Chapter 16

Saturn's POV
Natandaan ko no'ng bata pa ako. Wala akong kaibigan at walang nangangahas na kaibiganin ako dahil kay Tita. Takot silang lahat kay Tita. Sa t'wing umiiyak ako, ando'n lang ako sa sulok, tumitingin sa mga batang masayang naglalaro.
Kapag lumalapit ako sa kanila, lumalayo sila na parang ako na ang pinakapangit na nilalang sa mundo. Noon ay malaya akong nakakalabas ngunit walang nakikipaglaro sa akin. Tambak ang laruan ko sa kwarto pero wala naman akong kaibigan na handang makipagtawanan sa akin.
Hanggang sa may isang taga-probinsya ang dumating. Napakaganda n'yang babae at lahat halos sa kan'ya ay gustong makipag-kaibigan. Sobra akong nainggit kaya lumayo na lang ako sa pwesto nila. Umiyak muli ako at sinisisi ang Tita ko sa lahat ng nangyayari.
Kanibukasan, lumabas muli ako ng bahay at biglang nag-iba ang simoy ng hangin. Ang taga-probinsyang babae ay lumapit, hindi ako makapaniwala dahil gusto n'yang makipaglaro at makipagkaibigan sa akin.
Tinanong ko ang pangalan n'ya habang may ngiti sa aking labi. Sobrang saya ko no'ng araw na 'yon at hindi makapaniwala sa nangyayari.
Jiji Ann ang pangalan n'ya. Yeah, she's my best friend until now. S'ya lang ang nagstay sa akin hanggang sa lumaki ako. Ang kaisa-isang babaeng sumubok na lapitan ako.
Dumating ang araw ng kaarawan ko. Walang dumalo at tanging si Jiji lang ang nandoon. Kahit kaming dalawa lang ay masaya naman. Pinakilala ko s'ya kay Tita at Papa pero sigaw agad ang bumugad kay Jiji. Takot na takot ako dahil pati s'ya ay mawala sa akin.
Sobrang tagal ko na gustong magkaroon ng kakwentuhan pero lahat sila hindi tumatagal. Ayaw na ayaw nilang pumasok sa bahay namin na parang may halimaw kaming tinatago rito.
Pero mas lalo akong natuwa dahil hindi s'ya umalis sa tabi ko. Araw-araw s'yang pumupunta sa bahay namin na walang takot. Ngumiti kahit taas na ang kilay ni titang nakatingin sa kan'ya.
S'ya lang ang babaeng hindi nagpadala sa mga sinasabi ni Tita.
Naging onse anyos ako at tinuruan na ako ni Papa humawak ng kumpanya. Pumunta kami ng Singapore kung nasaan ang mga tiyahin ko.
May negosyo kami roon dahil si Papa ang may-ari ng isang malaking hotel sa Singapore. Tinuruan n'ya ako kung paano ihandle ang mga titira sa bawat kwarto, kung paano ang pakikitungo mo sa kanila.
Mabilis akong natuto kaso lahat ng 'yon ay nakalimutan ko simula no'ng magkaroon ako ng sariling lupa rito sa Pilipinas. Iyon ang Elvañia at Vaercesa.
Lumakas ang kumpanya namin kaya hindi ko na masyadong pinagkakaabalahan 'yon.
In my 14 years of existence, nakilala ko si Brennon. Hindi na ako pinag-aral ni Papa dahil maalam naman daw ako. I hate math pero kinakaya kong pag-aralan 'yon nang mag-isa. Nope, kasama ko si Brennon mag-aral, he's my tutor.
S'ya ang nagga-guide sa akin at tinuturo kung paano sagutan ang bawat problem sa matematika. Kahit mahirap ay mabilis ko lang nakuha dahil sa galing niyang magturo.
Tanda ko pa no'ng pinagtanggol n'ya ako sa klase dahil napahiya ako. Hindi ko kasi maintindihan ang tinuturo ng guro namin sa unahan.
“Ang tanga mo, Saturn!” Halos maluha-luha ako sa sigaw ng subject teacher namin. Ang lahat ay nakatingin sa akin at pinagtatawanan ako.
Wala naman kasing maintindihan dahil puro s'ya pa-quiz tapos hindi naman nagtuturo.
Pinaglalaruan ko na lang ang daliri ko habang nakayuko. Unti-unting pumatak ang mga luha ko kasabay ang paghikbi. Natahimik ang lahat at pinagmamasdan akong maigi.
“Paano ako makakasagot kung hindi ka naman nagtuturo?” Tumingin ako sa guro kong susugurin na ako dahil sa galit, palapit na s'ya nang palapit kaya pumikit na lang ako.
Nang makaramdam akong walang nangyari, unti-unti kong minulat ang aking mata at nakitang nakaharang ang isang lalaki sa harap ko. Kunot-noo s'yang humarap sa akin at matalim akong tinignan.
Madiin kong hinawakan ang aking palda bago sila tinalikuran. Wala akong pakialam kung galit sila sa akin, ano bang problema ng mga taong 'yon. Wala naman akong ginawang masama pero parang ako pa ang may kasalanan.
“Saturn, saglit!” Isang boses ang naririnig ko galing sa aking likuran. Binaliwala ko iyon at tumakbo nang tumakbo, wala naman akong sasabihin pa. Kung sasabihan n'ya ako ng bobo, mas mabuting magpakalayo na lang ako kaysa pakinggan ang panglalait n'ya sa akin.
Alam kong hindi ako matalino, pero kaya nga ako nasa paaralan para matuto, hindi para laitin ng may mas alam sa akin.
“Sandali nga sabi,” aniya nang maabot n'ya ang pulsu-pulsuhan ko.
“Ano ba!? Sige laitin mo ako tutal matalino ka naman, hindi ba?” singhal ko.
“Sino bang nagsabing lalaitin kita?”
“E bakit grabe ka kung makapanlisik ng mata sa akin?” I wiped my tears as he smiled.
“Hindi ako galit, sadyang nasaktuhan lang na sa'yo ako nakaharap. You didn't do anything wrong, hinarangan kita kasi alam kong sasaktan ka ni Ms. Chavez.” Pagpapaliwanag n'ya at naintindihan ko naman ang nais n'yang iparating.
“Ang sakit kayang masabihan ng tanga sa harap ng mga kaklase natin. Ikaw kaya pagtawanan.”
Naglahad s'ya ng panyo at mabilis ko naman itong kinuha.
He laughed. “Tuturuan kita, ano bang hindi mo alam?”
“Marami,” asik ko.
“I'll teach you later, umuwi na tayo.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya.
“Hindi pa tapos ang klase!” Sigaw ko.
“Anong gusto mo, babalik ka ro'n at pagtatawanan ka na naman? Don't worry dahil alam ko naman ang tinuturo ni Ms. Chavez, sa ngayon alisin mo muna 'yang lungkot sa mukha mo. What do you want, ice cream, chicken?”
Nakatanga lang ako sa kan'ya at hinihintay na banggitin ang paborito kong tapa na may kanin.
“I don't have money, Brennon.”
“I'll treat you, sabihin mo lang kung anong gusto mo.” He smiled.
“Tapa, peach mango pie, spaghetti, lasagna, gusto ko rin no'ng pagkain do'n malapit sa karinderya, tapos isama na natin 'yong fried chicken and ice cream. Pwede rin ba 'yong calamares, tapos 'yung mga tuhog-tuhog d'yan sa gilid ng school?”
Laglag ang panga n'ya sa sobrang dami kong sinabi. Hindi kasi ako naglunch kanina kaya gutom na gutom ako, hindi naman ako makatanggi dahil sabi n'ya libre e.
“Kaya mong ubusin lahat ng 'yon?” He asked out of curiosity.
“Gutom na ako e, tara na.” Nagpatianod s'ya sa paghigit ko at nagsimulang magturo-turo sa labas ng school.
Marami kaming pinuntahan kaya busog na busog ako. Naggala rin kami sa may Park malapit sa kapihan.
“Thank you ha, nabusog ako e. May next time pa ba?” I asked him like an child waiting for a gift.
“Sa susunod ikaw naman ang manglibre sa akin.”

Sumimangot ako sa sinabi n'ya. “Wala nga akong pera, magpapalibre ka pa sa akin.”
“Then I'll give you money and buy something for me.”
Nagtaas ako ng kilay. “Bakit hindi na lang ikaw ang bumili para sa sarili mo? Inutusan mo pa ako.”
“Para maranasan mo naman kung anong pakiramdam ng may pera.”
Kinagat ko ang aking labi sa inis. Ang Yabang ng isang 'to. Kung hindi n'ya lang ako nilibre, nabigwasan ko na agad ang pagmumukha n'ya kahit gwapo pa s'ya.
“Paano ko mararanasan kung sa'yo rin naman mapupunta 'yong bibilhin ko?”
“Okay, fine. I'll give you money and keep it to yourself, bahala ka na kung anong gusto mong gawin do'n.” Pagsuko n'ya kaya napangiti naman ako.
Lagi kaming tumatakas sa huling klase namin at kumakain na lang sa labas. Nasanay ako na lagi s'yang nasa tabi ko hanggang sa tuluyan na akong nahulog sa kan'ya.
Gustong-gusto ko nang sabihin sa kan'ya ang nararamdaman ko kaso inuunahan ako ng kaba at takot na baka hindi sa gano'ng paraan n'ya ako nakikita.
Pero naglakas loob akong harapin s'ya, kahit ano mangsabihin n'ya handa ako, papakinggan ko kahit masakit pa 'yan.
Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Tinawagan ko s'ya para makipagkita sa akin. Kahit ayaw na ayaw kong umamin, lalamunin ko ang takot at kaba ko.
Pumunta ako sa Cacienda dahil doon daw ang gusto n'ya na makipagkita.
Naglakad ako kung saan pwesto ang sinabi n'ya pero nagulat ako nang may isang lalaki ang naglahad sa akin ng kamay.
Nagtaas ako ng kilay at binaliwala ang presensya n'ya sa aking likod. Natagpuan ko na lang ang aking sarili sa isang pulang latag na nasa harap ko. May mga babaeng nag-aabot sa akin ng kulay asul na rosas. Syempre gandang-ganda ako dahil paborito ko ang kulay na 'yon.
No'ng una, gulong-gulo ako sa nangyayari pero kinuha ko na lang ang mga rosas at sinundan ang pulang latag kung saan ito patungo.
Nang makaabot ako sa kadulu-duluhan ng carpet ay napagtanto kong madilim ang lugar at tahimik. Natakot ako at hindi mapakali dahil nawala lahat ng ilaw na nagpaliwanag kanina sa daan.
Hindi ko alam ang gagawin ko kung tatakbo ba ako o mananatili lang sa lugar na ito.
“Calling the attention of Ms. Saturn Vessaki, can you hear me?”
Tumingin ako sa paligid at hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon.
Should I answer?
“Malamang nakamic ka, maririnig talaga kita.” Pamimilosopo ko pero tumahimik ulit ang paligid.
Isa-isang nagbukas ang mga ilaw at bumungad sa akin ang napakaraming bulaklak kasabay ng pagbagsak ng maraming kulay asul na petals.
Wala akong kaalam-alam sa nangyayari. Muling may naglahad sa akin ng kamay at nagsimulang maging maingay ang paligid dulot ng tugtog.
Napangiti muli ako dahil paboritong kong tugtog ang naririnig ko.
Sumasayaw ako kasabay ang himig ng tugtog. Nakapikit ako habang dinadama ang malamig na hangin sa aking balat.
Marami ang sumalo sa aking palad at nakikipagsayaw sa akin. Hanggang tumama sa chorus ang kanta, lahat ng lalaki ay umalis sa aking gilid at naiwan akong mag-isa sa gitna.
Dalawang ilaw ang bumukas at ang isa ay tumama sa akin at ang isa pa ay sa lalaking may hawak ng napakalaking stuff toy.
Lumiwanag ang buong paligid nang makalapit s'ya sa akin. Marami ang nanonood at nakatingin sa aming dalawa. Hindi ako makagalaw at kahit malakas ang tugtog, tanging puso ko lang ang aking naririnig. Sobrang lakas at bilis ng tibok nito.
Hinawakan n'ya ang bewang ko nang mapatama muli sa chorus ng kanta. Inilagay n'ya ang aking kamay sa kan'yang balikat habang ang isa n'yang kamay ay nasa aking mukha.
Tama ba talaga ang nakikita ko. Tama ba ang iniisip ko?
“Calling the attention of Ms. Saturn Vessaki again. Please, turn around.”
Ginala ko muli ang aking paningin at nakita na ang babae na kaninang nagsalita. Sinunod ko ang sinabi n'ya at naluha sa nakita.
*I love you, so please be mine.*
“Saturn Vessaki, look at me.” Dinig kong sabi ni Brennon sa likod ko. “Just say you love me, I'll claim you as my girl. Let's make memories together. I love you.”
I smiled. “I was about to confess these day, please be mine, I love you too.”

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    VillasGerald

    It's a great way to read all the books and enjoy and relax.

    13/02/2025

      0
  • avatar
    JV Agustin

    Ganda Po ng story

    24/04/2024

      0
  • avatar
    Rayzalyn Montesa

    500

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata