Elton

“Wala pa ba?”
Napairap ako sa kawalan dahil sa pagtatanong ni Marj, narito kami ngayon sa Blates Garden, isang cafe kung saan kami susunduin ng tao na magdadala sa amin sa academy.
Isang linggo ang aming pinalipas para pag-isipang mabuti ang desisyon namin. Binigay ng academy ang rules nila, bawal ang cellphone dahil daw magiging hadlang iyon sa maayos naming pag-aaral.Well reasonable naman para sa akin at sinabi nila na puno naman daw sila ng resources sa eskwelahan nila kaya walang problema pagdating sa pag-aaral. Kaya naman mabilis kaming nagsign-up sa private website nila para mag-enroll.
“Sam, can I have your cake? Hindi mo kasi ginagalaw.”
Napangiwi ako sa katakawan ni Am, kalahating oras na kaming narito at dalawang beses na siyang um-order hindi pa rin nabubusog.
Imbis na magreklamo ay mabilis ko nalang iniisod ang platito na may lamang ube cake sa aking harapan dahil katapat ko lamang naman siya.I'm okay with my drink anyway. Sumulyap ako kay Ezzy na nakatuon ang magkabilang siko sa lamesa at nakatungo.
Mula pa kanina ay wala siyang imik sa amin pero hinayaan na lamang namin.
“Alam niyo ba, narinig ko lang ang may-ari ng cafe na 'to ay twenty-one palang.” Tumingin ako kay Amerah, kusang tumaas ang kilay ko nang makita kung gaano kaamos ang kaniyang mukha. Halata sa katawan niya na magana siya kumain, maliit siya at medyo chubby pero para sa akin sakto lang. Cute siya at sobrang inosente.
“Ano namang pakialam namin sa may-ari ng cafe na 'to, Am?” Napailing ako sa kamalditahan ni Marj pero hindi man lang nasaktan o naoffend si Am. Sanay na talaga kami sa ugali ng isa't isa.
“Ikaw hindi interesado pero para sa akin, the best siya. Look,” may tinuro siya sa kung saang sulok kaya nilingon namin 'yon. Nakita namin ang isang babae na nakaupo sa isang mesa kaharap ang laptop na kulay abo. Nakasuot ito ng salamin at sobrang linis tingnan. Morena at naka-bun ang buhok pero may ilang nahuhulog sa mukha.
“Siya 'yan. Siya si Gabriella, I heard that she's a law student. Ang galing lang, may business na siya nag-aaral pa. Mukha siyang nice,” tiningnan ko ang babae at mukha ngang may sinasabi sa buhay. Kapansin-pansin ang pagiging seryoso nito sa mukha at parang hindi man lamang yata ngumingiti.
“Nakakatakot ka Am, biruin mo ang dami mong alam tungkol sa kaniya.” Natawa ako sa sinabi ni Marj pero agad akong napatitig sa babae lalo na nang may pumasok na isang lalaki sa cafe. Napansin ko na sumulyap siya sa direksiyon namin bago lapitan ang babae.
“Sa lalaking 'yon, wala kang alam?” Pinigilan kong matawa sa tanong ni Marj. Nakakita lang ng lalaki ay naging interesado na.
“Ah, yan? Si Cavin 'yan. I heard they're besties.”
“Friends without benefits?” Nanlaki ang mata ko sa binulong ni Marj.
“Marj, kung ano-ano iniisip mo.”Suway ko pero tumawa lamang siya kaya napailing-iling nalang ako. Sumulyap ako kay Ezzy na tahimik pa rin.
Wala ba siyang balak mag-salita?
Hindi namin nalaman ang ibig sabihin ng mga numero pero tinago ko ang papel kung saan nakasulat ang numerong nasaksihan namin. Nagdesisyon ako na dalhin iyon dahil handa rin akong magbaka-sakali na mahanap ang sagot sa tanong ko. Siguro magtatanong-tanong nalang ako at magiimbestiga sa loob ng eskwelahan.
Gusto ko matawa sa naisip ko, bakit naman parang agent ako umasta? Siguro tama si Am,baka wala lang talaga ang numero pero mas mainam ng huwag magpakampante.
“Oh.My.God.”
Napatingin ako kay Am na kaharap ko at katabi ni Ezzy, hindi siya sa akin nakatingin at hula ko sa aking likuran. Nakatalikod kasi ako sa entranda ng cafe na may dingding na salamin.
Naiwan ang tinidor sa ere na may lamang cake. Gusto ko batukan si Am dahil pati ang bibig niya ay naiwang nakanganga at may pa-tulala effect pang kaartehan siyang nalalaman. Gusto ko iharap sa kaniya ang salamin kung gaano siya kadumi. May mga icing pa kasi sa gilid ng labi, parang hindi babae.
“Anong problema niyan?”  naiiritang tanong ni Marj na hindi ko naman nilingon.
“Behind you,” napailing kami ni Marj dahil kami lang namang dalawa ang nakatalikod sa pinto. Parehas kaming lumingon at halos malaglag ang panga ko sa nakita.
May itim na itim na limousine na nakaparada sa labas ng cafe, kumikintab pa nga 'yon dahil sa sinag ng araw na tumatama roon. Dito sa probinsiya bibihira ang ganiyang magarang sasakyan at wala naman akong kilala na sobrang yaman dito sa bayan na maaaring magmay-ari ng sasakyang gaya niyon.
Ilang sandali ang lumipas nang lumabas ang dalawang tao mula sa magarang sasakyan.
Ang isa ay may katandaan na at ang isa ay matangkad na lalaki na may maayos na hubog ng katawan. Gaya ng kanilang sasakyan itim na itim rin ang kanilang kasuotan. Hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging reaksiyon ko.
“Wow,” hindi ko pinansin si Marj, alam ko na hindi siya sa sasakyan humahanga kundi sa lalaki na nakaharap ngayon dito sa lugar namin.
He gestured the old man to wait inside the limousine I guess and after a minute my eyes fixated on him that started walking towards our direction. After he pulled the glass door of the coffee shop his eyes darted on our table.
I gulp after he took off his wayfarer, he looks so hot in all black. Only the collar of his long sleeves inside the black tuxedo is different.
When our eyes met I don't know why I feel the electrifying feeling down my spine. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko maalis ang titig sa lalaking iyon.
Kitang-kita ang maputing kulay niya sa suot niya at mahihiyang tumabi kaming dalawa ni Am dahil parehas kaming mamaliitin ng lalaki dahil sa height namin.
“New student?”
Ilang sandali ang lumipas at walang nagsalita sa amin.Napakalalim ng boses ng lalaki at parang hindi man lang marunong ngumiti.
Swabe niyang inilabas ang cellphone mula sa itim na slacks na suot. Nakatuon ang atensiyon niya sa kaniyang gadyet at parang may hinahanap dahil kumunot agad ang noo.
Nang mag-angat siya ng paningin ay tumama iyon sa aking direksiyon, hindi ko tuloy naiwasang alisin ang paningin sa kaniya.
Bakit ba kasi ganiyan tumingin, Kuya?
“I'm Elton, ako ang maghahatid sa inyo sa academy. Sino sa inyo si,” sumulyap siya sa kaniyang cellphone bago tumingin ulit sa akin.“Marj Keiren Tenesse?”
Ngumiwi ako nang biglang tumayo si Marj at hinawi pa ang buhok patungo sa likuran.
Lalandi na naman ang hayop!
“Hi, I'm Marj Keiren Tenesse.” Ngumisi ako nang tingnan lang ng lalaki ang kamay ni Marj na nakalahad. Sumulyap ako sa kaibigan ko  at napapahiya niyang binawi ang sariling kamay.
Lalandi nalang kasi doon pa sa hindi man lang yata alam kung paano ngumiti.
“Samantha Lovely Buenavidez,” tinaas ko lamang ang aking kamay at kaunting sulyap lamang ang tinapon niya sa akin.
Sungit.
“Amirah Janica Relacion?” tanong niyang muli.
Tiningnan ko ang lalaki at hindi ko napigilang mapakunot ang noo nang kakaibang titig ang pinakawalan niya kay Am. Sumulyap ako sa aking harapan at nahihiya si Am na nag-iwas ng tingin. Kinagat ko ang ibaba kong labi para pigilan ang pagtawa, paano ba naman kasi naroon pa rin ang icing sa labi niya.
After a seconds I heard him cleared his throat.
“Ezra Clarrise Montrello,” sumulyap ako sa lalaki. Titig na titig siya kay Ezzy na tinaas ang kamay pero nanatiling nakayuko habang kinakatok ng daliri ang mesa.
Mukhang naglalayag na naman ang isip ng isang 'to sa kung saang lupalop.

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    Macrina Ladura

    ganda nito pag masdan

    31/08/2024

      0
  • avatar
    Algrace Abian

    Butterflies in the stomach

    20/08/2024

      0
  • avatar
    USNANALSON

    love 💕💕💕💕💕💕💕💕💕 I love the same as last week of the year teh welcome and I hope you too and I hope I get a great day today I love you fjfjtjtitit the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdidzmbxrdmhxiysjTvsitdkhdyodlbst I think I have a great idea 💡 I love I love you too and I think we need anything let me know and I'll let you know you have a lot to Zamboanga 🫡😀💎😀💎💎😀🫡💎😡😥😟 how much I owe child to the house now y y the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdi

    01/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata