Chapter 28

Kasama kong umuwi ang nanay ni Brennon. Nakausap rin ang kapatid n'ya, hindi ko pa rin mapigilan ang mainggit, she's so humble and her voice is so cute!!
Harley Clyre ang pangalan n'ya. Kahit sa pangalan ay hindi pinagbigyan, maganda pa rin.
“Omo!! We have visitors!!” Tuwang-tuwa si Mama dahil may makakakwentuha na naman s'ya. Nabobored na raw s'ya dito sa bahay dahil laging busy si Papa sa resort namin. Hindi n'ya raw maka-usap nang ayos.
Humarap ako sa kanilang lahat at ipinakita ang kamay kong may singsing. Gulat na gulat ang reaksyon nila.
“I'm engaged,” marahan kong sabi.
“Oh my gosh!!” Maarteng sabi ni Cendal na may pagpaypay-paypay pang nalalaman gamit ang kamay n'ya.
“That fast?” natatawang giit ni Clemson.
“Kailan nangyari, bakit wala kami ro'n?” Nakasimangot si Mama.
“Pinuntahan ako ni Saturn sa resto, akala n'ya ay babae ko ang kapatid ko. Balak ko sanang magpropose sa anniversary namin kaso baka iwan ako e.” He laughed.
“Takot ka pala e, si Saturn lang 'yan. 'Wag ka matakot d'yan.” Tumawa ang lahat sa sinabi ni Solem.
“Of course I'm scared, anyone will be scared if they lose their love ones,” untag nito sabay tingin sa akin.
“Edi wow, kayo na.”
Nagtungo agad kami sa kusina para kumain, nagkumpul-kumpulan ang iba at nagsasarili ng usapan. Nagsama-sama sina Mama at ang nanay ni Brennon, at ang mga pinsan ko naman ay may sarili ring mundo kasama si Gace. Kaming tatlo lang ni Brennon at ang kapatid n'ya ang magkasama.
“No'ng unang kita ko sa'yo alam kong ikaw 'yung tinutukoy ni Kuya,” humagikgik na sabi ni Harley.
Ngayon lang ang unang beses ko na magkagusto sa kapwa ko babae. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kan'ya. She's just too perfect. Kahit si Clemson kanina ay mukha ring natamaan sa kan'ya. Kanina n'ya pa tinatanong sa akin ang pangalan ni Harley at mukhang nalaman n'ya naman agad dahil hindi na makatiis ang mukong, tinanong na ng kusa.
“No'ng unang kita ko sa'yo, akala ko kabit ka ng nobyo ko.” Natawa naman s'ya sa sinabi ko.
“Alam ko naman gan'yan magiging tingin mo sa akin. Sabi ko kasi kay Kuya sabihin ang tungkol sa amin ni Mama kaso ayaw n'ya. Baka raw mastress ka kapag nalaman mong aalis s'ya.” Ngumuso ito at tumingin sa lalaking katabi ko.
“Oy!! Teka lang, makinig ang lahat.” Lahat kami napatigil sa ginagawa nang magsalita si Mama. “Brennon at Saturn, kailan ang kasal?”
Nalaglag ang panga ko sa tanong ni Mama. Nahiya ako bigla dahil hindi ako sanay na nasa akin ang atensyon ng lahat. At hindi ko balak magpakasal na ganito kalaki ang t'yan ko.
“Siguro kapag nanganak na po ako.” I smiled shyly.
“Ay gano'n ba? Kailan malalaman ang kasarian ng bata?” tanong ng nanay ni Brennon.
“Pupunta po kami ni Brennon sa OB bukas.” Tumango sila bilang pagsang-ayon.
“I want a baby girl, para sweet.” Napatingin ako sa sinabi ni Brennon.
“Akala ko lalaki para tropa tropa kayo.”
“Hindi lahat ng ama ay lalaki ang gusto sa magiging anak nila.”
Napangiti ako sa sinabi n'ya. Gusto ko rin kasi ng babaeng anak. Habang abala ang lahat sa pakikipagkwentuhan, nauna na kaming nagpaalam para makapagpahinga na ako. Nasakit kasi ang puwet ko dahil hindi naman malambot ang aking inuupuan.
“Last 3 months, honey. And everything will be done.”
“Anong done?” nagtataka kong tanong.
“Magkakaanak na tayo at wala nang kung sino ang pwedeng humadlang sa ating dalawa. We're having our own family. Magiging ina kana at ama naman ako. Our baby is the solution.”
I shook my head, showing an disagreement with what he said.
“Hindi ang bata ang solusyon, Brennon. Trust, being honest, forgiving and patience. Hindi matatapos ang problema kung hindi ka marunong magtiwala, magpatawad, maging totoo at kung hindi mahaba ang pasensya mo.”
Tumayo ako at tumingala sa langit na punong-puno ng kumikinang na mga bituin.
“Pero hindi matatapos ang problema kung hindi ka gagawa ng paraan para masolusyunan ito. Kaya, salamat Brennon. Kahit apat na put taon tayong magkahiwalay, you still choose to stay rather than to leave.” Tumingin ako sa kan'ya.
“Hindi naman kasi paglayo ang solusyon e, kun'di oras. Time will heal everything. Magalit ka man o masaktan. Dadating ang oras na magiging ayos ka at masasabing parang wala lang nangyari.”
“If the person you love hurt you, don't do break up's. Give yourself a time to rest and after that, talk to him and ask him. Kung maghihiwalay kayo nang maghihiwalay, hindi mo matatagpuan ang taong para sa'yo. Walang maling tao dahil nasa sarili mo ang mali, ask yourself. Why do people do break up's? Sinasabi nilang hindi sila nasa tamang tao?”
“And I realized that, lagi kang nasa tamang tao. You're just not satisfied on what you have now. Konting sakit, mang-iiwan. Kapag napagod, mang-iiwan. Isipin mo, lahat ng tao nakakaranas ng pagod, hirap, pagsasawa. But don't quit, it's just a challenge to our life, if you can survive and how long will your patience last.”
“I don't believe in 1 month puppy love. Because when love hits you, you can tell it to yourself. I want this person and I love her. If you really love that person, even her attitude is worst than you ever imagine, you'll choose to handle it rather than to leave. You'll fight for your relationship.”
“That's why I choose to wait than to find someone who can't fill the satisfaction I want. Who can't give the kind of happiness I like.”
Napanganga ako sa sobrang dami n'yang sinabi. Ganito ba talaga karami ang natutunan n'ya no'ng nakulong s'ya? Pati ibig-sabihin ng pag-ibig ay nabanggit n'ya na.
"/“So ibig-sabihin, kapag nasiyahan ka lang sa ginagawa ng isang tao, saka mo lang s'ya magugustuhan?” Humalukipkip ako.
“No, what I mean, hindi naman kasi kailangan maraming babae ang nagmamay-ari sa isang lalaki. Boys should know how to keep and love only one girl. A girl can make him satisfied, a girl who can make him stay and change, a girl will love his flaws and imperfections. That's what I mean by satisfaction.”
Napakagat ako sa labi ko. Brennon is the definition of real man. He learned many things and he totally changed a lot. He know how to handle a relationship. Ang sarap lang marinig sa isang lalaki ang gan'yang mga salita. Not all boys know how to act mature.
“Nakakatuwa ka naman.” I said, smiling.
“You're smile is so beautiful! Can't you be unattractive at once?” He said huskily. Pinalupot n'ya ang kan'yang kamay sa bewang ko.
I can see his dark brown eyes and his eyelashes that keeps fighting in the moon's light. His pointed nose that almost cover his half face.
“Lagi naman akong maganda sa paningin mo.” Humagalpak ako pero hindi s'ya natinag at nanatiling nakatingin sa akin.
“Because Sun will be always beautiful. It's not fading.”
“Anong connect?”
“You're beautiful inside out.” Asik nito.
“Hindi, what I mean. Paano nasali ang araw sa usapan?”
Bagsak ang balikat nitong tumingin sa akin. “Because you're my Sun!” Nagtaas ito ng kilay.
“Ang pangit mong bumanat. Saturn ako ha, hindi araw,” tumawa ako.
“But you color my hopeless life.”
“Ang corny mo.” Iniwan ko s'yang laglag panga sa may veranda ng kwarto n'ya. Pinagawan n'ya talaga ako ng spongebob na kama kaya hindi na ako tumutuloy sa kwarto ko.
Padyak-padyak naman s'yang naglakad papunta sa higaan n'ya. Paniguradong aabutin ng umaga ang topak nito.
“Hoy! Sorry na!” Dahan-dahan akong tumayo sa kama ko at lumipat sa kan'ya. Ramdam ko naman ang paninigas ng katawan n'ya sa pagyakap ko.
“Go to sleep, Saturn. Pupunta pa tayo sa OB bukas,” tinatamad nitong tugon.
“I'll be sleeping here. Gusto kitang katabi.”
Unti-unti s'yang humarap sa gawi ko at matama akong tinitigan. Hinalikan ko naman ang labi n'ya at bakas ang pagkagulat sa reaksyon nito.
“I love you, Brennon.”
Napangiti ito at sinunggaban agad ang labi ko. “I love you too, Saturn.”

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    VillasGerald

    It's a great way to read all the books and enjoy and relax.

    13/02/2025

      0
  • avatar
    JV Agustin

    Ganda Po ng story

    24/04/2024

      0
  • avatar
    Rayzalyn Montesa

    500

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata