Homepage/The Princess with a Curse/
Kabanata 17
"Nakita ko na po ang anak ni Mrs. Lapid," saad nito. Nalaglag ang panga ng ginang. Tuluyan na siyang natulala habang nakatingin sa akin. She came back to her senses when the person on her front spoke. "Hey mom. Are you alright?" binalot ng pag-aalala si Kean. She nodded with him. Marahang hinila ni Kean ang mga braso ko para iharap sa nanay niya.
"C-an I see your face?" her soft voice broke because of sudden emotion. Nagtataka man sa inaasta niya, ngunit tumango na lamang ako. Nangangatal ang kamay niya habang hinahawi ang balabal sa aking mukha.
Nalaglag ang balabal ko ngunit sa isang iglap natagpuan ko na lamang siyang umiiyak habang unti-unting lumuluhod sa harapan ko. My eyes widened with shock and I found myself speechless. Maging sina Kean ay hindi rin inasahan ang nangyari. Bigla akong naawa sa kalagayan niya kaya lumuhod ako upang itayo siya. "Are you okay Ma'am? May masakit po ba?" saad ko.
Ngunit dumampi ang nangangatal niyang palad sa aking braso. Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. She looked at me sadly. Sandali akong napatitig sa mga mata niya at nalaman kong puno ng hinagpis at pagsisisi ang nararamdaman niya. "You look like him. I hope someday you will forgive me, Iha. Please, forgive me," she repeatedly apologized to me. I remained silent and confused. I turned to the two men, but they were both deep in thought. Hinayaan ko lamang siyang umiyak sa aking balikat at pagkaraan ay kumalma na rin siya. Sandali kaming nagkatinginan ni Kean at napabuntong-hininga siya habang inaalalayan ang kaniyang ina upang umupo.
Ngayon ay pareho na kaming nakaharap sa isa't-isa. Masiyadong mabigat ang nangyari. Hindi ko alam ang iisipin ko. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bakit naging ganito ang reaksyon niya kanina? Bakit siya humihingi ng tawad sa akin? May atraso ba siya sa akin? Kuryoso akong nakatitig sa kanilang lahat. Nagkatinginan kami ng ginang. Her stare seems examining me. May lungkot at panghihinayang sa kaniyang mukha. She cleared her throat. I think she didn't know what to say. No. Scratch that. She's too afraid to talk.
Then she tried her best to talk casually in front of me. "You are Claire Lessey Lapid, the daughter of Vladimir Lapid and Estrella Lapid, aren't you?" seryoso niyang tanong. Tahimik akong tumango kahit na bahagyang nagtataka sa mga ikinikilos niya at kung paano niya nalaman ang buong identity ko. Ngunit noong magsalita siya, saka ko lamang nalaman na mukhang kilala niya sina nanay Estrella.
Mabigat siyang napabuntong-hininga. "It's has been a long time since last I saw your parents, Claire. I'm sorry to hear this, pero nakikiramay ako sa nangyari. Kumusta ka na?" Puno ng pag-aalala ang boses niya. Mapait akong tumingin sa kawalan. "Naging mahirap po sa una, pero unti-unti ko na rin pong tinanggap ang lahat," tipid kong sagot.
Bumaling ako sa mamahaling furnitures sa bandang gilid upang hindi nila makita kung gaano kasakit para sa akin ang pagkamatay ng mga magulang ko. Napatitig ako sa malaking glass windows at mamahaling tela ng kurtina. Lumingon lamang ako dahil sa pagtikhim ng matandang lalaki. Nakita ko ang matiim na titig ng tatlong nilalang sa aking harapan.
Pormal na nagpakilala sa akin ang nanay ni Kean. "I'm Principal Carmela Dimacuha. Estrella and I have been friends since childhood." My mouth hanged open. Pakiramdam ko'y tumigil ang pag-ikot ng mundo ko dahil sa nalaman. She's the one I'm looking for! But my mother told me that her friend was a teacher. Samantalang principal na siya ngayon. Saka ko lamang naunawaan ang lahat, kung bakit naging emosyonal siya.
Nagpakilala sa akin si headmaster Claveron. Matalim siya kung makatingin at laging nanunuya. Tinatanong niya ako tungkol sa kakayahan. "So, aside from your mother side, what special ability do you have? I mean, because your parents are both not ordinary, I think it's possible that you inherited your father's ability Ms. Lapid," headmaster said. I was silenced by deep thought. Hindi ko alam ang sasabihin ko, ngunit sabi ni nanay Estrella magpanggap daw ako bilang Lapid. Ngunit wala akong kaalam-alam sa kakayahan ni tatay Vladimir dahil totoong inilihim nila sa akin ang lahat.
Huminga ng malalim si Kean at siya na mismo ang sumagot ng makitang natahimik ako. "She doesn't know anything because she grew up as a mortal, headmaster," singit niya. Headmaster understood that immediately. I looked at Kean. Kumindat siya sa akin ngunit nagsisimula na akong magsuspetsa sa kaniya. Mukhang marami siyang nalalaman at ayaw niya lang sabihin sa akin.
Napabuntong-hininga si headmaster Claveron at nilinaw sa akin ang dahilan kung bakit ako naririto. "But you're not an ordinary person, Ms. Lapid. We are a Westeran, you are not here at the Academy to study algebra and study basic subjects. You are here to train how to use the special abilities you have. In other words, only magic revolves around this world," saglit siyang natigilan dahil naglapag ng inumin si Kean. Pinagmasdan niya kung paano ako kumilos ng pino dahil ipinagsasalin pa ako ni Kean ng mainit na inumin upang hindi mapaso. Doon siya lalong nairita.
Kumunot ang noo niya. "And you will study here as a servant in our empire and not live like a princess, kailangan mong tanggapin sa sarili mong hindi ka ordinaryo at alisin ang nakasanayan mo bilang tao dahil ayaw ko ng lampa sa mga estudyante ko," he seriously explained to me. Natahimik ako. Mukhang inakala niya na wala akong alam sa maraming bagay.
Principal was worried about me. Mabilis niyang pinagsabihan si headmaster na 'wag akong ipahiya at takutin. Hanggang sa nagtatalo na sila. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nanahimik na lamang ako. Mukhang ayaw sa akin ni headmaster Claveron. Ang totoo, hindi naman talaga sumama ang loob ko. Naunawaan ko ang gusto niya, mukhang ayaw niya talaga ng lampa at dumidepende sa iba.
"How old are you, Ms. Lapid?" biglang tanong ni headmaster na ngayon ay nakatitig na ulit sa akin. "Twenty po." I choked out. Pakiramdam ko'y nawalan yata ako ng boses. Nagtaka ako dahil bigla silang nagkatinginan. Principal Dimacuha and headmaster is turned to my direction seriously.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (33)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
wahhh! exciting! 🖤🖤🖤🖤 Keep writing, author!
17/04/2022
0the best app ever
11/08/2024
0ganda ng movie
20/07/2024
0Tingnan Lahat