Chapter 25

“Kapag hindi 'to tinanggap ni Mama, ipapalaglag ko ang bata,” aluluha kong sabi.
“What!? Are you out of your mind, Saturn?” singhal n'ya. “Kung hindi n'ya man tanggapin ang batang nasa t'yan mo, sa akin ka pumunta at sabay nating papalakihin 'yan!”
Paikot-ikot ako. Hindi ako mapakali, isip nang isip kung anong sasabihin ni Mama kapag nalaman n'yang magkaka-apo na s'ya.
“Wag mo munang pangunahan ang magiging desisyon ng nanay mo—”
“Your father is a rapist, at anong ineexpect mong sasabihin ng nanay ko sa'yo, na may nangyari lang sa ating dalawa, without harassing me!? Gano'n ba?”
Hindi pa rin maaalis sa paniniwala ng pamilya ko ang tatay n'yang ginahasa ang nanay ko. Brennon is a part of their family, kaya posibleng mapagbintangan siyang ginahasa rin ako.
“Ilang beses ko bang sasabihin na ibahin mo ako sa kanila!? Wala ka pa rin bang tiwala sa akin!? Papatunayan kong hindi ako kagaya ni Papa, tiwala lang Saturn, tiwala lang, makakaya natin 'to!”
Niyakap n'ya ako nang mahigpit. Hindi ko mapigilang manghina sa pagod at nerbyos. Sana nga maging maayos ang lahat. Sana nga hindi na muli maulit ang nakaraan ko.
I wish that my past stop chasing me. Ayokong mahuli dahil mahirap makawala.
“Natatandaan mo pa rin ba 'yung mga sinabi ko sa'yo bago ako makulong. I'll take risk to save you. I'll sacrifice for you, Saturn. Iyon lang ang panghahawakan ko at ang suporta mo.”
“’Wag na nating pag-usapan ang natapos na, Brennon. Parehas tayong haharap kina Mama at Papa.” I wiped my tears.
Wala na dapat akong ikatakot, ayoko nang maging kagaya dati na lagi na lang umiiyak. Ngayon, gusto kong maging malakas dahil magkaka-anak na ako. I need to fix this.
Inayos ko ang aking sarili at sabay kaming naglakad papasok ng bahay. Mukhang naagaw namin ang atensyon ng lahat dahil nakatingin sila sa amin.
“Kanina pa namin kayo hinahanap, saan ba kayo nanggaling?” saad ni Mama.
Hindi ko mapigilang maluha sa harapan nila kaya kung bakit mas lalo silang nagulat.
“Saturn, bakit ka umiiyak?” tanong ni Papa.
Nasa likod ang aking kamay, hawak-hawak ang pregnancy test na ginamit ko kanina.
Mukhang napansin ni Mama na may tinatago ako kaya tumayo s'ya at hinablot ang mga hawak kong pregnancy test.
Sabay-sabay silang natulala sa nakita. Napatakip ng bibig ang iba at napapangiti.
“Oh my gosh!! Sinasabi ko na nga ba't buntis ka kaya ang moody mo kanina e, magkakapamangkin na ako!! Wooh!”
Nagtawanan ang lahat habang si Mama at titig na titig pa rin sa pregnancy test na hawak.
“Is this real? Am I having a grandchild?” Kumikislap ang mga mata ni Mamang tumingin sa akin.
“Ma, hindi po ako nagloloko, buntis po ako.”
Hindi ako makapaniwala sa naging reaksyon nila. Masaya silang lahat at hindi man lang nagpakita ng kahit anong galit at pangdidiri sa akin.
“Why are you crying, baby? You should be happy 'cause you're now a mother of this child.”
Nakita ko ang butil ng luha na pumatak galing sa mata ni Mama. Hinagkan n'ya ako habang marahang hinihimas ang likod ko.
I shifted my gaze way to Brennon. I saw his playful smile on his lips. He walked towards me and kissed my forehead.
“Like what I told you, 'wag mong pangungunahan ang desisyon ng Mama mo. Look how happy she is.”
Tumingin ako kay Mama na tuwang-tuwa sa pagtingin ng resulta sa pregnancy test. Ipinagyayabang n'ya pa kay Papa na magkaka-anak na ako, samantalang si Papa ay napapailing na lang dahil sa kulit ni Mama.
“This is how our love ended. Get married and having our own family. Isn't that good to hear?” giit n'ya habang yakap-yakap ako.
“Lakas sperm ng boyfriend mo ah, palahi naman!.” Napaawang naman ang labi ko sa sinabi ni Cendal.
“H-hoy! Anong—”
“Oh, bakit ka nauutal, totoo ba? Ikaw haaa!?” Nagtawanan sila.
“Congrats.” Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Gace sa harapan ko.
Malungkot at malamlam ang mata nito habang nakangiti sa akin.
“Gace, I'm sorry—”
“Don't be sorry, I'm happy for you. By the way, this is the divorce paper, just sign it.”
Tumingin ako sa kan'ya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin sa akin. He's hurt and I felt bad because he like me. He did everything to make me happy, to make me smile, pero ang tanga ko kasi hindi ko man lang s'ya nagustuhan.
No'ng oras na kailangan na kailangan ko ng masasandalan, s'ya ang lumalapit at dumadalo sa akin. He'll bring me foods, make me laugh, anything. He's a type of boyfriend material but I don't even know to myself, why didn't I choose him.
Nakatanga lang akong nanonood habang humahakbang s'ya palayo sa akin. Nakayuko at umiiwas sa taong nakapaligid sa kan'ya.
“Tch, ang drama.”
Hinampas ko nang malakas ang dibdib n'ya nang marinig ko ang binulong n'ya.
“Palit kayo ni Gace ng sitwasyon, s'ya ang asawa ko tapos ikaw mag-aabot sa akin ng divorce paper.” I rolled my eyes on him.
“It's okay, hindi mo naman sinabing nabuntis ka n'ya, ayos lang.” He laughed.
Nang matapos ang hapunan namin ay umupo muna ako sa lamesa ng kwarto ko at tinitigan nang maayos ang papel na nasa harap ko.
Parang ayaw ko s'yang pirmahan dahil naaawa ako sa sitwasyon ni Gace. Ayaw ko s'yang masaktan pero ito ang tamang paraan para maputol na ang kung anong namamagitan sa amin.
I blinked my eyes and sign this divorce paper in my table.
Walang pag-aanlinlangan akong tumayo at pumunta sa kwarto ni Gace.
“Gace?” Tawag ko sa labas ng pintuan n'ya.
“Thanks!” Binuksan n'ya ang pinto at kaagad na kinuha ang papel na hawak ko.
“Gace, I'm sorry!” Pinigilan ko ang pinto na muntikan n'ya nang maisara.
“I'm sorry, I'm really really sorry.” I bite my lip harshly while looking at my feet, playing with my finger nails.
“Naiintindihan kita, 'wag kang humingi ng paumanhin dahil wala kang ginawang mali. Gusto kita at hindi mo 'yon kasalanan.”
I stared at his perfect face. His attractively sharp jawline, his black delicate eyelashes, his plump red lips, his shapely dark eyebrows, his almost perfect pointy nose and his straight shaggy hair. He's typically an attractive man, but I still choose someone else over him.
“Pero kasi, hindi kinakaya ng konsensya ko. Ikaw 'yong laging andyan sa tabi ko no'ng kailangan ko ng masasandalan.”
Ngumiti ito nang nakayuko. "“eah, maybe I'm there for you but I can't replace him to your heart. Hindi naman porket ako lagi ang kasama mo ay mahuhulog kana sa akin. S'ya pa rin ang nauna at hindi ako.”
Hindi ko mapigilan masaktan sa huling kataga n'yang sinabi. Parang sinampal ako ng katotohanan na bakit hindi ko man lang nakita ang halaga at paghihirap n'ya. Tanging si Brennon lang ang lagi kong nasusumbat sa kan'ya.
“Maraming salamat dahil tinuro mo sa akin kung paano magmahal kahit masakit.”
“I didn't taught you how to love, you learned it from yourself. Ang pagmamahal ay hindi pinag-aaralan kasi kusa na natin 'yang mararamdaman.”
“At naramdaman ko 'yon sa'yo,” ika niya.
Napakurot ako sa aking balat. Hindi kinakaya ng konsensya ko ang sitwasyon n'ya. Malamang, kung ako ang nasa posisyon n'ya, hindi ko rin kakayanin ang sakit. Ako 'yong taong kahit paulit-ulit nang nakakaranas ng sakit, hinding-hindi ako nasasanay.
“Okay na siguro 'to. Thanks, bumalik kana ro'n, baka hinahanap kana nila.” I saw a little smile on his lips.
Nang matapos s'ya sa sinabi ay sinarahan na ako nito ng pintuan.
Maybe there's nothing I can do to get rid of the pain he's feeling after all. Siguro para matigil na ito, kailangan ko s'yang bigyan ng oras para makapag-isip-isip. Bigyan ng oras para mahagilap ang taong nakalaan para sa kan'ya.
“Bakit ang tagal mo?”
Halos mapatalon ako sa gulat nang tumambad ang presensya n'ya sa harapan ko. Bakit s'ya nandito?
“Excuse me, this is my room. And you don't have rights to come here without my permission.”
“Anong kwarto mo? Baka ikaw ang mali nang pinasukan.” He grinned.
Agad ako umatras at tinignan ang numero ng kwartong pinasukan ko. I heaved a heavy and look at his dark brown eyes.
“I'm sorry, I thought this is room number seven.”
Napahiya ako sa sarili kong sinabi kanina. Ako pa ang may ganang magalit at manigaw sa kan'ya, 'yun pala ako ang nagkamali. Wrong move, Saturn. Wrong move.
“Kwarto mo na rin 'to. Nagpagawa ako ng isa pang kama para sa'yo.”
Nagpatianod ako sa higit n'ya papasok sa kwarto. Nang makalapit kami, nakita ko ang kamang may disenyo pa na hello kitty.
“I hate hello kitty you know? Spongebob ang gusto ko.”
Napatanga s'ya.
“Hindi naman kasi lahat ng babae ay paborito ang kulay pink. Hindi ako tutulog dito hangga't hindi spongebob ang disenyo n'yan.”
Masungit ko s'yang tinalikuran. Nakita ko naman ang pagkainis nito kaya hindi ko napigilang mapahagikgik.
“Edi ipapabago ko ngayon, maghintay ka at panoorin kung paano maging spongebob ang kama mo.” My eyes tarted on his blank face. His knotted eyebrows and his pouty lips makes him more attractive.
“Stop staring, Saturn. Alam kong mahal na mahal mo ako.”
Nasamid ako sa sinabi n'ya. Hindi ko inaakalang may pagkamakapal din pala ang mukha ng lalaking 'to.
“Bakit mali ba ang hula ko?” Mas lalong nagasumot ang noo nito.
“Hindi naman, sakto kasi sa sinabi mo 'yung pagkasamid ko.” I lied.
“Mas gusto ko ang nabilaukan kaysa sa nasamid.”
Halos tangayin ang buong kaluluwa ko palabas sa aking katawan. Nangilabot ako sa sinabi n'ya. Sinadya n'ya ba talaga iyong sabihin o ako lang ang nagbibigay nang malisya sa binanggit n'ya.
“Hindi ka nagkakamali ng iniisip, Saturn. Tama ka riyan.” He laughed loudly like there's no tomorrow.
“You're son of a pervert, Brennon!” I said disappointedly.
Napaismid naman ito sa sinabi ko. Yeah, matamaan s'ya. Hindi naman kasi ako nagkamali ng sinabi.
“But you love this pervert,” anas n'ya. “And you'll continue loving this pervert.”
“Kailan pa ako nagmahal ng manyak?”
“14 years na, Saturn. At kung iisipin mo ang apat na put taon, dapat noon ay naikinasal kana sa akin at nag-aalaga na ng sariling anak.”
Napaisip ako. Dalawang put walong taon na akong naninirahan sa mundong ito, kung makikita mong napakatagal na ng 14 years, parang sa isang pitik lang dumaan ang lahat. Napakabilis ng panahon.
In my 28 years of existence, I'm still loving the same person I love when I was 14 years old.
Nakakamangha ang lahat, taon na rin pala ang lumapas no'ng mangyari ang pinakamasakit at pinakamabigat na naranasan ko sa buong buhay ko.
“Aren't you amaze?” Pag-iiba ko ng usapan. “Twenty eight na ako at ikaw ay thirty na, parang kailan lang tayo nagkakilala, parang kailan lang nangyari ang lahat.”
Nakatunganga lang s'ya sa akin habang nakikinig ng mga sinasabi ko.
“Parang kailan lang na gustong-gusto kitang makalimutan. Walong taon ako sa Singapore kasama ang tiyahin ko. Walong taong naalipin, nasaktan, umiyak at walang tigil sa kakaisip sa mga bagay-bagay.”
Yinapos n'ya ako at nilubog ang mukha n'ya sa leeg ko.
“Wala akong pakialam sa nakaraan, ang sa akin lang, kasama kita ngayon. Ang babaeng minahal ko ng sobra-sobra, ang babaeng ihaharap ko sa libo-libong tao, ang babaeng handa kong pakasalan.”

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    VillasGerald

    It's a great way to read all the books and enjoy and relax.

    13/02/2025

      0
  • avatar
    JV Agustin

    Ganda Po ng story

    24/04/2024

      0
  • avatar
    Rayzalyn Montesa

    500

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata