Chapter 19

I started a new day, drinking coffee while lying down on my carpet. Looking at the beautiful sky.
“Bakit hindi kanin ang kinakain mo?”
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat nang marinig ko ang boses ni Papa sa gilid ko. I don't know but I think kanina pa s'ya rito. I'm wearing my earphone kaya hindi ko ramdam ang presensya n'ya.
“I'm not hungry Papa. Gusto ko munang makaramdam ng kaginhawaan kahit saglit,” saad ko.
“Bakit aren't you happy—” I cut him.
“How can I be happy after being chained by Tita's dirty tricks, and now I found out that Mom is successfully passed that operation!”
“I know this is hard for you, Saturn. But now, let it go. Walang patutunguhan ang galit mo, anak.” Bumuntong-hininga ako.
“I know, Pa. Hindi naman siguro masamang magalit pagkatapos ng nangyari sa akin, 'di ba?”
“Just let it—”
“I want to be alone, Pa. Kahit ngayon lang. I want to rest.”
Pumikit ito at tumango. Wala s'yang nagawa kun'di umalis na lang. Kahit anong gusto kong tahimik na paligid, sila talaga mismo ang lumalapit sa akin.
I just want some peace of mind. Gusto ko munang hindi alalahanin mga problemang pinagdaanan ko. Gusto kong maunawaan nila 'yon but they keep reminding me that fucking problems.
“Want some wine?”
Napairap ako sa kawalan nang makita ko ang presensya ni Brennon sa harap ko.
“Kita mong nagkakape ako, balak mo bang patayin ako?” Pagsusungit ko sa kan'ya.
“I thought that's a wine, kulay itim kasi.” He laughed.
“Hindi kulay itim ang kape at lalong hindi rin kulay itim ang alak. Wine is a dark shade of red while coffee is dark brown. Remember that, Mr. Casiendero.”
Sumulyap ang ngiti nito sa kan'yang labi kaya napasimangot ako. Pinagtitripan 'ata ko ng lalaking 'to.
“Bakit ba ang sungit-sungit mo kung kailan andito na ako sa tabi mo?” He lean closer to mine while looking directly at my eyes.
“Una sa lahat, hindi mo sinabi sa akin na nakalaya kana, pangalawa, hindi ka man lang nagsabi o nagpadala kahit letter na may taong tumulong sa'yo para makaalis ka sa presong 'yon!” Tinulak ko s'ya palayo ngunit mas lalo lang itong lumapit.
“That's not a big deal, ang importante kasama mo ako ngayon." He smirks. "We'll continue our love story, honey. Hindi ko hahayaang iba ang makakasama mo sa huling kabanata ng kwento nating dalawa.”
Kumabog ng malakas ang puso ko. Parang sa simpleng salitang 'yon ay naging kampante ako na hindi n'ya na ako iiwan. Na kahit papaano nabawasan ang pangangamba ko na sa susunod wala na muli akong matatakbuhan.
“Kahit ilang taon na ang lumipas, mahal pa rin talaga kita.” Our eyes met. “Sobrang mahal.”
Hindi ako makapagsalita. Walang kahit anong salita ang pumapasok sa utak ko. Nasa kan'ya lang ang aking paningin, nakatitig sa mala-anghel n'yang mukha. Napaisip tuloy ako, may ganitong klaseng tao pa pala sa mundo. Kayang maghintay kahit ilang dekadang taon pa ang lumipas. Kahit ilang beses mo s'yang pinagtabuyan, sinaktan.
“Can you do this one thing for me?” He asked.
“Promised me—”
“I can't.” Umiling ako.
“Bakit?”
“Ayoko nang nangako, Brennon! Ilang beses na akong nangako sa'yo pero natupad ba? Hindi, you ended up being hurt!” Namamaos ang boses ko nang masabi iyon.
I'm not telling lies, dahil no'ng araw na nangakong hindi ko s'ya iiwan, hindi ko naman natupad.
“This will end here, Saturn. Papakasalan kita at bubuo tayo ng magandang buhay, gagawa ka tayo ng sarili nating pamilya. Can't you trust me!?”
“Sobrang tiwala ko sa'yo, Brennon. It's just, ayoko lang makasakit ulit.”
Tumingin ako sa mga mata n'yang naluluha. Sa mga mata n'yang puno ng lungkot at panghihinayang.
“Ang gulo, Saturn. Hindi kita maintindihan, pinuntahan mo ako rito tapos ngayong inaaya kitang magpakasal, ayaw mo! Tell me, what do you want?”
“Hindi ngayon, Brennon. Mahal na mahal kita kaso kailangan ko rin naman ng pahinga.” Binitawan n'ya ang kamay ko at lumayo ng kaunti sa akin. “Sometimes, you have to do what is right, even your heart against it,” dugtong ko.
“But sometimes you have to take risk to escape the reality,” untag n'ya. “And you have to change to make things easier and better.”
Tinalikuran n'ya na ako bago bitawan ang mga salitang 'yon. Kailangan ko nga ba talagang magbagong buhay para maging maayos ang lahat?
Habang naglalakad-lakad ako ay hindi ko maalis sa isip ko ang mga sinabi n'ya. Pinaulit-ulit ng utak ko 'yon hanggang sa hindi ko na namalayan kung saang parte na ako napunta.
“Shit, nasaan na ako?” Ginala ko ang aking paningin sa paligid. Ang layo na 'ata ng narating ko at hindi ko na maaninag ang Cacienda.
Sinubukan kong kontakin si Papa pero walang signal sa lugar na ito. Naglakad-lakad muli ako hanggang sa makakita ako ng mapagtatanungan.
“Manong, ano pong lugar ito?” tanong ko.
“Hija, ikaw ay nasa Aldona. Pupunta ka rito nang hindi mo alam ang lugar na ito.” Tumawa s'ya.
“Aldona po?” Hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. Ngayon ko lang narinig na may ganito palang bayan.
“Alcacia Dollena,” saad n'ya.
“Pwede ho ba akong magtanong? Saan po ang daan papuntang Cacienda?”
Nag-angat ito ng tingin sa akin. “Ikaw ba ay taga-Cacienda, Hija? Bakit ka napadpad dito?”
Pasimple akong ngumiti at hindi na lang sinagot ang tanong n'ya. Dahil sa sobrang abala ko sa sinabi ni Brennon ay hindi ko na alam kung saang lugar ako napunta.
“Diretsuhin mo lang ang daan na 'yan 'pagtapos mo ay kumanan ka. Hindi bagay ang lugar na ito sa'yo, maraming basagulero rito, baka makita kanila, mapagtripan ka pa.”
Ngumiti ako at umalis na rin kaagad. Hindi ko alam ang bayan na ito kaya mas mabuting makinig na lang ako do'n sa matanda.
Mukha namang ligtas ang lugar na ito dahil tahimik at walang mga taong pagala-gala. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil ako lang mag-isa ang naglalakad.
Napahinto ako nang madaanan ko ang isang bahay. Hindi s'ya kalakihan, pero sa kung pagmamasdan mo nang maigi ay maganda ito at mukhang matibay ang pagkakagawa.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking nagbabasa ng dyaryo habang nakaupo at umiinom ng kape. Hindi nakatakip ang mukha n'ya kaya kitang-kita ko kung sino s'ya.
“Gace?”
Kita ko ang pagkagulat sa mata nito nang makita ako. Umayos pa ito ng upo at tinitigan ako ng maigi.
“Saturn?” Nagtakang tanong nito.
“Anong ginagawa mo rito?” Humalukipkip ako.
Hindi ko alam kung bakit s'ya narito at parang wala s'yang pakialam kung masigawan s'ya ng may-ari ng bahay na 'to.
“Ikaw ang dapat kong tanungin, anong ginagawa mo rito?” Binalik n'ya ang tanong sa akin.
“Ako ang unang nagtanong, kaya ako ang una mong sagutin,” pagtataray ko.
“This is our house, Saturn. Hindi ko alam na Cacienda pala ang lagi kong dinadaanan ko noon papunta rito.” He laughed.
Muli akong napatingin sa bahay na nasa harap ko. Hindi ko alam na may bahay pala s'ya rito sa Pilipinas dahil sa pagkakaalam ko galing s'ya sa bahay ampunan.
“Ito ang bahay ni nanay at tatay. Ako na lang ang naninirahan dito dahil pumanaw na si nanay pagkatapos n'ya akong i-anak. Si tatay naman ay may iba nang pamilya at inabandona na lang ang bahay na 'to.”
Hindi ko mapigilang maawa sa kan'ya. Ibig-sabihin, dinala na agad s'ya sa bahay ampunan bago s'ya iwan ng tatay n'ya.
“Ako naman ang sagutin mo, bakit ka narito? Hindi ligtas sa lugar na 'to, Saturn. Alam mo ba ang pinupuntahan mo!?” Bakas sa boses nito ang pagka-inis.
“Hindi ko rin alam kung bakit ako andito. Sa pagkakaalam ko lang, naglalakad-lakad ako tapos napunta ako rito.” I smiled awkwardly.
“Hindi biro ang pumunta rito nang mag-isa. Ihahatid na kita.”
Bago pa n'ya mahawakan ang kamay ko ay may humigit na agad sa akin palayo. Mainit at malakas ito, halos maipit na ang mga ugat at dugo ko sa sobrang higpit ng pagkakahawak n'ya sa aking pulsu-pulsuhan.
“Bakit ka pumunta rito!?”

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    VillasGerald

    It's a great way to read all the books and enjoy and relax.

    13/02/2025

      0
  • avatar
    JV Agustin

    Ganda Po ng story

    24/04/2024

      0
  • avatar
    Rayzalyn Montesa

    500

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata