NAKARAAN ang dalawang linggo at ang daming nangyari, sunod-sunod ang na-drop out. At hindi gaya noong una,ngayon ay parang hindi na iyon bago sa akin. Hindi na nakakatakot ang salitang kamatayan o kapahamakan. At isa pa hindi ko na nasilayan ang ni isa sa mga anak ni Dr. Santiago. Minsan nga napapaisip din ako kung nagpaplano ba silang lahat. Nawalan din ako ng pagkakataon na sabihin kina Ezzy ang nalalaman ko dahil parang naglaho ang kung anong bagay sa pagkakaibigan namin. Madalas ay abala si Ezzy sa pag-aaral, naging malamig sila Am at Marj. Magkakasama man kami pero bihira kaming magkausap. Hindi ko naman magawang magtanong kung may problema ba. At kung magtanong man ako hindi rin naman siguro ako sasagutin. Basta ang alam ko nawala ang magandang komunikasiyon na meron kami. Kasalukuyan akong abala sa pagsasagot ng assignment dahil Linggo naman ngayon. Tanging si Am lamang ang kasama ko ngayon na kasalukuyang mahimbing ang pagkakatulog. Uminat ako sandali nang basahin ang essay na ginawa ko.Kagabi ko iyon sinimulan at dahil medyo may kahirapan ay hindi ko kaagad natapos. Inuna ko rin kasi iyong takdang-aralin ko sa matematika. Nagdesisyon akong magpahinga sandali kaya naman nagtungo ako sa mini kitchen para magtimpla ng gatas.Habang hinahalo ang gatas ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. “Ezzy, huwag na.” Kumunot ang noo ko nang marinig si Marj.Agad kong nilapag ang baso na may gatas sa lababo nang pumasok sila ni Ezzy sa kinaroroonan ko. Napaatras ako nang makita ang mata ni Ezzy na galit na galit.I was so stunned when she grabbed my left arm. Nasaktan ako dahil sa higpit ng hawak niya roon. “Why, Sam? Why didn't you tell us?!” Niyugyog ni Ezzy ang balikat ko kaya napuno ako ng takot. Hindi ko pa man alam ang dahilan ng galit niya pero natatakot na ako kaagad. “Ezzy, calm down.” “Shit!” Binitiwan niya ako at tinalikuran bago sinapo ang tuwid niyang buhok. Halata ang inis sa aksiyon niyang iyon at alam ko na hindi basta-basta ang nakalap niyang impormasiyon tungkol sa akin. “Why Sam? Bakit hindi mo kami sinabihan? Bakit mo tinago 'yon?” si Marj na ang nagtanong sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko sila maintindihan. Natatakot ako sa susunod niyang sasabihin kahit pa mas kalmado siya kesa kay Ezzy. “What is happening here?” Tumingin kaming lahat sa entranda ng maliit na kusina. Walang sumagot sa tanong ni Am, ako naman ay napayuko. “Kailan mo balak sabihin, Sam? Kapag nasa loob ka na ng maze? Kapag sasabak ka sa hunting game?” Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig iyon mula kay Ezzy. Kaagad akong napatitig kay Ezzy na halatang iritadong-iritado.Ngayon alam ko na kung saan nanggagaling ang inis niya. Naintindihan ko na ang nakatagong emosiyon sa kabila ng ginawa niya kanina. “I'm sorry, it's just that...” Hindi ko alam kung paano sisimulan, nakahawak pa ako sa aking braso at hinaplos iyon.“Ayaw ko kayong mag-alala para sa akin.” “Teka, ano bang nangyayari?” tanong ni Am na walang kaide-ideya sa nasaksihan nila Ezzy tungkol sa akin. “She's going to be the prey in hunting game.” Malamig na saad ni Ezzy at hindi ko naman siya matingnan ngayon. “What?” “Sam!” Mabilis na tumakbo si Am sa kinatatayuan ko.Muntikan pa akong mabuwal sa pagkakatayo dahil sa biglaang pagyakap niya sa akin.“Ezzy, what are we going to do now?” baling niya kay Ezzy nang pakawalan niya ako. “I don't know. Bukas na ang hunting game at wala na tayong magagawa.” “What?! Hahayaan natin si Sam, Ezzy?” For the first time, nagtaas ng boses si Amerah kay Ezzy. Hindi ko iyon inaasahan at nabakas ko sa itsura ni Ezzy ang pagkabigla. “This is all her fault, tinago niya sa atin.” Para naman akong namanhid sa narinig mula kay Ezzy. Napuno tuloy ng katahimikan ang paligid. Parang may kakaiba sa ngayon, parang may kung anong mali. “Naglihim siya sa atin at ngayon gusto mo na iligtas natin siya, Am? Siya nalang ang makakapagligtas sa sarili niya.” Hindi ko na napigilang mapaluha nang talikuran kami ni Ezzy bago umalis. Mabilis ding sumunod sa kaniya si Amerah. Napaatras ako dahil sa panghihina, nasaktan ako sa sinabi ni Ezzy. Sa panahon ngayon na kailangan ko ng lakas para sa paparating na hunting game hindi ko inaasahan na tatalikuran ako ng isang taong inaasahan ko na unang maga-alala para sa akin. “I think she...she's just worried, Sam. Please, intindihin mo nalang si Ezzy.” Umiling ako at napaupo sa sahig dahil naging sunod-sunod na ang patak ng aking luha. Pilit kong inintindi at inamin ang pagkakamali ko dahil tinago ko ang totoo pero masakit pa rin. Tumatak sa puso't isip ko ang mga salitang binitiwan ni Ezzy. Sinadya man niya o hindi, nag-iwan iyon ng malaking sugat sa puso ko. Bakit ngayon niya pa ako tinalikuran? Bakit ngayon pa? ‘Siya nalang ang makakapagligtas sa sarili niya.’ “Ezzy,” napahagulgol ako sa aking palad at para akong bata na umiiyak. Parang may dumagan sa aking dibdib at bumikig sa aking lalamunan. Nahihirapan ako sa paghinga dahil sa patuloy na pagluha. Naramdaman ko ang bisig na nagkulong sa akin habang umiiyak ako pero hindi pa rin ako huminto. Patuloy ang aking luha sa paglabas at hindi pa rin humuhupa ang sakit. Hindi ako takot mamatay pero parang ang laking dagok sa akin nang nangyari. Ngayon pa, sa sitwasiyon ko tinalikuran ako ni Ezzy. “Shhh, tahan na.” Inalalayan niya akong tumayo at pinainom pa ng tubig bago inihiga sa kama. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak dahil hindi ko na iyon makontrol. Nagtaklob ako ng kumot at patuloy sa pagsinghot.Nararamdaman ko pa rin ang paninikip ng aking dibdib bagaman kahit paano bumagal ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. “Magpahinga kana, kailangan mo ng lakas para bukas.”Naramdaman ko ang kamay ni Marj sa aking balikat kahit pa nakataklob ako ng kumot. “Please Sam, kung kailangan patayin mo ang predator sa game gawin mo. Dahil hindi siya magda-dalawang isip na tapusin ka.” Dahil sa sinabi ni Marj bigla-bigla ring tumigil ang luha ko. Bukas na ang hunting game at matira na lamang ang matibay sa larong iyon. Buhay sa buhay, Sam. Tama silang lahat, papatay ka o mamamatay ka? Ito na 'yung sinasabi nila na noon ay hindi ko pinaniwalaan. I have to do this, I have to kill someone to save my life. Dahil sa kakaisip ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lamang ako dahil sa konting ingay.Bumangon ako at nakita silang tatlo na nasa paanan ng kamang hinihigaan ko. Napatitig ako kay Ezzy na blangko lamang ang tingin na binigay sa akin. Tinalikuran niya ako at pumasok sa kusina,bumalik naman siya agad dala ang isang tasang gatas.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (9)
Macrina Ladura
ganda nito pag masdan
31/08/2024
0
Algrace Abian
Butterflies in the stomach
20/08/2024
0
USNANALSON
love 💕💕💕💕💕💕💕💕💕 I love the same as last week of the year teh welcome and I hope you too and I hope I get a great day today I love you fjfjtjtitit the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdidzmbxrdmhxiysjTvsitdkhdyodlbst I think I have a great idea 💡 I love I love you too and I think we need anything let me know and I'll let you know you have a lot to Zamboanga 🫡😀💎😀💎💎😀🫡💎😡😥😟 how much I owe child to the house now y y the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdi
ganda nito pag masdan
31/08/2024
0Butterflies in the stomach
20/08/2024
0love 💕💕💕💕💕💕💕💕💕 I love the same as last week of the year teh welcome and I hope you too and I hope I get a great day today I love you fjfjtjtitit the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdidzmbxrdmhxiysjTvsitdkhdyodlbst I think I have a great idea 💡 I love I love you too and I think we need anything let me know and I'll let you know you have a lot to Zamboanga 🫡😀💎😀💎💎😀🫡💎😡😥😟 how much I owe child to the house now y y the song à raursrusl rEyRsruzutsrushdRusgmsdvmddihdi
01/07/2024
0Tingnan Lahat