akmang tatakbo papuntang pintuan palabas, ngunit napatigil ako at napapikit ng biglang sumakit Ang ulo ko na parang pinipiga ito sinubukan Kong imulat Ang aking mata ngunit umiikot lang Ang paningin ko at parang Yung pandinig ko ay lumalabo din, napaupo ako ng biglang sumakit ng sobra Yung ulo ko don parte sa hinampas. kaagad nila akong nilapitan ngunit di ko masyadong marinig Ang kanilang Boses para lang itong nag eecho, pati Ang paningin ko ay di na din normal. Ang huling nakita ko ay tumakbo palabas si tita Gloria bago ako nawalan ng Malay. _______________________________
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (22)
Kian Jerald G. Belleza
kian
19/08/2024
0
LegaspiEdelita
magkakaibigan na mababait mapagmahal. Kaso may nagbago Ang ugali.. pero masasaya Naman Sila at turingang parang magkakapatid na.
kian
19/08/2024
0magkakaibigan na mababait mapagmahal. Kaso may nagbago Ang ugali.. pero masasaya Naman Sila at turingang parang magkakapatid na.
08/08/2023
0nice
18/07/2023
0Tingnan Lahat