"I told my mom about that, I'll accept their offer and she agreed to me." Napatingin ako kay Marj nang sabihin niya iyon, ngayon ko lang nakita ito tapos siya ay nagdesisyon na agad. Hanep ah! Saka nag-isip ba siya bago mag-decide? "Ako rin, sinabi ko kay Mommy at Daddy. Sabi nila bakit hindi ko raw subukan mukha raw kasing maganda ang eskwelahan kaysa sa dati kong pinasukan." Maganda? Seriously? Paano naman nila nasabi ‘yon? Hay, hindi ko na lang alam kung paano ang magiging reaksyon ko kay Am. Mula sa pagiging seryoso kanina ay naging magaan ang itsura nito na para bang siguradong sigurado talaga siya sa desisyon niya. Sumulyap ako kay Ezzy na nakayuko, nagdesisyon na sila Marj at Am kami na lang dalawa ang hindi pa. Ngayon ko lang nalaman na may nage-exist palang ganoong eskwelahan. At sa totoo lang ang malaman na may gano'n palang school ay kumikiliti sa aking kuryosidad. Ano kayang pakiramdam kung mag-aral sa walang patakaran at libre lahat, no? Siguro ang sarap lalong mag-aral at pumasok. Pero kahit na masyadong misteryoso ang eskwelahan na ‘yon. "Ayoko sumama," napatingin kaming lahat nang sabihin iyon ni Ezzy. Sa paraan niya magsalita parang sigurado na siya at desidido na sa kaniyang desisyon. "Akin na ang card, Sam!" Nagtataka man ay inabot ko ang invitation card sa kaniya. Nagulat nalang ako nang tumayo siya at tumingin sa amin isa-isa. "Follow me," tumalikod siya at pumasok sa silid-aklatan namin. Nagkatinginan kaming tatlo pero agad ding sumunod kay Ezzy nang ipasarado niya ang pinto ng library namin sa bahay. Mabilis din niyang ibinaba ang kurtina at hinarap kami. "Lights off.” Nagkatinginan kami ni Marj at walang ideya sa kung ano ang iniisip ni Ezzy. Sa ngayon ang hirap niya talaga hulaan. Lumipas ang sandali at walang kumilos sa amin, nakatitig lamang kami kay Ezzy. Sa huli napabuntong-hininga si Ezzy at siya na ang nagpatay ng ilaw, dumilim tuloy ang buong paligid. "Look at this," naaninaw ko si Ezzy pero mas lalo akong natigilan nang makita ang umiilaw na bagay sa card. Hawak niya iyon at nakaharap sa amin. Ang kaninang logo ng RAM na nakasulat sa gintong tinta ay naging tila pulang umiilaw. Pero mas lalo akong nagtaka sa mga numero na lumabas sa gilid ng card na hindi ko naman kanina nakita. "Kung sa liwanag hindi makikita ang mga numero, because they used a glow in the dark ink. Masyadong matalino ang pinagmulan ng card na ito. They give clues but it is hard to understand! At tanga lang ang hindi makakapansin nito at basta-basta papasok sa eskwelahan na ‘yon." Tiningnan ko ang mga numero sa gilid ng black card. Ilang sandali pa at binuhay muli ni Ezzy ang ilaw. "I list all the numbers, here!" Inabot niya ang isang maliit na papel sa amin. I tried to process everything, masyadong matalino si Ezzy pero hindi ko alam na pati ang ganitong bagay ay madidiskubre niya. "What does it mean? Is that a code?" Naitikom ko ang aking bibig dahil nauna nang magtanong si Marj. Walang bahid ng kung anong takot o pag-aalinlangan ang kaniyang tono. "I tried to cracked it but I can't, hindi ko maintindihan kung anong code ang ginamit nila." "Baka naman numero lang 'yan tungkol sa eskwelahan, like parang school number ganon!" Umiling ako sa sinabi ni Am at kinuha ang papel na hawak ni Marj kung saan nakasulat ang numero. Kahit ako hindi ko maintindihan kung ano ba ang meron sa numerong iyon. "I doubt it, if this is nothing bakit kailangan gawing curious ang estudyanteng makakakita at isa pa bakit sinulat sa ganitong paraan? Parang ayaw ipakita pero sinulat dito, ah ang gulo huh?! Napahawak ako sa aking noo dahil sa kakaisip. Parang nakakahilo naman. Tumingin ako kay Ezzy bakas sa itsura niya ang kuryosidad tungkol sa black card at eskwelahan. Hindi ko siya masisisi, maging ako man ay nagsisimula nang maintriga tungkol sa eskwelahan na iyon. "Black shade symbolizes negative and darkness. I'm sure there's something about the black card and the numbers." Sa totoo lamang may punto siya pero may parte pa rin sa isip ko na gusto ko alamin ang totoong impormasyon sa mga bagay na nasaksihan namin. "Still I won't change my mind, tutuloy ako roon, I need to graduate. Bahala kayo kung ayaw niyo!” Natigilan ako sa sinabi ni Marj, kaya naman napatitig ako sa kaniya. Sa itsura niya parang hindi na talaga siya papapigil. At tama nga ako dahil tinalikuran kami ni Marj at lumabas ng silid-aklatan. Tinawag ko pa siya pero hindi niya na ako nilingon pa. Nagkatinginan tuloy kami nila Ezzy at Am. Ezzy heaved a sigh before looking at me. "We can't leave Marj behind, if one of you will go then I'm also in. Hindi ko kayo pwedeng talikuran." She tapped my shoulder and held Amerah's hand. “Walang iwanan, I'll be going now, I’ll talk with Mom about this. I will do everything to understand the code, if it is really a code." Umalis si Ezzy at naiwan kami ni Amerah sa silid-aklatan. Matapos niyon ay inulan ako ng tanong mula kay Am, sa aming lahat siya itong sobrang inosente pagdating sa mga bagay-bagay sa mundo. Matalino pero pagdating sa mga twist na meron ang buhay hindi siya makasabay. "Ezzy is right, papasok ako roon. Pray nalang tayo na walang masama sa eskwelahan na 'yon." She said and smiled at me I just nodded before she bid a goodbye. *** Confusion swallowed me as I was looking at the black card for the whole time. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa papel na may numero at sa black card. Nakahiga ako sa kama ko ngayon habang nakatitig sa card at papel na binigay ni Ezzy. I read the numbers and try to understand it but still I can't find what's the meaning behind it. 3(21)(18)9(15)(19)9(20)(22)→(12)5-1-4(19)→(20)(15)→4-5-1(20)8. Tinitigan ko ang numero at pilit iyong tinatatak sa isip ko. If this is really a code I need to decipher it as soon as possible. Hindi ako pwedeng makampante, oo tutuloy ako dahil ayaw ko sila talikuran pero hindi ako pwedeng mapanatag ang loob, lalo pa ngayon na may bagay na hindi ko maintindihan. Maraming tanong sa utak ko, the name of the school, the strange school itself, the black card and the numbers in the dark. What's with them? Anong tinatago nila? These things hit my curiosity at kapag nagpatuloy paniguradong hindi na naman ako makakatulog ng maayos dahil sa mga isipin na iyon. Ilang sandali pa ang lumipas bago ko pa naisipan magpahinga, itinago ko ang card at papel sa drawer ko. Dahil sa pagod kanina ay agad naman akong nakatulog. *** Napamulat ako nang maramdaman ang paghaplos ng kung sino sa aking buhok. Napakusot-kusot pa ako sa aking mata para maaninag ang taong iyon. Napangiti naman ako nang makita si Mommy na nakangiti sa akin. “Mom,” dahan-dahan akong umupo sa kama bago ayusin ang buhok. “Anong oras na po? Napaaga naman yata ang uwi niyo.” “Yolly called me, sabi niya sa akin mukhang may problema raw kayo ng mga barkada mo.” Dahil sa sinabi niya ay naalala ko ulit ang tungkol sa offer na natanggap ko. “Mom, papayag ka po ba kung papasok ako sa RAM?” Kumunot naman ang noo niya na inasahan ko na agad. Napagakagat ako sa labi, iniisip kung tama bang itanong sa kaniya ‘yon. “What kind of school is that?” “Academy, Mom.” Binasa ko ang labi ko bago tumingin sa kaniya.“Papasok doon sila Am at Marj, Mommy. Ayoko mahiwalay sa kanila.” Ngumiti naman siya sa akin nang sabihin ko iyon. I'm sorry, Mom. Hindi lamang iyon ang rason. “Kung gusto mo magkasama pa rin kayo, it's okay for me sweetie. Stay in ka ba? Or malayo ba 'yang school na 'yan? At paano si Ezzy? Hindi ba siya kasama?” “She still needs to talk to her parents pa po pero base sa information po, yeah stay in po kami. But don't worry Mom, libre lahat.” “Okay, I'll talk to your dad about that. But if he agrees with me, just know your limit okay? First time mong magsosolo, make sure na pag-aaral lang. Pwede ka naman makipag-relasiyon pero---” “Mom, wala pa po 'yan sa utak ko. I'm just sixteen.” Tumawa ako at ngumiti lamang naman siya. “I know, pero malay natin may gwapo diyan sa eskwelahang papasukan mo. Just know your limit, anak.” Natawa naman ako bago siya yakapin. She's the best mother for me.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (9)
Macrina Ladura
ganda nito pag masdan
31/08/2024
0
Algrace Abian
Butterflies in the stomach
20/08/2024
0
USNANALSON
love 💕💕💕💕💕💕💕💕💕 I love the same as last week of the year teh welcome and I hope you too and I hope I get a great day today I love you fjfjtjtitit the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdidzmbxrdmhxiysjTvsitdkhdyodlbst I think I have a great idea 💡 I love I love you too and I think we need anything let me know and I'll let you know you have a lot to Zamboanga 🫡😀💎😀💎💎😀🫡💎😡😥😟 how much I owe child to the house now y y the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdi
ganda nito pag masdan
31/08/2024
0Butterflies in the stomach
20/08/2024
0love 💕💕💕💕💕💕💕💕💕 I love the same as last week of the year teh welcome and I hope you too and I hope I get a great day today I love you fjfjtjtitit the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdidzmbxrdmhxiysjTvsitdkhdyodlbst I think I have a great idea 💡 I love I love you too and I think we need anything let me know and I'll let you know you have a lot to Zamboanga 🫡😀💎😀💎💎😀🫡💎😡😥😟 how much I owe child to the house now y y the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdi
01/07/2024
0Tingnan Lahat