Warning

“Let's go, Mr. Santiago wants to meet you first before we accompany you to your new school.”
Bigla nalang tumalikod ang lalaki kaya naman napatayo na rin kami. Ezzy as always shoulder the bill for us, sa lahat yata ng oras siya ang taya, mapa-rush man o hindi.
“Hoy, girl ang hottie ni Kuya!”
Gusto ko masuka sa dalawang babae na nakasalubong namin. Papasok sila ng cafe at tinuro ang lalaki na naglalakad na patungo sa limousine.
Hottie nga suplado naman. Gusto ko ipagsigawan 'yon pero nanatili akong walang imik.
“Put all your luggage here,” binuksan niya ang likuran ng magarang sasakyan. Kahit ang BMW namin mahihiya sa sasakyan na ito. Parang malaking kasalanan pa nga kapag nagasgasan ito kaya magdadalawang isip ka talaga kung palalapatin mo ang kamay mo roon.
Walang anu-ano ay biglang lumapit sa amin ang lalaki na si Elton.
Cute name bagay sa kaniya kahit hindi siya marunong ngumiti.
“Ako na maglalagay ng gamit mo,” nagkatinginan kami ni Marj nang lampasan kami ng lalaki at lumapit kina Ezzy at Am. Natulala si Am nang hawakan ng lalaki ang kamay niya at kinuha ang duffle bag na dala. Ngingiti na sana ako pero nang mapansin ko si Ezzy ay napairap ako.
Gagong lalaki, si Ezzy dalawa ang dala hindi man lang natulungan. Turn off agad.
Nawala ang pagkainteres ko kay Elton, tiningnan ko lang siya nang ilagay niya ang gamit ni Am sa compartment, kasunod niya si Ezzy na dala ang dalawang duffle bag na pagmamay-ari ni Marj at iyong sa kaniya.
“Mukhang ikaw ang type girl,” sumulyap ako kay Marj at Am na nasa gilid ko na.Gusto ko matawa sa pagiging inosente ng itsura ni Am, mukhang naging lutang na naman.
After a moments, we're now heading our way to Mr. Santiago's company, as Elton said, the owner of the academy wants us to meet first before we send to their school.
Tahimik lamang kami sa loob ng sasakyan buong byahe, nasulyapan ko pa si Elton na tinitingnan si Am na katabi ni Ezzy mula sa salamin. Si Am naman ay tulog at nakasandal sa balikat ni Ezzy. Pati si Marj ay nakatulog na rin sa balikat ko.
Wala akong makausap kaya napatingin ako sa dinaraanan namin. Hindi ko napigilang isipin ang nangyari kanina bago kami umalis patungo sa cafe.
“Marj I know you can stand on your own but please ija always remember to take  care of yourself, may maga-alala sayo.Tapusin mo ang lahat anak, naniniwala ako sayo.”
“This is the first time that I won't see my baby for a long time. Magiingat ka doon huh? Lalo na sa mga boys.” Mom of Amirah said.
“Sam, you're being to impulsive sometimes but please be wise and always observe every step of the way. Hindi lahat ng daraanan mo ay tuwid at walang nakausling kahit anong bagay na ikapapahamak mo. Take care of yourself,anak.”
Lahat sila maganda ang sinabi bukod sa nanay ni Ezzy na si Tita Bea. Parang ayaw niya pa payagan si Ezzy na umalis, mag-aaral lang naman kami pero alalang-alala siya.
Pero mas ang hindi ko maintindihan ay ang pagkausap ng mga magulang namin kay Ezzy. Lahat ba naman kami ay hinabilin sa kay Ezzy.
Ano Wonder Woman ang ganap?
“Ezzy, I know you're such a good friend at matalino ka. Sa kanilang tatlo ikaw itong palaging maayos mag-isip at hindi padalos-dalos kaya huwag mo sila pababayaan.Malaki ang tiwala namin sayo.”
Ezzy just smiled and didn't utter a word.Maybe she's pressure, I know how she hate compliment from people.
Looking outside while traveling makes my system calm. Pero alam ko may isang bagay na hindi ako tatantanan.
Ang aking kuryosidad.
Sumulyap ako sa unahan, gan'on pa rin ang ayos ni Elton. Pasimpleng nakatingin sa direksiyon nila Am at Ezzy.
I decided to take a nap but when I closed my eyes my curiosity poured me with so many questions that is hard to answer.
What's behind those numbers?
What will happen to us in Royal Academy of Moloch?
What should we expect from that strange school?
Bakit hindi saklaw ng gobyernong ang eskwelahang 'yon?
Ilang sandali pa nang nagmulat ako, papasok kami sa isang madilim na lugar. Siguro isang garahe sa ilalim ng isang company. Sobrang dilim ng lugar at tanging ilaw ng kotse lang ang nagbibigay liwanag.
Nang tumigil ang sasakyan ay sinenyasan ako ni Elton na bumaba pero bago iyon ginising muna namin ni Ezzy si Marj at Am.
“Let's wait here.”
Pagkababa ng sasakyan ay ang tanging nagbigay liwanag lamang sa amin ay ang mga ilaw na patay-sindi.
Okay, medyo creepy siya.
Maya-maya tumunog ang isang bagay sa kung saan. Pagtingin ko sa isang direksiyon ay nakita ko ang dalawang lalaki na lumabas sa isang elevator.
The two person are in a formal attire and of course in all black. Nang lumapit ito sa amin ay naramdaman ko ang kamay ni Marj sa braso ko.
“Hi,” napalunok ako sa lalim ng pagbati ng isang lalaki na hula ko ay nasa kwarenta na ang edad. Kapansin-pansin ang peklat na dalawang linya sa kaliwang pisngi na nagmukhang krus.
“This is Mr. Santi Santiago, may-ari ng eskwelahan, beside him is Mr. Davis, namamahala sa eskwelahan, our beloved dean. Sir, these girls are the new students of RAM,” saad ni Elton.
Ngumiti ang dalawang matanda sa amin, humakbang pa ang isa sa mga ito. Dahil sa aksiyon na iyon parang bumaon ang kuko ni Marj sa braso ko. I don't know why. Is she afraid or what?
“Hi, let me introduce myself to you, young ladies. I am Dr. Santi Santiago, a scientist. I hope you enjoy your stay in my school.”
Dahil walang nagsalita sa amin nagdesisyon akong lakasan ang loob ko. Hinawakan ko ang kamay ni Marj na nasa braso ko bago alisin iyon.
“Hi Dr. Santiago, I'm Samantha Lovely Buenavidez,” inabot ko ang aking kamay at nakangiti niyang tinanggap iyon.
“Hi Sammy, oh sorry, can I call you Sammy?”
Ngumiti ako at parang nawalan ng pangamba dahil sa maayos niyang pakikipag-usap. Hindi rin kasi nawawala ang ngiti niya sa kaniyang labi at mukha naman siyang mabait.
“No worries Sir, I think my friends is uncomfortable so let me introduce them. This is Marj Keiren Tenesse,”tinuro ko si Marj na hindi man lang humakbang para makipagkamay, nanatili siya sa kaniyang pwesto at nagpilit ngumiti.
“Behind her is Amirah Janica Relacion and Ezra Clarrise Montrello.”
I heard Dr. Santiago chuckled, for I don't know the reason why.
“Don't worry ladies I won't bite.”
Ilang sandali ang lumipas at inobserbahan ko lang sila. May pinaguusapan sina Elton at ang dalawang matandang lalaki malayo sa amin. Hindi ko lang kasi maintindihan, may sinasabi sila at base sa narinig ko na may paparating daw at kailangan nilang maghanda.
“Girls,” lumapit muli sa amin si Dr. Santiago. Nakangiti na ulit ito hindi gaya kanina na sobrang seryoso habang nakikipagusap kay Elton. Tiningnan ko si Elton na medyo malayo sa akin at nakatingin na naman siya kay Am.
“Let me tell you my only advice once you enter my school,” sumulyap ako kay Dr. Santiago. Hindi ko alam kung ngisi ba o ngiti ang kumurba sa labi ng matanda. Parang hindi naging maganda ang pakiramdam ko roon, maging sa pagsasalita niya ay parang may nag-iba.
Sana lang mali ako.
“DON'T LET YOUR CURIOUSITY DRIVES YOU.”
Beat.
I don't know how, but my heartbeat is too fast than the usual.It was just a words, an advice but why it sounds  like a warning. Napalunok ako nang tumango si Dr. Santiago kay Elton bago magpaalam sa amin.
When he turned his back to us I can't stop myself asking things about him. Again, my mind is making different questions about Dr. Santiago.
'Yan ka na naman Sam, kakasabi lang e.
Hindi na talaga ako magtataka kung mamatay ako dahil sa kuryosidad ko. Minsan kasi hindi na talaga makontrol, nakalakihan ko na kasi.
This is what the idea, when we used to do some things, it's hard to stop it. Masyado tayong nasanay at ang hirap iwasan ng isang bagay na nakasanayan na kahit pa nga hindi maganda ang maidulot sa atin pagdating ng panahon.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    Macrina Ladura

    ganda nito pag masdan

    31/08/2024

      0
  • avatar
    Algrace Abian

    Butterflies in the stomach

    20/08/2024

      0
  • avatar
    USNANALSON

    love 💕💕💕💕💕💕💕💕💕 I love the same as last week of the year teh welcome and I hope you too and I hope I get a great day today I love you fjfjtjtitit the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdidzmbxrdmhxiysjTvsitdkhdyodlbst I think I have a great idea 💡 I love I love you too and I think we need anything let me know and I'll let you know you have a lot to Zamboanga 🫡😀💎😀💎💎😀🫡💎😡😥😟 how much I owe child to the house now y y the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdi

    01/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata