Chapter 18

“Good morning, baby.” Pumungas-pungas ang aking mata nang makaramdam ako ng halik sa pisngi. Nakita ko si Brennon na nagbibihis ng pang-alis habang titig na titig sa akin.
“I'm still married, Brennon. Hintayin mo muna ang divorced paper bago ka umasta ng gan'yan,” humihikab kong sabi, tumawa naman ito.
“Inaasikaso n'ya na 'yon, Saturn, 'wag kang mag-alala.” He winked.
I furrowed. “Wala pa akong sinasabi!”
“But I told him to arrange those papers.”
“Bakit ba excited ka?” singhal ko.
“I'm not excited kasi tayo naman talaga ang dapat ikasal.”
Napaawang ang labi ko sa sinabi n'ya. Hindi ko naman maiwasan mapangiti dahil sa kilig. Parang hindi kami napalayo sa isa't isa kung makipag-usap s'ya sa akin ng gan'yan.
“Hangga't walang divorced paper, walang hiwalayang magaganap,” pag-uulit ko.
“Bakit, nahulog na rin ang loob mo sa kan'ya kaya ayaw mong makipaghiwalay?” Nagtaas ito ng kilay.
“Hindi 'no, respeto lang. May gusto sa akin 'yong tao, anong gusto mong isipin no'n, kahit hindi pa kami hiwalay pinapamukha ko agad sa kan'ya na hindi talaga s'ya ang gusto kong pakasalan.”
“Hindi naman talaga s'ya,” pagpipilit n'ya.
“Tch. Saan ka nga pala pupunta?”
Saglit muna s'yang tumitig sa akin bago nagsalita.
“Pupuntahan si Papa. Kukumbinsihin ko s'yang umamin sa ginawa n'ya.” Umupo s'ya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay.
“At sa tingin mo mapapaamin mo s'ya ng gano'n gano'n lang?” I sighed.
“I'll try my best, Saturn. Hindi ako susuko, noon ko pa gustong ipakulong si Papa para matigil na 'to kaso nangyari naman 'yung sa Tita mo kaya hindi natuloy.” Ngumiti s'ya na siguradong magagawa n'ya ito.
“Paano naman kung hindi mo nakumbinsi, paano 'pag hindi mo nagawa?” I looked at him.
“Edi babalik ulit ako sa kulungan. Ako ang papalit kay Papa.”
“Pero hindi naman ikaw—”
“If your Mom wants it, then I will. Mama mo ang nahirapan at ayoko s'yang tumanda nang walang hustisyang nakukuha. Malaki ang respeto ko sa babae kahit lumaki ako ng walang ina sa tabi ko.”
I'm so grateful to have a man like him. 'Di bali na s'ya ang masaktan kaysa ang iba. Kahit may iba nang pamilya ang nanay n'ya, nagagawa n'ya pa ring rumespeto. Kahit nakagawa ng mali ang tatay n'ya, hindi n'ya ipinagtatanggol dahil mas pinili n'ya ang tama. Handa s'yang lumaban mag-isa, lumaban ng patas.
The right one will always be the right and the wrong will always be the wrong. Regretting is normal, unless you regret it  but you keep fighting for the wrong way.
“Trust me, Saturn. I can do this. We will end this.” Binitawan n'ya ang kamay ko at hinalikan ang aking noo.
Wala akong magawa kun'di ang pagkatiwalaan s'ya. Matatapos din ito, magiging tahimik at payapa na rin ang buhay ko. Walang sagabal, wala nang masasaktan, wala nang tatakbo para takasan ang problema. Dahil sa taong ito, matatapos ang lahat.
“Let's eat breakfast, naghihintay ang nanay mo sa baba.”
“Si Papa?” Nilingon n'ya ako nang inalis ko ang aking kamay sa pagkakahawak n'ya.
“Nando'n ang pamilya mo sa baba, Saturn. This time, malalaman mo na ang lahat.” Yumuko s'ya at hinawakan ang aking pisngi.
“May nalalaman ka ba?”
“Sabay nating alamin ang katotohanan, Saturn. 'Wag kang mag-alala, hindi kita papabayaan.”
Hinawakan n'yang muli ang kamay ko at sinalubong ang pamilya ko sa baba. Nakatingin ang lahat sa kamay naming magkahawak. Sinusubukan kong alisin ang kamay ko kaso mas lalo n'ya lang itong hinigpitan sa pagkakahawak.
“Don't,” he whispered.
“Pero si Gace—”
“Stop worrying about him and stop making me jealous!” He said frustratedly.
“I'm not making you jealous, it's just I'm worried because he has feelings too!” giit ko.
“I have feelings too!” apila niya.
“Pero ikaw naman ang pinili—”
“Let's stop arguing about this, Saturn. Baka mabasag ko nang wala sa oras ang ulo ng lalaking 'yon.”
Natahimik ako sa sinabi n'ya. Hindi ko aakalaing magagalit s'ya ng gan'yan dahil lang sa sinabi ko. I was expecting him to understand pero ito ang nakuha ko.
“Please sit down,” mahinahong sabi ni Mama.
Ginala ko ang aking paningin sa lamesa. Pito kaming nakaupo. Si Mama, Papa, Tita, Gace, ako, si Brennon at isang lalaking hindi pamilyar sa akin. May dala-dala s'yang laptop at mga litratong hindi ko maintindihan ang pinapahiwatig.
Inalis ko ang tingin sa lalaki at itunuon na lang ang atensyon kay Mama. Hindi ko alam ang pag-uusapan pero hinanda ko na lang ang aking tainga para makinig.
“Gusto kong ipakilala sa inyo ang abugado ko na si Mr. Fernandez,” ani ni Mama kaya napabaling muli ako sa lalaki. Kahina-hinala nga naman ang itsura n'ya. “We'll talk about my case,” dugtong nito.
“Si Mr. Fernandez ay abugado ko simula no'ng natapos ang operasyon ko.” Tumingin s'ya sa akin. “I asked him if he could help me about my case. Noon pa lang pinaasikaso ko na sa kan'ya dahil kailangan naming tignan kung mananalo ba kami sa prowebang ipapakita sa husgado,” dugtong n'ya.
“Nagkikita kami ng Papa mo, Brennon. Tinutuloy ko ang kaso sa kan'ya. I have one witness that prove that I'm innocent. In first trial, natalo kami dahil hindi sapat ang ebidensyang hawak namin pero nabawi namin ang lahat no'ng nanalo kami sa second and third trial.”
Kinuha ni Mama ang mga litratong nakakalat sa lamesa namin. Hayun 'yong litratong hindi ko maintindihan ang ibig-sabihin.
“This are the image that proves my innocence. Sa litratong 'to, makikita ang Papa mo na hinaharas ako. Look at this picture carefully, he's kissing me in every part of my body habang nakatali ako sa upuan.” Binigay n'ya sa amin ang litrato at napapatakip na lang ako sa aking bibig dahil sa nakita.
“Sinong kumuha ng litratong ito?” naluluha kong tanong.
Hindi ako makapaniwalang totoo ang nangyayari ngayon sa harap ko. Ang mga litratong ito ang nakapagpaligtas sa nanay ko.
“S'ya ang witness ko dahil alam kong malaki ang tyansang mananalo kami dahil sa kan'ya. He got this picture even a video that your dad is raping me.” Tumingin ito kay Brennon.
Is this really my Mom. Sa pagkakaalam ko matatakutin ang nanay ko sa ganitong mga bagay, but now she's stronger as I expected. Nawala ang takot n'ya simula no'ng nangyari ang panggagahasa sa kan'ya.
“Where's the video?” I asked.
“That scene is too matured, hindi n'yo na kailangan pang makita ang bagay na 'yon.”
“Who's the witness, Ma?”
“Donor Mendrano. He's in Cagayan kaya hindi ko s'ya naisama,” saad n'ya.
Gusto ko sanang pasalamatan ang lalaking 'yon dahil napakalaking tulong kay Mama ang ginawa n'ya.
“That's why you don't need to convince your Dad, Brennon. Makukulong s'ya sa ayaw at sa gusto n'ya. But still, ikaw ang gusto kong magkulong sa tatay mo, ikaw mismo hindi ako.”
Nakita ko ang panlulumo sa mukha n'ya. Alam kong hindi madali para sa kan'ya ang gawin ito pero 'yon ang gusto ni Mama.
“So I guess this is the end of this conversation. Thank you for your cooperation, Mr. Fernandez. Salamat sa pagtulong sa akin.”
Tumayo ang lahat at nakipagkamay sa lalaki, tanging kami lang tatlo ni Brennon at Gace ang nakaupo.
“Kaya mo ba?” I asked him.
“I don't have a choice, I'll do it at papatunayan ko sa magulang mo na hindi ako kagaya ng Papa ko. Hangga't kaya ko, iintayin kita kapag pwede na. Tandaan mo 'yan.”

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    VillasGerald

    It's a great way to read all the books and enjoy and relax.

    13/02/2025

      0
  • avatar
    JV Agustin

    Ganda Po ng story

    24/04/2024

      0
  • avatar
    Rayzalyn Montesa

    500

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata