Chapter 22

Nagising ako dahil sa liwanag na dulot ng ilaw sa labas ng bintana.
Shit! Anong nangyari? Bakit ako nasa kwarto? Saka ang sakit ng ulo ko pati na rin ang katawan ko. Wala akong maalala, ang tanging natandaan ko lang ay 'yung... I drink two bottles of Vodka and I dance with the crowd.
And...Damn!! I kissed Brennon in front of them! Tangina ginawa ko talaga 'yon?
“How are you feeling?”
Napatalon ako sa gulat nang biglaang sumulpot si Brennon sa tabi ko.
Anong ginagawa n'ya rito? Bakit pa kasi ako uminom no'n, wala talaga akong maalala e.
“I don't remember everything, paki-kwento.” Kita ko ang panlalaki ng mata n'ya.
“You didn't remember!? God, Saturn!” Napasapo ito sa kan'yang noo.
Did something terrible happened?
“Magtatanong ba ako kung alam ko?” I said disappointedly.
“We made love, and don't ever ever blame me for that dahil no'ng una pa lang binalaan na kita.” Turo n'ya sa akin.
We what!? Made love?? Oh my goodness!!
“Of course it's your fault, gan'yan naman kayong mga lalaki, kapag nakita n'yong lasing ang babae dadalahin n'yo agad sa kama!! You'll pay for this, Brennon!”
Sinubukan kong tumayo pero ang sakit ng gitna ko. But I'm kinda curious, gaano ba kalaki ang kan'ya, bakit sobrang sakit no'ng akin!?
“That's what I hate, you kissed me like dog tapos ngayon sa akin mo isisisi ang dapat na sa'yo ibinibintang!”
Napahawak ako sa aking dibdib. Makadog naman ang isang 'to.
“Excuse me, kung maka-aso ka sa akin akala mo naman masarap ka!”
“Ang aso kapag gutom, kahit hindi masarap, kakainin niya kung anong pagkain ang binigay sa kan'ya.”
I laughed. “You don't even look like a food!”
“Pero bakit mo ako kinain?”
“I didn't! I'm just drunk but I'm not wild as you think!”
“You're so wild earlier, Saturn. You're moving your own hips like you're the wildest and expert girl in bed! Kung makahalik ka sa akin ay sakop buong bibig ko. I hate the way you kiss kasi mali.”
Binalot ako ng kahihiyan. Hindi ko inaasahan na grabe pala ako kung malasing. Isusumpa ko na ang Vodka sa buong buhay ko.
“I'll teach you how to kiss,” aniya at lumapit sa akin.
“Open your mouth.”
Hindi ko alam kung susundin ko ba ang sinabi n'ya dahil baka sabihin n'yang gusto ko lang magpahalik sa kan'ya.
“Lah, asa ka. Magpahalik sa ka aso, magdilaan kayong dalawa.” Tumawa ako ngunit mabilis n'yang sinunggaban ang aking labi.
“Just open your mouth. I'll teach you, para naman hindi ako ma-disappoint sa halik mo.” Tumawa s'ya at muling pinaglapat ang labi namin.
His lips are melting me. Hindi ko alam pero siguro dahil sa halik n'ya ako napuruhan kanina.
“See, halik pa lang 'yan nanlalambot kana.”
Napasinghap ako sa kawalan. Hindi ko itatanggi na nakakabaliw talaga ang halik n'ya.
“Ang kapal ng mukha mo, ikaw 'tong nangsusungkab basta-basta ng labi,” pagsusungit ko.
“But you didn't complain. You love me, Saturn. Pakipot ka lang.”
Aba't napakakapal talaga ng balat ng lalaking 'to.
“Mahal kita, Brennon.” I sighed. ”At siguro nga tama ka na kailangan kong subukan magbagong buhay para makalimutan ako ang nakaraan ko.” Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinila ako para sa isang yakap. “I was chased by my past, that's why I want to end it here. That memories that almost makes my life messed up.”
Nakaramdam ako ng kaginhawaan matapos nang sinabi ko. Parang kahit papaano at nabawasan ang inaalala ko. I feel safe when he's around, alam kong hindi n'ya ako papabayaan.
He's my safest place. S'ya ang lugar na hinding-hindi ko pagsasawaang puntahan.
“Papakasalan kita, Saturn. Pagkatapos no'n, maninirahan na tayo sa sarili nating bahay at gagawa ng sariling pamilya.”
Mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang mapupusok n'yang halik sa labi ko.
Mahal ko na talaga ang lalaking 'to. Hindi na magbabago 'yon, wala nang papalit sa kan'ya. No one can replace him, no can fit his shoes dahil para sa akin, s'ya na talaga.
“Tara na, baka hinahanap na tayo nina Mama at Papa.”
Tinulungan n'ya akong makatayo nang maayos. Kahit masakit ang pagitan ng hita ko, pinipilit ko pa ring maglakad ng maayos. Ayoko namang pag-isipan Nina Mama at Papa si Brennon ng masama. Baka isipin nilang pinagsamantalahan n'ya ako habang lasing.
I don't care if I got pregnant, as long as he'll be the father of this child. It'll be fine.
“Oh, did you enjoy the party, anong oras na ah,” natatawang sambit ni Mama nang makarating kami sa cottage.
"I'm sorry,Ma. Na-enjoy ko lang makipagsayawan do'n.” I smiled bitterly.
“O sige, halata naman at mukhang lasing kapa, nasa loob ang Papa mo kasama mga pinsan mo.”
Napangiti ako. So my favorite cousins is here. Can't wait to see them. Ilang taon na rin kasi sila sa Japan dahil ando'n si lola. Tinuturuan silang depensahana ang sarili nila, samantalang ako. Marunong lang umiyak.
Agad akong nagtungo sa loob ng bahay namin. Nakita ko ang mga pinsan kong malapad ang ngiti sa akin.
“Saturn!! Oh my gosh!”
Sabay-sabay silang tumakbo sa akin at sinalubong ng yakap.
“What's with your scent!? Bakit amoy lalaki?” Nagtaas ng kilay si Cendal.
“I'm sorry, nagpunta kasi ako sa club house. Napainom ako ng marami.”
“Oh ano ngayon, bakit hindi ka amoy alak? Oh- don't tell me, you got drunk and...”
“Nooo!! Of course not! Bakit ako makikipagsex sa hindi ko kilala?” pagdedepensa ko.
“Really? Eh, sino naman 'yang gwapong nasa likod mo?”
Isa-isa silang naglakad papunta kay Brennon at pinalibutan. Hindi ko naman maiwasang matawa.
“You look suspicious, Saturn. This handsome guy is your fucking boyfriend!! Oh my gosh!!” asik naman ni Solem na may pagtili pang nalalaman..
“E ano naman kung boyfriend ko s'ya? Magtatanan na kami, bakit?”
Nakita ko ang pagkalaglag ng panga ni Brennon. Alam kong medyo hindi magandang pakinggan ang salitang magtatanan, nagulat din ako sa sarili kong sinabi.
“Tita Ericka!! Si Saturn magkakaanak na!!” sigaw ni Clemson.
“Wow, nakakahiya naman sa marami mong babae. Baka nga ikaw hindi na Virgin!” singhal ko na ikinatawa ng lahat.
“Oo naman, marami lang nagkakagusto sa akin pero hindi ko sila pinapatulan. I don't like girlfriends. Aksaya lang sa pera.” Kumindat ito.
“Wag ako pre, ikaw kaya ang nagkukusang magwaldas ng pera sa mga chicks mo. Kitang-kita kita sa campus oy! May pa-bouquet of flowers ka pang nalalaman, iba't ibang babae naman ang binibigyan mo no'n kada-araw,” sabat ni Ares.
“Shut up, Ares. Palibhasa walang babaeng nagkakagusto sa'yo, hindi ka kasi marunong manuyo. Ayan, binasted tuloy ni Ariana.” Tumawa ito.
Tumayo si Ares at hinawakan ang kwelyo ni Clemson kaya nataranta kaming lahat. Suki kasi ng riot itong si Ares kaya karamihan ay takot sa kan'ya.
Hindi ko itatanggi na gwapo si Ares pero kung titigilan n'ya ang pakikipag-away sa kung kanino, paniguradong marami ring magkakagusto sa kan'ya.
Ito namang si Clemson, habulin ng babae dahil gwapo, mayaman at malakas ang dating. Ang problema nga lang, lahat nang nagkakagusto sa kan'ya, binibigyan n'ya ng bulaklak. Ayaw n'ya raw kasing mainggit ang iba kaya gano'n ang ginagawa n'ya. Lahat makakatanggap ng bulaklak galing sa kan'ya.
“Ano ba kayong dalawa!? Babae lang 'yan, mahahanap n'yo rin ang para sa inyo!” sigaw ko.
“Ikaw Clemson, hindi porket malakas ka sa babae, iinsultuhin mo 'tong isa! Pukpukin ko kaya ng bakal 'yang ulo n'yo parehas!?”
Bumuntong-hininga si Ares at tinalikuran kami. Umalis din naman agad si Clemson at nagtungo sa kwarto n'ya.
“Magpahinga na muna kayo, baka nakakapagod ang byahe,” saad ko at tumango naman sila.
Nilingon ko si Brennon na ngayon ay nakangiti sa akin. “Anong nginingiti-ngiti mo r'yan!?” Humalukipkip ako.
“Naiimagine ko lang na gan'yan ka sa harap ng magiging anak natin kapag lumaki sila.” Kinagat ko ang aking labi, nagpipigil ng ngiti. “Kapag nabuntis ka talaga, ibibigay ko lahat ng gusto mo, love, care, time, anything.”
I cleared my throat.“So kapag nabuntis lang ako saka mo lang ibibigay 'yan?”
“I've already gave you my love, my soul, my time and effort, Honey. Singsing na lang ang kulang, akin kana talaga.”
Pasimple akong ngumiti. Sana ito na ang sukli ng paghihirap ko. Napakaraming problema ang hinarap ko sa buhay. Nagpakaalipi, nagbulag-bulagan kahit alam na ang katotohanan, nagsakripisyo para sa taong gusto mong makasama.
Sana nga ito na ang katapusan.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    VillasGerald

    It's a great way to read all the books and enjoy and relax.

    13/02/2025

      0
  • avatar
    JV Agustin

    Ganda Po ng story

    24/04/2024

      0
  • avatar
    Rayzalyn Montesa

    500

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata