Homepage/Chasing Behind Her Story/
Chapter 15
Saturn's POV
“We're here, Saturn.” Marahan akong niyugyog ni Gace para gisingin ako.
Parang ang bilis naman 'ata namin makarating o ilang oras lang talaga ako natulog.
“How many hours did I sleep?” Pumungas-pungas ang mga mata ko kasabay ng pag-unat ko ng aking katawan.
Grabe, ang sakit ng puwetan ko.
“8 hours.” My eyes widened. Nagulat talaga ako sa sinabi n'ya. Daig ko pa 'ata ang tinurukan ng pampatulog.
“Totoo?”
“Ay hindi, I'm joking, Saturn.” He said sarcastically. Umirap naman ako.
Tumayo na ako at hindi na nakipagtalo pa sa kan'ya, ang mahalaga, masarap ang tulog ko.
Tinulungan ko s'yang maglabas ng bagahe namin. Ngunit muntikan na akong sumubsob nang may yumakap ng mahigpit galing sa likuran ko.
“Puta—”
“Saturn!! Kingina ka, I miss you! Huhu!” Nag-iinarte nitong sabi na animoy nagdadrama pa.
“Are you stupid, Ji? Paano kung dumagasa ako rito, asikasuhin n'yo pa ako.”
She raised an eyebrow. “At sinong nagsabing aasikasuhin ka namin.” Tumawa ito.
Aamba na sana akong batukan s'ya kaso pinapababa na kami ng piloto. Kami na lang pala ang natira sa loob ng eroplano. Ang tanga naman kasi nitong babaeng 'to, ang daming kaartehan sa buhay.
Nang makababa kami ay bumungad agad sa akin ang kulay pulang Ferrari. Halos karamihan ay nakatingin dito dahil sa sobrang gara ng dating, maiisip mo talagang galing ka sa mayamang pamilya.
“Sa'yo 'yan?” Taas kilay kong tanong sa kan'ya.
“Inutang ko lang 'yan hehe.”
“What?”
“Hindi, joke lang. Binigay sa akin 'yan ni Papa, ewan ko ba. Wala namang okasyon, trip n'ya lang 'ata.”
I pout. Matagal ko na rin kasi gustong magka-Ferrari na sasakyan. That's my dream car.
“Hindi kasya ang mga gamit namin d'yan,” sabi ko nang nakatingin pa rin sa kagandahan ng sasakyan.
“Doon 'yan sa Van, ipapadiretso ko na sa bahay n'yo.”
Sobrang saya ko kaya pumasok agad ako sa loob ng sasakyan. Pakiramdam ko nasa langit na ako. Ang ganda kasi kahit mababa lang s'ya.
“Hep-hep, at ikaw? Doon ka rin sa Van.” Parehas kaming laglag panga ni Gace sa sinabi n'ya. “Hindi kita kilala kaya doon ka!” Turo n'ya sa Van habang nasa baywang n'ya ang isang kamay.
“Ji, kasama s'ya sa pupuntahan natin. Hindi mo naman pwedeng pauwiin ng basta-basta sa bahay 'yan. Hindi s'ya kilala ni Papa and also hindi n'ya alam na ikinasal na ako.”
“Wait, where are we going?” nagtatakang tanong ni Gace.
“Kikitain boyfriend n'ya, bakit?” saad ni Jiji.
“Hindi n'ya na ako kailangan kitain dahil katabi n'ya na naman ako.” He smile as he winked.
Nakita ko namang natigilan s'ya sa ginawa ni Gace. Sa gwapo ba naman ng isang 'to, isang ngiti at kindat lang ayos na.
“Ehem, h-hindi naman ikaw ang boyfriend n'ya.” Nauutal n'yang sabi kaya natawa ako.
“I'm not her boyfriend 'cause I'm her husband, Miss. Husband.”
Pumikit s'ya sa inis at padabog na pumasok sa sasakyan n'ya. Paniguradong silang dalawa ang palaging magka-away.
Nang makaandar na ang sasakyan ay biglang nanlamig ang kamay ko. Kinakabahan ako, siguro hindi na ako sanay na makita s'yang muli.
“Sigurado ka bang handa kana?” Nagkasalubong mata naming dalawa sa front mirror.
“Hindi ko ako sigurado, basta kinakabahan ako.”
Hindi lang s'ya ang gusto kong makita, kun'di ang taong tumulong sa kan'ya. Ang taong nagpalaya sa kan'ya, hindi ko alam ang plano ng taong 'yon pero gusto kong makasiguro.
“Can I ask? Sino ang kikitain n'yo?” ani ni Gace.
“None of your business,” pambabara ni Jiji.
“Can you please shut your mouth, ikaw ba ang kinakausap ko?” My mouth formed an O. Ang tigas ng pagkakasabi n'ya at halatang naiirita na s'ya sa pagsabat-sabat ni Jiji.
“Si Brennon...” I bite my lower lip. “Pakiusap, 'wag mong sabihin kay Tita.”
Saglit siyang natigilan. He smiled weakly. “I won't, sa Allegro s'ya nakakulong.”
“Nakalaya na s'ya, Gace.” Tumingin ako sa mata n'ya, tila binabasa ang magiging reaksyon n'ya. At sa inaasahan, nagulat s'ya sa nalaman at paniguradong naguguluhan din ito kung bakit 'yon nangyari.
“Kailan pa!?”
“3 years ago, may tumulong sa kan'ya at hindi namin alam kung sino,” singit ni Jiji.
“Please, 'wag mo na lang ipaalam kay Tita,” anas ko.
“What about us, Saturn?” Bakas sa boses nito ang lungkot.
“We'll get divorce.” Nagkatitigan kami nang nagkasabay kami ng sinabi.
Malungkot s'yang ngumiti at tumango. Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinalikan ito.
“Yes, honey. I dreamt about our divorce not our happy ending.”
Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Nasasaktan ako para sa kan'ya, para sa nararamdaman n'yang hindi ko kailanman nabigay ang kapalit.
“No'ng una ayaw ko pang mangyari at maniwala pero ito na nga 'ata 'yon. I'm ready, honey. Matagal ko nang hinanda ang sarili ko para sa araw na 'yon. Ang araw na ikaw at ako ay wala na.”
Tumitig ako sa mata n'yang naluluha na. Hindi ko s'ya kayang titigan ng matagal, sobrang sakit na ng pinaparamdam ko sa kan'ya.
“Pero sa ngayon, hindi ko na muna tatanggalin ang singsing nating dalawa. Saka na lang kapag talagang tapos na,” dugtong nito kasabay ng pagbagsak ng mga luha n'ya.
Napatingin ako kay Jiji na ngayon ay naka-earphone na.
“Ano, tapos na kayong magdramahan? Nakapagpaalam na kayo sa isa't isa?”
Tangina talagang babaeng 'to. Parehas tuloy kami natameme ni Gace.
“Malapit na tayo.” Ngumisi pa 'to na halatang nag-enjoy s'ya sa paninira ng moment naming dalawa.
Tumingin ako sa labas ng bintana kung saan tanaw na tanaw mo ang buong Cacienda. Marami ang nagbago, maraming mga building ang naitayo at marami ring inalis at binago ang disenyo.
Hindi ko inaasahan na may igaganda pa ang lugar na ito. Kung noon ay maganda...mas gumanda pa ito ngayon. Natanaw ko rin ang lupang binili ni Papa na ngayon ay marami ng mga manok at baboy para sa supply ng resort namin.
“Alam kong namamangha ka sa ganda ng lugar na ito, Saturn. Napakarami na ang nagbago simula noong nawala kayong dalawa.”
Nilingon ko si Jiji. “Sino ang nagpapatakbo nito noon?”
“Ang Papa mo, kaya nga binalik ang perang pinambili n'yo sa parte ng lupa nila dahil naging maayos ang pagpapatakbo ng Papa mo rito.”
Edi ibig-sabihin si Papa ang nagpatayo ng lahat ng 'to?
“Magaling si Papa sa negosyo, nagtaka ka pa kung bakit gumanda ng husto ang lugar na ito.”
Niliko n'ya ang sasakyan sa may guard house at pinakita ang card na katunayang doon s'ya naninirahan o nagtatrabaho. Pinapasok naman agad kami nang makita ang pangalan n'ya sa listahan.
“Sa condo ko muna kayo tumuloy ngayon, 'wag kayong mag-alala dahil safe naman doon.”
Hindi na kami umimik dahil doon naman talaga ang bagsak naming dalawa. Hangga't hindi ko s'ya nakikita, hahanapin ko s'ya.
“Tara na.” Pag-aaya sa akin ni Jiji bumaba nang makarating na kami sa loob.
Inalis ko ang aking heels at dinama ang mainit at malambot na buhangin sa paa ko. Sinita ako ni Gace pero hindi ko s'ya pinakinggan. Ganito ang gawain ko noon, lagi akong nakapaa t'wing lalabas ng condo o opisina ko. Malinis naman ang lugar na ito, wala kang makikitang tae na nakakalat kung saan-saan at presko ang hangin.
Hinubad ko rin ang aking puting coat kaya kitang-kita ang malalim kong collar bone at maputi kong balat na nakikipaglaban sa mainit na araw. Tinanggal ko ang aking puyod at hinayaang pumaanod ang buhok ko kasabay ng malakas na hangin.
I miss old days. Kahit ngayon ay pakiramdam ko na hindi ako umalis sa lugar na ito. Pamilyar na pamilyar ang simoy ng hangin at ang dagat na maingay tuwing umaalon. Ang mga ibong masayang lumilipad sa himpapawid.
“I like it here," dinig kong sabi ni Gace sa likod ko.
I shifted my gaze on him. Nakangiti s'ya habang ang mga mata n'ya ay nakapikit, tila bang dinadama n'ya ang preskong hangin na sumasalubong sa balat n'ya.
“Everyone does.” I smiled.
“Ngayon alam ko na kung bakit hindi mo maiwan-iwan ang lalaki 'yon at hirap na hirap kang kalimutan ang lugar na 'to.”
Ngumisi ako at tumango.
“This place looks memorable, ang payapa, walang gulo. Kung alam ko lang ang lugar na 'to baka dito na rin ako tumira noon pa,” dugtong n'ya.
“Paano ka makakapunta rito kung nasa bahay ampunan ka?”
Nanlaki ang mata n'yang tumingin sa akin. Nakita ko rin ang paglunok nito dulot ng sinabi ko.
“Inampon ka Gace, tama?” Hindi s'ya umimik at nanatili lang ang tingin sa akin.
Nang mabalik ang ulirat n'ya ay tumango rin ito sa akin.
Ibig-sabihin, walang kasinungalingan sa sinabi ni Balse. Inampon lang talaga nila si Gace at pinalaki para ipakasal sa akin. At lahat ng 'yon ay plano lamang.
“Alam mo bang planado ang lahat ng 'to?” I asked him. Kumunot naman ang noo nito, nagtataka.
“What do you mean?”
“Hindi ka nila nakikita bilang anak, Gace. They adopt you to marry me. And that's all a plan.” Nilaro ko ang aking daliri habang tinititigan ang blankong emosyon sa kan'yang mukha.
Naguguluhan ako kung naiintindihan n'ya ba ako, kung alam n'ya ba o hindi pa. He's just staring at me.
“Pumayag ako sa kasunduan nila, Saturn. Alam ko 'yon no'ng una pa lang. Pumayag ako kasi no'ng unang kita ko sa'yo, alam kong hindi ka mahirap gustuhin pero ang hirap mong mahalin, kasi mahal kita kaso alam kong hindi tayo pwede.”
“I'm sorry, Gace. Pasensya na kung hindi ko matumbasan ang nararamdaman mo para sa akin. At salamat kasi kahit nasasaktan kita, andyan ka pa rin sa tabi ko t'wing kailangan ko ng masasandalan.” Malungkot akong ngumiti.
“Kahit andyan na s'ya, kung hindi ka naman n'ya masamahan sa kahit anong oras. Tandaan mo, andito lang ako. You can call my name anytime you needed someone besides you.”I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (11)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
It's a great way to read all the books and enjoy and relax.
13/02/2025
0Ganda Po ng story
24/04/2024
0500
29/01/2024
0Tingnan Lahat