Chapter 26

Nakaraan na ang lumipas at matiwasay na kaming namumuhay sa lugar na ito. Nahuli na rin ang ama ni Brennon na ngayon ay mag-iisang linggo na sa kulungan.
“Ang laki na ni Baby ah, paniguradong lalong magiging moody si mommy.” Dinig kong asar sa akin ni Papa habang minomonitor ang t'yan ko.
Lumalaki nang paunti-unti ang t'yan ko dahil mag-aapat na buwan na akong buntis. Nasasabik na rin akong malaman ang kasarian ng magiging anak ko.
“So far, the baby is healthy. Kailangan mo lang uminom ng gatas gabi-gabi bago matulog o 'di kaya ay iyon ang inumin mo kapag mag-aalmusal,” payo sa akin ng doktor.
Hawak-hawak ni Brennon ang kamay ko habang ang mga pinsan ko naman ay ngiting-ngiti sa akin.
“Oh, rinig mo naman siguro ang sinabi ng doktor, Saturn. Iinom ka ng gatas tuwing umaga at gabi.”
Napangiwi ako sa sinabi ni Mama. Kahit kailan ay hindi ko ginustong uminom ng gatas dahil hindi ako nasasarapan. Hindi ako mahili sa pagkain, sadyang ayoko lang sa gatas.
“I don't like it,” pag-iinarte ko.
“Don't be stubborn, Saturn. It's for your health and also for our baby.” Hinawakan n'ya ang pisngi ko at hinalikan ako sa noo.
Kahit kailan talaga ang lalaking 'to.
“Tama na ang ka-sweetan, pati ba naman sa ospital walang sawa. Clemson i-kiss mo nga ako.” Ngumuso ito at lumapit kay Clemson na diring-diri sa sinabi n'ya.
“Go away, hindi ako napatol sa pinsan ko. Yuck.” He said in disgust.
Natawa naman ang lahat maging ay doktor ang hindi napigil sa pagtawa.
“Maka-yuck ka naman, mga babae mo nga riyan walang pantay sa kagandahan ko.” Umirap ito.
“Where's the beauty, Solem? I can't see it.” He said, folding his hands across his chest.
Naistorbo lang ako nang biglang tumunog ang cellphone ni Brennon kaya napatingin ako sa kan'ya.
“Sino tumatawag?” tanong ko.
“Relative.” Ngumiti s'ya.
“Bakit hindi mo sinagot?”
“Mangungulit lang 'yon.”
Tumango ako bago kinuha ang ultrasound na inabot sa akin ng doktor. Hindi ko naman mapigilang mangamba sa sinabi n'ya. Hindi ko alam na may kamag-anak pa pala s'ya rito sa Pilipinas. Ang tanging alam ko lang ay iniwan na s'ya ng nanay n'ya at nakakulong ngayon ang tatay n'ya.
Wala naman s'yang kapatid dahil sa pagkakaalam ko, nag-iisang anak lang s'ya. Ang mga lolo at lola n'ya naman ay nasa Canada naninirahan, ang mga Tiyahin at Tiyuhin n'ya naman ay may sari-sarili nang pamilya.
I shook my head. Imposible ang iniisip ko. Brennon can't cheat, magkaka-anak na s'ya, magkaka-anak na kami.
Ayoko namang pakialaman ang cellphone n'ya dahil paniguradong magtaka s'ya sa kinikilos ko. I'm thinking some shits again. Hindi 'to makakabuti sa anak ko kung masyado kong papagurin ang utak ko dahil sa pag-iisip ng mga walang kakwenta-kwentang bagay.
“Brennon.” Mukhang naagaw ko naman ang atensyon n'ya kaya napatingin ito sa akin.
“Do you need something?” He smiled. Bumaba naman ang tingin ko sa labi n'yang nakakaakit.
“Can you promise me one thing?”
Bahagyang kumunot ang noo n'ya kaya mas lalo n'ya pa akong pinagtuunan nang pansin.
“Yeah, sure. Tell me, what is it?”
“Please stay and....don't cheat.” Napapikit ako nang sabihin ko ang huling dalawang salita.
He's a good man. At alam kong hindi n'ya ako kayang lokohin. Pinatunayan n'ya sa akin 'yon at halata naman ang sineridad sa kan'ya. 'Wag lang sana ako magkamali nang hinala. Naniniwala ako sa kan'ya, sobra-sobra pa nga. Pero sana h'wag n'ya akong baliktarin dahil buong puso, tiwala, maging pagkabirhen ko ay ibinigay ko sa kan'ya. I trust him more than he imagine.
“I don't cheat, Saturn. Sigurado na ako sa'yo.”
Tumingin ako sa mga mata niya at wala ako kahit isang mahanap na rason kung bakit siya magloloko. Kampante na ako sa kan'ya, alam kong hindi s'ya nagsisinungaling.
“You don't trust me?” He grab my chin.
“I trust you, I just...want to hear your answer.” I smiled bitterly.
Medyo nakahinga ako nang maayos. Masaya akong marinig ang sagot na 'yon galing sa kan'ya.
Nakauwi na kami sa bahay at dumiretso agad ako sa kwarto para magpahinga. Bumibigat na kasi ang katawan ko at hindi ko na kayang tumayo nang matagal.
“I'll bring your milk, just wait here,” anas n'ya at humalik sa labi ko.
Sumimangot naman ako dahil nabitin ako sa paghalik n'ya sa akin. I want to taste his lips more.
“Here baby, drink this to be healthy.” Tumabi s'ya sa akin at marahang hinihimas ang hita ko habang nakatingin sa akin.
“Ang ganda mo pa rin kahit tumataba kana.”
Nanatili ang mga mata kong nakatitig sa mga mata n'yang kumikinang tuwing natatapatan ng liwanag.
“You look like the sun, you keep shining and glowing everyday. You look like the moon, It attracted me that's why I can't help myself but to stare at you even it's dark. I'm no used if there's no light, so I'm nothing but useless if I don't have you. You're my sun, my moon, my world, my life, my everything.”
Kinagat ko ang aking labi, tila pinipigilan ngumiti. Kung ano-ano ang sinasabi ng isang 'to kaya hindi ko na mainom-inom ang gatas na hawak ko.
“Your smile is so expensive and I'm so lucky because today...I already have it.”
“What's wrong with you? Kanina ka pa bumanat nang bumanat d'yan.” I laughed hardly.
“Nothing, you're just beautiful. Hinding-hindi ako magsasawang ipaalala 'yon sa'yo araw-araw.”
“Maganda naman talaga ako, sino bang nagsabing hindi?”
Parehas kaming natawa sa sinabi ko. Ayokong ipahalata na masyado akong naaapektuhan sa mga sinasabi n'ya. Stay humble.
“You deserve a ring like the real planet Saturn have. You deserve a person who will love your flaws and imperfections, Saturn. Hindi ka basta babae lang, kailangan mo rin ng pagmamahal at alaga ng isang tao.”
Walang salitang lumalabas sa bibig ko. Nakatingin lang ako sa kan'ya habang dinadama ang malikot n'yang kamay sa hita ko.
“Okay, Casiendero will marry me. Tapos?” Pangbabara ko sa sinabi n'ya.
“Hindi ako nagbibiro, seryoso ako sa'yo.”
Huminga ako nang malalim at nasagi sa paningin ang cellphone n'yang walang tigil sa pag-ilaw sa lamesa. Nang mapansin n'ya kung saan ako nakatingin, binalingan n'ya agad iyon at agad pinatay ang tawag.
“Sagutin mo kasi!” Hindi ko maiwasang panghinalaan s'ya ng kung ano.
“It's not important, Saturn. Hindi ko na para pagtuunan pa ng pansin ang taong 'yon.”
Sobra na akong nadududa sa mga kilos n'ya. It feels like I don't know something, It looks like he's hiding something from me. Sa tingin ko ay malapit sila sa isa't isa at mukhang magkakilala sila.
“You aren't cheating, right?”
Nagpakawala ito ng hininga bago hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko naman ang panlalamig at pangangatal nito.
“You're shaking, Brennon. Are you—”
“No! I'm not cheating. It may look defensive, but Saturn. I'm not telling lies!”
Kitang-kita sa ekspresyon n'ya ang pagkakaba at pagkanerbyos. Hindi lang dahil do'n, wala pa akong sinasabi ay ganito na agad siya kung umasta.
“Yes, you're being defensive to much, Brennon. Wala pa akong ginagawa, masyado kang napaghahalataan.”
Ramdam ko ang konting kirot sa dibdib ko. Alam ko namang hindi ako kasing ganda ng iba, papayag naman ako na iwan n'ya ako. Pero kung hindi ako buntis, kung hindi ako nagdadalang tao.
“Sabihin mo lang kung may iba kana para hindi na ako umasa, para isang sakit na lang, isang iyak. Ayokong magsinungaling ka, kasi may bata sa t'yan ko, ayokong madamay pa s'ya sa problema nating dalawa. Gusto ko s'yang mabuhay, gusto ko s'yang makitang lumaki. Please, just be honest. Mas mabuting magpakatotoo ka kahit masakit, kaysa naman ako pa ang makakakita ng lahat, 'di ba?”
Mahinahon ako habang sinasabi iyon. Kahit sa loob-loob ko parang ayaw ko nang malaman ang katotohanan.
“I'm not cheating, you misunderstand everything!”
“I'll trust you, Brennon. Pero sa oras na ako ang makaalam, bibitawan kita kahit ikadudurog ko pa.”
Bumitaw ako sa kamay n'yang nakahawak sa akin bago dahan-dahang humiga.
Ayokong ma-stress, ayokong makaramdam ng kahit anong sakit, ayokong umiyak. Ayoko na, kasi nakakapagod e. Sobrang nakakapagod.
Marahan kong ipinikit ang aking mata kasabay ng pagpatak ng luha ko. Dinig ko rin ang yabag ng kan'yang paa palabas sa aking kwarto.
This is not right. Akala ko ba matatapos na, bakit parang may kadugtong pa? Parang may bago na namang manghihimasok sa buhay ko?
Nakaramdam ako ng antok kaya hindi namalayang nakatulog na pala ako. Kumurap-kurap ang mata ko nang marinig ko ang aking cellphone na tumutunog. Kinapa ko ito sa gilid ng unan bago ko ito sinagot.
Isang ingay ang bumungad sa akin kaya napatingin ako sa screen kung sino ang tumawag.
“Alam mo bang nasa resto ang nobyo mo?” Panimula ni Jiji na ikinagising ng kaluluwa ko.
I knew it.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    VillasGerald

    It's a great way to read all the books and enjoy and relax.

    13/02/2025

      0
  • avatar
    JV Agustin

    Ganda Po ng story

    24/04/2024

      0
  • avatar
    Rayzalyn Montesa

    500

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata