Homepage/Chasing Behind Her Story/
Chapter 29
Maaga kaming gumayak ni Brennon at agad na nagtungo sa OB ko. Masyado kasing excited ang isang 'to.
“Oh!! Your wish granted, Mr. Casiendero. It's a baby girl.”
Kuminang ang mga mata ni Brennon matapos ang narinig. Hinawakan n'ya agad ang aking kamay at gumawad ng halik sa aking pisngi.
“Amore Dolunay.”
Namilog ang aking mata. That name is so freaking cute. Wala pa nga akong naiisip na pangalan, meron na agad siyang nabanggit.
"Amore for love and Dolunay for full moon. Loving the moon,” saad ko naman.
Hindi ko mapigilan ang maluha. I really am a mother now. Hinihintay ko na lang ang paglabas ng anak ko.
“For sure, this child will be the most gorgeous and center of attraction. Ang ganda ng ina at ang gwapo ng ama. This child will slay, I promise,” natutuwang sabi ng doktor.
“Hahayaan ko bang hindi maging maganda ang anak ko?” lakas loob na utas ni Brennon kaya natawa kami.
“Hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan dahil magiging maganda ang anak mo,” humahagikgik na sabi ng Doktor.
Pagkatapos naming magpakonsulta ay hindi na ako tinigilan ng isang ito sa pangungulit. Kanina pa n'ya nagngungutngot na pumunta sa damitan ng mga baby.
“Masyado ka namang atat, may 3 months pa!”
Hindi ako nagpatinag sa pangungulit n'ya. Wala na akong lakas para maglakas, masyadong matirik ang araw at kanina pa ako pinagpapawisan.
“Magtataxi tayo, hindi kita hahayaang maglakad.” Bakas sa tono nito ang pagkaseryoso.
“I don't want to go! Ang init-init. Kung may gusto kang ipabili, sasabihin ko na lang kay Mama kapag dumaan s'ya sa grocery.”
Mukha namang sumuko na s'ya sa pakikipagtalo kaya tumango na lang ito at hinawakan ang aking bewang.
“Grabe naman, napaka-overprotective.”
Sumulyap ang maliit na ngiti sa labi n'ya kaya napatingin ako rito.
“I just want to make sure that you're safe at every step you take.”
“Anong tingin mo sa akin, tanga-tanga?” I said in disbelief.
“Hindi mo masasabi kung kailan ka matatapilok o matalisod, kaya mas mabuting alalayan kita.”
Pumara s'ya ng taxi at pinagbuksan ako ng pinto. Siniguro n'ya munang ligtas ang hahakbangan ko bago ako tuluyang makapasok.
Umiling ako. Parang matanda tuloy ako tignan. Kung makapag-alalay ay sobra-sobra.
“Good afternoon, Ma.” Agad akong naglakad papunta kay Mama at humalik sa pisngi. Pagkatapos no'n ay humilata agad ako sa upuan at naghanap ng makakakain.
“How was it?” Nakangiting tanong ni Mama. Nakita ko naman ang mga pinsan kong nagsisitakbuhan papunta sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Cairo na nakangiti sa akin.
“Oh my god!!” Napatayo ako sa gulat, hindi ko inaasahang ang highschool lover ko ay nandito. Hindi maiwasang matawa.
“Oo naaa!! Nandito na ako! I miss you!” Mahigpit na yakap ang sinalubong n'ya sa akin. Ito 'yong lalaking crush na crush ko noon. Miyembro s'ya dati ng Highest SG ng school namin.
Highest Special Grade kumbaga. Explain ko. Sa Highest SG kasi, nandoon lahat ng estudyanteng matatalino. Sinali sila ro'n dahil sila ang mamumuno sa buong campus. At kapag nakasama ka sa grupo nila, wala kang gagawin kun'di tumunganga, maglakad-lakad sa labas ng classroom n'yo. Marami ang nangangarap na mapasama sa rango na iyon, ngunit walang mga estudyante ang pumapasa sa mga pagsusulit na binibigay ng SG.
Kahit ako, sumubok ako para lang makita s'ya araw-araw pero hindi ako pumasa, nakakahiya mang sabihin pero sampu lang ang naitama ko sa isang daang mga tanong.
Nakilala ko s'ya dahil kapatid s'ya ni Jiji. Lagi namin s'yang pinupuntahan sa may library dahil madalas namin s'yang nakikita roon. No'ng una ay halos buhusan na ako ng isang baldeng yelo dahil sa lamig ng pakikitungo n'ya sa akin. Nagpapatutor ako sa kan'ya ng mathematics naming napagkahirap-hirap.
Magkaklase rin naman kami ni Brennon pero lagi s'yang bisi sa pakikipagkwentuhan kasama mga tropa n'ya sa Canteen. T'wing launch, lagi akong nasa library pagkatapos kumain.
Actually, alam ko naman 'yong math lesson namin kaso gusto ko lang talaga s'ya makita araw-araw, tapos lagi kong naaamoy 'yong damit n'yang saksakan ng bago.
“Hoy, tama na ang pagtitigan. May nagseselos.” Napatingin ako kay Brennon na umuusok na ang ulo at mariin na nakatingin sa akin.
“How's the baby?”
Napangiti ako sa kan'ya. Kinikilig kasi ako hindi dahil crush ko s'ya noon, kun'di natutuwa ako dahil hindi ko s'ya inaasahan dito.
“Healthy, it's a girl,” giit ko.
“Babae?! Omg!! Magiging close ko 'yan for sure,” asik ni Jiji. “Kuya, sayang ka!”
“Anong sayang?” Nagkunot-noo ako.
“May gusto 'yan sa'yo, ayaw n'ya lang sabihin.”
Napaismid ang lahat nang marinig ang malakas na pagsara ng pinto. Nilingon ko si Brennon at nakitang wala na s'ya sa pwesto n'ya.
“Ang daldal mo kasi, 'yan tuloy.” Napasapo sa noo ni Cairo.
“Naku! Wala lang 'yon, ako bahala ro'n. Mauna muna ako.”
Nagpaalam muna ako sa kanila bago tumahak papuntang kwarto.
“Hoy!” singhal ko nang makapasok dito.
“Kailan pa ba 'to matitigil, Saturn.” Humarap s'ya sa akin at kita ang galit sa emosyon nito.
“Huh? Alin ang matitigil?”
“Inis na inis ako sa t'wing tumitingin ka sa ibang lalaki, inis na inis ako kapag nakikipagtitigan ka sa kanila. Naiinggit ako dahil ang ganda ganda ng ngiti mo kapag iba ang kaharap mo samantalang kapag ako ang kumakausap sa'yo lagi mo ako sinusungitan. You can't even smiled at me for ten seconds! I hate it, sobra akong nagseselos dahil pakiramdam ko hindi ka masaya sa akin! Baby, I'm jealous.”
Napalunok ako dahil sa lakas ng boses n'ya. Wala akong masabi, halos hingalin na s'ya sa sobrang dami ng sinabi n'ya.
“Nagseselos ka lang pala ang dami mo pang sinabi.” Tumawa ako.
“See, you're always like this! Lagi mong binabara mga sinasabi ko sa'yo!”
“Anong gusto mo, makidrama rin ako sa'yo?”
May parte sa akin na medyo na konsensya sa kan'ya. Mukhang seryoso talaga s'ya dahil ang lungkot ng mga mata n'yang nakatingin sa akin.
“Masaya lang talaga ako kasi s'ya 'yong first love ko noon. Hindi ko naman inaasahan na pupunta s'ya rito para dalawin ako. I'm not inlove with him anymore, wala na ako sa nakaraan ko. Pero isa lang ang nanatili sa mga nakaraan ko, kun'di ikaw, you are my past, present and future.”
Hinalikan ko ang pisngi n'ya at mahipit s'yang niyakap.
“Handa naman akong makipag-agawan. Kahit noon ay sinugal ko ang buhay ko para sa'yo.”
Ramdam ko ang kamay n'yang gumagapang sa ilalim ng damit ko.
“We'll treasure this baby. I'll give whatever she wants,” aniya habang hinihimas ang tiyan ko.
Napakagat naman ako sa labi ko. Nakikiliti kasi ako sa ginagawa n'ya. Inangat n'ya ang aking damit na naging dahilan nang paglantad ng malaki at maputi kong tiyan.
“Hoy, ayokong ma-spoiled ang anak ko. I want her to grow with a simple life, hindi 'yong lalaki s'ya nang masyadong magastos.”
“Ano naman, as long as I have money, ibibigay ko ang gusto n'ya. I want her to be happy,” anas nito habang patuloy pa rin sa pagkalikot sa t'yan ko.
“Buo pa lang ang pamilya magiging masaya na s'ya. Oo, masarap magkapera, but money can't buy memories. Hindi mabibili ng pera ang kasiyahan na gusto mo.”
“But—”
“No buts, gusto mong ikaw ang ibenta ko?” Nagtaas ako ng kilay.
“Ibebenta ko sarili ko sa'yo. My body, my soul, my heart. Everything.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (11)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
It's a great way to read all the books and enjoy and relax.
13/02/2025
0Ganda Po ng story
24/04/2024
0500
29/01/2024
0Tingnan Lahat